Kieyrstine Lee''s POV
.
Pagkatapos ng klase ko buong maghapon ay agad akong dumerecho sa presinto para sa training. Naisip ko lang na sobrang nahuhuli na ako kumpara kina Kuya Carter. Bukod kasi sa nauna sila ng one week sa akin ay nakapag-absent pa ako ng dalawang araw dahil doon sa nangyaring murder. Hanggang ngayon ay hindi parin matukoy ng mga pulis kung sino yung killer. Pati ako ay nababahala sa kaligtasan ko, pinag-iingat kasi ako nila Mom at ng iba pang mga pulis baka raw balikan ako nung killer dahil witness ako sa ginawa niya. Gusto pa nga ni Mom na huwag na daw muna akong tumuloy sa training at umuwi na agad pagkatapos ng klase pero hindi ako pumayag. Gusto kong ipagpatuloy ang training dahil ito ang pangarap ko. At saka isa pa bilang aspiring detective kailangan kong maging matapang sa mga ganitong pangyayari.
"Codes? Tch! Nahihibang na ba kayo?" inis na ani Sergeant Orton sa mga kasama nang makapasok ako sa loob ng departamento. Inis naman niyang inilapag sa mesa niya ang mga papel na hawak. "Ano to piksyon? May pa codes-codes na nalalaman ang killer? Jusko, realidad ito, hindi ito storya sa libro. Sampung taon na akong nagtatrabahong detective pero wala akong nadatnang ganyan." Inis talaga niyang sabi sa mga kasama. Nakita ko namang nakayuko lang sa harap niya sina Detective Phoenix at yung kambal na Mclinton.
Tahimik naman akong nagtungo papunta kay Kuya Carter na halatang nakiki-usyoso rin sa usapan.
"Nasaan sina Nate, kuya?" taka kong tanong nang mapansing wala sa table yung dalawa.
Matagal bago ako nilingon ni Kuya Carter dahil panay parin ang usyoso niya sa usapan nina Sergeant Orton.
"Sina Nate ba kamo?" tanong niya at inilibot pa ang paningin sa loob ng departamento. "Ay nakalimutan ko, kasama nga pala sila ni Sergeant Ibarra." sagot niya sa akin sabay kamot sa batok.
"Bakit daw?" tanong ko at umupo sa upuang nasa harap ko.
"Syempre para mag imbestiga ng kaso, hahaha. May aprtment kasing nasunog sa San Alfonso." aniya.
"Halah? Tapos na training nila?" gulat kong tanong at nakaramdam naman agad ng matinding inggit.
"Hahaha hindi, pang apat na linggo pa naming training ito. Malayo pa kami sa katotohanan." sabi niya at tinawanan ako. "Actually nung monday nagsimula na kami sa mga minor cases." dagdag pa niya at di ko tuloy maiwasang mainggit lalo. Eh ako? Kailan pa ako makakapagsimula sa minor cases?
"Eh si Detective Herrera? Nasaan siya?" Tanong ko nang mapansing wala si Pakialamero sa paligid. Nagkibit-balikat naman si Kuya Carter.
"Ewan 'di yata pumasok eh. Kaninang umaga wala rin dito. Tapos ngayon, mag aalas syete na ng gabi wala pa rin." sagot ni Kuya Carter sa akin. Biglang lumapit sa gawi namin si Detective Axel na inaayos ang suot na uniporme.
"Tara na, Buenaventura." tukoy niya kay Kuya Carter.
"Sige Kieyrstine, mauna na kami." nagmamadaling tumayo si Kuya Carter at kinuha ang mga gamit niya sa mesa.
"Saan kayo pupunta?" nakanguso kong sabi. Ano ba naman 'to iiwan ba nila ako ritong mag-isa. Edi sana nagpasabi silang walang training na magaganap ngayon para di na ako nag-abala pang magpunta rito. Bwiset!
"May nangyaring nakawan sa isang bangko doon sa Isidro. Kailangan naming mapuntahan agad." sabi sakin ni Detective Axel saka tinapik ang braso ko at nagmadaling lumabas ng departamento kasama si Kuya Carter. Inis ko namang sinipa yung isang upuan sa harap ko at muling napanguso.
Aish! Makauwi na nga lang!
Padabog akong tumayo at kinuha ang bag ko sa mesa ngunit agad ring natigilan nang makita si Inspector Will sa gilid ko. Jusko!
