Brave and Confused -- "Save your love for someone else." Napabuntong-hininga ako habang tulalang nakatingin sa kisame. Pinunasan ko ang pisngi ko. Damn. Hindi ako makapaniwalang iiyak ako dahil lang sa isang babae na mas bata sa akin. Dahil kay South. Si South na kapatid ng best friend ko. Si South na ang daming sikreto. I bit my lower lip hard. Masahol pa sa rejection yung narinig ko. Bakit? Kung kailan naman nalaman kong gusto na pala niya ako, saka naman magkakaganito. Para niya akong pinaasa tapos binasted din sa huli. Mas masakit pa 'to sa pag-a-assume. "Nakakainis." Simula no'ng gabing 'yon ay hindi na siya natulog dito sa kwarto ko kasi ang guest room na ang ginagamit niya. Nagtataka si Mama sa kung anong nangyari sa amin pero hindi pa ako ready mag-open. At wala akong balak

