Chapter 14: Vary

3549 Words
Kieyrstine Lee's POV Kasalukuyan akong nandito sa National Bookstore para bilhin ng mga gamit na gagamitin namin sa activity bukas. Papunta na akong counter para sana bayaran ang mga nabiling gamit nang maagaw ang atensyon ko sa isang libro na nasa pinakauna ng shelf. 'Encrypting Codes and Ciphers' Woah! Paniguradong makakatulong 'yun sa akin. Iniwan ko muna saglit ang mga nabili ko sa counter at agad na pinuntahan yung libro. Nang maabot ko na ay nagulat nalang ako nang may humawak nito. Inis kong tinignan ang taong iyon at nanlaki ang mga mata nang makitang si Kuya Manong ito. "Hey!" bati niya agad nang makilala ako. Amp! Kahit nasa loob ng bookstore naka cap parin. Psh! Kelan ko kaya makikita ang itsura ng Manong na ito. "Hi po Kuya Manong!" nakangiti kong bati pabalik at kumaway pa. Naalala ko bigla yung ipinapagawa ni Black sa akin. Agad kong ibinaba ang kamay ko mula sa pagkaka-kaway at nginitian si Kuya Manong ng pilit. 'Get his profile and background.' 'Alamin mo ang pangalan niya.' "Do you need this book?" tanong niya at inangat yung librong kukunin ko na sana. Taranta ko siyang tinignan. "A-ah oo hehe." sabi ko at inabot naman niya iyon sa akin. "Eh baka kailangan n'yo po? Sa inyo nalang 'yan hehe." sabi ko at ibabalik sana sa kaniya yung libro. "No need. I've already memorized it." sagot niya at literal naman akong napanganga. "Bibilhin ko lang sana pang-koleksyon." "S-Seryoso? I-ito? Nasaulo mo?" halos pasigaw kong tanong sabay titig turo sa libro. Shet! Atbash lang yata yung code na kaya kong sauluhin amp! Tumango naman siya kaya nahihiya kong kinuha ulit yung libro. Nakapamulsa siyang naglakad papunta sa ibang shelf at napataas nalang ang kilay nang mapansin ang pagiging mitikuloso nito. Bago niya kasi ibinabaling sa ibang shelf ang paningin ay inaayos niya muna ang mga librong hindi maayos na nailagay. "Do you need something?" bigla ay tanong niya habang nasa mga libro parin ang paningin. Napansin niya siguro ang kanina ko pang titig sa kaniya. Amp!kahiya. "W-Wala hehe.. Babayaran ko lang 'to." sabi ko at agad na tumalikod nang may maalala ay muli ko siyang hinarap. "A-Ah.. Kuya Manong. Gusto mo magkape? Libre ko hehe." sabi ko at napalingon naman siya sa akin. Matagal bago siya tumago at sumagot. "Sure. Basta Libre hindi ko tatanggihan iyan." animo'y natatawa niya pang sabi. Mabilis naman akong nagtungo sa counter at binayaran ang lahat ng mga binili. ---- "Bakit mo ko inimbitahang magkape?" taka niyang tanong nang mailapag ng waiter ang mga inorder naming kape sa table. "W-Wala lang hahaha. Bawal ba yun?" sabi ko at tumawa naman siya. "No, I mean, pangalawang beses mo na itong panlilibre sa akin and hindi tayo magkakilala. Hindi ka ba natatakot na sumasama-sama ka sa isang taong 'di mo kilala?" tanong niya at napalunok naman ako. "H-Hindi hahaha. Magaan kasi ang loob ko sa'yo Kuya Manong. Tsaka para hindi ka na stranger sa paningin ko.. Tatanungin nalang kita ng kahit ano para makilala kita." sabi ko at ngumiti ng pagkalaki-laki. Oh yes.. Umpisa na ng misyon. . "Maybe, I can only answer few. I have a private life." sabi niya at kumunot naman ang noo ko. "Private life? May ganiyan ba?" taka kong tanong at tumango naman siya. "Taray ah. So may public life din?" tanong ko at medyo nilapit pa ang mukha ko sa kaniya. Sinadya ko iyon kasi kating-kati na akong makita ang itsura niya. Inilayo naman agad niya ang mukha niya at inayos ang cap na suot. Psh! "Oh sige magtatanong ako Kuya Manong. Sagutin mo ng seryoso ah!" sabi ko at kumuha ng notebook at ballpen sa bag. "Bakit ka magsusulat?" taka niyang tanong at napakagat naman ako sa labi ko at nangapa ng isasagot. Hala.. Anong sasabihin ko? Tch! Dapat pala palihim ko nalang ini record sa cellphone. Amp! "A-ahh ano.. Para di ko makalimutan hehe. Makakalimutin kasi ako." sabi ko at napakamot nalang sa batok ko. Di naman siya nagsalita pa kaya nakahinga ako nang maluwang. "Okay so eto na.. Anong pangalan mo? Para naman di na kita tawaging Kuya Manong. Ang pangit kasing pakinggan na nag kuya na nga ako tas may manong pa." sabi ko. Matagal bago siya nagsalita. Humigop muna siya ng kape at tumingin ng diretso sa akin. "Vary." Maikli niyang sagot at agad ko naman itong isinulat. Taka akong nag-angat ng tingin sa kaniya habang siya ay nakatitig lang sa notebook ko. "Vary? Teka babae ka ba? Bakla? O transgender?" taka kong tanong. Amp! Bakit pambabae ang pangalan niya? "Tss. Lalake ako. Di ba obvious?" sabi niya at hinapit pa ang damit para makitang wala talaga siyang dede kaya sabay nalang kaming natawa. Lalake nga siya. Pero may babae din namang walang dede ah? Ay! Sorry nadulas hehehe. "Eh surname mo ano?" tanong ko at tinignan na naman siya. "Pass." sabi niya. Teka? Vary Pass? Pinagloloko ba ako ng lalaking ito? "Hoi seryoso nga Kuya Vary!" inis kong sabi at tumawa naman siya. "For now, I can't answer that question, so pass muna." sabi niya sabay higop na naman sa kape. Humigop na rin ako sa kape ko kasi baka lumamig na. Sayang naman yung 150 pesos tch! "Ang daya ah." sabi ko pero hindi na siya sumagot. "Contact number?" pag-iiba ko nalang sa tanong. "Pass." sagot niya at napaanguso na naman ako. "Address?" tanong ko at matagal bago niya sinagot. "Pass." sagot niya. "Amp! Ano ba naman 'yan kuya, puro ka pass ah!" inis kong sabi pero di niya ako sinagot at humigop lang ulit ng kape. "Zodiac sign?" tanong ko at muli siyang natigilan. Shocks, masyado kaya akong halata na iniimbestigahan ang katauhan niya? "Is it included?" taka niyang tanong at sumilip sa notebook ko na agad ko namang inilayo. "Aba'y oo naman. Kailangan kong kunin ang background mo, kaya dapat kasali 'to---" Mabilis kong natakpan ang bibig ko dahil sa nasabi ko. Shet! Hala.. Nasabi ko! Lagot... 'Don't be too obvious that you're searching something about his info.' "Aries." bigla ay sabi ni Kuya Vary kaya taka akong napatingin sa kaniya. "H-Ha?" gulat kong tanong. "My zodiac sign is aries." seryoso niyang sabi sabay higop sa kape. Mabilis ko naman itong isinulatbsa notebook ko. Teka? Ba't parang ayos lang sa kaniya? Di naman siguro halata, napapraning lang yata ako. Tinignan ko siya at seryoso lang siyang nakahalukipkip. "Next." parang naiinip niya pang sabi. "A-Ahh ano.." sabi ko at mabilis na nag-isip. "Favorite color mo?" tanong ko at nagulat ako nang bigla siyang bumulalas ng tawa. As in mga pre tawang-tawa siya kasi napahampas siya sa table namin dahilan para mapalingon ang karamihan ng mga tao sa amin. "Seriously? Getting my background with these kind of questions?" natatawa parin niyang sabibat inis ko naman siyang pinasadhan ng tingin. "You're really something." dagdag niya pa sabay tawa na naman. "Aish! Sagutin mo nalang kaya. Napag-utusan lang naman ako eh." Nakanguso kong sabi sa kaniya at tumigil naman siya sa pagtawa. "Si Black ba ang nag-utos sa'yo? Tch!" bigla ay parang natawa pa at iiling-iling pa na inubos yung kape. Bwisit ka talaga Kieyrstine ang bobo mo. Grr! Paano na 'yan... ------ "Salamat Kuya Vary!" nakangiti kong sabi at kumaway sa kaniya nang maglakad na siya paalis. Nakangiti ko namang tinignan ang notebook ko na may mga impormasyon tungkol sa kaniya. Panigurado matutuwa na si Black nito sa akin. Yieee~ tapos i-cocongrats niya ako. Tapos sasabihin niyang 'You did well, I'm so proud of you.' Tapos-- tapos i hu-hug niya ako waaaaaa--- "Maam ano ba! Sasakay kayo o hindi?" gigil na putol nung taxi driver sa pag d-day dream ko. Amp! Bakit ba laging galit sa akin ang mga taxi driver? Tch! Pasalamat nga sila't may pasahero sila eh. Nang makarating sa presinto ay nagpunta muna ako sa comfort room para ayusin ang sarili. Tinignan ko ang oras at alas sais y media pa lang naman. Naglagay ako ng konting pulbo at sinuklay ng maayos ang buhok. Nang matapos ay nakangiti akong lumabas. "Good evening po!" bati ko sa mga pulis na nakakasalubong ko. "Good evening din sa'yo!" nakangiting bati nila sa akin pabalik. Habang patalon-talon na naglakad sa pasilyo papuntang opisina ni Black ay napahinto ako nang mapadaan sa departamento. Kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na likod ni Pakialamero. Nakapandekwatro itong nakaupo sa harap ng table niya at halatang may pinagkakaabalahan. N-nakabalik na siya? Hindi ko namalayan na tatlong araw na pala ang nakalipas simula nung umalis siya. K-kung ganoon? Hindi na si Black ang magtuturo sa akin ngayon? "Oh Kieyrstine? Ba't di ka pumasok?" biglang sulpot ni Detective Phoenix sa likod ko. May mga dala siyang dokumento na halatang ipapasok niya sa loob. Mabilis akong tumabi upang makadaan siya. "Pumasok ka hahaha! Si Sergeant Black lang naging trainor mo hindi mo na kami binibisita rito." natatawa niyang sabi at nahihiya naman akong pumasok sa loob nang marahan niya akong itulak. "Pumunta kaya ako rito kahapon. Busy lang talaga kayo." sagot ko sabay nguso. Agad akong nagtungo papunta sa table nang makita sina Kuya Carter at Nate. "Oi Kieyrstine haha! Napabisita ka?" tanong ni Nate at mabilis naman naman siyang binatukan ni Kuya Carter. "Anong napabisita pinagsasabi mo? Babalik na 'yan dito kasi nandito na si Detective Herrera." sabi niya kuya Carter at dahan-dahan ko namang nilingon si Pakialamero na halatang abala talaga sa ginagawa. "Ay oo nga pala no? Hahaha!" parang timang na sabi ni Nate sabay kamot dun sa binatukan ni Kuya Carter. Umupo ako sa harap nila at parang hindi pa mapakali. Puntahan ko muna kaya si Black at ibigay itong nakuha ko kay Kuya Vary kanina? Tutal maaga pa naman at mukhang busy pa si Pakialamero. Tatayo na sana ako para puntahan si Black sa kabilang departamento ngunit agad akong napatigil nang makitang nakatayo na si Pakialamero sa likod ko. Sunod-sunod akong napalunok at napatingin sa mga hawak niyang gamit. "A-Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya. "Protective gears." sabi niya at inilapag iyon sa mesa. "Ngayon ay sisimulan natin ang firearm training ninyo." dagdag niya pa at nanlaki naman ang mata ko sa gulat. "F-Firearm training?" gulat kong usal pero tinalikuran na niya ako at naglakad pabalik sa mesa niya. Muli akong napatingin sa mga inilapag niya sa mesa na ngayon ay pinag-aagawan na nina Kuya Carter. "Woah ang astig nito pre. Ngayon lang ulit ako makakapag-training. Medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagpaputok ng baril." manghang usal ni Nate habang tinitignan ang isang eye protection gear. "Iba na kasi pinapaputok mo pre."Agad silang nagtawanan sa simabi ni Kuya Carter. Kinuha ko sa mesa yung mga natirang gears ngunit biglang may humablot nito sa kamay ko. "Woah! Firearm training ngayon?" bigla ay sabi ni Xavier habang tinitignan ang mga gamit sanang para sa akin. Aish! Wala nang natira. "Tara na." bigla ay sabi ni Pakialamero at nagpaunang maglakad palabas ng departamento. Mabilis naman na nagsisunuran palabas sina Kuya Carter kaya nakanguso akong tumayo at sumunod nalang rin sa kanila. Amp! Bakit di niya ako binigyan ng gear na susuotin! Leche ka talaga Pakialamero. Grr! Napadaan kami sa kabilang departamento at sinadya ko namang silipin ang opisina ni Black. Ngunit ganoon nalang ang panlulumo ko nang makitang nasa loob ng opisina niya si Inspector Lavigne. Psh! Kung nandoon siguro ako ay pinaalis niya si Inspector dun. So, kung wala pala ako lagi ay lagi ring nandoon si Inspector sa opisina niya? Tch. Pumasok kami sa isang shooting range room at napanganga naman ako sa pagkamangha nang makita ang mga gamit doon. Di ko maiwasang ilibot ang aking paningin sa paligid. A-Ang laki.. At ang ganda waaaa! Ganitong-ganito ang mga nakikita ko sa mga kdrama na pinapanood ko. Di ko maiwasang kiligin habang iniisip ang sarili kong binabaril ang mga target systems na nakahilera sa harap. Naglakad kami papunta sa isang room at may mga locker naman na nakahilera doon. "Isuot ninyo ang mga ibinigay ko sa inyo kanina. The eye and ear protection gears. Those things are mandatory on firearm classes like this." sabi niya habang sinusuot yung mga katulad ng ibinigay niya sa amin kanina. "Teka lang--" bigla ay pigil ko sa kanila. "Wala pa akong gears." nakanguso kong sabi at taka naman akong tinignan ni Pakialamero. Nagulat ako nang hubarin niya ang mga gears na suot niya at iabot sa akin. "Eh ikaw?" tanong ko sa kaniya at naglakad siya palapit sa isang malaking cabinet na nasa harap. Namangha ako nang pagbukas niya dito ay tumambad sa amin ang napakaraming protective gears. May mga shooting glasses na nakahilera roon na may iba't ibang laki at kulay, mga electronic earmuffs, mga uri ng tactical boots na halatang sobrang matitibay, at mga caps. Mabilis na nagsilapitan doon sina Xavier at pinalitan yung mga ibinigay Pakialamero kanina sa kanila. Napatingin ako sa mga gears na hawak ko. Ayos na siguro ito. Tactical boots nalang ang kailangan ko. Lumapit ako roon saka tumingala at naghanap ng boots na babagay sa akin. May nakita akong boots na kulay itim. Sobrang ganda ng desensyo nito at halatang gawa pa sa makapal leather. Tumingkayad ako para abutin ito ngunit sadyang kulang ang tangkad ko para maabot ito. Sinubukan kong tumalon-talon para makuha ito pero ayaw talaga. Inis akong tumingin kina Pakialamero na ayos na ayos na sa mga suot. Aish! Wala bang may balak na tulungan ako rito ha?! Inis kong hiblot ang isang maliit na upuan saka ako pumatong rito. Aabutin ko na sana ito nang biglang may naunang kumuha nito. "Madidisgrasya ka sa ginagawa mo Lee." bigla ay sabi ni Pakialamero saka inilapag sa sahig yung sapatos na inaabot ko. Inis naman akong bumaba mula sa pagkakapatong. "Eh kasi sobrang busy ninyo. Nakakahiya namang umistorbo." napapairap ko bang sabi at kinuha yung sapatos. Umupo ako roon sa upuan at saka isinuot yung sapatos. ----- "Good." puri ni Pakialamero kay Xavier matapos nitong maayos na nabaril ang target system na nasa harap. Mayabang naman itong ngumisi at muling itinutok ang baril sa harap. Napatingin ako sa mga baril na nasa harap ko. Amp! Di ko alam ang gagawin. Ano ba naman 'yan. Inis akong napakamot sa ulo ko. Ang hirap pala talaga pag hindi ka dumaan sa pagiging pulis at dumerecho ka sa ganitong rango. Ang dami kong hindi pa alam. Nakaka-inggit na tignan sina Xavier. Dahan-dahan kong pinulot ang baril na nasa harap ko. Gosh! First time kong humawak ng baril. "Tinatawag na pistol yang hawak mo." bigla ay sumulpot sa likod ko si Pakialamero. "Alam ko dzuh?" napapairap kong sabi. "Inaral na namin 'to sa school. Alam ko na lahat ng klase ng baril." pagmamayabang ko pa at umiling naman siya. Kinuha niya yung isang baril na nasa harap ko. "Ito ang gamitin mo." sabi niya sabay abot sa akin nung revolver. "A-ayoko okay na ako dito sa pistol." sabi ko at seryoso naman niya akong tinignan. "Mas madali at mas magaan itong gamitin Lee." sabi niya at itinutok ito ng diretso sa target system. Nagulat ako nang sunod-sunod niya itong iputok sa tatlong magkahilera na target system. Hindi ko maiwasang mapanganga sa pagkamangha. Pati sina Xavier ay napahinto sa ginagawa para lang mapanganga sa ginawa ni Pakialamero. Hindi man sapul lahat sa pulang bilog na nasa ulo ng target ay halos masapul naman ito. Kinuha niya sa kamay ko yung pistol at pinalitan ng revolver. "Subukan mo." sabi niya at sunod-sunod naman akong napalunok. Tinignan ko ang mga bagong target system na nasa harap ko. Hindi na ito yung mga target na binaril ni Pakialamero kanina. "You need proper stance first." sabi niya at hindi ko naman na gets agad iyon. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko saka ipinantay ang mga balikat ko. " Ayusin mo ang tindig mo Lee." Napapalunok naman akong ginawa ang sinabi niya. Dahan-dahan kong inangat ang baril at saka itinutok doon sa target. "Grip." sabi niya. Mabilis kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa baril. "Sight alignment." Huminga ako ng malalim at pilit itong itunutok doon sa pulang dot na nasa noo ng target. "Pantayin mo ang mga braso mo. Stretch." sabi niya at halos mapasinghap ako sa gulat nang hawakan niya ang kamay kong may hawak na baril saka ito iniunat at ipinagpantay. Hindi ako makahinga ng maayos habang pinapanood siyang gawin iyon. Sa di malamang dahilan ay tumibok ng mabilis ang puso ko. Pinilit kong ituon sa target ang paningin ko nganit sadyang naaagaw niya lagi ang pansin ko. At hindi ko nagustuham iyon! Shet Kieyrstine. Ayusin mo sarili mo. Focus! "Breath." utos niya at huminga naman ako ng malalim. Nanginginig ang mga kamay kong hawak ang gantilyo ng baril. Waaaa! Kinakabahan ako. "Kumalma ka Lee. Wala kang matatamaang kahit sino rito kaya hindi mo kailangang kabahan." sabi niya pa. "Pull the trigger." pagkasabi niya nun ay agad kong iputok ang baril. Napapikit pa ako at mabilis na inilayo ang mukha. Maya-maya ay dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at saka tumingin doon sa target system na nasa harap. "Hala! Bakit wala siyang tama ng bala?" taka kong tanong at pinasadhan ang kabuuan nung target. "Tss." iiling-iling na sabi ni Pakialamero. "Nasaan yung ipinutok ko. Bakit wala?" taka kong tanong sa kaniya. "Malay ko kung saan mo itinutok yung baril." walang gana niyang sabi. "Ulit." utos pa niya at napanguso nalang ako. Amp! Hindi ko man lang natamaan. Tch! Eh itinutok ko kaya yun ng maayos kanina dun sa noo nung system. ---- "Wooh! Kapagod hahaha!" ani Nate habang inaalis ang mga gear na suot. Pabagsak naman akong umupo sa isang silya habang pinupunasan ang pawis gamit ang kamay ko. Hindi ko alam na sobrang nakakapagod pala ng ganoong training. Pero sobrang nag enjoy naman ako. Ito na yata ang pinakamasayang training ko sa ngayon. Nilingon ko sina Kuya Carter at Nate, Halos mapasigaw naman ako sa gulat nang makitang topless na silang tatlo. Shet! Agad kong iwas ang paningin ko at pakiramdam ko ay namumula na ako sa pagkapahiya. "Anak ng, nakalimutan naming may babae pala rito. Hahaha!" ani Xavier habang nasa pinto parin ang paningin ko. "Pasensya na Kieyrstine. Nasanay kasi kaming puro lalaki ang nagt-training." ani naman Nate. Nagulat ako nang may humila sa akin palabas sa kwartong iyon. Si Pakialamero. Bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko. A-ano bang nangyayari sa akin? "D'yan ka lang." tukoy niya sa upuang nasa gilid ko. Mabilis siyang nagtungo papasok ulit sa kwartong iyon saka isinarado ang pinto. Sunod-sunod na hinga ang pinakawalan ko at pinaypay pa ang sariling kamay sa leeg. Gosh! Nakakatakot din pala pag puro lalaki ang kasama mo jusko. Tinignan ko ang oras at alas nuebe na pala ng gabi. Maya-maya ay lumabas sila sa silid na yun. Naglakad papunta sa gawi ko si Pakialamero at mabilis ko namang iniwas ang tingin ko sa kaniya. "Magpalit ka muna ng damit." utos niya sabay hagis sa akin ng isang puting t-shirt. Tinignan ko siya pero hindi na siya nakatingin sa akin. Abala siyang nag-aayos ng mga gamit sa bag niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka nagtungo sa silid na pinuntahan nila kanina para magbihis. -------- Pabalik sa departamento ay naisipan kong daanan muna si Black sa opisina niya para sabihin na nagawa ko na ang iniuutos niya sa akin. Muli kong inayos ang sarili ko at napanguso nalang sa t-shirt na suot. Amp! Laki-laki para akong tambay sa itsura ko. Nagtungo ako papasok sa loob at napangiti pa nang makitang mag-isa na lang sa opisina si Black. Tumikhim ako bago tuluyang pumasok. Nakita ko siyang nakatutok sa laptop niya at parang galit pa ang itsura. Ano kaya ang ginagawa ng isang ito? "Sergeant." sabi ko. Tumingin naman siya sa akin pero agad rin niyang binawi saka muling tumitig sa laptop niya. "Nagawa ko na yung pinagawa mo sa akin." sabi ko saka inilapag sa mesa niya yung notebook. Kumunot ang noo niya at muling tumingin sa akin. "Who is he?" tanong niya at inis naman akong tinignan siya. Tch! Binibigay nga yung notebook para mabasa niya. Tapos tatanungin lang pala ako. May sayad pala ang isang ito eh. "Vary raw ang pangalan niya." sabi ko at kumunot naman ang noo niya. "Vary?" tanong niya at nagkibit-balikat naman ako. "Hindi niya sinabi yung surname niya, pati contact number at address niya." nakanguso kong sabi. "Pero wag kang mag-alala heheh. Marami akong nalaman tungkol sa kaniya." proud kong sabi at muling inabot sa kaniya yung notebook. Kinuha niya ito pero parang hindi naman niya binasa dahil nilapag niya lang ulit pabalik sa mesa niya. Nakita ko kung paanong unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Muli siyang bumaling sa laptop niya at may itinipa roon saka salubong ang kilay na sumandal sa swivel chair. Lumapit naman ako tsaka sumilip pero wala akong maintindihan. Amp! "Vary? Tss." bigla ay sumilay ang ngiti sa labi niya. Hindi lang iyon basta-bastang ngiti. Kundi kakila-kilabot na ngiti. Ayos lang kaya siya? "So, He's alive." tatango-tango niya pang sabi sabay titig sa akin. Mabilis naman akong napaatras at napalunok. He's alive? Sino? Yung Vary?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD