Like a Couple -- Pagkarating namin sa bahay ay kaagad kaming sinalubong ni Mama pati na rin ni Timmy. Automatic naman na napangiti ako ng malaki. Ilang months ko rin silang hindi nakita. "Ate!" Isang yakap agad ang sinalubong sa akin ng bunso kong kapatid samantalang ngiti naman ang nanggaling kay Mama ko. "Ate!" Tawag niya ulit sa akin na ikinatawa ko. Hyper talaga! Lumuhod ako para maging kapantay ko siya bago halikan ang chubby cheeks nito. Narinig ko naman ang cute at matinis na hagikhik ng batang nakayapos na ngayon sa leeg ko. Binuhat ko siya kahit medyo may kabigatan na. "I missed you, Baby." "I missed you, too! Miss you, miss you!" "Ginabi na kayo," Komento ni Mama sabay tingin sa babaeng katabi ko. "Halika, pasok na tayo." Anyaya nito na hindi nawawala ang ngiti sa labi.

