Pagkatapos ng agahan, pakiramdam ko ay bumalik na rin sa normal ang paghinga ko. Sa wakas, nakalabas na rin si Randall para maligo. At si Brixton… well, salamat sa Diyos at hindi siya nahuli pero hindi pa rin nakalabas sa ilalim ng mesa. Ngayon, nakatayo ako sa tapat ng malaking salamin sa kuwarto namin ni Randall, suot ang simpleng housedress habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya. Akala ko ay tahimik na ulit ang araw ko, pero parang hindi rin ako mapalagay. Mula pa kanina, paulit-ulit pa rin na bumabalik sa isip ko ang galit na mga mata ni Brixton, iyong tono ng boses niyang may pagtatampo. Pero higit sa lahat na hindi ko makakalimutang ginawa niya ay… “No!” sunod-sunod akong umiling para burahin iyon sa isip ko. Hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa rin ang init n

