Chapter 11: Unknown

2993 Words
Kieyrstine Lee's POV "Teka nga.." asik ko at inis na hinarap si Pakialamero. Pinamewangan ko siya at tinaasan ng kilay. "Sinusundan mo ba ako?" mataray kong tanong sa kaniya at nakita ko ang pagtaas ng labi niya na animo'y hindi nagustuhan ang sinabi ko. Kanina ko pa kasi napapansin ang isang ito eh akala niya siguro ayos lang yung ginawa niyang pag-iwan sa akin nung isang araw. Huh! Hindi niya ba alam ang nangyari sa akin? Muntik na akong mapatay! Nagulat nalang ako nang bigla siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako. Sunod-sunod na lunok ang nagawa ko habang nakatingin sa mukha niya. A-ano ang ginagawa niya? Gusto kong magsalita at tarayan na naman siya sa ginagawa niya pero umuurong ang dila ko. Muli siyang humakbang palapit dahilan upang halos malanghap ko na ang amoy ng kaniyang damit. Agad niyang itinulak ang pinto sa likod ko. "Baka nakakalimutan mong iisa lang ang pintong dinadaanan natin Lee?" sabi niya at nakangisi pang inilapit ang mukha sa akin. Agad ko siyang itinulak palayo dahilan upang ngingisi-ngisi niya akong tignan. "Wala akong pake!" inis kong sabi at nagpaunang lumabas ng pinto. Aish! Bobo ka talaga Kieyrstine. Tsk! Pinara ko agad ang taxi na paparating kahit medyo malayo pa ito sa kinaroroonan ko. Gusto ko nang makaalis agad dahil ayokong makita ang nakakainsultong mukha ni Pakialamero. Ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang lagpasan ako nung taxi kaya pabuntong hininga kong naibaba ang mga balikat ko. Inis kong tinignan ang relos ko at mag aalas nuebe na ng umaga. Shet late na ako. Actually sinadya kong pumunta ng presinto para alamin kung may lead na ba sila sa killer lalo na roon sa lalaking nagligtas sa akin. Gusto ko siyang pasalamatan sa ginawa niya. Bonus na yung paghahanap ko kay Black para ibigay yung lunchbox na ginawa ko na naman para sa kaniya pero this time ako na ang naglagay sa table niya. Tch! Baka di na naman kasi niya makuha. Feeling ko kasi kinain ni Inspector Lavigne yung una kog ibinigay. Muli kong pinara ang isang taxi na paparating ngunit gaya nung nauna ay nilagpasan lang ako nito. Aish! Ano bang problema nila sa akin? Bakit di nila ako pinapasakay? Lintek naman oh! Lagot ako kay DNA nito pag na late na naman ako. "Pwede kang umangkas sa akin kung gusto mo." Nagulat man ay pinilit kong hindi lingunin si Pakialamero. Muli kong itinuon ang pansin ko sa kalsada at naghintay ng isa pang taxi na dadaan. Ilang sigundo lang ay narinig ko ang pag tunog ng tambutso ng sasakyan ni Pakialamero. Nilingon ko siya na abalang nagsusuot ng helmet niya. "Tsk. Sasakay na nga lang ako sa'yo." parang napipilitan ko pang sabi at nakabusangot ang mukhang lumapit sa kaniya. No choice naman ako kesa ma drop out ako sa subject ni DNA. "Hindi kita pinipilit Lee. Ayos lang kung mag hintay ka pa ng taxi r'yan." sabi niya at akmang paaandarin na paalis ang sasakyan pero agad akong humarang. Aish! May oras pa talaga siyang asarin ako ha! "Tsk. Pinagt-tripan mo ba ako Pakialamero ha?" inis kong sabi sa kaniya at kunot-noo naman niya akong tinignan. Hindi ko na siya pinansin pa at pahablot kong kinuha ang helmet sa manibela niya saka umangkas sa likod. Agad naman niya itong pinaandar na paalis. Hindi ko ipagkakailang sobrang astig talaga ni Pakialamero kung magmaneho ng sasakyan. Yun bang may halong yabang ang pagmamaneho niya. Nakakabilib na nagagawan niya ng paraang sumiksik sa gitna ng mga naglalakihang sasakyan, walang pake kung makagasgas man o magasgasan. Kunsabagay halatang mumurahin lang naman itong sasakyan niya. Psh! Nagulat ako nang biglang may tumunog na cellphone habang nagba-biyahe kami sa daan. Agad kong tinignan sa bag ko ang cellphone ko pero hindi naman iyon ang tumutunog. Napatingin ako kay Pakialamero na seryoso parin ang tingin sa daan. Kinalabit ko siya sa likod niya. "Sa'yo ba 'yun?" tanong ko, pilit tinitignan ang mukha niya. "Ang alin?" tanong niya at pasimple akong nilingon dahilan upang magkabangga yung mga helmet namin. Aish! "Yung cellphone mo tumutunog." sabi ko at napairap sa kawalan. "Pakikuha sa bulsa ko." dinig kong sagot niya dahilan para manlaki ang mata ko. "What? Bakit ako?!" pasigaw kong sabi sa kaniya at ayun na naman ang pa 'tss' niya. "Hindi ako maaaring huminto agad-agad dito. Nasa hi-way tayo. Napakaraming sasakyan." Aish! Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito. Ang lakas makautos sa akin. "Fine." napipilitan kong sabi at agad na kinapa ang mga bulsa niya. Hinahanap kung saan niya inilagay ang cellphone niya. "Baka kung ano ang makapa mo dyan sa ginagawa mo Lee." dagdag pa niya at agad ko namang naialis ang kamay ko sa ginagawa ko. "M-may dala kang baril?" gulat kong tanong habang nakatingin sa likod niya. "Wala." Dagdag niya at inis akong napairap sa kawalan. Hindi talaga matino kausap ang isang ito. "Pero mas delikado pa sa baril." Hindi ko alam pero pakiramdam ko nakangisi siya nang sabihin iyon. "G-granada?" kinakabahan kong tanong sa kaniya. Leche ang lalaking ito ah! Bakit may dala-dala siyang granada? May matinong pulis bang nagdadala ng ganyan ah? "Tss, wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano at kunin mo nalang." bigla ay sabi niya sa akin. Hmm.. Iniiba niya ang usapan ah? So may dala talaga siyang granada? Gosh! I can't believe him! Muli kong kinapa ang bulsa niya at maramdaman ko na nandoon sa kaliwa ang cellphone niya ay agad ko itong dinukot. "Tumatawag ang Mama mo." sabi ko nang makita ang nakalagay sa screen. Narinig ko siyang nagmura at agad na kinuha sa akin yung cellphone. Eh? Problema nun? As if naman nanakawin ko ang cellphone niya. Duh? "Hoi! Baka mabangga tayo ah?" gulat kong sabi nang mapansing sinagot niya yung tawag ng Mama niya habang nagmamaneho. Jusko naman! Pwede namang tawagan nalang niya ulit pag nakarating na kami. "Tita? Nasaan si Mama?" dinig kong sagot niya sa tawag halatang alalang-alala ang boses niya. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil parang anytime ay mababangga kami sa mga naglalakihang sasakyan na nasa harap namin. Shete talaga oh! "Papunta na ako riyan." Agad kong iminulat ang mga mata ko sa narinig. A-Anong sabi niya? Mas lalo akong nagulat nang bigla niyang iliko ang sasakyan at muling nagmaneho pabalik. "H-Hoi.. A-anong ginagawa mo? S-saan ka pupunta? Kailangan kong pumasok Pakialamero!" inis kong sigaw sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Waaaa! leche talagaaaaa! --------- "Nasaan si Mama?!" halos sirain na ni Pakialamero ang pinto ng bahay nila dahil sa lakas ng pagkakatulak niya nito papasok. Hindi ko naman maiwasang kabahan at matakot sa itsura niya. "H-Hindi ko a-alam hijo. Kanina kasi pagbalik ko rito--" "Tangina naman!" nagulat ako sa ginawa niyang pagmura sa Tita niyang nasa harap namin. "Diba sinabi ko na sa inyong i-lock ninyo ang gate? Bakit nakalabas siya?!" Agad akong nakaramdam ng awa sa Tita niyang nakayuko nalang sa harap niya. Halatang hindi naman nito sinasadya ang nangyari. Shete! Parang gusto kong suntukin ang