"Hija, nais kong humingi ng paumanhin at hindi ko nasabi sa iyong wala ngayon si Herrera." sinserong ani Inspector Will.
"A-Ayos lang po Inspector hehehe." sabi ko at pilit na ngumiti. Pero hindi talaga ayos yun. Psh!
"Nag file kasi ng biglaang tatlong araw na leave si Herrera." sabi pa nito sabay napakamot pa sa batok. What? Tatlong araw? Eh ano nang mangyayari sa training ko? Aish! Ano ba naman yan Pakialamero, wala ka talagang kwenta kahit kailan! Argh! Huling-huli na nga ako kina Kuya Carter eh.
"Pero, matutuloy parin ang training mo. Si Sergeant Black na ang bahala sa iyo." Nakangiti niyang sabi na ikinalaki ng mata ko.
"B-Black?" agad akong nakaramdam ng matinding tuwa dahil sa sinabi ni Inspector. Si Black daw magiging instructor ko? Shet!
"Yes. It's me." Napatalon ako sa gulat at tarantang napalingon sa gilid ko. Agad na nagsiakyatan ang dugo ko papunta sa mukha ko dahilan upang makaramdam ako ng matinding kaba at excitement.
S-Siya nga! Waaaa!
"Oh siya, Sergeant. Ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Maiwan ko na kayo." ani Inspector saka tinapik ako sa balikat at agad na tumalikod pabalik sa opisina niya.
"Follow me." Dinig kong sabi ni Black at nakita ko siyang naglakad na palabas ng departamento. Taranta ko namang kinuha ang bag ko sa upuan ko at sumunod sa kaniya palabas.
Di ko maiwasang mangiti habang tinitignan siya sa likod. Ang taray maglakad ng isang 'to parang model ah! Napaka-ayos ng tinding, pantay ang kaniyang mga balikat habang naglalakad na nakapamulsa.
"Woah! Papasok tayo sa opisina mo?" namamangha kong sabi nang pumasok siya sa kabilang departamento. Ang sabi ni Pakialamero nung nag didiscuss palang kami ay Criminal Investigation Unit din itong kabila. Hinati lang sa dalawa dahil hindi na sila magkasya sa iisang silid. Eh ang dami naman kasi raw nila.
Kuminang sa tuwa ang mga mata ko nang buksan ni Pakialamero ang glass na pinto ng kaniyang opisina ngunit agad ring natigilan nang makita mula sa loob si Inspector Lavigne. Nakapandekwatro siyang nakaupo sa couch habang nagkakape at may binabasang kung ano. Ang astig talaga niya kahit kailan. Minsan iniisip ko ang sarili ko sa posisyon niya. Balang araw magiging katulad niya rin ako.
Nang tumuloy kami sa loob ay agad na dumako ang tingin sa akin ni Inspector. Agad naman akong yumuko at nagbigay galang. "G-Good eve po Inspector Lavigne." bati ko at tinanguan niya lang ako saka napatingin kay Black na naglalakad na papunta sa table niya.
"Should I go outside?" nagtatanong na ani Inspector Lavigne kay Black at tumango naman ito. Biglang nag-iba ang ekspresyon niya at wala sa huwisyong kinuha ang mga gamit at saka lumabas ng opisina.
Bakit iba kung itrato ni Black si Inspector? Kung tutuusin kasi ay mas mataas ang rango ni Inspector kesa kay Black pero kung tanguan niya lang ito kanina ay para bang wala lang itong kwentang tao sa paningin niya. Psh ang yabang talaga!
"The seat is now available Ms. Valler." bigla ay tinapunan niya ako ng seryosong tingin kaya napapalunok akong naglakad papunta sa couch na inupuan ni Inspector kanina.
Di na niya ako tinawag na Tine. Napanguso nalang ako sa naisip.
"Do you want coffee?" seryosong tanong na naman niya. Bakit ba ang seryoso niya huhuhu.
Tinignan ko yung kape ni Inspector Lavigne na naiwan niya. Tumango ako saka agad na nilagok ang kape na nasa harap ko.
Ano ba naman yan. Ang sama ng lalaking ito. Pagkakapehin ka na nga lang ako yung ininuman pa. Psh!
"Bakit mo 'yun ininom?" kunot-noong tanong niya sa akin.
