ST 11
Ara’s POV
Nagmistulang parang bata si Mika na natuwang sumama kay papa sa bukid.sinubukan niyang magpatubig sa mga pananim. Parang temang lang na naglaro ng putik e.
“wow Ara..angsaya lang!!”tuwang tuwa pa siya habang puro putik hanggang binti at pati tshirt niya may mga talsik pa.
“ano bang ginawa mo? naglaro ka lang yata e…”Dadapo na sana sa mukha ko yung mga kamay niyang putik-putik pero tinaasan ko siya ng kilay.”subukan mo Mika..baka hindi ka makauwi ng buhay…”
Nag-peace na lang siya saka kami nauwi. Habang naliligo siya ay abala naman akong naghahanda para sa meryenda namin.
At home na at home na ang feeling ni Mika. Parang siya na nga ang anak e. ampon lang yata ako ditto. Tsk tsk tsk.
“Vic…kakain na ba tayo?”tanong niya habang pinupunasan pa yung buhok niya.
“aba Mika… senyora ka ditto?”kunwareng naiinis ako.
“ee bisita ako noh…”saka siya naupo. Nagpangalumbaba at pinapanood ako sa paglalagay ng pansit canton sa plato.”lam mo bansto..swerte ng magiging partner mo…”
“eee???”
“tingnan mo ha…kunware ako yun… simula kahapon konti lang ang ginawa ko ditto… sobrang asikaso mo sa akin e…”pagpapaliwanag niya.”what more pa kung sa Gf or Bf mo na diba?”
Muntik ko nang ipasok sa bibig niya yung kutsara.”shet Mika..yang bibig mo…”
“LUUUH…anong sinabi ko?”
Napataas ang kilay ko,”GF your face Mika…!”
“ah yun ba…heheh.sorry…”kamot niya sa ulo niya.”e kasi naman diba? Ang-astig mo kasi..hindi na ako magtataka kung isang araw sasabihin mo…baks…oh gf ko.hahahha”
Padabog akong naupo sa tapat niya.”kumain ka na nga..gutom lang yan…”
Sumeryoso siya. Tumingin siya ng deretso sa aking mga mata.”di nga Victonara? Hindi ka naatract sa girls?”
“ewan ko sayo…kumain ka na…”
“aha!” sabay taas pa ng hawak niyang tinidor.”nasesense ko Ara… sooner sa babae ka rin maiinlab.hahahaha”
Biglang pumasok si Kuya Vincent.”ano yung narinig ko nag f?may Girlfriend ka Ara?”
O_O—me
“hahaha…”tawa ni Mika.”habulin lang ng chix yan.hahaha”
Aambahan ko na siya talaga ng tinidor e.
Naupo sa tabi ko si kuya.”talaga? sabi ko na nga ba e… mas maraming babae ang lalapit sayo…hehehe”
(“-___-)—ako
“oh diba? Sabi sayo Ara e..nangingibabaw ang pagiging lalaki mohahhaha”dagdag ni Mika
“hindi ako tibo..”napayuko ako.
“alam mo sis… siguro nasa state of identity crisis ka lang e… pero darating rin yung time na marerealize mong si Mika ang gusto mo…hahahaha”
O_____O---kami ni Mika.
Tumawa naman nang wagas si kuya.”hahahaha…ooopppps sorry…mistake of the tounge sis…”patuloy lang ang tawa niya hanggang makalabas ng kusina.
Nagkatinginan kami ni Mika.
“should I laugh too?”nag-aalala niyang tanong.”ganun na lang ba kahalata na crush mo ako?hehe”
Inirapan ko siya ulit.”Mika..bawas naman sa Hangin oh..liliparin na tayo e…”
---
Kinagabihan habang nagkakantahan sina papa at si kuya sa may garden nasa kwarto naman kami at naririnig lang naming sila. Yung kwarto ko kasi malapit sa garden e. tamang soundtrip lang.
“ui Ara…anong request niyo diyan?”narinig kong sigaw ni Kuya.
“kahit ano kuya basta hindi boring.ahahah”tugon ko.
“ee walang kantang kahit ano…”sabat ni Mika.”yung You and Me na lang po…”
“ah sige… your wish is my command…”sagot ni kuya.
“uy baks..favorite mo yun?”tanong ko sa kanya habang nakasandal kami pareho sa dingding at naglalaro sa mga phones namin,
Umiling ito.”pero madalas kantahin yun ng pinsan ko pag trip magpaharana nung partner niya…kaya yun nakabisado ko na rin…”
“weeeh? Kantahin mo nga…”udyok ko sa kanya.
“ayoko nga…”
“sabi mo kabisado mo…”
“uhm..oo…pero kasi kanta nilang dalawa yun e… pang magjowa kaya yun..mamaya kiligin ka pa tapos mainlab ka sa akin…”
“hala..feeling mo rin e..baka ikaw’’oh game..kung kakantahan mo ako…ano yun na?”
Sandali siyang napaisip. Inilagay niya sa tainga ko yung isang earphone saka niya pinindot yung play sa phone niya.
NP: COUNT ON ME(Bruno Mars) [click the video if you like.haha]
If you ever find yourself stuck in the middle of the sea
I'll sail the world to find you
If you ever find yourself lost in the dark and you can't see
I'll be the light to guide you
Find out what we're made of
When we are called to help our friends in need
napapasabay pa siya sa pagkumpas ng kamay niya e.
You can count on me like 1, 2, 3
I'll be there
And I know when I need it
I can count on you like 4, 3, 2
You'll be there
'Cause that's what friends are supposed to do, oh yeah
Ooooooh, oooohhh yeah, yeah
with actions pa Mika?hahaha..pumipikit-pikit pa.haha
If you're tossin' and you're turnin'
And you just can't fall asleep
I'll sing a song beside you
And if you ever forget how much you really mean to me
Every day I will remind you
Oooh
Find out what we're made of
When we are called to help our friends in need
Haha.feel na feel pa ng bakulaw oh. Humarap siya sa akin at parang batang in-action yung kanta. Kanto boys lang ang peg?haha
You can count on me like 1, 2, 3
I'll be there
And I know when I need it
I can count on you like 4, 3, 2
You'll be there
'Cause that's what friends are supposed to do, oh yeah
Ooooooh, oooohhh yeah, yeah
You'll always have my shoulder when you cry
I'll never let go, never say goodbye
You know...
You can count on me like 1, 2, 3
I'll be there
And I know when I need it
I can count on you like 4, 3, 2
You'll be there
'Cause that's what friends are supposed to do, oh yeah
Ooooooh, oooohhh
You can count on me 'cause I can count on you
Nag-pogi sign pa pagkatapos.”ok ba? Ganda noh?hahaha”
“nagustuhan niyo ba sis yung pagkanta ko?”sigaw ni kuya.
Nangiti na lang kami pareho ni Mika.”oo kuya…dbest ka nga e.hahaha…”ganting sigaw ko sa kanya.
“galing ko no?”pagyayabang ni Mika.
“oo na lang Baks…hehe”pang-aasar ko sa kanya.
“angsama nito oh…”she pouted.”ee vic..uuwi na pala ako bukas no…”
“oh…tapos?”
“tapos…wala… hindi mo ako mamimiss ha ha? Ha?”pangungulit niya.
Tumahimik ako saglit.
“LUUH..hindi nga ako mamimiss…”
“wait nga lang…nag-iisip pa ako ng speech ko eee…”pinandilatan ko siya ng mga mata.”oh makinig ka Mika..minsan ko lang to sasabihin Bakulaw…”
Tumango-tango ito at kumuha pa ng unan.hahaha..kulit na bata.”uhm… ehem… ako si Victonara Galang ay mamimiss ng konti si Mika Aereen Marcaliñas… pero… “
“oh anong pero?”
“mainipin lang? patapusin kasi ako…”ngisi ko sa kanya.”pero…sana sa muli naming pagkikita…”
“marunong na akong magluto…maglinis ng dorm…maglaba ng sariling damit at hindi dalhin sa laundry shop dahil sayang ang pera.. hindi na ako magigign matakaw… hindi na ako lagging nakasimangot…”
Hahaha.memorize na niya yung mga paulit-ulit kong sinasabi sa kanya oh.”at higit sa lahat… magiging mas mabuti pa rin siyang kaibigan sa akin… maging tapat pa rin…. At hindi hahadlang sa kaligayahan ko… kasi baka pag may manligaw sa akin bigla niyang batugin ng kaldero sa dorm…”natatawa kong tinapos ang speech ko.
Natahimik naman siya.
“bakit baks?”
“huh? Wala lang Vic…e kasi yung huli… yun may manliligaw sayo?”
“oh ano??”
“e kasi… sayang yung kaldero… ingungudngod na lang naming ni ate Kim. Bwahahahahahaha”
(=______=)
Napagpasyahan naming matulog na. maaga daw kasi ang alis niya bukas baka naghihintay ang lovelife nito sa bahay nila. Hehe.
“baks… sa pampanga ka uuwi bukas?”
“hindi.. balik akong manila… sa tita ko…nandun na rin mga parents ko e… parang get together…”
“ah I see…”
“eee Vic… pag hindi ako nakatext or tawag… busy lang ha…”
“ano ka ba baks… hindi mo obligasyong itext ako sa mga ginagawa mo no..syota lang? adik ka talaga…”
“e hindi kumpleto ang araw mo pag hindi ako nagtext noh.hahaha”
Nagkumot ako hanggang ulO,”ANGLAKAS NG HANGIN..ANGLAMIG LANG TALAGA…”
---
MIKA’S POV
THURSDAY
Maaga akong umalis kena Ara para makaabot ako sa family gathering. Nagpahatid lang ako kay manong George hanggang sa terminal.
Sa kabilang bayan ako bumaba para walang makakita sa akin na kakilala ni Ara. Dun kami nagkita ni ate shandrei.
“thanks talaga ate shands…”
Tumango lang ito.”this would be the last time Mika… I hope you understand…”
I nodded.”sasabihin ko na sa kanya this second sem… kailangan ko lang humanap ng magandang tiyempo…”
“sana nga Mika… ilang buwan mo na siyang niloloko… pati mga kaibigan mo…”
“alam ni ate Kim…”I softly said.
“yung pinsan ni Rhyck?”
Tumango lang ulit ako.
“ok… bukod sa kanya meron pa ba sa mga kaibigan mo ang may alam na isa kang Reyes?”
Umiling ako.”pero sasabihin ko na talaga… lalong lalo na kay Ara…”
Hindi na naimik si Ate Shands.
---
After 123456789 hours ay nandito na kami sa tapat ng condo kung saan ako tumutuloy habang nasa ibang bansa sina papa at mama. yung kuya ko naman kasi hindi ko rin madalas mahagilap dahil sa trabaho.
Umalis na rin agad si ate shands.
Heading to my humble home. Nangingiti lang ako dahil sa mga adventures ko this past days. Angsaya lang makabonding ang pamilya niya.
Inihiga ko lang muna. Psssh.
“maging tapat pa rin….”
“maging tapat pa rin….”
“maging tapat pa rin….”
Yun ang umukit sa utak ko sa lahat ng mga sinabi ni Ara kagabi. Ginulo ang buhok ko. siguro mapapatawad niya ako kung sasabihin ko yung totoo diba? Kasi kaibigan niya ako.
Anghirap. Kung bakit kasi dala-dala ko pa ang apilyedong to. Swerte raw ang mapabilang sa pamilya ng reyes kasi we have everything we need…
Pero hindi nila alam… this surname brings trouble rin minsan…
Bzzt bzzt bzzt…
Kuya jmark: mika…don’t forget about the dinner later… I miss you bebeko.ahaha.pakiss nga sa higante kong pinsan.hahaha.
Me: korni mo kuya..sige..i’ll be there…
Habang nasa sala ako at kinakalikot yung netbook ko ay may nagdoor bell. Mga close family members lang naman ang nakakaalam na ako ang umuukopa ng unit na to kaya agad koi tong binuksan.
O_O---me
“what are you doing here? You should be at Tagaytay right?”ang alam ko kasi pupunta siya sa death anniversary ng tito ng isa sa mga kaibigan niya. Nabasa ko kasi sa news feeds nf f*******: kanina.
Walang anu-anong nagtuloy-tuloy sa loob si ate Jm.”maupo ka..we need to talk…”she seriously said
Ok siya na ang boss sa bahay ko ha.”what about?”pakikipagsukatan ko ng katarayan sa kanya. I told you hindi ako ganun kabait na tao. It really runs in the bloodline.
Tinuro niya yung upuan sa tapat niya.”care to explain Mika Aereen Reyes?”
“I don’t have anything to explain Jana Marie Reyes…”nakakalimutan ko ng she is way to older that me. Psssh.
She eyed me,”ibinilin ka sa akin ng mga magulang mo Mika… sa tingin mo hindi ako mag-aalala sayo? What’s gotten into you..?!”
“hindi ko kailangan ng pag-aalala mo… see? Im ok…Im way better being a marcaliñas…!”
She stood at frustratedly hold on her head.”know what? You should be thankful Mika... you belong in a well known family…”
“sure I am thankful…”I sarcastically answered.”Reyes? Oo nga naman…thanks to you… at sa mga kaibigan mo…sikat na sikat ang Reyes sa university… mga takaw gulo…laman ng mga bars… nakikipag-away basta uminit ang ulo...hindi basta basta binabangga… ano pa ba?”
“you don’t know what you’re talking about Mika…”pagalit na niyang sabi.
“hell with that..ano pa dapat kong malaman? ”sandali akong tumigil at tiningnan siya nang matalim.
“pinoprotektahan lang namin ang mga taong importante sa amin..! hindi mo ba naintindihan yun ha?”
“na kailangan pang umabot sa pagpapaexpel ng estudyante ha?”pasigaw na ang pag-uusap naming.
She smirked.”so may kinalaman pala ito kay Vincent…”tiningnan niya ako saka siya ngumisi.”are you doing this for his sister? Alam mong hindi pabor ang papa mo sa ganitong sitwasyon Mika...”
“don’t be so assuming of what I feel…and please… get your hands off her… I am still a reyes at alam mo kung ano ang kaya kong gawin…”pagbabanta ko sa kanya. Papasok na sana ako sa kwarto ko pero binalikan ko siya.”by the way… tell ate Liam thank you for helping kuya Vincent…alam ko namang hindi mo gagawin yun kung hindi niya inutos e..coz you cant let go of your pride…”
Saka na ako tumuloy sa kwarto ko at binalibag ang pinto.
----