Questions -- Nakakapanibago rin pala na hindi makita si South sa klase ko. Medyo nakakalungkot. Isang linggo na simula nang magsimula ang second semester kaya medyo nangangapa pa rin ako dahil nasanay na akong makita siya sa isa sa mga klase ko. Pero sa ngayon, tiis-tiis muna. Mamaya makikita ko rin ang batang iyon. "Class dismissed." Pagkasabi ko no'n ay mabilis na nagsitayuan ang mga bagong estudyante ko. Ang iba sa kanila ay bago lang sa paningin ko, may iba naman na naging student ko na noon at ang ilan ay pamilyar na ang mukha dahil madalas kong nakakasalubong dito sa campus. Hinintay kong umalis lahat ng students ko bago mag-decide na lumabas na rin. Gutom na rin ako, eh. Pasimple kong sinilip yung relo ko, may oras pa naman dahil mamaya pa ang sunod na klase ko. "Ma'am." Nat

