Chapter 10: Murder 3

3707 Words
Kieyrstine Lee's POV "Bilisan mo riyan at magsasarado na kami." halos mapatalon ako sa gulat nang biglaang pumasok ang manager ng restaurant sa kusina. "Opo. Patapos na po." walang gana kong sabi at agad na binilasan ang paghuhugas ng mga plato. Tsk! Kung hindi lang umalis ang hinayupak na iyon edi sana wala ako rito ngayon. Aish! Nakakagigil talaga ang hayop na 'yun! Ang sakit-sakit pa ng sugat ko. Para akong maiiyak kanina habang tinitignan ang tambak na mga plato na nagkalat rito sa kusina. Naisipan kong ibayad sana itong kwintas na suot ko pero ayaw naman nilang tanggapin baka raw peke tsk! "Natapos ko na po lahat sir." Nakayuko kong sabi pagkalabas ng kusina. Inis naman niya akong nilingon at tinapunan ng masasamang tingin. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at kinuha yung apron na hawak ko. "Oh siya, makakaalis ka na. Pasalamat ka't maawain ako!" pasigaw niyang sabi sa akin at sinenyas pa ang daan palabas. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Waw? Maawain ka pa sa lagay na iyon?" bulong ko sabay irap sa kawalan. "Ano?" sigaw niya, hindi akalaing narinig niya yung ibinulong ko. Argh! Nakakarindi talaga ang boses ng baklang ito. Kanina niya pa ako pinagsisigawan lalo na nung malaman niyang wala akong maipambabayad sa mga kinain ko. Ba't ba kailangan niyang sumigaw? "Wala po sir sabi ko bakla kayo este maawain nga kayo." sabi ko at inis na umalis sa restaurant na 'yun. Padabog kong binuksan ang pinto nun saka pabagsak na isinara. Kagigil ang baklang 'yun ha! Kung makasigaw akala mo kay layo layo ng kausap niya eh magkaharap lang naman kami. Ang sarap isaksak sa baga niya yung apron na hawak ko. Aish! Napatingin ako kalsada at nakitang sobrang tahimik na ng paligid. Napabuntong hininga nalang ako nang mapansing wala nang masyadong dumadaan na sasakyan. Tumingin ako sa relos ko at napagtantong malapit na palang mag alas dose ng hating gabi. Woah! Kung ganoon isang oras akong naghugas ng plato? Naisipan kong maglakad nalang muna siguro habang wala pa akong nakikitang dumadaang taxi sa kalsada. Wala man lang akong dala-dala nung umalis ng bahay. Ang drama ko kasi. Napatingin ako sa kamay ko at hindi na ito nakabalot pa ng band aid. Tumambad sa akin ang namumula ko paring mga sugat at napunit ko pang balat sa mga daliri. Tinanggal ko kasi 'yong band aid no'ng maghugas ako ng mga plato kanina. Halos ilang beses na akong muntik makabasag ng mga pinggan dahil hindi ako makapaghugas ng maayos. Ang hapdi kaya lalo na pag nagsasabon ako nung mga plato. Hinipan ko ang mga kamay habang patuloy na naglalakad sa gilid ng kalsada. Anong itsura ang ihaharap ko kina Dad bukas? Napabuntong hininga ako sa naisip. Biglang bumalik sa isip ko yo'ng ginawang pagsampal Dad sa akin kanina. Pakiramdam ko biglang bumalik yo'ng sakit sa pisngi ko. Sobrang lakas ng pagkakasampal niya, halatang galit na galit siya sa ginawa ko. Ang bobo ko naman kasi. Tsk! Tahimik na akong naglakad habang patingin-tingin pa sa kalsada kung may mga dumadaan bang taxi. Maya maya lang ay isang nakakabinging sigaw ang narinig ko mula sa isang madilim na parte ng daan. Napahinto ako sa paglalakad at kunot-noong inaninag ang lugar na iyon. Tutuloy na sana ulit ako sa paglalakad nang bigla ko na namang narinig ang sigaw. S-shet! Bigla akong kinabahan sa naisip. 