Reconciliation -- Napabuntong-hininga na lang ako habang tuluy-tuloy lang si South sa pagkaladkad sa akin. Siguro nga'y idea ko lahat kung bakit may lakad siya pero kailangan ba talagang kasama ako lalo na't hindi naman magiging significant yung presence ko kung sakali? Pero masaya na rin ako kasi napapayag ko siyang i-meet sina Race ngayong araw pagkatapos ng ilang oras ko ring pangungumbinsi sa kanya. "South—" "No." Napakamot ako sa leeg ko. Pang-ilang beses na niyang pagtanggi ito sa akin. Sinabi ko kasi sa kanya na nakausap ko na sina Race at Dennis, na alam ko na lahat ng tungkol sa past relationship niya. Noong una, halos saksakin niya ako sa sama ng tingin niya. Pero maya-maya lang din ay naging expressionless na naman ang bata. "Chance mo na 'to para maayos yung gusot ninyo

