Borrowed Reality -- Nandito ulit kami sa itinuturing na safe haven ni South. Alam ko naman na trespassing 'to pero, hayaan na nga lang. Wala namang makakahuli, eh. Ang tagal-tagal na rito ni bata na tumatambay pero mukhang wala namang umaabala sa kanya na kung sino rito. Nakasandal siya sa puno kung saan ko siya unang nakita noong pumunta ako rito. Nakatingala siya sa langit. Ako naman, e, kuntento nang nakamasid sa kanya. Kuntento na akong magkatabi kami at magkasama. Nasa gilid ko naman yung isang malaking paper bag na naglalaman ng mga pagkain na in-order namin nang dumaan kami sa mall. Katabi ng malaking paper ang isa pang maliit at medyo manipis na supot na papel na naglalaman ng pinabili niyang sketchbook at ilang pirasong lapis. And, yes. Sa akin niya pinabayad lahat. Napakabai

