ST 14
ARA’s POV
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya matapos niyang ipakilala ang sarili niya.
“you have any problem with that?”pagsusungit niya.
“ikaw….”pagpipigil ko ng galit ko.
“what?”
Hindi ako sumagot bagkus ay tumayo na lang ako at umalis na sa kinauupuan ko. naiinis ako. Gusto ko na lang umuwi.
“ui saglit ara…”tawag ni Cienne sa akin.
“ok lang ako Cienne. Kung gusto mo munang makibonding sa kanila ok lang… ayoko lang Makita ang pagmumukha ng reyes na yan…”
“eee ikaw yung kaibigan ko e…”kinuha niya yung bag niya.”see you na lang guys ha? Sorry…medyo mainit ang dugo nito sa mga reyes e…”
Tsss. Hindi siya naimik habang binabagtas naming ang papunta sa terminal pauwi. Gusto na sana niyang magtaxi pero sasamahan na lang daw niya ako para makapagmuni-muni.
“ee Ara… magkaiba naman si JM at Rence diba? Bakit anglaki ng galit mo?”
“hindi kasi ikaw yung nasa sitwasyon Cienne e..kaya ganyan ka magsalita…”
“Ara… hindi si Rence yung may kasalanan sayo… bakit mo siya idadamay?”
“hooooh..ayoko na tong pag-usapan ok?!”napabulyaw ako sa kanya.
Buti hindi na siya nagpilit na pag-usapan yung Rence na yun. Umuwi na lang rin ako at nagmukmok sa kwarto. Tumatakbo sa isipan ko ang pagmumukha ni power ranger red. Yung nakakainis niyang pagmumukha.
URRRGHHH. KAINIS TALAGA. Maitext nga si Cienne. Hinanap ko yung phone ko. ang alam ko nasa DOMO bag ko yun e. SHET. Naiwan ko na kung saan yung bag ko. andun yung mga importanteng gamit ko. huhu. Yung phone ko kahit hindi touch screen yun mahal na mahal ko yun.
Mag-5 na. saan ko kaya pwedeng naiwan yun. Kung bakit kasi nakalimutan ko e. anglabo mo Ara nakilala mo lang yung red ranger nakalimutan mo na ang gamit mo.
Hiniram ko yung phone ni tita para matawagan si Cienne. E kailangan ko pang pumunta sa kabilang kanto para magpaload. Hindi kasi common ang globe na loading center dito e. (REAL LIFE EXPERIENCE NI OTOR YAN.HAHAHAHA).
Matapos kong maloadan yung phone ni tita ay tinatawagan ko na si Cienne pero unattended pa siya. Pauwi na ako ngayon at inaalala kung saan ko pwedeng naiwan yung bag ko. sa jeep ba sa tricyle. Psh.
“ui ate Ara…may bisita kayo ah…”sabi nung batang tumatakbo.
Eeee? Sino namang bisita yan. Kumunot ang noo ko nang Makita ko ang isang magarang kotse na nakaparada sa tapat ng bahay.
Pagpasok ko ay laking gulat at inis ko nang makilala ko kung sino ang BUESITA naming. Si red ranger rence lang pala. Angseryoso ng ekspresyon ng mukha nito habang kausap si tita.
“Ara… kanina ka pa niya hinihintay..”sabi ni tita saka ito nagtungo sa kusina.
Hindi na ako naupo pa.”anong ginagawa mo dito?”
“why are you so rude to me? Ano bang kasalanan ko sayo?”
“marunong ka palang magtagalog e… huwag mo akong ienglisin…”
“fine…”irritable niyang tugon sa akin. lumabas siya at may kinuha sa kotse niya.”I believe this is yours.”inabot niya sa akin yung domo bag ko.
“saan mo to nakuha?”
“malamang sa station eat?san pa ba?”pagsusungit na naman niya.”aren’t you gonna say thank you?”
Inirapan ko siya.”tnx.” singaw sa ilong yun ah.
“ganun ka magpapasalamat VICTONARA SALAS GALANG?”pagmamalaki niya.
Nanlaki ang mga mata ko.
“you have your ID on your bag…you have you address there…huwag kang mag-alala wala akong kinuha diyan…”sarkastikong sagot niya sa akin.
Hinalungkat ko yung bag ko.
“isang notebook na maliit, phone, wallet, ID. Press powder, lip gloss, suklay, napkin.yun lang laman ng bag mo diba? Wala akong kinuha diyan…”
URRRRGHHH..hindi naman niya kailangang isa-isahin diba?”bakit mo pinakialaman ang bag ko?!”
“like DUUHHH? How will I know your address if I wont check on you ID… medyo photographic lang ang memory ko kaya namemorize ko mga laman niyan.”pagyayabang niya.
BAKS..uwi ka na nga dito nang masapak mo tong red ranger na to.
She smirked.”so now what?”
“anong what?”
“look miss Ara…hindi ko alam kung bakit ang-init ng dugo sa akin…nag-home schooling na nga ako nung first sem tapos malalaman kong may taong sagad hanggan buto ang galit sa akin? isn’t that SO UNFAIR?” pag-iinarte niya.
“hoy blue haired red ranger… nasa pamamahay kita ha..huwag mo akong sisigaw-sigawan dito…”
“pssssh….”pagtitimpi niya sa galit niya.”fine…”sabay taas niya ng kamay niya. “ayoko ng gulo pagdating ng pasukan..malalagot ako sa mga magulang ko… gusto ko peace na tayo before magstart ang klase..”
‘ano yan utos? HUH… kung ayoko iapapexpel ko rin ba ako gaya ng ginawa ng pinsan mo sa kuya ko?”
Nanlaki ang mga mata niya.”expel? ako? Magpapa-expel? Ah…now I get it…you Must be one of my cousins haters…”
Tinaasan ko siya ng kilay.”at ano ngayon?”
“okei miss… for your information… kung ano man ang nagawa ni JM sayo o sa kahit sino ay walang kinalaman sa akin… ito na nga ba ang sinasabi ko e... kung hindi kami bubugbugin may mga secret haters naman kami..psssh…”bumuntong hininga siya.”ang kailangan ko kaibigan hindi kaaway okei?”
“at nagkamali ka ng napuntahan reyes…”
“maybe not… ilang beses na ba tayong pinagtatagpo ng pagkakataon? Maybe its HIS will to let you know na walang puwang ang galit sa mundo…”
“tapos ka na sa speech mo? pwede ka nang umalis…”
---
Kinaumagahan.
Ginising ako ng tawag ni Mika. Pano kasi yung ringtone ko yung pagkapanget panget niyang boses na sumisigaw.
BANSOOOTTTT…. TINATAWAGAN KITA…. SAGUTIN MO KAYA….(sa number ang niya yan ringing tone
>>> oh nanggigising ka na naman ee..
(e para masanay ka na sa maagang gising.hahaha… miss na kita best oh…)
>>>pasalubong Ko?kailang ka ba uuwi ha
(uhm..ewan ko pa… baka two weeks pa kami dito e… hiraman mo ako ng notes ha?bubye na muna)
Na-cut lang yung call.
Ganun naman yun e. bigla biglang nawawala. Hmpf ewan ko sa kanya. Ikukwento ko sana na nakilala ko na yung isa sa pinakanakakainis na tao sa mundo e.
Anyways. Anong gagawin ko nga ba ulit ngayon? Ah wala tatambay lang. manonood ng maraming anime. Hoho.
Nakaalis na sina tita kaya pwede na akong magmovie marathon. Yohoho.
BEEEEPPPPPPPPPPPPPP…BEEEEEEEEPPPPPPPPPPPP…BEEEEEEEEEEPPPPPPP
Makailang beses na may bumusina sa labas. Nakakairita ah. Bantulot akong lumabas para Makita kung sinong halimaw ang umiistorbo sa araw ko.
Naka-open ang bintaba ng kotse niya ay sumilay sa akin ang babaeng mukhang lalaki na may kulay asul na buhok. DIYOS ko naman po.
Bumaba siya at lumapit sa akin.”sumama ka sa akin…”
“utos na naman? Bakit anghilig mong mang-utos Mika…”napatigil ako.”it doesn’t fit your name..yung kilala kong Mika hindi ganyan makipag-usap sa akin…”
“I don’t really care…”prangka niyang sagot.”just come with me…we need to talk…”
“pwede tayong mag-usap dito…”aba malay ko ba kung anong gagawin sa akin nito noh>? Mahirap na mahal ko pa ang volleyball career ko.
“pwedeng sa ibang lugar na lang? wala akong gagawing masama sayo… bukod sa pagod na pagod na ako sa bad image ng ipinamana sa akin ng pinsan ko… e wala naman akong planong dagdagan pa yun…”
Fine. That did it. Sasama na lang ako dito. Magdadala na lang ako ng balisong. Hahahaha.
---
“where do you wanna go?”tanong niya.
“kahit saan na hindi kasama sana…”
Hindi na ulit siya naimik. Nagfocus na lang siya sa pagdadrive niya. Until we reach a resto. LOUxuriant Resto ang pangalan nung lugar.
“treat ko..ang gagawin mo lang ay makiking sa lahat ng sasabihin ko..after that…its up to you kung mikakapagkaibigan ka sa akin or hindi.”
“game.”
Gaya ng sinabi niya siya na ang nag-order. Mamahalin yung mga inorder niyang pagkain. Parang hindi ko naman yata kayang lunukin ang mga ito.
“angdami nito…”komento ko.
“shut up..and just listen…”
Utosera! Sigaw ng isip ko.
“as I was saying… kung ano man ang nagawa ng pinsan ko walang kinalaman sa akin… and whether you believe it or not gumagawa na siya ng mga paraan ngayon para makabawi sa mga taong inosente at nasagasaan ng mga barkada niya.”
Matama lang talaga akong nakikinig sa paliwanag niya.
“kuya mo si VINCENT GALANG right?”
I nodded. Sabi niya hindi ako magsasalita e. de sign language lang.
“MQI is one of our businesses… JM and ate Liam put it up… with the help of some agents… na-trace nila yung kinaroroonan ng ilang sa mga nakabangga nila dati… but not all of them are given chances,,,just those few who deserve it…”
Tiningnan ko siya ng “AND NOW WHAT LOOK.”
“I know the damage has been done..hindi na niya maibabalik ang nakaraan…ang point ko lang naman dito gusto kong kaibiganin ka…”
“what for?”hindi ko na natiis ang sarili ko.”hindi naman ako importanteng tao sa lipunan para kaibiganin ng isang sikat diba? Yung totoo Mika Aereen… bakit mo to ginagawa?”
“coz I like you…”
EEEE? REWIND.. REWIND NATIN HA… SHE LIKES ME? ANONG KAADIKAN ANG PINAGSASABI NITO.
“nung first sem naghome study ako dahil ayokong magantihan ng mga taong galit sa pinsan ko. Minsan nanood ako ng game niyo. Then I noticed you. Anggaling mo. outstanding kang maglaro. From then on kinonvince ko ang mga magulang ko na maging regular student na lang ako. Pumayag naman sila pero kailangan daw magtransfer rin sina Vio at Den sa Mhei zhou…”
“itigil na natin tong kalokohang to…”
Akma na akong tatayo nang hinawakan niya ang kamay ko.”wait… hindi pa ako tapos… hindi co-incidents ang mga pagkikita natin… sinadya kong sundan ka namin… gusto talaga kitang maging kaibigan pero nauutal ako pag nasa harapan na kita.. at tanging pagsusungit lang ang nagagawa ko…then it turned out na isa ka pala sa mga taong galit sa pamilya namin”
“anong gusto mong isagot ko?”malamig kong tanong sa kanya.
Umiling ito. binitawan niya ang kamay ko”wala… sana lang pagbigyan mo akong maging kaibigan mo man lang…”
“sorry…hindi ganun kadali yun…”
“alam ko…”batid sa mukha niya ang lungkot.
Kung kakausapin ko si kuya ano kayang ang ipapayo nung sa akin. si Mika naman kasi hindi ko makausap ng matino. Tsss.
---