Downfall -- "North, huwag mo ako masyadong mami-miss, ah." I winked at her. "Alam ko namang mahal mo ako masyado." Isang pagtaas ng kilay ang natanggap ko sa kanya bago umiling-iling. "Assuming ka talaga, Jade." "Hindi ba totoo?" "Hindi." "Aww," Napanguso ako sa sagot niya pero sabay rin kaming napatawa dahil para kaming ewan. Sanay na rin naman 'tong si North Baby sa panghaharot kuno ko sa kanya. "Where are you going?" Sabay kaming napalingon kay South na kakalabas lang siguro sa room niya. Maghapon na naman siyang nagkulong sa kwarto. Ewan ko ba kung anong pinagkakaabalahan ng batang 'yan. "Uuwi ako sa amin." Sagot ko. Tapos na lahat ng exam at tapos na rin ang first semester kaya ang tagal ko ring naging abala sa pag-compute ng grades. Ito namang si Bata, naging busy rin sa pa

