ST 32.1 ARA’s pov Pagkalabit ni Cienne ang gumising sa akin. ewan kasi dito kung bakit naisipang lumipat ng kwarto sa kalagitnaan ng gabi. “Ara… bangon na tayo?” “mauna ka na..antok pa ako..” “ayoko…nasa baba na sina Kim e..” Nakapikit pa ang mga mata ko habang sinasagot siya,”hindi multo si Kim…baba ka na…” Niyugyog niya ulit ako.”ara…ayoko siyang Makita…” “kunin mo yung shades ko..suot mo…” “eee Ara naman ee..”pagmamaktol nito. Napaupo na lang rin ako. Kinusot-kusot ang mga mata ko at napatingin sa kama ni Mika. Maayos na ang beddings niya. “every morning ginagawa mo yan?”biglang tanong ni cienne. “oo naman..hindi ka nagtatanggal ng morning glory paggising mo?” “gagi..hindi…yung pagcheck sa kama ni Mika kung gising na siya o tulog pa…” Inalala ko lang kung araw-araw ko ban

