--12--
ARA’S pov
Enrollment na naman. Hay naku. Bitin ang bakasyon. Sa kabuuan naman naging maayos ang sem break ko. nakasama ko ng mas matagal ang pamilya ko. nung nagpuntang MQI si Kuya hired agad daw siya. Hays. Parang biglang dating naman ng swerte sa buhay namin, sapat yung sweldo ni Kuya para sa pangangailangan ng pamilya. Angsaya lang.^^v
Pila ditto sa registrar. As usual naman. Anghaba ng pila naman oh. Kukuha pa lang ako ng form nito iba pa yun pila sa cahier. Sa pagkuha ng schedule. Sige na.. PILApinas talaga to.
Bzzt bzzt bzzt
Cienne: Ara mylabs… skul ka na? miss u na oh..hug hug ;”))
Adik talaga yung cienne na yun. Hug hug pa daw e. naku.
Me: oo e… naka-pila na nga ako… sunod ka na lang…
Cienne: okei…ah hug hug ko ha?hehe
Naku lang Cienne. Kung kay ate Kim mo sana sinasabi yan kikiligin yun ng hanggang bone marrow.haha.
“ehem…”narinig kong may tumikhim.
Hindi ko yun pinansin at tuloy lang ako sa pagtipa sa cp ko. Irereply ko pa si cienne noh. Pagtitripan ko lang.type type type..
“excue me? You’re blocking my way… “
Pag-angat ko ng mukha ko ay isang lalaking mukhang babae na kulay blue ang buhok. At naka-red shirt na may malaking earphone na nakasabit sa leeg niya. Wait lang. tinitigan ko siyang mabuti. Babae ba ito or lalaki?
“why are you staring at me?”boses babae. Whoah? Tibo? Pero mukhang lalaki talaga. Maikli ang buhok niya at flat chested. Whoah.
Pi-nat siya nung isang kasama niya. Saka ko lang napansin na may mga tao pala sa paligid naming. Pssh.”young lady… she must have been mesmerize again just like those over there…”nginuso nung kasama niyang gupit lalaki rin na medyo may kapayatan sa mga babae sa kabilang side na sa tingin ko ay pasimpleng kinukuhanan siya o SILA NG PICTURES.
May patakbong lumapit sa amin. This time medyo girly naman yung appearance niya pero astigin rin kumilos. Siya ang pinakasingkit sa kanilang tatlo. “sorry im late…hehe…”kamot nito sa ulo niya.”oh hi…”baling niya sa akin.”I am Vio… ikaw ba gf ni young lady?”magiliw niyang bati sa akin.
“eee??”
Pinalo nung kulay blue ang buhok yung kamay nung Vio.”watch your words Vio..late ka na nga kung anu-ano pa ang sinasabi mo diyan..tara na sa loob..nakakatamad pumila ditto…”
At wala siyang pakundangan na halos bungguin niya na lahat ng makakasalubong niya. Binalikan ako ng tingin nung Vio. Nag-peace sign ito.
(=___=) okei? Isang hindi magandang pangitain ang naencounter ko sa araw na to.
Hindi pa man rin ako nakakakuha ng form ay lumabas na sila ng office. Parang hinawi naman yung mga estudyante na pinadaan sila. Show off naman tong mga to.
“mukhang magiging exciting ang sem na to girl…”sabi nung isa sa likuran ko.
“oo nga girl…ayiiie… type ko yung singkit..akin na yun ha…”kilig kilig pa siyang pinagmamasdan papalayo yung tatlo.
Napailing na lang ako. Sila na. sila na ang tatlong itlog.haha. oh mga powerpuff girl.haha.naka-blue kasi yung Vio at yellow yung isa e. hahaha.angbully ko ngayon. Wala naman kasi si Baks ditto para may kasama akong tumatawa e. pssh.
Whoah. After 123456789 oras ay natapos ko rin. Buti nakilala ako nung student assistant at tinulungan akong mapabilis ang pagprocess ng registration form ko e.
Tambay muna ako sa canteen habang hinihintay ang kambal. Pancit palabok, tuna sandwich, softdrinks whoah I miss these.haha.
“chow time…”
Kung kailan naman susubo na ako biglang may sisira ng moment ko e. pssh. May naglapag ng tray ng pagkain sa tapat ko.”hi…?”ngiti niya wagas.
Eee? Siya yung isa sa powerpuff kanina ah.
“mind if I join you? Amboring kumain mag-isa e…”ngiti ulit nito.
“Vio tama ba?”
Tumango siya inilhad niya yung kamay niya,”Vio Espaldon…”
Inabot ko ito.”hi…im…”
“victonara Galang… I know you… sikat kaya kayo ditto…”ngiti niya.
Bigla naman akong nahiya dun.
Naupo na siya,”hehehe… buti hindi ka masungit noh…kasi nakakalungkot naman talagang kumain mag-isa e…”
“ha? Eee…hehe… may hinihintay kasi ako… asan na ba yung mga kasama mo?”
OOOPSSSS. Baka magalit rin to. Hahaha.
“ah you mean Young lady and Den?”
Malamang sino pa ba yung kasama niya kanina no.tumango ako.
“uhm..si Den ewan ko…hahaha.si young lady naman pinatawag ng Dean…”
“ah…”tumango-tango lang ako na nagkunwareng interesado sa mga sinasabi niya.
Then came the twins.”Araaaa….!”sigaw ni Cienne mula sa entrance ng canteen.siya na ang may nakakabighaning boses at napatingin lahat ng tao sa kanya.except Vio na kumakain much.hahaha.
Niyakap ako nito nang halos hindi ako makahinga.”cienne..bubuhayin mo pa ako?”I manage to say..
“ahy sorry….”saka nito napansin si Vio.”ahy boyrfriend MO?”nalungkot siyang bigla.”angsama mo Ara…ilang araw lang ang lumipas ah…”
“eee?”
Tumayo si Vio at inilhad ang kamay sa kanila.”hello im Vio espaldon… nice to meet you…”
“babae ka????”manghang manghang tanong ni Cienne.
Ngumiti si Vio.”oo…deceiving ba?hehe”
“yeah…”sagot ni Camille. Tiningnan niya ito mula ulot hanggang paa.”you look familir..have we met before?”
Umiling si Vio.”but I know you…uhm actually lahat ng players ng team niyo…”
“uhm order na kayo cienne..tapos sabayan niyo na kami..”alok ko sa kanila.
Pumila na nga yung dalawa. Busy naman sa cp si vio. Hindi ko naman sinasadya pero napapatitig ako sa features niya. Makinis ang mukha nito. Makapal ang mga eyelashes niya angganda lang sigurong lagyan ng make ups.hehe.
“uhm..vio…totoo ba yang lashes mo?”
“ha? Oo naman… bakit?”
“ganda kasi.hehe”tugon ko habang nginunguya yung chichiria na inoffer niya sa akin.
She smirked,”yeah right… baka gusto mo pa kong pag-experimentohan..”
Umiling ako nang paulit ulit.”haha..not me..si cienne ang mahilig sa make ups…”
Tamang dumating ang kambal.”narinig ko yung pangalan ko ah…”kunwareng pagtatampo ni Cienne.
“haha. Sabi ko kasi angganda niya… baka gusto mong maging subject sa make up things mo…”
Tiningnan siya ni Cienne and she grinned.”oo nga noh…gondo niya.hihi…I will transform her into a goddess…hahahah”arteng tawa na naman ni cienne e.
Si Vio parang nawiwirduhan na kay Cienne.
Napapailing si Camille.”don’t worry Vio… she’s just joking… “
“ah..hehe..okei…”
Maraming baon na kwento ang kambal tungkol sa bakasyon nila. Hindi nga ako makasingit e. saka parang na-o-OP na si Vio. Pero nakikinig pa rin ito.
“ok ka lang Vio?”tanong ni Camille sa kanya.
Tumango ito.”nakakatuwa kayo e…”
“hahaha”tawa ni Cienne.”naks… deny ka pa e....nabobored ka nan oh???”
Sumunod naman itong nagkwento. E mga jokes niya korni pero benta kay Cienne. Babaw kasi nitong singkit na to e.
“Vio… we’ve been looking for you… nandito ka lang pala…” napatingin kami sa dalawang lumapit sa table namin. Yung dalawa pang member ng powerpuff girls.hehe. yung naka-yellow.
“ah sorry…napasarap ng kwentuhan e…”tugon ni Vio. Tumayo ito at ipinakilala kami sa mga PPG(powerpuffgirls).”uhm…sila pala ang mga new friends ko ditto…Ara, Cienne at Camille…”isa-isa niya kaming itinuro. Umakbay siya dun sa naka-yellow shirt.”girls..this is Den…my sister and this is…”
“Let’s go..i don’t have time for this…”matiim na sabi nung redshirt na kulay blue ang buhok. Isinuot nito ang earphone niya saka lumabas ng canteen.
Angsungit naman niya. Meron siya siguro.hihi. nevemind.. may kanya-kanya rin tayong
“opps.sorry ha…ganung lang talaga si young lady…”hingi ng paumanhin ni Vio.
“are you twins?”biglang tanong ni Den.”ah nevermind..tara na nga…”tinapin niya si Vio at sinundan nila si blue haired ppg.
“that’s weird…”said cienne. With matching rolling eyes pa.
“hindi weird yun Cienne..PMS ang tawag dun.hahaha”sagot ni Camille.
---
Naghiwalay na rin kami ng kambal. Liliwaliw nga muna ako dito. Gala lang konti bago umuwi kena tita. Ibibili ko siya ng maraming siopao.haha.favorite kasi niya yun. Yung special asado pa.
Sa 7eleven na lang para hindi niya sabihing tinitipid ko ang pasalubong ko sa kanya. Hihi. Tama na yung lima. Tatlo sa kanya dalawa sa akin.hoho.
Tamang paglingon ko dahil babalik na ako sa counter ay nabangga ko ang isang costumer at tumilapon yung mga dala-dala ko. >___< oo nga pala. Tsss. Pahiya ako dun ha. Panu ko ba to lulusutan. Ah alam ko na.”uuhhy..pinapanood niya.hahaha…naks..sino favorite mo dun ha???”
(“-_-)—siya
Tas bigla itong tumawa.”haha..ang-lame ng palusot mo Ara..hahaha..anyways…sige ha..see you na lang…sigurado namang magkikita pa tayo e..”
“malamang… schoolmate tayo…”
Kumindat pa ito saka nagtungo sa mga kasama niyang..hmmm…ano ba…powerrangers na lang.hihi.siguradong may blue-yello-red dun at mukhang yung red shirt ang leader naman nila e. hoho.
Parang yung mga nababasa ko sa net. What if kunware nasa panganib ako tapos dumating silang tatlo tas sabihin nila its morphin time.haha. anglakas ng imagination ko.
Gutom lang to sigurado ako.
---