Star-Crossed -- Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung madi-disappoint ako o ano, eh. Pagkatapos kong ibuhos lahat-lahat ng emotion ko sa pag-confess sa kanya. Wala. Ito kami. Back to zero. Hindi ko alam kung anong problema niya, kung naiilang ba siya o naiinis sa akin, hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Parang lalo yata akong nababaliw sa kakaisip kung ano bang tumatakbo sa loob niya. Feeling ko hangin lang ako sa paligid na dinadaan-daanan lang ni South. Mas malala pa 'to kaysa sa dati. Hay... Tulad na lang ngayon. Umalis siya nang hindi man lang nakapagpaalam sa akin. Kaninang umaga pa siya wala, akala ko nauna lang siyang bumangon kaysa sa akin pero, no, kung hindi pa sinabi sa akin ni Mama ay hindi ko pa malalaman na maagang umalis si South at hindi nagsabi kung

