Messy Thoughts -- Napalingon ako kay North. Inabot niya sa akin yung coffee ko bago maupo. "Ang laki ng eye bags mo. Okay ka lang?" "Hm?" Pasimple akong napalunok. Nag-flashback na naman sa isip ko yung ginawa ng kapatid niya. Umiling-iling lang ako. "Ano ka ba, okay lang ako." "Sure?" Humigop ako sa inumin. "Hundred percent. Ikaw talaga," Kinindatan ko ang best friend ko. "Grabe 'yang concern mo sa'kin. Iba na 'yan!" Inirapan niya ako at hindi na pinansin. Sa loob-loob ko, eh, nakahinga ako ng maluwag kasi hindi na siya nang-usisa pa. Dahil sa totoo lang, hindi ako okay. s**t, sinong magiging okay pagkatapos kang halikan ng taong gusto mo? Fine, gusto ko yung kiss. Kung pwede nga lang maulit, eh. Pero ang problema ko, bakit niya ako hinalikan? And here I thought she's straight. Or..

