New -- Wala pa yatang thirty minutes ang lumilipas ay nagising na agad ako. Ang likot kasi ni South at maya't-mayang napapaungol. Mukhang nananaginip ito ng masama dahil kahit tulog ay nakakunot ang noo niya. "South?" Hinawakan ko ang pisngi niya at marahan itong hinaplos. "South?" "M-Ma..." Mahinang usal nito. Napabuntong hininga ako. Bumangon ako ng bahagya at hinalikan siya sa noo. Ito siguro talaga yung reason kung bakit ko siya nahuhuling gising sa madaling-araw. Siguro hindi niya rin kinakayang palaging makita ang ina niya kahit sa panaginip. Ramdam ko na guilty siya sa kasalanan na hindi ko mapatunayan kung ginawa niya ba o hindi. Yumakap muli ang mga braso niya sa katawan ko. Para siyang mahinang bata na nakakapit sa ina, humuhugot ng lakas. Hinagod ko ang mamasa-masang buho

