Family Criteria -- "Hmm..." Hinawi ko yung mga strands ng buhok na humarang sa mukha niya. I sighed. Mukhang hindi na naman maganda yung panaginip niya. Dumako yung daliri ko sa nakakunot na niyang noo at ni-relax iyon. Halata kasing nas-stress siya, eh. Napailing na lang ako sa sarili ko. Tama pala talaga yung decision ko na pumunta dito sa room niya nang walang paalam. Hindi naman talaga dapat ako magtatagal, eh. Gusto ko lang sana makita siya bago ako bumalik sa kwarto ang kaso nawili na naman ako sa pagtitig sa kanya. Hanggang sa ito na nga, napansin ko na lang na parang may hindi maganda sa panaginip niya. Unlike noon, mas tahimik siya ngayon. No'ng huling beses kasi, naririnig ko pang tinatawag niya yung Mama niya sa panaginip. Pero ngayon, mahihinang ungol na lang 'yon na parang