"Lah? Diba nagtanong ka kung gusto ko ng kape?" takang tanong ko pabalik sa kaniya. Ulyanin ba ang lalaking 'to? Kakatanong niya lang sa akin nakalimutan na niya agad? Ayos lang gwapo parin naman eh. Hihihi.
"But I didn't said na yun ang inumin mo." Nanlaki ang mata ko at napapahiyang napayuko. Eh kahit di naman niya sinabi na 'yun ang inumin ko, yun parin ang tinutukoy niya. May iba bang kape dito ha? Oh baka naman ipagtitimpla niya ako ng bago. Hala--
"Ipagtitimpla mo ko?" nanlalaki ang matang tanong ko sa kaniya.
"No need. Tutal tapos ka na ring uminom." Biglang sabi niya at may kinuha sa ilalim ng mesa niya. Napanguso nalang ako sa katangahan na nagawa. Amp! Nakakahiya ka talaga Kieyrstine jusko!
Agad akong umayos ng upo nang maglakad siya papalapit sa akin. "I want you to learn this things." bigla ay inilapag niya sa harap ko ang isang libro.
Binasa ko ang nakalagay sa cover. "Codes and Ciphers?" Gulat kong usal at tinignan siya.
"I'm your special trainor so I also want you to have a special training." sabi niya at nakapamulsang naglakad pabalik sa mesa niya.
Naalala kong bigla yung pinag-awayan nina Seargeant Orton sa kabilang department. "P-Pero diba, h-hindi naman ito nagagamit sa pag-iimbestiga?" tanong ko at agad niya akong nilingon. Sumilay sa labi niya ang kakaibang ngisi.Shocks ang gwapo talaga.
"And how did you say so?" tanong niya pabalik at sunod-sunod naman akong napalunok.
"K-kasi pang fiction lang ang bagay na iyan." sagot ko na ginaya yung sagot ni Sergeant Orton kanina. Jusko! Tama ba na sinabi ko 'to sa harap niya? Waaa Kieyrstine baliw ka na. Nagmumukha ka tuloy na nagmamarunong. Shet!
"If that's what you think." Bigla ay sabi niya at di ko maiwasang manlumo. "Still, I want you to learn those. Magagamit mo rin 'yan. And you' ll thank me for that."
-------
Kinabukasan:
"Waaa teka di ko gets!" asik ko dahil kanina ko pa pilit iniintindi itong Nihilist Code. Ang gulo-gulo promise! Buti pa yung atbash madali lang. Binaliktad lang yung ABC naging ZYX and so on.
"Tsk!" asik ni Black at kinuha na naman yung ballpen na hawak ko. Actually pang limang beses na niyang pinapaliwanag sa akin itong nihilist na ito at di ko alam kung mahina ba talaga akong umintindi o panget lang talaga siyang magturo. Amp! "Tignan mo kasi dito sa Polybius square yung letter to substitute."
1 2 3 4 5
1 A B C D E
2 F G H I/J K
3 L M N O P
4 Q R S T U
5 V W X Y Z
"Again, look at this example. Our key word is LOCK." sabi niya at itinutok ko roon ang atensyon ko. "And the plain text or the hidden message is 'Sergeant Black'. After that do this.." at may isinulat siya sa notebook ko.
(Legend: P - Plaintext) (K - Keyword)
P - K
S - L
E - O
R - C
G - K
E - L
A - O
N - C
T - K
B - L
L - O
A - C
C - K
K - L
"Ahh gets ko na. Yung L kasi sa huli eh. Bale paulit-ulit lang yung word na LOCK sa right side? Tas pag may pasobra.. Special ka." sabi ko at tinignan si Black pero seryoso lang siyang nagsusulat. Amp! Di tinablan sa banat ko.
"Use Polybius Square for the Plaintext and also for the Keyword for their equivalents. Like this.." huhuhu ang seryoso naman niya masyado. Pero ayos lang, feeling ko tumatalino na ako ng konti. Mas may natutunan pa nga ako dito kay Black kesa dun kay Pakialamero. Tch! Ano na kayang nangyari sa isang 'yun no? Buhay pa kaya 'yun? "Are you listening?" Halos napatalon ako sa gulat nang bigla niya akong nilingon. Sunod-sunod na lunok ang ginawa ko nang mapansing sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Agad siyang lumayo saka sumadal sa sofa. "Then substitute it." bigla ay abot niya sa akin nung ballpen. Napanganga naman ako sa gulat.
"H-ha?" wala sa sariling usal ko.
"I said. Substitute it." pag-uulit niya sabay nguso sa papel na nasa harap namin. Napatingin ako doon saka sunod-sunod na napalunok. P-paano nga ito ulit?
Napakamot ako sa batok ko at kinuha yung ballpen. Tinignan ko naman yung polybius square na ginawa niya at nagsimulang mag substitite.
S (43) = L (31)
E (15) = O (34)
R (42) = C (13)
G (22) = K (25)
E (15) = L (31)
A (11) = O (34)
N (33) = C (13)
T (44) = K (25)
B (12) = L (31)
L (31) = O (34)
A (11) = C (13)
C (13) = K (25)
K (25) = L (31)
Agad kong inabot sa kaniya yung notebook matapos ko iyong masubstitute. Tama kaya yung ginawa ko?
"Good. You're improving." nagningning ang mata ko sa ginawa niyang papuri. Good daw awiee. "Then add both numbers sa magkabilang gilid ng equals." dagdag niya at nanlumo naman ako.
"Waa mag a-add na naman!" reklamo ko at bumusangot. Ano ba 'yan huhuhu. Di ba uso sa kaniya ang break time? Tinignan ko ang relos ko at mag aalas nuebe na ng gabi. Leche, tatlong oras kaming tutok sa codes na ito?
Wala na akong nagawa kundi kunin ulit yung ballpen saka magsagot. "Ahm pwede gumamit ng calculator hehe." sabi ko sa kaniya pero umiling siya. Nasa tabi ko lang siya, Nakapandekwatro at naka crossed arms na nakatingin sa ginagawa ko.
"Practice solving it in your mind Kieyrstine. That's too easy." sabi niya sa akin habang derechong nakatingin. Huhuhu! Ang strict niyang imstructor grabe. Wala na ngang break, ang dami pang bawal. P
sh!
Hindi ko alam kung ilang minuto kong inadd ang mga yun at nang makuha ko na ang sagot ay lalamya-lamya ko itong inabot sa kaniya. "Tapos na po ser." nakangiwi kong sabi. Hayss. Inaantok na ako.
74-49-55-47-46-45-46-69-43-65-24-38-56
"Okay. So this numbers you've added is the encrypted form of the hidden message 'Sergeant Black' " sabi niya sa akin na ikinatuwa ko.
"Woah ang galing. Hindi mo talaga mahahalata yung ibig sabihin!" pumapalakpak kong sabi at kinuha yung notebook saka niyakap. Ang galing talaga!
"Tomorrow, I'll teach you how to decrypt that code." sabi niya saka agad na tumayo at bumalik sa table niya.
---
"Sheenaaaaaa!" sigaw ko nang makita si Sheena sa hallway ng papunta ng building niya. Agad akong tumakbo papunta sa gawi niya at tatalon-talon na yumakap sa braso niya.
"Ano na namang nangyari sa'yo ha?" inis niyang sabi sa akin pilit tintanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya.
"Feeling ko Sheena, mag-aasawa ako ng maaga--" inis ko siyang tinignan nang bigla niya akong batukan.
"Anong asawa-asawa pinagsasabi mo r'yan. Loka loka ka. Hindi ka na nga nag-aaral ng maayos dahil dyan sa training na ibinigay sa'yo. Alam mo bang simula nung tinanggap mo yung offer ha? Pinabayaan mo na grades mo." napanguso ako sa sinabi niya.
Totoo naman kasi yung sinabi niya. Actually, muntik na akong makakuha ng singko sa apat kong subjects dahil hindi ko na inaaral ang mga lessons. Lagi pa akong lutang sa klase. Muntik na rin akong ma drop out pero binigyan ako ng chance ng mga prof ko sa sem na ito.
"Sorry." nakanguso kong sabi.
"Bakit nagsosorry ka sakin? Hahaha! Alam mo Kieyrstine wala namang masama na pagtuunan mo ng pansin yang training na punasukan mo pero sana balance ka rin minsan. Mas importante ang pag-aaral." nakangiwi nito sabi sa akin. "Tapos sasalubungin mo pa ako ngayon na mag-aasawa ka na? Tch!" sabi pa nito at agad ko naman siyang niyakap.
"Eii hahahaha." kinikilig kong sabi sa kaniya. "Salamat sa love at care Sheena. Pero may i-she-share ako sa'yo." bigla ay sabi ko at sinamaan niya agad ako ng tingin. Hinila niya ako sa gilid ng hallway saka pinaupo sa mga umupuang nasa gilid. Kunyare pa ang isang ito na hindi chismosa. Amp!
"Kahapon kaya nagmamadali akong unalis dahil si Black ang magt-training sa akin." nakangiti kong sabi at nanlaki naman ang mata niya.
"Black? Yung kinuwento mo saking magaling na Detective? Yung gwapo?" tanong niya at sunod-sunod naman akong tumango. "Eh bakit? Nasaan na yung Pakialamero mo?" taka niyang tanong at inirapan ko naman siya.
"Malay ko dun kung saang lupalop na siya ng mundo napadpad. Basta ako sobrang saya ko na si Black na ngayon ang nag t-train sakin." Parang timang akong napatingin sa itaas habang ang mga kamay ay nasa pisngi.
"Ahh kaya pala ang dali sa'yo na iwan iwan akong mag-isa rito kahapon. Dineadma mo ako buong araw kahapon ah! Baka nakakalimutan mo!" inis niyang singhal sa akin at natawa naman ako.
"Sorry na. Bumabawi na ako ngayon hihihi. Ililibre kita." sabi ko at tinignan naman niya ako na parang hindi naniniwala.
"Sabi mo 'yan ah?" paniniguro niya pa at nag promise sign naman ako.
----
Nakangiti at masaya kong tinapos ang klase ko buong araw. Pinuri naman ako ng mga prof ko dahil napapansin daw nilang bumabawi ako hihihi. Kung alam lang nilang may inspirasyon ako kaya ganito.
Agad na akong dumerecho ng presisnto pagkatapos ng klase ko. Mag aala singko pa lang ng hapon pero papunta na ako dun hahahaha. Ewan gusto ko lang pumasok ng maaga.
Habang nakasakay sa taxi ay kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang lalaking pamilyar na naglalakad sa gilid ng kalsada.
Teka? Si Black yun ah? Bakit naglalakad siya? Nasaan ang kotse niya?
Pinahinto ko yung taxi at saka agad akong bumaba pagkatapos makapagbayad. Sinubukan kong habulin si Black pero nawala siya sa paningin ko dahil sa mga taong nagkalat sa paligid.
Eh? May kaso kaya siyang iimbestigahan dito? Pero parang wala naman eh. Normal lang yung kinikilos ng mga tao rito. Parang wala namang hold-apan, p*****n o nakawan na nagaganap sa paligid.
Itinuloy ko ang paglalakad at nakisiksik sa mga tao. Kaya maraming tao ngayon kasi uwian na ng mga estudyante at mga nagtatrabaho. Medyo siksikan na nga rin ang sakayan ng bus kaya ganito. Marami nang nag-aabang sa gilid ng kalsada ng masasakyan.
Natuwa ako nang makita ko ang pamilyar na likod ni Black. Nakatalikod siya at parang may binili sa isang stool ng mga prutas na nasa gilid. Nagmadali agad akong nagtungo sa kinaroroonan niya ngunit may nabangga akong lalaki. "Kuya Manong?" taka kong tanong nang mapansing pamilyar ang lalaking nakabangga ko.
Mabilis niyang inayos ang cap saka sumulyap sandali sa gawi ni Black na ngayon ay nagbabayad na sa mga binili bago siya muling sumulyap sa akin.
"Hey. Ikaw paka yan." bigla ay bati niya sa akin saka tinap ang ulo ko
"Wahahaha hindi nga ako nagkamali. Ikaw nga kuya Manong!" natutuwa kong sabi at pinasidhan ang kabuuan niya. "Parang namayat ka yata bigla kuya hahaha!" sabi ko.
"Aish!" bigla ay asik niya habang nakatingin na naman sa kinaroroonan ni Black.
"Lah? Nakaalis na siya?" sabi ko sa sarili ko nang makitang wala na dun si Black sa stool ng prutas.
"Kilala mo 'yun?" bigla ay tanong ni Kuya Manong sa akin. Mabilis naman akong tumango.
"Oo, Detective yun eh. Sa katunayan siya nga ang instructor ko sa training. Ang gwapo niya diba?" sabi ko at nakaramdam na naman ng kilig. Kahit kasi sa malayo nakakaagaw pansin si Black tignan. Nakakainis nga yung mga babaeng lumilingon sa kaniya eh. Sarap sabunutan. "Teka nga, bakla ka ba Kuya Manong?" asik ko at sinamaan siya ng tingin.
"What?" gulat niyang tanong saka bumulalas ng tawa. "Hindi ako bakla." bigla ay sabi niya saka iwinasiwas pa ang kamay sa harap ko.
"Eh bakit parang sinusundan mo si Black?" nanghuhuling tanong ko sa kaniya. Akala niya siguro hindi ko napapansin yung pasulyap-
sulyap niya kanina kay Black. Psh!
"Tch! I'm not following him. I don't even know him. His real name. " sabi niya bigla sa akin sabay kamot sa batok. "I have to go."
"Ah sige po. Hahaha nice meeting you again po." sabi ko saka kumaway sa kaniya nang maglakad na siya palayo. Muling hinanap ng mata ko si Black sa paligid pero hindi ko na siya mahagilap kaya pumara nalang ako ng taxi at dumerecho ng presinto.
-----
Nagulat ako nang makapasok sa opisina ni Black ay nandoon na siya nakaupo at seryosong nagkakape habang nagbabasa ng libro.
"Good afternoon po Sergeant." bati ko at yumuko sa harap niya.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya at taka naman akong napatingin sa relos ko saka nag-angat sa kaniya ng tingin.
"Eh? Alas sais pa lang ah? Napa aga pa nga ako." nakanguso kong sabi sa kaniya. Maka sabi naman 'to na matagal ako eh 7:30 pm pa naman start ng training ko. Amp! Abosado.
"I saw you following me earlier." Napasinghap ako sa gulat dahil sa sinabi niya. N-nakita niya pala ako? Eh kung ganoon bakit di niya ako hinintay? Bakit umalis nalang siya bigla? Tch!
"N-Nakita lang kitang naglalakad kaya bumaba ako ng taxi pero nawala ka nalang bigla." sabi ko at napabuntong hininga. "Bakit di mo ko--"
"Do you know that guy?" bigla ay sabi niya kaya napalingon ako sa magkabilang gilid ko saka sa likod ko pero wala akong nakikitang guy kaya muli ko siyang tinignan.
"H-ha?" takang tanong ko. Sinong guy tinutukoy niya. Shet! May nakikita kaya siyang hindi ko nakikita?
Napakagat ako sa kamao ko saka dali-daling lumapit sa table niya.
"The guy you are talking to awhile ago. Nakita kong may kausap ka." sabi niya at nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko may masasamang espiritu rito sa opisina niya. Amp!
"Ah si Kuya Manong ba?" tanong ko at kumunot naman ang noo niya.
"Kuya Manong?" tanong niya pabalik. Ano ba naman 'to sinasagot din ng tanong yung tanong ko.
"Oo si Kuya Manong. Wala naman akong ibang nakausap dun kanina bukod sa kaniya." sabi ko at nagkibit balikat pa.
"Do you know him?" tanong na naman niya at inis naman akong napasabunot sa buhok ko.
"Oo nga. Kakasabi ko nga lang na si Kuya Manong diba?" aish! Ang gulo naman ng lalaking ito.
"No, I mean. Do you know his name? Are you somehow related to him?" kumunot ang noo ko sa mga tanong niya.
"May gusto ka ba kay Kuya Manong?" inis kong tanong sa kaniya at agad namang sumama ang tingin niya kaya napalunok ako agad. "H-Hindi ko siya kaano-ano. Di ko rin alam ang totoo niyang pangalan. Nakakasalubong ko lang siya minsan hehe." sagot ko nalang kasi baka nagalit pa.
"I want you to get his name and background next time. That guy is following me around." bigla ay sinabi niya kaya kinabahan ako. Tinignan niya ako ng derecho sa mata at di ko mabasa ang kaniyang ekspresyon nang sabihin iyon.
So, totoo ngang sinusundan ni Kuya Manong si Black? Pero bakit? Tsaka bakit itinanggi yun ni Manong kanina?
"This will be your special case, Kieyrstine Lee Valler." nanlaki ang mata ko sa sumunod niyang sinabi.
My what?
S-special case?