Piece of Truth -- "Race." Napatingin siya sa akin pati na rin yung lalaking kasama niya. Nanliit lalo yung singkit na niyang mata na para bang inaalala pa kung saan ako nakita. Hanggang sa nakita ko yung recognition sa mata niya. She snapped her fingers. "Jade? Jade name mo, 'di ba?" Tumango ako at pinakatitigan yung lalaking kasama niya. "Anong kailangan ninyo kay South?" Seryosong tanong ko. "Narinig ko ang usapan niyo. And you," Nagtaas ako ng kilay. "I'm sure nakita na kita kailan lang. Sa park at maging sa tapat ng bahay nina South." Nagkatingin silang dalawa. Mukhang nabigla sa narinig. Sa totoo lang ay may kutob na ako kung sino itong morenong lalaking 'to sa buhay ni South pero gusto ko pa ring i-confirm ang lahat sa kanya. Medyo kabado na rin ako sa posibleng reason kung

