Loosed String -- Mula rito sa office ni South ay pinapanood ko sa tv yung news about sa Dad niya. Nasangkot kasi ang kompanya nito dahil sa kinasangkutang krimen ng ilang sa empleyado niya. Misappropriation of funds. Walang kasalanan si Sir Luis pero dahil sa kapalpakan na 'yon, muntik nang mapahamak yung pangalan niya. But then, may posibilidad pa rin na maapektuhan ng nangyari ang tiwala ng lahat sa kanya. Maraming pwedeng ipintas sa isang pangyayari lang. Gano'n sa mundo ng negosyo. Isang mali mo lang, pwede kang bumulusok pababa. Kahit na hindi ikaw ang direktang may kasalanan. Tiningnan ko si South pero naka-focus lang ang tingin niya sa binabasang papeles. Kanina pa nga siya riyan, eh. Ni hindi man lang ako pinapansin. Anong sense na may access na ako rito sa opisina niya kung