'Di kaya minumulto ako? Waaaa! Jusko naman, sana hindi. Binilisan ko ang aking paglalakad habang hawak hawak pa ang dibdib dahil sa tindi ng kabang idinulot nito sa akin. "Tulong! Tulungan ninyo---" muli akong napalingon sa madilim na parte na iyon. Mukhang hindi nga multo yo'ng narinig ko. May humihingi ng tulong. Napalinga-linga ako sa paligid ngunit wala talaga akong nakikitang tao o kahit sasakyan man lang na dumadaan para mapaghingan ng tulong. Isang na namang sigaw ang narinig ko at napakalakas na nito. K-kailangan kong tumulong. Kailangan kong tulungan kung sino man iyon. Iniyukom ko ang aking kamao, huminga ng malalim at saka naglakad papalapit sa bahaging na iyon. Jusko. Papikit at tahimik akong naglakad papalapit sa dalawang gusaling pinapagitnaan ang isang maliit na eskinita papasok sa kung saan. Mabilis akong napatakip sa aking bibig nang makita ang isang lalakeng binabalor ng maitim na kasuotan. Hindi ko siya makilala dahil sa nakasuot ito ng itim sa mask at itim na cap. Kitang-kita ko kung paano niyang walang awang sinaksak sa leeg ang babaeng walang malay na nakahandusay sa harap niya. Shet! A-anong nangyayari? Pigil-pigil ko ang hininga kong pinagmasdan siyang dahan-dahang ginilitan ng isang matalim na bagay ang may bandang dibdib ng babae. Nanginig ako sa takot, gusto kong takpan ang mga mata ko para hindi makita ang kaniyang mga ginagawa ngunit may nag uudyok sa aking pagmasdan ko ito. Muli akong napasinghap sa gulat nang may kunin ito sa bulsa niya at inilagay sa may batok nung babae. A-ano ang g-ginagawa niya? Nanginginig ang mga kamay at paa ko dahilan para hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na parang kahit anong oras ay hihimatayin ako sa gulat at kabang nararamdaman. Tagaktak ang pawis ko at sobrang bigat ng aking paghinga habang takip ko parin ang aking bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay. Dahan-dahan akong umatras palayo ngunit ilang hakbang pa lamang ay narinig ko nalang ang mga paa kong may natabig na mga bloken ng kahoy sa likod. Nanlaki ang mata ko at nang muli akong tumingin doon sa lalaki ay ganoon na lamang ang gulat ko nang nakatingin na ito ng diretso sa gawi ko. Taranta akong nagpalinga-linga sa paligid at naghahanap ng mapaghihingan ng tulong. Ngunit katulad kanina ay sobrang tahimik ng paligid. Ganoon na lamang ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko nang mapansin kong naglalakad na papunta sa kinaroroonan ko ang lalaki. Hawak hawak niya parin sa naka balot niya na kamay ang matalim na bagay na ipinangsaksak niya roon sa kaawa-awang babae. Makikita pa sa patalin ang mapupula at malapot na dugo na hanggang ngayon ay tumatagaktak sa sahig. Napatingin akong muli roon sa babae na halos hindi na maipaliwag ang itsura. Para itong hayop na k*****y dahil sa nagkalat na mga dugo sa sahig. Marahan kong inihakbang ang aking mga paa paatras habang nakatakip parin sa bibig at patuloy sa pag-iyak. Ngunit naramdaman ko nalang ang likod kong tumama sa isang pader. K-katapusan ko na b-ba? P-papatayin din ba ako ng lalaking ito gaya nung ginawa niya sa babae k-kanina. Napalunok ako nang mga limang hakbang nalang ay makakalapit na sa akin yung lalaki. Umiling iling ako habang pinipilit na idikit ang katawan sa pader na nasa likod ko. "H-Huwag po.. M-maawa ka." nakapikit kong sabi. Narinig ko ang mga hakbang niyang palapit ng palapit sa akin. Hindi na ako makahinga pa ng maayos sa takot. Parang ilang sigundo nalang ay babagsak na ako sa sahig dahil sa paghihina. Agad kong iminulat at aking mga mata nang marinig ang isang malakas na pagbagsak sa lupa. Nanlaki ang mata ko nang makita roon ang lalaking killer na nahihirapan pang tumayo. Tinignan ko ngayon ang lalaking naka sandong itim na nasa gilid ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil katulad nung killer ay naka cap rin ito. Natatabunan ng anino ng cap ang kaniyang mukha. Mabilis na tumayo ang lalaking killer at inambahan ng saksak ang lalaking nasa gilid ko, mabuti nalang at mabilis itong nakaiwas. Nagpasahan ang dalawa ng suntok sa isa't isa at napasinghap nalang ako sa gulat nang madaplisan sa tagiliran ang lalaking naka sando. Muli akong napatakip sa bibig at napaupo sa sahig. T-tulungan ninyo kami.. Mom.. D-Dad.. Unti-unting lumabo ang aking paningin at pakiramdam ko ay parang umiikot ang paligid. Napahawak ako s ulo ko at tuluyan na akobg napahiga sa sahig. Ngunit bago ako tuluyang mawalan ng malay ay isang kakaibang hugis rosas na tattoo ang aking nakita mula sa isa doon sa mga lalaking nasa harap ko. ------- "Kieyrstine, anak?" agad na lumapit sa akin si Mom nang magmulat ako ng mata. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napagtanto kong nasa ospital ako. Muli akong napaiyak nang maalala ang nangyari. Napahawak ako sa dibdib ko saka tahimik na humagulhol. "Shh.. Mom is here okay? No need to worry." sabi pa nito. Hinaplos niya ang buhok ko saka pinahiran ang mga luhang tumutulo sa mata ko. "Stop crying na." dagdag pa niya saka ko siya niyakap ng mahigpit. Bumukas naman ang pinto ng kwarto saka pumasok mula roon si Sheena na halatang alalang-alala nang makita ako. Agad siyang lumapit sa akin hinawakan ako sa balikat. "Ayos ka na ba?" tanong niya sa akin at mabilis naman akong umiling. "May dala akong saging." sabi niya at inilapag sa lap ko ang plastic na dala niya. Gaga talaga ang babaeng ito. Panira lagi ng moment. Hindi ko na siya pinansin pa at muli akong humiga sa hospital bed. "Maiwan ko muna kayo. I'll talk to the doctor outside." sabi ni Mom sa amin ni Sheena. "Sige po Tita Natasha ako na ang bahala kay Kieyrstine." nakangiting sabi pa nito at napairap nalang ako. Nang makalabas si Mom ay nirakrakan na niya ako ng tanong katulad ng inaasahan ko. Hindi ko talaga alam kung matutuwa ba akong nandito itong babaeng ito o hindi. "Wala ako sa mood na magkwento Sheena. Okay?" sabi ko at tumagilid para hindi makita ang pagmumukha niya. Lumipat naman siya sa kabilang kama na ikinainis ko. "Kahit yung suspense lang na part." sabi niya at nagpa cute pa sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Suspense mo r'yan mukha mo. Anong tingin mo roon sa nangyari movie?" inis kong sabi at muling tumagilid sa kabila. Lumipat naman agad siya. "Ano ba kasi ang nangyari? Bigyan mo nalang ako ng hint. Tsk! Pinuntahan pa kita di mo rin naman pala ako ku-kwentuhan." nakanguso niyang sabi. "So ako pa ang may kasalanan at nag abala kang pumunta rito ha!" inis kong sabi sa kaniya. "Eh kasi naloka kay Tita may pa sabi pang 'Sheena? Can you come here in the hospital? Kieyrstine needs you.' Aba'y syempre naloka ako nang marinig yung hospital. Akala ko tumalon ka na sa building at nagkabali-bali na yang buto mo." Gigil talaga ako sa babaeng ito. Aish! Nagulat nalang ako at agad na napabangon mula sa pagkakahiga nang pumasok sa kwarto sina Inspector Will kasama sina Sergeant Ibarra at Detective Phoenix. Kumunot ang noo ko at muling sumilip sa may pinto. Nasaan si Pakialamero? Teka, teka nga Kieyrstine! Bakit mo hinahanap iyong hinayupak na iyon? Tch! "G-good--" napatigil ako sa pagsasalita at hinanap ang orasan. "Morning." bulong ni Sheena sa akin. May silbe rin pala ang babaeng ito rito. "Good morning po Inspector." sabi ko saka yumuko. "Kumusta na ang lagay mo?" tanong nito at lumapit sa akin. Sumunod naman sa kaniya ang mg kasama niya. "M-medyo maayos na po." sagot ko saka ngumiti. "Nung ako ang nagtanong hindi raw. Tch!" bulong na naman ni Sheena at palihim kong kinurot ang tagiliran niya sa ilalim ng kumot. Leche talaga ang babaeng ito. "Mabuti naman. May mga itatanong lang kami sa iyo kung okay lang." sabi niya saka ngumiti sa akin. Nanumbalik sa akin ang kaba at takot nang maalala ang nangyari at nakita ko kagabi. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang mismo sa harap ko nangyari ang krimen na iyon. "Ayos lang ba sa iyo Kieyrstine?" tanong ni Sergeant Ibarra at agad naman akong tumango. "Alam mo ang peke mo talaga. Tch! I hate you!" inis na bulong ni Sheena at sinamaan ko lang siya ng tingin. Lumapit sila sa higaan ko at saka umayos naman ako ng upo. Inihanda naman ni Detective Phoenix ang kaniyang notebook at ballpen samantalang si Sergeant Ibarra ay hawak ang isang maliit na voice recorder. Kinakabahan ako. Ngayon lang nangyari sa akin ang ganito. "Nakita mo ba ang itsura ng killer?" tanong ni Inspector Will sa akin. "H-Hindi po. M-Masyadong madilim ang paligid at bukod po roon, balot na balot ang itsura niya." sagot ko pinipigilang huwag nang pumasok sa isip ang nakita ngunit hindi ko magawa. "Maaari mo bang ilarawan ang pisikal na anyo nung lalake?" "Matangkad po siya, m-matikas ang katawan at hindi gaanong kapayatan." sagot ko kay Inspector at nakita kong napalingon siya sa mga kasamahan niya. S-sana nakatulong yung sinabi ko. Gusto kong mahuli ang killer na iyon. "Mga gaanong katangkad siya?" tanong ni Sergeant Ibarra at napaisip naman ako. "Hmm.. Kasing tangkad yata ni Pakialamero?" sabi ko habang nakahawak pa sa baba. Kasi nung lumapit sa akin yung killer, may bandang dibdib niya lang ako. "Pakialamero?" sabay na tanong nung tatlong detective sa akin at napasinghap naman ako sa gulat. "I m-mean ni Detective Herrera po." napaphiya kong sagot. Leche naman. Nakakahiya yun! "Ang dinig namin ay may nagligtas sa iyo. Nakilala mo ba ang taong iyon?" tanong naman ni Detective Phoenix. "H-Hindi rin po. P-pareho po kasi silang nakasuot ng cap nung killer at magkasing tangkad din sila." sagot ko. Parang pamilyar rin yung taong iyon na nagligtas sa akin. Hindi ko lang talaga maalala kung sino at saan ko nakita. "May mga impormasyon ka pa bang maaring ibigay sa amin sa nasaksihan mo kagabi?" tanong ni Inspector Will at napalunok naman ako. Kinakabahan ako sa mga bagay na sasabihin ko. Baka magkamali ako. Baka malikmata lang lahat ng nakita ko. Baka makagulo lang ako sa imbestigasyon. "Huwag kang mag alinlangan na sabihin lahat Kieyrstine. Ikaw ang kauna-unahang witness sa serial killing na nangyayari ngayon. Malaki ang maitutulong mo sa imbestigasyon." ani Sergeant Ibarra at tumango naman ako. "H-Hindi po ako sigurado p-pero may nakita po akong inilagay ng killer sa batok nung biktima." sabi ko sa kanila at muli silang nagkatinginan. "Inilagay sa batok?" taka nilang tanong sa akin at muli na naman akong napalunok. "O-opo Inspector. Kaso hindi ko nakita kung ano iyon. Matapos niya kasing saksakin at gilitan sa may dibdib ang biktima ay may inilagay siya rito bago itinuloy yung ginagawa." sagot ko at kitang-kita sa mga itsura na nila ang pagkagulat ngunit naroon parin ang interes na malaman kung ano iyon. "Ano ang ginamit nung killer sa pagsaksak? Marami ba siyang dalang gamit?" "Isa lang po iyon eh. Hindi ko maipaliwag kung anong klaseng matalim na bagay yun. Hindi rin naman kutsilyo dahil kakaiba ang hugis nung patalim." sagot ko at naalala pa yung dugong tumutulo roon matapos niyang patayin yung babae. Nakita kong nag-usap sandali sina Inspector at ang mga kasama niya bago muling tumingin sa akin. "Wala ka na bang idadagdag sa mga impormasyon na ibinigay mo Kieyrstine?" Tanong ni Sergeant Ibarra sa akin. "W-wala na po siguro." sabi ko sa kanila at nag iwas ng tingin. Tinignan ko si Sheena na ngayon ay nakatitig na rin sa akin. Tama kaya na hindi ko sabihin ang tungkol doon sa tattoo'ng rosas na nakita ko? H-Hindi kasi ako sigurado kung totoo yung nakita ko. A-At hindi rin ako sigurado kung sa killer ba iyon o sa taong nagligtas sa akin. --------- Kinabukasan: "Oh Hija? Napababa ka? May kailangan ka ba?" tanong sa akin ni Manang nang makasalubong ako sa sala. "Ang habilin ng Mom mo na huwag ka munang pumasok at magpahinga muna rito sa bahay." Dagdag pa niya sa akin. "Bakit may dalang mga gamit palabas si Yaya Felly, Manang? Nag retire ba siya?" tanong ko nang makita ko kanina si Yaya na dinadala ang mga gamit palabas ng gate. "May nanloob kasi sa bahay kagabi." sabi ni Manang at inayos ang mga libro na nagkalat sa mini table ng salas . "Nanloob?" nanlalaki ang matang tanong ko. "Oo, nagkalat ang mga gamit ng Mom at Dad mo sa kwarto." dagdag pa nito. " Si Felly ang napagbintangan." "Hala! Hindi naman iyon magagawa ni Yaya, Manang!" angal ko nang malaman ang rason. Kawawa naman 'yun. May mga binubuhay yung anak eh. "Kaya nga. Pero anong magagawa natin desisyon iyon ng Daddy mo." iiling iling na sabi ni Manang at pinunasan ang mga gamit sa sala. Sumunod naman ako sa kaniya habang nakakunot parin ang mga noo. "Eh sino ba ang nanloob Manang?" tanong ko pa habang nakabuntot kay Manang na naglilinis ng sala . "Hindi ko nga rin alam. Ang ipinagtataka ko ay paanong nakapasok iyon. Muntik pa ngang masesante si Kuya Arnolf mo dahil hindi nabantayan ng maayos ang gate." sabi ni Manang at humarap sa akin. "Kumain kana muna kaya." sabi nito at iginiya ako sa kusina. "Eh may mga CCTV naman dito sa bahay. Ni review ba nila Dad?" tanong ko sabay upo sa hapag. "Ang pagkarinig ko'y oo kaso, walang nakita. Kaya si Felly ang napagbintangan kasi siya lang naman ay may susi doon sa function room ng Mom at Dad mo." napailing nalang ako sa hindi pagkapaniwala. Napakabawbaw na rason. Wala namang alam ang matanda sa mga gamit roon. Topher Herrera's POV Pabagsak kong inilapag sa mesa ang mga papel na hawak ko. Mga walang kwenta! Kailangan kong makuha ang mga impormasyong tinatago ng mga Valler tungkol sa pagkamatay ni Alter. Inis kong hinilot ang aking noo saka ininom ang kape na nasa gilid ng mesa ko. 'Mukhang wala naman. Isang bangkay lang raw yung nakita eh.' Naalala kong bigla ang sinabi ni Lee kahapon. Isang bangkay? Tch! Kung isang bangkay lang ang nakita nila. Maaaring buhay pa nga ang kapatid ko. Maaaring itinago siya ng mga Valler. "Kuya nasaan ka na?" Tanong ko sa nakakatandang kapatid ko nang mapatawag ito. "Nandito na ako sa school, diba manonood ka ng laro ko?" umaasang tanong ko sa kaniya. Narinig ko ang sunod-sunod niyang pagbuntong hininga sa kabilang linya. [Pasensya na bunso, mukhang hindi yata ako makakarating. May inaasikaso akong importanteng bagay eh.] sabi niya at agad akong nakaramdam ng matinding lungkot. "Si Alter Valler na naman ba 'yan? Kuya naman, ano bang mapapala mo kakasunod sa lalaking iyan. Reporter ang trabaho mo at hindi stalker niya." medyo inis kong tanong. [Basta. Babawi nalang ako pagkauwi ko. Ipanalo mo ah! May regalo ka sakin pagkauwi ko pag nanalo ka.] sabi niya at napabuntong hininga nalang ako. "Sige." sagot ko at agad na ibinaba ang tawag. ---- "Ma? Ma si kuya nasaan?" tanong ko nang madatnan sa bahay ang akin ina na umiiyak habang yakap yakap ang mga gamit ni kuya. Agad niya akong niyakap ng mahigpit saka humagulhol sa pag-iyak. "Ma naman! Sagutin ninyo ako." naiinis kong tanong. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at saka hinarap. "W-wala na ang kuya mo, Topher." "A-anong wala? A-ano ang ibig ninyong sabihin?" kunot-noo kong tanong, hindi naniniwala sa sinasabi ni Mama. "P-patay na siya." sabi niya at umiyak na naman. Hindi agad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. "S-sumabog ang kotseng sinasakyan nila." K-kotse? Hindi sumasakay ng kotse si kuya. May sarili siyang motor. Taena mo Alter Valler. Naiyukom ko ang aking mga kamao sa inis na naramdaman. "Topher! Saan ka pupunta!" hindi ko na pinakinggan pa si Mom at agad na akong nagtungo sa presinto. Hindi ako naniniwala. Hindi iyon totoo. Alam kong buhay pa siya. Buhay pa ang kuya ko. "Ilabas ninyo ang kuya ko! Ilabas ninyo siya!" sigaw ko nang makarating sa presinto saka pinagtatapon ang mga gamit na nakikita ko sa mesa. "Sino ba ang tinutukoy mo?" pigil sa akin ng isang pulis sa paninira ko ng mga gamit sa loob. Tinignan ko siya ng masama. "Ilabas ninyo si Ashton Herrera. Ilabas ninyo ang kuya ko." matigas kong sabi at nakita kong nagkatinginan sila. "Hijo, wala rito ang bangkay ng kuya mo. Presinto ito, hindi rito dinadala ang mga bangkay." animo'y natatawa pa nitong sabi. "Bangkay? Anong bangkay? Buhay pa ang kuya ko! Ilabas n'yo siya!" -------- "Ma, hindi ako makakapayag na hindi makita ang katawan ni Kuya!" matigas kong sabi. "Pero iyon ang sabi ng mga pulis anak--" "Pulis! Ayan pulis na naman! Napupuno na ako sa mga pulis na 'yan, ma. Mga bayaran sila! Hindi ako naniniwalang patay na si kuya." inis kong sigaw sabay sipa sa mesa na nasa harap namin. Mahigpit akong napapikit habang ang mga kamay ay mahigpit na nakasabunot sa buhok. "Oi Herrera ayos ka lang?" nagulat ako sa biglaang paglapit ni Phoenix sa akin dahilan upang bumalik ako sa ulirat. Napatingin ako sa kamay ko at nakitang naputol na yung ballpen na kanina ko pa hawak-hawak. "Ayos lang ako." sagot ko saka agad na iniligpit ang mga gamit. "Nalaman mo na ba yung mga bagong ebidensyang naibigay ni Kieyrstine Lee kahapon? Woah! Isa lang talaga ang masasabi ko. Kakaibang killer itong kinakaharap natin ngayon. Hindi na ito normal. Pakiramdam ko tuloy nasa isang palabas ako. Hahahahaha" sabi niya na animo'y parang namamangha pa. Kinuha ko sa kamay niya ang hawak niyang papel at binasa ito. "Sigurado ba kayong totoo ang mga binigay nito?" sabi ko at walang ganang ibinalik sa kaniya ang papel. "Hahaha! Aba'y syempre. Valler 'yan ano ka ba." sabi pa nito. "Ano naman kung Valler 'yan?" kunot noo kong tanong. "Bilib na bilib kayo sa mga Valler kaya pati mga ginagawang mali nila ay hindi ninyo nahahalata." bulong ko saka agad na tumayo. Nagtungo ako papunta sa opisina ni Inspector Will. At saka kumatok bago marahang binuksan ang pinto . "Come in." sabi nito nang tuluyan akong makapasok. "Oh Herrera." ani nito at inayos ang pagkakaupo. "Hahaha! Sumasakit ang ulo ko sa nangyayaring p*****n ngayon sa Asuncion." iiling iling niyang sabi. "Itatanong ko lang po kung maaari ko bang matignan ang mga case reports around year 2013." Derecho kong tanong at halatang nagulat siya. Hindi niya inaasahang iibahin ko ang usapan. "Maaari ko bang malaman ang dahilan?" tumikhim ito at saka tumingin ng derecho sa akin. "May kailangan lang akong alamin sa nangyaring pagkamatay ng kapatid ko." sabi ko at napatitg naman siya sa akin. Kilala ako ni Inspector. Alam niyang ako iyong bata na sumugod dito anim na taon na ang nakalilipas. Alam niya rin na ito ang dahilan kung bakit ako nagpulis. Ang hindi niya lang nalalaman ay ang galit ko sa mga Valler.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD