Chapter 15: Murder Cases

4401 Words
Kieyrstine Lee's POV He's alive? Sino? 'yung Vary? Inis kong tinignan si Black saka pinitik ang noo niya. "Damn! What's your problem?" inis niyang singhal sa akin at iiling-iling naman akong umayos sa pagkakaupo. "Umamin ka nga?" nakahalukipkip kong tanong habang diretso ang tingin sa kaniya. Sumeryoso naman ang mukha niya at tumitig rin sa akin. "May saltik ka ba sa utak?" Natahimik siya. Napalunok nalang ako nang marealize ko ang mga sinabi ko. Shet! Nasanay akong ginaganito si Sheena. Lintek Kieyrstine! Sergeant 'yan jusko. Huhuhu. Hindi niya ako sinagot at muli lang bumaling sa harap ng laptop niya. Nakahinga naman ako ng maluwag pero nandoon parin yung hiya sa buo kong katawan. "S-sorry." napapahiya kong sabi. "You can now leave." biglang sabi niya kaya napanganga ako sa g-gulat. "H-ha?" taka kong tanong. Papaalisin niya lang ako ng ganoon? Hindi man lang ba niya ako pupurihin sa nagawa ko? Isang linggo ang binigay niya sa mission na iyon tapos nagawa ko lang sa loob ng dalawang araw tapos 'you can now leave' ang matatanggap ko? Tinignan niya ako ng deretso sa mata at napaatras naman ako sa klase ng pagkakatitig niya sa akin. "Leave." ma-awtoridad niyang sabi at hindi naman ako nakasagot agad. Waw! As in waw! Tch! Inis kong hinablot yung notebook ko sa mesa niya at padabog na lumabas ng opisina niya. Gosh! Nagalit ba siya roon sa sinabi ko kaya nagkaganoon siya? Aish! Lintek naman kasi Kieyrstine oh. Kung ano-ano kasi lumalabas sa bibig mo. Kagat-kagat ko ang kuko kong bumalik ng departamento. Nagtungo ako sa mesa namin at agad na inub-ob ang mukha doon saka inis na sinabunutan ang sarili. Aish! Kailangan ko bang mag sorry? Wait? Di nga siya nag thank you eh. Tapos ako mag so-sorry? Quits lang kami. "Ayos ka lang Kieyrstine?" dinig kong tanong ni Kuya Carter. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya mula sa pagkakaob-ob saka ngumiti ng peke. "Hehe, ayos lang po." sagot ko saka inayos ang sarili. "Di ka pa ba uuwi?" Tanong niya habang inaayos ang mga gamit sa bag. "Uuwi na hehe, naupo lang ako saglit." sabi ko sa kaniya at tumango naman siya. "Mauna na ako ah? May emergency sa bahay eh." kakamot-kamot sa ulo niyang sabi. "Sige po kuya, no problem. Ingat sa byahe." sabi ko saka kumaway nang maglakad na siya palabas ng departamento. Muli kong inob-ob ang sarili sa mesa dahil na rin sa pagod ng buong katawan ko sa training kanina. Ang sakit-sakit ng mga braso ko at paa. Ang hirap i-maintain nung pantay na balikat at braso. Tas ang bigat pa ng baril. Sinubukan ko kasi ang iba't ibang baril kanina. Naramdaman ko nalang na may dumamping tela sa mga balikat ko. Di ko namalayang nakaidlip pala ako. Medyo matagal bago ko naisipang iangat ang ulo ko at kinusot ang mga mata. Halos mapamura ako sa taranta nang makitang mag-aalas dose na ng hating gabi. Shet! Lagot ako nito kina Mommy. Taranta kong inayos ang mga gamit ko saka napatingin sa balikat ko. Sino kayang naglagay nitong jacket sa likod ko? Marahan ko itong kinuha sa balikat ko saka inamoy-amoy. K-kay Pakialamero ba ito? Muli ko itong inamoy at tinignan ang kabuuan. Sunod-sunod na lunok ang nagawa ko saka inilibot ang paningin sa paligid. N-Nasaan siya? "Kieyrstine? Bakit hindi ka pa umuuwi?" Nagulat ako nang may magsalita sa gilid ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang makitang su Inspector Will ito. May dala itong cup ng kape na halatang kakaubos lang. Agad akong yumuko at binati siya. "Nakaidlip po kasi ako Inspector. Di ko namalayan ang oras." nahihiya kong sabi at napahawak pa sa batok. "Naku, delikado na sa daan kung uuwi ka mag-isa. Hindi ka ba magpapasundo sa mga magulang mo?" mabilis naman akong umiling at iwinasiwas ang kamay sa harap niya. "Hala, wag na po hehe. Kaya ko pa naman. Tsaka hindi naman masyadong delikado sa lugar namin. Marami naman pong kabahayaan doon." nakangiti kong sabi. "Sigurado ka?" tanong nito at mabilis naman akong tumango. "Oh siya sige, mag-iingat ka." sabi niya at tinapik ang balikat ko bago naglakad pabalik sa opisina niya. Kinuha ko ang mga gamit ko sa mesa pati ang jacket ni Pakialamero. Teka? Dadalhin ko ba ito sa bahay o iiwan dito sa table niya? Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa jacket at sa table niya. B-Bakit niya ba kasi iyon nilagay sa balikat ko? Amp! Kakagigil siya ah! May plano pa yata akong paglabahin. Tsk! Nagtungo ako papalapit sa mesa niya saka marahang tinupi yung jacket at ipinatong iyon katabi ng mga notebook niya. Aalis na sana ako nang may mapansin akong nakarolyo na papel na nahulog sa sahig. Pinulot ko ito para sana ibalik sa mesa ni Pakialamero nang mabasa ko ang nakasulat rito. Murder Cases 2013? Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Kay Pakialamero ba ito? Lumingon ako sa paligid at nakitang abala sa ginagawa ang ibang mga pulis na naiwan dito sa departamento. Dahan-dahan kong tinanggal ang telang nakatali rito saka binuklat ang papel. Murder Cases 2013 Miraveles Police Station Isabela Cruz - An 18 year old female student whose body was found in Arselo bridge near Agusan River in Mabunga, Miravles on April 15, 2013. According to autopsy she's not been beaten neither sexually assulted. Organ removal (heart) is the only cause of her death. Trishia Fernandez - An 18 year old working student. The victim was concealed in the woods near a trailer park last April 19, 2013. She is also presumed to have been murdered by the same murder case last April 15, 2013. Devine Lacerna - A twenty year old student was found dead inside her car that has been parked near a hotel at San Andrea, Meraveles 3 days after the second incident of murder. Melanie Abella - A 19 year old minor's body was found hangging in an abandoned building last April 25, 2013. According to some reports, it can't be called suicide but a murder. This is the 4th murder case happened in Miraveles City after all. Agad akong napamaang sa nabasa. M-May nangyari nang ganitong klase ng murder dati?P-Pero bakit hindi ito inilabas ni Pakialamero? Bakit niya itinago?! Sinasabi ko na nga bang--aish! Kailangan 'tong malaman nina Mom at Dad. Kinuha ko ang mga gamit ko at patakbong lumabas ng police station. --------- "Bakit ngayon ka lang bata ka? Hindi mo pa sinasagot ang telepono mo, kanina pa kita tinatawagan." bungad ni Manang pagkapasok ko ng bahay. "Sina Mom po?" tanong ko hindi sinasagot ang tanong niya. "Aba'y hindi pa naman nakakauwi. Baka abala sa trabaho. Wala