Chapter 13:Serial Killer

2504 Words
Kieyrstine Lee's POV Kasalukuyan ako ngayong nakatambay sa library ng school dahil may hinahanap akong libro para sa reporting namin bukas pero tila kanina pa ako hindi makapag-isip ng maayos dahil sa kakaisip dun sa special case or mission na ibinigay sa akin ni Black. G-gusto niyang kilalanin ko si Kuya Manong? Pero paano ko 'yun gagawin? Madali lang sana 'yun kung lagi kong nakakasalamuha yung tao pero halos isang beses sa isang linggo ko lang yata iyon nakikita sa gilid-gilid ng kalsada at pasulpot-sulpot lang. Mas lalo pa akong na pressure sa pinapagawa niya nang bigyan niya lamang ako ng isang linggo para gawin iyon. Ni kahit nga yata isang buwan di ko magagawa ang bagay na iyon ng ganoon kadali. Ayoko namang tanggihan kasi nakakahiya. Pinasok ko ang training na ito kaya kailangan kong sundin yung mga pinapagawa sa akin. Sobrang nadoble pa tuloy ang mga alalahain ko ngayong sem. Exam na kasi next week at kailangan ko iyong maipasa, sabi nung mga prof ko. Para na akong mababaliw kakaisip kung ano at sino ang uunahin. Nang mainis na ako kakahanap sa libro at wala talagang makita ay padabog akong nagtungo palabas saka nagmukmok sa gilid ng hallway. "Aish! Saan ko ba kasi makikita yung Manong na yun!" inis kong sabi at sinabunutan pa ang sarili. "Una ko siyang nakita sa labas ng school, tapos sumunod dun sa sementeryo, tapos dun sa may gilid ng kalsada." shet! Saan ang susunod? Kailangan ko si Detective Conan ngayon huhuhu. Mas lalo pa akong mahihirapan sa paghahanap nito dahil hindi ko nakikita masyado ang mukha niya. Aish! Bwisit talaga oh! Inis akong tumayo mula sa pagkakaupo saka nagtungo palabas ng campus. Gusto kong humingi ng tulong kina Kuya Carter kaso nakakahiya naman. Baka maabala ko sila. Napapansin ko kasing sunod-sunod ang mga kasong pinag iimbestigahan nila ngayon. Ngayon ko lang din nalaman na kaya pala minsan lang maglagi sa bahay sina Mom at Dad kasi ganito pala karaming krimen ang nagaganap sa buong Asuncion araw-araw. Nakawan doon, hold upan dito. r**e doon, kidnapan rito. Medyo hindi naman nakakapagtaka kasi napakalaking bayan ng Asuncion at patuloy pa ang pagdami ng populasyon. Nasa labas na ako ng campus at naghihintay nalang taxi nang may maaninag akong pamilyar na tao sa kabilang kalsada. Nakasandal ito sa sariling motorsiklo at deretsong nakatingin sa gawi ko. "Si Pakialamero ba 'yun?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil sa sunod-sunod na mga naglalakihang sasakyang dumadaan. "Sasakay ka ba Miss?" biglang inis na sabi nung taxi driver. Tinignan ko siya tapos muling napatingin kay Pakialamero. Pero wala na siya roon. S-Saan na nagpunta 'yun? Anong ginagawa niya rito? "Aish! Sinasayang mo ang oras ko Miss." inis na sabi nung driver sa akin. Dali-dali naman akong sumakay sa backseat. "Sasakay rin pala." bulong niya bago pinaandar ang sasakyan paalis. Kung wala lang siguro akong mga inisip na importante ngayon ay binara ko na ang isang ito. Bwesit! Pasalamat nga siya at sumakay ako. Grr! Napapitlag ako sa gulat nang biglang mag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Tinignan ko ito at nakitang tumatawag ang isang unregistered number. Sino naman kaya 'to? "Hello?" sagot ko sa tawag. [Kieyrstine, ikaw ba 'to?] Tanong nito sa kabilang linya. "Wait, Xavier?" taka kong tanong pabalik. Bakit tumatawag ang isang 'to? Saan naman niya nakuha ang numero ko? Amp! Stalker. [Kailangan mong pumunta agad ngayon sa presinto. Nahuli na yung serial killer.] Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa gulat. Biglang akong binalot ng matinding kaba sa narinig. Bakit pakiramdam kong may mali? "P-Papunta na ako riyan." sagot ko at ibinaba agad ang tawag. Muling pumasok sa isip ko yung gabing nakita ko ang killer na 'yun. B-bakit ang bilis naman nilang nahuli? Hindi naman sa duda ako sa mga kakayahan ng mga pulis p-pero ang huling dinig ko mula sa kanila ay nahihirapan silang malaman kung sino ito. Lahat daw ng ebidesyang nakuha ay hindi konektado. Halos patakbo akong pumasok sa loob ng presinto nang makababa ako ng taxi. Mas lalong tumitindi ang kaba ko habang tinutungo ang departamento. Nagkalat ang mga pulis sa hallway at panay ang usapan at bulungan na tila ba isang hindi inaasahang pangyayari ang nagaganap ngayon sa loob. Nang makapasok sa departamento ay napalingon sa akin ang iilan. Dumerecho agad ako sa mesa kung saan nakaupo sina Kuya Carter at Xavier. "Kieyrstine.." napatayo si Xavier sa gulat nang makita ako. Muli kong inilibot ang paningin sa loob ng departamento at halatang may pinagkakaabalahan ang lahat. "Nahuli na yung serial killer." bigla ay sabat ni Kuya Carter na seryosong naka upo at deretsong nakatingin sa akin. Lumunok muna ako bago dahan-dahang umupo sa tabi nila. "N-Nasaan?" kinakabahan kong tanong at muling inilibot ang paningin ngunit wala akong makita kaya muli kong hinarap si Kuya Carter. "Nasaan ang killer?" pag-uulit ko dahil parang mga timang ang dalawa na nakatingin lang sa akin. "Nasa Interrogation Room ngayon ang killer kinakausap ng mga magulang mo at pinipilit na paaminin." si Xavier ang sumagot kaya napalingon ako sa puting pinto na may glass na bintana sa tabi ng opisina ni Inspector Will. May mga pulis na nag-aabang sa pintuan at mayroon namang iba na pasilip silip sa glass na bintana nito. Agad akong tumayo at nagtungo palapit sa Interrogation Room. Napalingon naman sa akin yung mga pulis at binigyang daan ako na makasilip sa bintana. Nakita ko sa loob si Mom na hatalatang galit na galit ang itsurang nakatingin sa lalaking natatakpan ng likod ni Dad. Ngayon ko lang nakitang galit ang mukha ni Mom. Madalas siyang seryoso at minsan lang kung ngumiti sa oras ng trabaho pero sa sitwasyon ngayon ay hindi na ito ganoon. Napalunok ako ng sunod-sunod nang dahan-dahang umalis si Dad sa pagkakatayo niya at umupo sa uouang nasa harap niya. Tumambad sa akin ang itsura ng killer at ang nakakagulat pa dito ay sa akin direktang nakatutok ito. Marahan akong napaatras palayo sa bintana. Agad kong hinanap sa braso niya ang tattoo'ng rosas ngunit wala akong nakita. Kung ganoon, yung tattoo'ng rosas na nahanap ko ay sa taong nagligtas sa akin? Muli kong tinagnan yung killer at hindi na ito nakatingin pa sa akin. P-pero bakit pakiramdam ko h-hindi siya 'yun? Agad akong umusog sa gilid nang bumukas ang pinto ng Interrogation Room. Mabilis naman na nagsilapitan ang ibang mga pulis kina Mom at hinawakan yung killer sa magkabilang braso. Muling dumako ang tingin niya sa akin at nagulat ako nang bigyan niya ako ng isang nakakakilabot na ngisi. "Alam kong alam mo na hindi ako yung killer." saktong napadaan siya sa harap ko nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Napalingon ako sa mga pulis na nasa gilid ko ngunit talagang ako lang yung nakarinig ng sinabi niya. A-Ano ba ang sinasabi niya? ------ "Are you listenig?" Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Black sa gilid ko. Nandito kami ngayon sa opisina niya at itinuloy yung pinapaaral niyang codes at cipher sa akin. Inaamin kong kanina niya pa ako paulit-ulit na sinisita sa kalutangan ko. "I think you need a break." bigla ay sabi niya at agad naman akong napasandal sa sofa. Pumikit at sunod-sunod na bumuntong hininga. "What's bothering you?" tanong niya sa akin at agad naman akong napatingin sa kaniya. Seryoso ang mga tiningin niya at naka- pamulsang nakaharap sa akin. "M-Marami." sagot ko at umayos ng upo nang maupo siya sa tabi ko. "Maybe, I can help?" sabi niya at napasinghap naman ako sa gulat. Agad na napalitan ng panlulumo ang mukha ko. Psh! Eh ikaw nga nagdagdag nung isa. Dahil dun sa special case na sinasabi mo di ko alam kung ano ang uunahin ko amp! "Y-Yung nahuling killer..." bigla ay sabi ko kaya napalingon siya sa akin. "s-sa tingin mo? S-siya talaga yun?" dagdag ko pa. Kanina ko pa kasi talaga inaalala yung sinabi nung killer sa akin. Inaamin kong may parte sa akin na sinasabing hindi siya. Pero kung hindi siya yun, edi dapat hindi siya ang nahuli. Hindi siya huhulihin ng mga pulis kung hindi nag match yung mga ebidensya na nakuha sa kaniya. "No." Nakanganga kong nilingon si Black pero agad ko naman iyong itinikom nang mapatingin siya sa bibig ko. "It's not him." ani niya pa seryong pinaglalaruan ang ballpen sa mesa. "Ah, matanong ko lang Black.. Este Sergeant." Napakamot ako sa ulo ko dahil sa kahihiyan. Tumingin siya sa akin na parang sinasabi na ituloy ko ang sasabihin ko. "D-Diba ikaw yung nangunguna dati sa kasong ito? B-Bakit ka tumigil? N-Narinig ko kasing nagkasagutan kayo ni Dad nun dahil hindi magkapareho ang point ninyo." tanong ko sa kaniya. "Hinayaan ko na ang mga Valler." sabi niya saka sumadal sa sofa. "Besides, no one believes me." nangisi niyang sabi at tumingin sa akin. "Eh paano kung mali yung killer na nahuli nila? Tutulong ka pa ba ulit sa kaso?" tanong ko pa ulit. "I'm still helping with them. By making case reports, I guess?" natatawa niyang sabi saka napailing pa. "Though, I want to leave it to them. Gusto kong subukin ang kakayahan ng mga Valler." Nangunot ang noo ko sa sinasabi niya saka sinamaan siya ng tingin. "Nakakalimutan mo sigurong Valler ako no?" nataas ang kilay kong sabi sa kaniya. Kung makapagyabang naman ang isang ito sa mga magulang ko. Tch! "Kahit nga ikaw na anak nila. I know you don't belive them. Am I right?" dagdag niya pa at nanlaki naman ang mata ko sa gulat. "H-Hoi! May tiwala ako sa mga magulang ko ah! Wag mo nga akong sinisiraan diyan!" inis kong sabi. "Then, why is the serial killing case bothering you? Diba dapat matuwa ka na nahuli nila yung killer?" sunod-sunod niyang tanong at napalunok nalang ako. Leche ang lalaking ito ah! Aish! Dapat di nalang ako nagtanong pa. "W-wag mo ngang iniiba yung usapan!" inis kong sabi at sinamaan siya ng tingin. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagtungo pabalik sa mesa niya. "I hope, nothing's bothering you now. You can continue that." tukoy niya sa bagong code na pinapaintindi sa akin kanina pa. Napasabunot nalang ako sa buhok ko at inis na kinuha yung ballpen. ------- "Ano daw?" bulalas ko nang hindi parin magets ang tanong niya. Inis niya akong tinignan kaya napanguso ako. Aish! Kainis naman oh! "I've already repeated it 3 times." matigas niyang sabi na animo'y nawawalan na ng pasenya. "Promise last na talaga. Ang bilis mo naman kasing magsalita eh! Paano ko mage-gets ha! Tapos english pa, bwisit. " singhal ko rin sa kaniya. "Okay." parang napipilitan pa niyang sabi at inilapit ko naman ang upuan ko sa table niya. "A man murders his wife by stabbing it with a knife, leaving no trace and no witnesses. After that he returns home. An hour later the police call to tell him that his wife has been murdered and come to the crime scene right away. As soon as he arrives. He is arrested. How did the police know he did it?" "Ahh" tumango-tango pa ako. Pero bakit nga ba nalaman ng pulis na yung lalaki ang nagmurder? "Baka mind reader yung police!" sabi ko agad at nag snap pa sa ere, sinamaan niya naman ako ng tingin. Ay? Mali ba? Teka.. "Ahh alam ko na kasi hawak niya pa yung kutsilyo!" bulalas ko at nakita kong nangunot ang noo ni Black. "How did you say so?" "Diba pagkatapos niyang patayin yung asawa niya ay umuwi agad siya? Di naman sinabi na iniwan niya dun sa crime scene yung kutsilyo. Hindi rin sinabi na iniwan niya sa bahay kaya for sure hawak niya pa yung kutsilyo nang magpunta siya sa crime scene." proud kong paliwanag at napapalakpak pa. Ang galing ko my gosh! "Tss, it's already the killer's mindset na iiwan o itatago niya yung kutsilyo." iiling iling niya pang sabi sa akin. "The correct answer for that riddle is... the police didn't tell the location but he arrived at the crime scene. That's why he is suspected as the killer." paliwanag niya "Duh? It's also the police's mindset na sabihin yung location. Alangan namang papuntahin niya yung tao dun nang hindi sinasabi yung location diba? Paano makakapunta yung asawa dun kung hindi niya sinabi? Tch!" "Because he is the killer." inis at padabog na hinampas ni Black yung mesa. Ang strong naman ng isang 'to. Nagagalit agad? Pwede namang aminin nalang niyang tama yung sagot ko sa riddle niya. Tsk! Nagmamagaling kasi. Topher Herrera's POV Mabilis kong pinagbubuksan ang mga nakasaradong drawer at hinalungkat doon ang mga papel na hinahanap ko ngunit puro walang kwenta ang mga nakita ko. Mabilis kong isinilid sa bag ko ang flashlight na hawak nang makita ang isang papel na nakarolyo at nakatali. Pinakatitigan ko ito ng mabuti at bago isinilid sa bag. Muli akong nagtungo papunta sa kabilang drawer. May mga litratong nakatago roon na nakasilid sa isang lumang kahon. Puro ito litrato ng isang babaeng may kapayatan, matangkad at medyo kayumanggi ang kulay ng balat. Ngnit hindi roon dumako ang atensyon ko, naagaw ang pansin ko sa isang papel na nakatago sa pinakailaliman ng mga litrato. Murder Cases 2013 Miraveles Police Station Isabela Cruz - An 18 year old female student whose body was found in Arselo bridge near Agusan River in Mabunga, Miravles on April 15, 2013. According to autopsy she's not been beaten neither sexually assulted. Organ removal (heart) is the only cause of her death. Trishia Fernandez - An 18 year old working student. The victim was concealed in the woods near a trailer park last April 19, 2013. She is also presumed to have been murdered by the same murder case last April 15, 2013. Hindi ko na naituloy pa ang pagbabasa at dali-dali itong isinilid sa aking bag nang maramdaman ko ang mga yabag ng paa na papasok sa silid. Mas ikinalat ko pa at ginulo ang mga gamit at papel sa sahig bago nagtuloy palabas sa bintana. Nang ligtas na makalabas sa pamamahay ng mga Valler ay agad kong hinubad ang suot kong jacket at hand gloves saka ito itinapon sa kung saan. Lumingon pa akong muli sa bahay nila at nakitang nakailaw na ang kwarto ni Alter Valler. Napangisi ako bago nagpaharurot paalis. Ebidensya tungkol sa car accident ng kapatid ko ang hinahanap ko ngunit iba ang mga natagpuan ko. Hindi ko alam kung kailangan ko pa ba itong pagtuunan ng pansin, pero may kutob akong malaki ang tulong nito sa imbestigasyon. Pagkarating sa bahay ay agad kong inilatag sa mesa ang lahat ng nakuha ko. Napasabunot nalang ako sa inis nang makitang puro itong may kaugnayan sa murder na nangyari 7 years ago. Akala ko ba'y pumasok siya sa pagiging detective para hanapin si Andrea? Ngunit bakit parang halos lahat ng mga dokumento niya sa kwarto ay may kaugnayan sa nangyaring p*****n pitong taonang nakalipas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD