Father Image -- Bumuntong-hininga ako for the nth time bago napatitig dito sa kasama kong ni hindi man lang ako kinibo simula nang makarating kami dito sa park. Paano ba naman kasi, yung ginagawa na lang niya yung pinapansin niya. In love na nga yata siya sa mga art materials niya, eh. "South." Tawag ko pero ni hindi man lang huminto. "Uy." Hindi pa rin siya namansin. Napasandal na lang ako sa bench at pinagmasdan siya. For the nth time. Naka-indian sit siya dito sa bench, nasa gitna namin yung bag niya maging yung ibang lapis at pang-color habang nasa lap naman niya ang sketch pad. Masyado na siyang tutok sa iginuguhit. Invisible na yata ako sa paningin niya. "South," Tawag ko ulit kahit alam ko namang hindi rin effective. Huminto siya. Napansin ko yung paggalaw ng mata niya. Nakati