ba roon sa estasyon?" tanong ni Manang at iginiya ako paupo sa sala. Shez, bakit hindi pa nakakauwi sina Mom? "Wala po eh. Baka may pinuntahahan lang." nanlulumo kong sabi at tinignan yung papel na naka rolyo sa kamay ko. "Oh siya, kumain ka na ba? Masyado ka nang nalipasan ng gutom. Sa susunod wag ka nang magpapagabi ng ganito sa daan at baka mapahamak ka pa." sabi niya at sumunod naman akong naglakad papunta sa kusina. Habang hinahanda ni Manang ang mga pagkain sa hapag ay hindi ko maiwasang maisip ang mga nakita ko. Parang gusto kong mainis sa ginawa ni Pakialamero. Bakit hindi siya tumutulong sa kaso? "Manang, malapait lang ba 'yang Miraveles dito sa Asuncion?" tanong ko sa kaniya at napalingon nama siya sa akin. "Hindi naman gaano. Mga dalawang sakayan lang ng bus. Siguro kung walang traffic makakarating ka roon agad ng tatlong oras lang. Bakit? Pupunta kang Miraveles?" tanong niya sabay lapag ng kape na tinimpla niya sa harap ko. "H-Hindi Manang. C-Curious lang ako. Ngayon ko lang kasi narinig ang lugar na 'yan." sabi ko. "Taga Miraveles ako dati bago ako nagtrabaho rito sa inyo." Mabilis akong napatingin kay Manang na ngayon ay umupo na sa tabi ko matapos niyang maihanda ang mga pagkain. "S-Sure ka Manang?" gulat kong usal at tumango naman siya. "Aba'y roon na ako nagka-asawa't nagka-anak." sagot niya sa akin. "M-May nangyari bang p*****n doon Manang? Katulad ng nangyayari ngayon?" sunod-sunod kong tanong, hindi na pinansin ang mga pagkain. "Sa pagkakaalala ko'y meron pero hindi na ako masyadong nakakabalita pa tungkol d'yan kasi nagta-trabaho na ako rito sa inyo nang mga panahong iyan." Sagot niya sa akin at nanlumo naman ako. "Eh yung anak n'yo po? Yung asawa ninyo? May alam sila sa nangyari?" tanong ko ulit. "Bakit ba parang mausisa ka sa nangyaring p*****n noon? Kinakailangan mo ba iyan sa trabaho mo ngayon?" tanong niya at napatango nalang ako. "Kung ganoo'y makakakuha ka lang ng impormasyon d'yan kung pupuntahan mo ang Miraveles Police Station. Masyado kasing maselan at matagal na ang balitang iyan para pag-usapan pa." dagdag pa ni Manang at napaisip naman ako. Pupuntahan? Aish! Pero mukhang kailangan ko nga talagang puntahan. Gusto kong malaman kung nahuli ba talaga yung killer ng mga panahong iyon. Kasi kung hindi, posibleng iisa lang ang gumagawa nito ngayon at noon. ------- "Jusko Kieyrstine, saan mo ba ako dadalhin!" inis na sabi ni Sheena nang bigla ko siyang hilahin palabas ng classroom nila. "Hindi ba vaccant mo na kasunod?" inis ko ring sabi habang patuloy parin sa pagkaladkad sa kaniya. "Oo pero jusko, wala ka bang balak pakainin ako?" inis parin niyang sabi. "Sheena, pasensya na pero kailangan talaga kita ngayon. Please.. Kahit ngayon lang, wag ka munang kumain." Nagulat ako nang bigla niya akong batukan kaya napatigil ako sa paglalakad. "Gaga! Anong huwag munang kumain? Hindi ako nabubuhay ng walang kain Kieyrstine.." sabi niya at napairap naman ako. "Wag kang mag-alala Sheena. Papakainin kita pero kailangan muna nating puntahan ang Miraveles Police Station." "Miraveles?" gulat niyang usal pero hindi ko na siya pinakinggan at hinila na ulit palabas ng campus. "Jusko ka Kieyrstine! Ang layo layo nun! Dalawang oras lang ang vaccant ko. Tsaka isa pa, diba may pasok ka? Wag mong sabihing mag ka-cutting ka." singhal niya pa at dinuro-duro pa ako. Huminto kami sa gilid ng kalsada at agad ko namang pinara yung paparating na bus. Nagpumiglas pa ang gaga pero hinila ko na siya papasok. Umupo kami sa pinakadulong upuan dahil yun nalang ang walang nakaupo. "Aish! Wag mo kong tignan, naiinis ako sa'yo." sabi ni Sheena at inisnaban pa ako. "Di kita tinitignan. Wag kang feeling d'yan!" singhal ko. "Hoi Kieyrstine, wag mo kong masinghal singhalan ha! Pag ikaw iniwan ko rito.. Tsk!" inis niyang sabi at tumahimik nalang ako saka dumungaw sa bintana. Maya-maya ay bigla siyang nagsalita. "Ano ba kasi ang gagawin mo dun?" tanong niya at mabilis ko naman siyang nilingon. "Itinakwil ka na ba ng Asuncion kaya lilipat ka ng Miraveles?" Dagdag niya pa at napangiwi naman ako. "May nalaman kasi ako." pasimula ko at nagsalubong naman ang kilay ng gaga. "May nangyaring p*****n sa Miraveles, pitong taon na ang nakalilipas." "Oh eh ano naman? May nangyayari naman talagang p*****n kahit saang lugar Kieyrstine. Ba't sa Miraveles ka pa pupunta eh ang layo-layo nun." sinamaan ko siya ng tingin. "Aish, sobrang magkatulad kasi ng nangyayaring p*****n ngayon sa Asuncion yung mga nakita kong cases. Yung kinukunan ng puso ang mga biktima?" sabi ko at napasinghap naman siya sa gulat. "Pakiramdam ko may koneksyon ang nangyari noon sa nangyayari ngayon.." "Eh diba dapat sa mga pulis ka humihingi ng tulong ngayon?" tanong niya at napanguso naman ako. "Sarado na kasi 'yang kaso na 'yan ngayon." pagpapaliwanag ko. "Ha? Nahuli na ba yung killer sa Asuncion?" taka naman niyang tanong at nainis naman ako. "Aish! Hindi ka ba nakikinig sa balita? Tch! Nung isang araw lang nahuli gaga." sabi ko at sumimangot na naman. "Eh sarado na pala ang kaso Kieyrstine ba't pilit mo pang kinakaykay ha! Feeling detective ka na ano? Trainee ka palang dzae. Pag nalaman nila ito ewan ko nalang sa'yo." sabi niya saka sumandal sa upuan at humalukipkip. "Pakiramdam ko kasi... Hindi yung killer ang nahuli nila." sabi ko sabay kagat sa kuko ko. "Hay naku ewan ko sa'yo." sabi pa ni Sheena at ipinikit ang mga mata. Napabuntong hininga nalang ako saka muling dumungaw sa bintana. Ang ipinagtataka ko rin ay kung bakit ito itinago ni Pakialamero. Ano naman kayang plano ng isang 'yun? At saka is pa? Saan naman niya nakuha ang mga dokumentong iyon? Kung hiningi niya iyon kay Inspector edi malamang, binuksan ulit yung kaso para dito. Aish! Ang gulo! ----- "Good afternoon, Maam. May kailangan po ba kayo?" salubong sa amin ng isang babaeng pulis na nasa deck ng entrance ng presinto. Halos sa isang oras naming paghahanap sa estasyon ay nakita rin namin ito sa wakas. "Good afternoon po." nakangiti kong bati. Naramdam ko namang kinurot-kurot ni Sheena ang likod ko kaya inis ko siyang tinignan. "Aish nakakahiya.." inis niyang bulong sa akin at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ano hong maipaglilingkod ko sa inyo Ma'am?" tanong niya ulit sa amin at ngumiti naman ako. "A-ano ho.." paano ba ito sisimulan? "T-Taga bayan po kami Asuncion, Chief. At isa po ako sa constable trainee nila..." sabi ko sabay lunok at nakita ko naman na naghihintay ng sagot yung pulis. "May gusto lang po sana akong malaman tungkol sa mga murder cases na nangyari rito 7 years ago." sabi ko at pumeke ng ngiti. Nakita ko naman kung paano niya pinasadhan ang kabuuan ko. "Maaari ko ho bang makita ang ID ninyo ma'am?" bigla ay sabi niya kaya napanganga ako. "I-ID?" tanong ko at tumango naman siya. "Yup, Trainee ID n'yo po." sabi niya at inilahad ang kamay sa harap ko. T-trainee ID? M-May ganoon ba? Ba't wala akong ID? Naramdaman ko na namang kinurot ako ni Sheena kaya inis kong tinapik ang kamay niya at muling ngumiti roon sa babaeng pulis. "A-Ahh.. Eh, naiwan ko ho ang ID ko chief eh." pagsisinungaling ko at nakita kong nag-iba ang itsura niya. "Kung ganoon po maam ay hindi ko ho kayo maaaring ipakausap sa CID kung wala kayong valid ID." mahinahon niyang sabi. "Isa pa ho, trainee kayo? Diba minor cases lang ang pina iimbestigahan sa inyo? Bakit po kayo nagtatanong tungkol sa murder cases?" mauisisa niyang tanong at umatras naman ang dila ko. "Pasensya na Chief hehehe, may saltik lang sa utak itong kasama." biglang sabi ni Sheena at nanlaki naman ang mata ko. Hinihila-hila niya ako palabas ng presinto pero nagpumiglas ako. Bwesit ang babaeng ito! "Anong nangyayari dito?" bigla ay naglakad papunta sa deck ang hindi masyadong katandaan na lalaki. Nakasuot ito ng pormal na uniporme katulad ng isinusuot ni Inspector Will. "Good afternoon po Chief Inspector Gallego." yumuko ang babaeng pulis kaya yumuko rin agad ako. "Constable trainee raw ho sila sa Asuncion Police Station. Ngunit wala ho silang maipakitang ID sa akin, Inspector." Magalang na sabi nung babae at napanguso naman ako nang tignan ako nung Inspector. "Ano ang kailangan ninyo?" tanong ni Inspector Gallego sa akin at napalunok naman ako. "Magtatanong daw sila tungkol sa Murder case na nangyari 7 years ago, Inspector." ang babaeng pulis ang sumagot kaya napairap ako. Nakita kong tumango-tamango yung Inspector. "Hali kayo." bigla ay sabi niya saka naglakad pabalik sa direksyon na pinanggalingan niya. Taranta naman akong sumunod at hinila si Sheena pasunod. "Kakapunta lang nung isang kasamahan ninyo rito kanina ah? Tinatanong rin sa akin ang bagay na iyan." Parang natatawa niya pang sabi. "Maupo kayo." sabi niya tinutukoy ang mga upuan sa hallway ng presinto. Mabilis naman kaming umupo ni Sheena doon. Isang kasamahan? Sino yun? "Pero pasensya na kayo mga hija, wala akong maibibigay na impormasyon tungkol d'yan sa inyo. Bukod sa napakatagal na niyan ay nakasarado na ang kasong iyan." sabi niya at nanlumo naman ako. "A-Ayos lang po Inspector. S-Salamat nalang po." sabi ko saka yumuko. "Napakalayo ng ibinyahe ninyo? Sobrang importante ba ng bagay na iyan? Sa pagkakaalam ko kasi ay isinarado na rin kasong iyan sa bayan ninyo? Hindi ba't nahuli na yung killer?" tanong nung Inspector at binalot naman ako ng matinding kaba. Hindi ako nakasagot sa mga tanong niya kaya tumawa siya. "Kung gusto n'yo talagang malaman ang nangyari sa kasong iyan dati dito sa Miraveles. Hanapin ninyo si Sergeant Bienvenido Madrigal. Siya ang nakakaalam ng lahat ng iyan." sabi niya at mabilis namab akong nag-angat ng tingin. "B-Bienvenido Madrigal?" taka kong tanong at tumango naman siya. "Isa 'yan sa magagaling na pulis dito sa Miraveles. Siya ang nag-imbestiga sa kasong hinahanap ninyo ngayon. Pero nagretiro na siya." dagdag pa niya. "W-Wala ho ba talaga kayong nalalaman Inspector. Kahit, yung tungkol lang sa killer? Kung nahuli ba siya? Nakawala? O ano?" sunod-sunod kong tanong. Medyo kumapal na ang mukha ko. Medyo lang naman. "Wala hija. Bago lang ako nadestino sa lugar na ito." sagot niya at nanlumo naman ako. "S-Sige po Inspector. Salamat po sa inpormasyon." sabi ko saka tumayo at yumuko sa harap niya. Tumayo naman siya at ngumiti sa amin. Iniwan na niya kami roon ni Sheena kaya pabagsak akong umupo. "Oh ano gaga?" biglang sabi ni Sheena at sinamaan ko siya ng tingin. "May nakalap ka ba ha? Tch! Naka absent pa tuloy ako ng wala sa oras aish!" inis niyang sabi at pabagsak ring umupo sa tabi ko. "Kailangan nating mahanap yung Sergeant Madrigal." Bigla ay usal ko. Nagulat naman ako nang makatanggap ng batok mula sa kaniya. "Pwede ba Kieyrstine. Ipag pa sa mga pulis mo na ang bagay na ito. Kita mo kanina ha? Wala ka ngang ID na maipakita eh. Tapos ngayon hahanapin mo pa yung Sergeant na yun? Ack-- nababaliw ka na Kieyrstine. Jusko trainee ka palang, wala lang alam sa ganitong bagay." sabi ni Sheena at napatingin naman ako sa kaniya. Bumuntong hininga ako saka tumayo at mabigat sa loob na lumabas ng estasyon. "Sorry." biglang sabi ni Sheena nang makalabas kami. Hindi ko siya nilingon at dinerecho lang sa kalsada ang paningin. "Eh ikaw kasi eh.." biglang sabi niya. "Ayoko namang mapahamak ka Kieyrstine. Delikado at seryosong bagay itong ginagawa mo eh. Hindi naman sa dina-down kita pero ano kasi, hindi para sa iyo ang kasong ito." sabi niya. Tinignan ko siya at natawa nalang ako nang makita ang nakangusong itsura ng gaga. "Ano ka ba ayos lang." sabi ko saka muling tumingin ng diretso sa kalsada. Nag-abang ako ng bus na paparating ngunit parang halos puno na lahat. Alas kwatro na kasi at oras na ng uwian ng mga estudyante at nagt-trabaho. "Anong ginagawa n'yo rito?" halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang nagsalitang iyon. "Pakialamero?!" gulat kong usal nang makita siya sa likuran namin. K-kung ganoon. Siya yung tinutukoy ni Inspector Gallego na kasamahan namin? ------- "Paano mo nalaman ang tungkol dito?" Bigla ay tanong niya nang makaupo kami rito sa may parke malapit sa estasyon. Mabilis kong kinuha sa bag ko yung nakarolyong papel na nahulog sa ilalim ng mesa niya. "N-Nakita ko sa ilalim ng mesa mo." kinakabahan kong inabot iyon sa kaniya at mabilis naman niya itong kinuha. Hindi siya sumagot at seryoso lang na nakatingin doon sa nakarolyong papel. "Bakit mo itinago ang tungkol d'yan?" tanong ko at mabilis naman niyang inalis ang tingin doon sa papel at tumingin sa kawalan. "Hindi kailangang ang lahat ng bagay ay alam ng ibang tao." sabi niya at napangiwi naman ako. "Eh ikaw, bakit ka nangingialam sa bagay na iyan?" tanong niya at mabilis naman akong napausog palayo sa kaniya. Inis kong tinignan si Sheena na kumakain sa tabi ko. Gutom na gutom na raw kasi siya eh. "G-Gusto ko lang makatulong." sagot ko at napanguso. "Sa tingin mo nakakatulong ka?" tanong niya at inis ko naman siyang tinignan. Narinig ko ang pagbungisngis ni Sheena sa likod ko kaya agad ko siyang siniko. "Baka lang naman makatulong ako. Tch! Ang sama ng ugali." bulong ko. Naramdaman kong tumutunog na ang tiyan ko sa gutom. Tinignan ko si Sheena na aliw-aliw sa kinakaing street food na nabili niya lang doon sa gilid-gild. "Wala bang malapit na restaurant dito?" tanong ko habang nililibot ang paningin. Mabilis naman akong binatukan ni Sheena. Itong babaeng ito nakakarami na sa akin ngayong araw ah! "Gaga, anong restaurant sinasabi mo riyan eh probinsya ito?" inis niyang sabi at napanguso nalang ako. "Eh sa nagugutom na ako." sabi ko na parang bata. "Oh eto kainin mo." sabi ni Sheena sabay abot sa akin nung kinakain niya. "Yuck! Ilayo mo nga 'yan sakin. Tsk!" inis kong sabi saka muling inilibot ang paningin. Kahit bakery nalang huhuhu. Wala ba talaga? Amp! Nakita kong tumayo si Pakialamero at sinundan ko naman agad siya ng tingin. Naglakad siya papalapit doon sa nagbebenta ng mga street foods at dumukot sa bulsa niya. W-What?! Wag niyang sabihing bibili siya? "Ay bet! Kumakain ng street foods!" biglang sabi ni Sheena na na kay Pakialamero ang paningin. Napairap nalang ako saka nilabas ang cellphone. Pwede kayang magpadeliver dito ng pizza? Naramdaman kong naglakad palapit sa gawi naman si Pakialamero at may hawak na siyang katulad nung kinakain ni Sheena. Gosh! "Gusto mo?" biglang sabi ni Sheena nang mapansing nakatingin ako sa kinakain niya. Mabilis naman akong napairap sa kawalan at muling tumingin sa cellphone na hawak. "Nagpa deliver na ako ng pizza dzuh!" sabi ko sabay irap. Nagulat naman ako nang biglang humalakhak si Sheena. At si Pakialamero naman ay pailing-iling lang. Ano bang problema ng dalawang ito? Grr! "Sige Kieyrstine. Hintayin mong dumating ah?" May ngiting nakakaloko na sabi ni Sheena sabay subo pa sa harap ko nung intestine na kinakain niya. Amp! Nakakasuka. "Lets go." biglang sabi ni Pakialamero at tumayo mula sa pagkakaupo. Agad ko namang hinawakan ang laylayan ng t-shirt niya para pigilan siya. "Yung pizza ko di pa dumadating." nakanguso kong sabi at muli na namang tumawa si Sheena. Leche talaga ang bibig ng babaeng ito oh. "Wag mo na yung hintayin Kierystine. Alam mo? Para ka lang naghihintay ng barko sa airport hahahaha!" sabi niya at humaglapak ng tawa. Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog ito. Hindi pa ako nanananghalian eh. Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Pakialamero papalipit doon sa mga stool ng street foods. "H-Hoi anong---" inabot niya sa akin yung isang stick ng intestine na kinakain ni Sheena kanina. "Kakainin mo iyan kung ayaw mong mamatay sa gutom." sabi niya at napangiwi naman ako. "Patay agad? Tch! Wag na. Natitiis ko pa naman. Baka may madaanan tayong restaurant." sabi ko at muling ibinalik yung intestine sa mga lalagyan niya. "Tss. Alas singko na. Tatlong oras ang byahe at may training pa. Wala nang oras para tumigil sa kung saan-saan Lee." sabi niya at hindi ko alam kung maiiyak ba ako. Huhuhu! Di ko talaga kayang kumain ng ganoon promise! Ket paulamin n'yo nalang ako ng sardinas buong buwan kakayanin ko pa. Jusko! "Subukan mo." sabi ni Pakialamero at napanganga nalang ako sa hindi pagkapaniwala. Nagulat ako nang bigla niyang ilagay sa bibig ko yung stick. Sheeet! Mabilis kong kinuha iyon at pinunasan ang bibig ko. Gosh! Nababaliw ba siya? "Hoi ang arte mong gaga ka! Kainin mo 'yan!" biglang sabi ni Sheena. "Ayoko." sabi ko at umiling-iling pa. "Kieyrstine sige na." pagpupumilit pa ni Sheena. Muli akong napatingin doon sa mga intestine na display pero hindi ko talaga kaya. "I-iba nalang please? Yung kulay orange nalang na kinakain mo kanina." sabi ko nalang kahit ayaw ko rin sana. Pero hindi ko talaga masikmurang kumain ng intestine. Aish! Lumapit si Sheena dun sa kabilang stool at nilagay sa isang plastic cup ang mga bilog na pagkain. Agad ko siyang pinigilan nang lagyan niya ito ng sauce. "Ito nalang Sheena. Wag mo na lagyan." sabi ko sabay kuha agad sa kaniya nung pagkain sa kamay niya. "Hindi. Mas masarap pag may sauce." sabi niya at lalagyan ulit sana yung pagkain pero inilayo ko. "Wag na nga! Ayos na ako sa ganito." inis kong sabi at pinandilatan siya ng mata. Nagulat ako nang biglang hablutin ni Pakialamero yung pagkain ko at pinaglayan ng sauce kay Sheena. Tuwang-tuwa naman ang gaga at dinamihan pa. Matapos nila akong paglaruan ay inabot muli sa akin ni Pakialamero yung pagkain. Maarte ko naman itong hinawakan. "Subukan mo." nakangiting sabi ni Sheena. Kumuha ako ng stick at tinusok yung bilog. "S-saan ba ito gawa?" nandidiri kong sabi habang nakatingin dun sa bilog na nakatusok sa stick na hawak ko. "Sa itlog malamang. Kwek-kwek yan gaga!" sabi ni Sheena. "Woah! Itlog ito?" mangha kong tanong at tumawa naman siya. Sinubo ko iyon saka nginuya. "Itlog ng pugo." dagdag niya at halos mailuwa ko naman ang kinakain ko. ------- "Oh ano ka ngayon. Masarap diba?" singhal ni Sheena nang maglakad na kami palabas ng parke. Hindi ko siya pinakinggan at tinuloy lang ang pagkain dahil gutom na gutom na talaga ako. "Bakit ba ang dami mong binili? Mauubos mo ba lahat 'yan?" tanong ni Sheena habang nakatingin sa plastic na hawak ko. Nilunok ko muna yung kinakain ko saka siya nilingon. "Para kay Black 'to." sabi ko sa kaniya at ngumiti ng pagkalaki-laki. Gusto ko rin kasi mag sorry sa nagawa ko. Baka kasi na offend siya sa sinabi ko. Bahala na. Kahit hindi siya nag thank you, mag so-sorry nalang ako. Amp! "Ay iba hahaha. Naol may pa food pack." sabi ni Sheena at tinulak pa ako. Leche! ----- Patalon-talon at nakangiti pa akong naglakad papasok sa loob ng presinto. Binati ko lahat ng nakakasalubong ko. Mapa pulis man o hindi. Excited na akong ibigay kay Black ito. Sana magustuhan niya. "Tss." Narinig kong singhal ni Pakialamero habang nasa unahan ko. Ano na namang problema ng isang ito? Halos mataranta ako sa gulat nang makitang lumabas si Black mula sa kabilang departamento. Agad kong inayos ang sarili ko at ang magulo kong buhok. Huminto ako sa paglalakad para salubungin siya at iabot yung pagkain. "Black." nakangiti kong sabi sa kaniya sabay lahad nung pagkain sa harap niya pero nagulat ako nang lampasan niya lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Napanganga ako sa hindi pagkapaniwala at sinundan siya ng tingin. A-Anong nangyari? Nagulat ako nang may humablot nung pagkain sa kamay ko at nakitang si Pakialamero ito. "Akin nalang 'to." sabi niya at nakapamulsang pumasok sa loob ng departamento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD