ST 32.2 Cienne’s pov Para akong napako sa kinatatayuan ko habang papalabas ng kwaro si kim. Hindi ko mati mahugot kung anong sasabihin ko. gusto ko siyang pigilan pero paano? Mapapahiya ako sa team. Alam kong narining nilang lahat ang mga sinabi ko. Tuluyan na nga siyang nakalabas at siyang pagpasok ni Camille. Sinara niya ang pinto. Napaupo ako sa kama at napa-face palm. “cams… angsama ko ba?” “oo…ALam mo naman ang tama..ayaw mo lang gawin..ibaba mo kaya yang pride mo at intindihin ang puso mo?”payo niya sa akin. Humarap ako sa kanya. Ramdam kong malapit ng tumulo ang mga luha ko. “Camille….” Pinahid niya ang mga ito.”cienneloo… napapagod rin ang tao… kahit sabihin nating mahal ka ni Kim… sa pakikitungo mo sa kanya kahit ako mapapagod e…” “anong gagawin ko? paano pag trip lang

