13

1694 Words
ST 13 ARA’s POV NP: closing time Nagpapaikot-ikot lang ako sa higaan ko. Wala pa ring paramdam si Baks. Super enjoy sa bonding siguro yun. De bale para marami siyang kwento pag pasukan na.siya ang magbabangko ng kwentuhang hanggang antukin ako.hehe.masamang balak naman oh. Habang nagdidaydream ako kung paano ko bubuesetin si Mika ay nakarecieve naman ako ng text from Cienne. Cienne: AraMylabs…im bored.hindi pa ba nagtetext si mika? Hoho.si Mika ba talaga ang hinahanap nito? Ampf. Mareply nga. Me: si Mika talaga? Oh si KIMIKIMI lang?hihi Cienne: hmpf.di ah… Ee kasi anboring...gala tayo? Me: tinatamad ako. Cienne: TREAT KO NA… Me: game.hahahah Hahaha. Yun yun e. kung pakiramdam mo desperada na ang kaibigan mo na gustong gumala.sabihin mong wala kang pera para mapipilitan siyang itreat ka. angtalino ko talaga.^^v Byahe-byahe-byahe. OA ang daming byahe naman yan. Isa lang siyempre. Jeep lang noh. Bzzt bzzt bzzt Siguradong si Cienne lang to e. atat na naman Makita ako. Haha.joke lang.ganun kasi yun pag may lakad lagging “san ka na?” lapit ka na ba? Bilisan naman. Binuksan ko yung dumating na message. Mika: hindi ako makakapasok sa unang week ng pasukan. Take care :’)) huwag mo akong mamimiss ha.lols Angyabang talaga nito.singtangkad niya ang yabang niya. Me: ok. Hahaha. 10 9 8 7 6 5 4 Mika: ahy hindi mo mamimiss ang bestfriend mo pala ha :’( Hahaha. Oh sino ang hindi nakakamiss no? wala pang sampung Segundo nagreply agad e. Me: fine.konti lang. manlalaki na nga muna kami nina Cienne.hehe. :p Mika: galingan. LALO IKAW.hahaha Kainis yun ah. Anong ibig niyang sabihin? Mahirap akong makahanap ng boyfriend? Siya na./ siya na ang mas maganda at mas malakas ang appeal sa akin. Kung bakit kasi sa ice cream shop pa naisipang makipagkita ni Cienne e. sweets na naman. Hay naku. Pumasok ako sa BrainFreeze ice cream shop. Yung mga upuan dito parang kotse ang style. Cute cute lang. Angtagal niya naman oh.nagpangalumbaba lang ako habang wala pang Cienne na makulit dito. After 12345679 minuted ay dumating na rin siya. O_O—me n_n—siya “bakit?”tanong niya sa akin. “wala na bang mas maikli sa shorts mo Cienne?” “ah..hehehe…yaan mo na… no touch naman e…” Binigyan lang niya ako ng pera at saka ako na ang umorder. Rocky road ang trip ko. siya naman yung fruit salad flavored. “oh ikain mo na lang yang ikli ng shorts mo.hehe” “lam mo ba girl muntik na kaming makidnap ni Camille.hahahaha” “eee?”siya pa ang masaya na muntik nang makidnap e. “oo! Swear… papunta kami nun sa Mall e…tapos may mga humarang sa amin…e malay ba naming..hindi kami mayaman no..tapos kikidnapin?hahah” “parang masaya ka pang muntik kayong makidnap….” “e kasi… paano naman noh… may dumating para iligtas kami… shet…”tumigil siya para sumubo ng ice cream,”pinalibutan nga nilang kaming apat e…tapos isa-isang pinatumba yung mga sanggano.hahaha” “weeeh?super hero? Impossible naman yun…”e sa hindi ako naniniwala e. “swear… hindi ko nga lang kita ang mga mukha nila kasi naka-mask at hoodie e..yung mga mata lang nila ang nakita namin…naka-eye to eye ko nga yung isa…shocks..” Parang impossible naman yun? Uso pa ba ang superhero ngayon? Disbelief ang expression ko ngayon sa mga sinasabi niya. “hainaku..hindi ka naniniwala e…” “e panu naman Cienne… napakaimpossible nun no..unless may mga superpowers sila..hahaha” Sumimangot ito. pero bigla na namang nangiti. “kinilig ka na naman?” Tumango siya.”ee kasi angganda ng mga mata niya eee.hihi” “naku..huwag mong ikukwento kay ate Kim yan… baka sumabog ng wala sa oras yun…” “hahaha.de sumabog lang siya no..basta gwapo yung nagligtas sa amin.” OO na lang ako noh. Nagyaya ulit siya. Titingin naman daw kami ng shoes. “sana nandito si Kim e .tas sa JMR tayo shopping para may discount tayo.hehe”sabi ni Cienne habang tumitingin kami ng sapatos. Hindi naman mumurahin ang mga sapatos dito sa napuntahan naming ewan dito kung bakit bigla niyang naalala si ate Kim. “Naku… kawawang KIM naalala lang ni Ciene pag kailangan ng discount.hahaha”pang-aasar ko sa kanya. “ui di naman. Nagkakataon lang noh.”irap nito sa akin. Habang abala kami sa pamimili ng sapatos ay may tatlong lalaking lumapit sa amin. Iba ang aura ng mga to e. >_<. Yung tingin kasi nila sa legs ni Cienne parang gustong sakmalin? Pssh. “lipat tayo sa kabila mas magaganda yata dun e…”hinigit ko siya sa braso. “ee mas gusto ko to e…wait sukat ko lang…”yumuko siya na mas nagustuhan ng mga lalaking manyak na to. Angslow mo naman cienne.”tara na…”hinihila ko na siya papalayo. “miss… angganda mo naman… diba ikaw yung player ng Mhei zhou?”feeling close na sabi nung naka-jejemon cap. Saka lang nagets ni Cienne kung bakit ko siya hinihila papalayo.”ah…e..sorry..hindi kami yun…” hindi naman kami tumakbo no. lakad bilis lang. “sumusunod pa rin ba sila?”pabulong na tanong ni Cienne. “oo..ikaw kasi…bakit kailangan anghaba ng shorts mo.”naiinis kong tugon sa kanya. Nagpasikot-sikot kami at napadpad kami sa isang cellphone shop. Nagkunware kaming tumitingin ng mga turnilyo E MALAMANG CELPHONES.HEHE. “ee Ara… andiyan na naman sila oh…”turo niya sa may pinto. “e ikaw naman ang type nila e..aalis na lang ako…”biro ko sa kanya at nagkunwareng iiwan siya. Hinigit niya ako sa braso.”eee angsama mo naman eee.” Inhale exhale. GAME. Sabi ko sa isip ko.kukuha ako ng isang phone at i-spike-in patungo sa kanila. Haha.JOKE lang. lalabas na lang kami ng mahinahon. Humarang yung dalawa sa entrance. “kuya pwedeng padaan? Naghihintay na kasi yung mga kaibigan namin e…” Ngumisi pa si kuya matsing.”e kung ayaw naming? E mukhang wala naman kayong kasama e.magvovolunteer na lang kami…di ba pare?”baling nito sa kasama niya. Nakakapit sa braso ko si Cienne. Nanlalamig na ang mga kamay niya. Calm down Victonara.”uhm…akala mo lang yun kuya..Meron kaya…” Mula sa kinaroroonan ko ay nakita ko si Vio. Whoaaah..thank god nakita ko ang isa sa power rangers.”hayun oh…”turo ko sa kanya.”VIO…..”Twag ko dito. Buti at lumingon siya. Nagmadali kaming lumabas ng shop at lumapit sa kanya. Nagtataka naman ito dahil kumapit agad sa kanya si Cienne. “why?” Sumunod pala sa amin yung mga matsing. Napansin sila ni Vio. Nagets naman ito agad ang sitwasyon na kanina pa naming tinatakasan. “wow pare… tatlo na silang chics..triple date na tayo…”sabi nung medyo panget. Ngumisi lang yung dalawa. “tara na…”said Vio. Hinila niya si Cienne sa kabilang gilid. Paalis na sana kami pero nahawakan nung isang lalaki sa kaliwang braso si Cienne.”anghirap niyo namang amuhin..e siguradong koting hipo lang bibigay na kayo….” OKIE…SO INHALE EXHALE PA BA ARA? AYOKO NA NG GANITONG PAKIRAMDAM. KINIKILABUTAN AKO SA GALIT. Hinarap ko siya.”hoy… kuya panget..kanina pa kita kinakausap ng matino ah…” “ano? Lalaban ka? baka gusto mong halikan pa kita ha…”he grinned. Mabilis na tinabig ang kamay nung lalaki. nahawakan niya ito at pinilipit ito. “masakit ba?”nanlilisik ang mga mata nito sa galit. LUUUUH? Bakit biglang naging warfreak tong si Vio? “ANO? MASAKIT HA?”ulit pa nito habang patuloy ang pagtwist sa kamay nung lalaki. Akmang tutulong yung dalawang kasama nito nang bumunot ng baril si Vio. o_O---kami ni Cienne o______O yung dalawang lalaki. Isama mo na yung isa na hawak pa rin ni Vio at namimilipit pa rin sa sakit. Yung mga tao sa paligid naming napatigil at nagkumpol-kumpol sa amin. “ano! Laban pa?!!”sigaw ni Vio sa mga ito. Napaatras yung dalawa. Siya namang pagdating ng mga securities. Sa bilis ng pangyayari inaresto ng ga guwardiya yung dalawa. Itinulak ni Vio yung lalaki at napahiga ito. tinutukan niya ng baril. Pinipigilan ko siya pero hindi siya matinag. Yung lalaki takot na takot.”huwag mong ituloy yan…parang awa mo na…”pagmamakaawa nito. “uli-uli huwag mong paiiralin yang nasa pagitan ng mga hita mo gago ka…!!”matiim nitong sabi.”luhod!!” Ginawa naman nung lalaki. “miss huwag niyo pong ituloy yan…”awat nung guard sa kanya. “huwag kang makikialam dito…!”itinutok niya sa noo nung lalaki yung baril. Dumarami na ang tao na nakikitsismiss. “VIO….!”Narinig namin mula sa mga nagkukumpulang tao. Inulit ulit lang niya ang pagtawag dito. Nakita na lang naming sina Den at yung RED power ranger(hindi ko kasi alam ang pangalan niya.). lumapit sila sa amin. Kinuha nung si red poweranger yung baril.”angdami mong daldal Vio…”walang anu-ano ay itinutok niya ito sa noo nung lalaki. SHET. PUMIKIT NA AKO.ANO TO. SAKSI KAMI SA ISANG KRIMEN SA LOOB NG MALL? MAGTETRENDING NA NAMAN TO SA NET? Inabangan ko ang putok ng baril pero wala. Pagmulat ko ng mga mata ko inulit-ulit lang nung red power ranger ang pagkalabit sa trigger at TUBIG ANG LUMALABAS DITO. SHET.WATER GUN??? O_o---YUNG LALAKI O________o--- AKO at CIENNE. Tawa lang ng tawa sina Vio at den. Napabuntong hininga marahil ang mga tao na inakalang papatayin nila yung lalaki. “kayo ng bahala sa kanila…”malamig na tono ng boses nung red ranger. Ibinalik niya kay Vio yung water gun at nauna nang naglakad. --- Niyaya na rin kami ni Vio na samahan silang magmeryenda. Game lang sinave naman niya kami e. “young lady saan tayo?”tanong ni Vio. Nagkibit-balikat lang yung young lady.”gusto ko ng shanghai…” Ahy parang si Mika lang.Kayang ubusin nun ang 20 pieces ng shanghai e. napadpad kami sa STATION EAT. Isang simpleng kainan. “masarap ang shanghai nila dito…”pagmamalaki ni Den. Tumango lang si red ranger at tumingin sa labas. Napansin niya yatang napatitig ako sa kanya. Matapos umorder ni Den ay bumalik siya sa table naming. Katapat ko yung red ranger. Si Cienne naman katapat niya si Vio. “ano bang nangyari Vio?”tanong ni Den. Si Cienne ang sumagot. Siya excited e. at take note may pagka-exagerated ang pagkakakwento niya. “grabe buti nakita ka ni Ara…”tukoy ni Cienne kay Vio. “ikaw? May binastos ka rin ba?” O_o --- DEN-VIO Ako rin biglang hindi nakasagot kasi ngayon ko lang siya narinig na parang concern. Umiling ako bigla nang napansin kong nakatingin na sa akin yung dalawa para sa sagot ko. “ok.”tugon niya at binalik ang pansin sa labas. EEE? TAO BA TO TALAGA? Dumating yung order namin. Sigurado ba ang mga to? isang maliit na bilao ng shanghai ang inorder nila. Pero mas hindi kapani-paniwala ang bilis ng pagkakaubos nito. Si Cienne parang tanga na tinitingnan si Vio na wari tinatakpan ang bibig at noo nito sa ere. “why?”nagtatakang tanong ni Vio “ah wala…uhm have you been to tagaytay?”biglang tanong ni CIenne. “yeah…” “talaga?!”biglang sumilay ang ngiti kay CIenne. “oo…about a year ago…”kaswal na sagot ni Vio. Nadismaya naman ang itsura ni Cienne. Nawiwirduhan talaga ako sa red ranger na to. Kanina pa siya walang imik e. baka autistic rin to. “anong pangalan mo?”lakas loob kong tanong. “why you wanna know?” “e kasi… ilang beses na tayong nagkikita…sinigawan mo na ako’t lahat-lahat…tapos hindi ko pa alam ang pangalan mo…buti pa tong dalawa..kilala na namin…”pagpapaliwanag ko. Nagpangalumbaba ito at tumingin sa akin mga mata.”you can call me Rence…”sagot niya. “rence? Florence? Clarence?”hinuhuli ko kung ano ang girly name niya. Hihi.sigurado akong bantot e. Umiling ito.”nah..ah..ah… its MIKA AEREEN REYES…”she smirked.”Rence na lang para cool…”kindat niya sa akin. “Reyes? As in JMR group of companies?”pagkaklaro ko. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at about two inches closer.”at your service maam…”ngiti nito. WTH? IS THIS FOR REAL? ANG TAONG KINAIINISAN KO BUONG BUHAY KO AY KAHARAP KO AT MAKAILANG ULIT NG PINAKULO ANG DUGO KO?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD