Not Giving Up -- "I heard you right, no?" Napalunok ako at napatingin sa mga artworks na naka-display rito sa gallery ng The Hansen. Siyempre, automatic nang si South ang unang pumasok sa isip ko. Tumango ako sa kanya. "Tama yung narinig mo, North." Hindi kaagad siya nagsalita, pero narinig kong bumuntong hininga siya. Napatingin tuloy ako sa kanya at nahuli siyang nakangiti habang umiiling. Kumunot ang noo ko. Problema nito? "Sabi na nga ba, eh." "Huh?" "Tama ako ng kutob." Ngumisi si North at naglakad papunta sa may isolated na part ng lugar. Kaunti lang mga tao ngayon pero paniguradong pansamantala lang itong ganitong sobrang tahimik na ambiance. "Napapansin ko naman na parang may iba." Nakaramdam ako ng weird. "Ibig sabihin..." "Alam ko nang in love ka kay South." Tumawa siya t

