Watched -- Paano nga ba manligaw? Isa 'yan sa paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko kahit na ilang araw na rin ang lumipas simula nang sabihin ko kay South na liligawan ko siya—at gusto kong koronahan ang sarili ko dahil napakalakas ng loob kong banggitin iyon. Liligawan ko si South at oo lang ang gusto kong makuhang sagot mula sa kanya. Hindi ko alam kung anong totoong definition ng word na iyon but for me, ang panliligaw ay binubuo ng effort at sincerity. May iba kasi na nag-e-exert lang ng effort sa una pero kapag nakuha na ang gusto, e, ayon na. Magkakandaloko-loko na ang lahat. May iba naman na, oo nga't sincere pero kinapos naman sa effort. How can you prove yourself by doing nothing, 'di ba? Kung kaya ang effort at sincerity ay dapat na magkasama sa parehong level. Hindi p