mukha ni Pakialamero sa ginawa niyang pagsigaw-sigaw sa harap ng Tita niya. Napaka walang galang niya. Nagulat ako nang biglang umalis si Pakialamero palabas ng bahay nila. Nagdalawang isip pa ako kung susundan ko ba siya o mananatili rito sa bahay nila para samahan ang Tita niya pero sa huli ay napagdesisyunan kong sumunod nalang sa kaniya at tulungan siyang maghanap. Nakita ko si Pakialamero na palinga-linga sa paligid. Kitang-kita ang magkahalong galit at pag-aalala sa mukha niya. Napapasabunot pa siya sa buhok niya at napapahilot sa sintido. Hindi ko maiwasang makaramdam rin ng awa sa kaniya. He really loves her Mom. Nilapitan ko siya nang bigla niyang sipain ng malakas ang posteng nasa harap niya. Kinakabahan man ay kinausap ko siya. "Walang mangyayari kung panay ang galit mo riyan." kinakabahan kong sabi sa kaniya sabay lunok. "Mahahanap natin ang Mama mo. Tutulungan kita." sabi ko saka tinap pa ang braso niya. Agad naman siyang lumingon sa akin kaya napabitaw agad ako at umatras palayo. "B-Bilisan mo na. Magtatanghali na, sobrang init na." sabi ko at nagpaunang maglakad. Halos mag-iisang oras na kaming paikot-ikot sa lugar nila ngunit walang man lang ni isa ang nakakita sa Mama niya. Ngayon ko lang masasabi na sobrang nakakakaba pala kung magalit itong si Pakialamero. Sa tuwing nagtatanong kasi kami sa mga nakakasalubong namin ay sinisigawan niya ito pag ang sinasagot nito ay hindi nila nakita. Woah. Parang naging bouncer pa ako ng wala sa oras. Ako ang taga pigil sa kaniya eh. Mabuti nalang at nakikinig agad siya sa sinasabi ko. Agad na kinuha ni Pakialamero ang cellphone niya nang bigla itong tumunog. Sinagot niya ang tawag at nagtaka naman akong sumunod sa kaniya nang maglakad na siya pabalik sa kanila. "Ma!" halos masira na naman ang pinto nila sa lakas ng pagkakabukas niya nito. Naku! Hindi na talaga ako magtataka kung pagbalik ko rito wala na silang pinto. Wait? At bakit ka naman babalik rito Kieyrstine? Ano yang iniisip mo? Palihim kong binatukan ang sarili ko dahil sa kagagahan. Agad na bumungad pagkapasok namin ang Tita ni Pakialamero kasama ang hindi masyadong edarang babae na nakupo sa couch. Hawak-hawak nito ang isang di kalakihang fame. "Ma." agad na lumapit si Pakialamero at niyakap ang ina. Nangilid ang mga luha sa mata ko habang pinagmamasdan sila. "Saan ka ba nagpunta?" nag-aalalang tanong nito at hinagod pa ang buhok ng ina . "Topher? Anak?" takang tanong ng ina nito. "Ipinasyal ko lang ang kuya mo, ano ka ba. Baka kasi nababagot na siya rito sa bahay. Napapansin ko kasing di na siya lumalabas eh." sabi nito at ipinakita ang picture frame na hawak. Hindi ko makita yung nasa picture frame dahil tinatabunan ni Pakialamero. Tch! Pero wait? Kuya ni Pakialamero ang picture frame na 'yun? What?! Paano nangyari yun? Muling niyakap ni Pakialamero ang ina. This time, alam kong umiiyak na si Pakialamero. Napansin ko kasi ang marahang pagtaas-baba ng kaniyang mga balikat kahit nakatalikod siya sa akin. Mapait akong napangiti habang nakatingin sa kanila. Tumalikod ako at agad na nagtungo palabas ng bahay. Nagtungo ako sa isang maliit na puno na nasa harap ng bahay nila. Umupo ako sa ilalim niyon at saka sumandal. Ipinikit ko ang aking mga mata at kasabay nun ang pagtulo ng aking mga luha. "Lee." agad akong namulat nang maya-maya ay narinig ang boses ni Pakialamero sa gilid ko. Pasimple akong tumagilid sa kabila upang punasan ang mga luha ko. "O-oh?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya tinatapunan ng tingin. "Salamat." Kung kanina ay wala akong planong lungunin siya. This time ay napalingon na talaga ako sa gulat. Sinabi ba niyang salamat? A-anong klaseng espiritu ang sumapi sa isang ito? "W-wala yun." sabi ko at ngumiti ng peke. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko kaya umusog ako ng konti para hindi kami magkadikit. Shete! Problema niya? "Ayos ka lang ba?" tanong niya. Hindi ko maiwasang mailang dahil sa lapit namin sa isa't isa. "Bakit ka umiiyak?" dagdag pa niya. "H-ha? Tch! Sinong umiiyak. Di ako umiiyak ah!" angal ko sa sinasabi niya. "Eh ikaw nga riyan ang umiyak eh." dagdag ko pa sabay iwas uli ng tingin. "Tss. Hindi ako umiyak." sabi niya at napangiwi nalang ako. In denial mode ang leche. Tumahik siya ng ilang sandali kaya nagsalita ako. "A-ano bang pakiramdam na mayakap mo yung totoo mong ina." tanong ko at nilingon siya. Hindi niya ako tinapunan ng tingin dahil nakatingin siya sa mga ibon na nasa himpapawid. "H-Hindi ko pa kasi nararanasan eh. Nayayakap ko naman si Mommy pero curious lang ako sa pakiramdam pag yung totoo mong mga magulang ang nayayakap mo." dagdag ko pa at agad na tumingala kunyari para pigilan ang luha. "Magaan sa pakiramdam." sagot niya at napangiti nalang ako. "Teka nga.." biglang sabi ko nang may maalala ako. Nilingon ko si pakialamero at taka naman niya akong tinignan. "Paano ka nagkaroon ng kapatid na picture frame? Pwede ba yun? I mean, bakit---" "Wala na ang kapatid ko." sabi niya at agad naman akong napatakip sa bibig ko. "So, naging picture frame siya? Lah? Parang ang imposible naman nun." taka kong tanong at nag isip pa kahit wala naman akong isip. Nagulat ako nang bigla akong samaan ng tingin ni Pakialamero. Agad akong umatras nang maalala kung paano siya magalit kanina. Baka sipain niya ako bigla gaya nung ginawa niya sa poste. Huhuhu. "Namatay siya 6 years ago." sabi niya at nasa itaas na naman ang paningin kaya tumingin na rin ako doon. May falling star din kayang nahuhulog pag umaga? "Nagkaganoon bigla si Mama nang mawala si Kuya. Hindi niya matanggap ang nangyari." dagdag niya pa. "Eh? Ano ba ang ikinamatay niya?" tanong ko at nilingon si Pakialamero. Matagal bago niya sinagot ang tanong ko. "Car accident." sagot niya bigla at nanlaki ang mata ko sa narinig. "Woah! Pareho sila ng ikinamatay ni Kuya Alter!" namamanghang sabi ko sa kaniya at nakita kong ngumisi siya. Pero hindi yung ngisi na nang-aasar. Parang ngisi ng pagka-insulto. "Ganun na nga." biglang sabi niya. "Pareho sila ng ikinamatay." dagdag pa niya saka sumandal sa puno at ipinikit ang mga mata. "Pwede mo namang dalhin yung mama mo sa puntod ng kuya mo para gumaan ang kaniyang pakiramdam. Ganiyan ang ginagawa ko eh sa tuwing namimiss ko si kuya Alter." sabi ko sa kaniya. Tinignan ko ang mukha niya habang nakapikit. Gwapo naman si Pakialamero pag hindi laging nakakunot ang noo niya at laging masama kung tumitig. Curious tuloy ako kung saan siya pinaglihi. "Hindi namin alam kung nasaan ang bangkay ni Kuya." sabi niya saka nagmulat ng mata agad ko namang itinaas ang tingin ko sa puno saka nagkunwaring namamangha sa mga ibon na nasa sanga. "Hindi nila iyon isinauli sa amin matapos nilang sabihing patay na siya." "H-ha? Baket? Ano namang gagawin nila sa patay na katawan ng kuya mo?" taka kong tanong sa kaniya. "Ang sabi nila iimbestigahan." sagot niya sa akin. "Pero hanggang ngayon ay hindi pa nalalaman kung sino ang nagpasabog nung sasakyan." Lawrence Black's POV "The killer leaves us some clues. Pero nahihirapan tayong alamin kung ano ang ibig sabihin nun." Lavigne exclaimed in frustration as I enter in my office. She was sitting in the couch while reading those documents I've filed yesterday. Tumayo siya at agad akong nilapitan. "What do you think of these photos then?" she handed me the photographs of the victims taken in the laboratory. "This serial killer puts this key-like mold on the victims nape. And it doesn't help the investigation." Hindi ko na siya pinakinggan pa at nagtuloy na ako papunta sa upuan ko. "What's this?" I asked Lavigne when I saw a flowery paper bag on my table. "Galing siguro 'yan sa isang fan mo dun sa kabila." My brows furrowed. Kinuha ko yung bag sa table at saka patapon iyon na inilagay sa basurahan-- "Hey!" bigla siyang napatayo sa gulat. "What did you do!" inis niyang sabi saka kinuha sa basurahan yung paper bag na itinapon ko. "Get your lunchbox out of my sight Inspector Lavigne." sabi ko habang masama pa ang titig sa kaniya. "What? Hindi ito galing sa akin Lawrence. I told you it's from your so called fan--" "Give me that lunchbox inside your bag." I said while looking at her bag in the couch. Napanganga siya sa gulat at inis na tumingin sa bag niyang nakabukas. I can clearly saw in her face the shame while looking at her bag. "Fine." sabi niya at umirap pa sa akin bago tumalikod at kinuha sa bag niya yung lunchbox na tinutukoy ko. Padabog naman niya itong inilapag sa mesa ko. "Sa susunod, 'wag mong panakikialaman ang mga gamit ko. I know what is mine." sabi ko at inis siyang tumalikod saka lumabas ng opisina ko. ------ I'm on my way home when suddenly I noticed an unfamiliar car following me. Kanina pa ito sumusunod sa akin habang paalis ako ng estasyon. Agad kong ipinarada ang sasakyan malapit sa isang mamahaling hotel. Bumaba ako ng sasakyan at palihim na nilingon ang sasakyang kanina ko pa napapansing sumusunod sakin. The driver also parks his car not too far from mine. Tch! Idiot. Binilisan ko ang paglalakad ko at nakisiksik sa mga taong naglalakad. I can really feel his presense following me. What does he need from me? Agad akong lumiko nang makita ang isang tagong eskinita kung saan kaunti nalang ang mga taong dumadaan at katulad nga ng iniisip ko. He's following me. Mabilis ko siyang hinila at sinakal gamit ang braso ko. Kinuha ko ang isang folded knife sa bulsa ko at itinutok ito sa kaniya. Tumigil naman agad ito sa pagpupumiglas. Ramdam na ramdam ko ang sunod-sunod niyang paghinga mula sa braso ko. "Who are you?" I ask while forcely looking at his reflection on my knife. I can't clearly see his face because he is wearing a cap and a black mask. Who the hell is this guy? Kumunot ang noo ko nang marinig ang matunog niyang pagngisi. "You don't recognize me, Black?" Alam kong nakangiti siya nang sabihin iyon. "Who are you?" I asked again at mas lalong diniinan ko ang pagkatutok ng kutsilyo sa leeg niya. "Then you really don't recognize me huh?" sabi nito na parang wala lang yung ginawa kong pagdiin ng kutsilyo sa leeg niya. "I won't allow you hit victory. Coz victory is mine. Not yours." Nagulat nalang ako ng bigla niya akong sikuhin sa tagiliran dahilan upang mabitawan ko ang hawak kong folded knife. Bigla niya akong binalibag mula sa pagkakasakal sa kaniya hanggang sa tumilapon ako sa sahig. So, it's him. Tumayo siya sa harap ko saka inayos ang cap na suot niya. "I'll take her from you. I'll take what's mine." sabi niya bago nilisan ang lugar na iyon. Her?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD