-- 9 --
ARA’s pov
Tuesday(feel ko lang lagyan ng day.haha)
Nagising ako sa alarm ng phone ko. psh. Napatagal ang kwentuhan namin ng mga Magulang ni Mika kagabi e di ko na tuloy namalayan ang oras. Buti pa tong si Mika hindi agad-agad nagigising sa alarm clock
---flashback—
“ui baks layo pa ba ng bahay niyo?”tanong ko sa kanya. Masakit na kasi ang puwetan ko sa trcicycle na to e. parang isang trienta minutos na kaming nagbabyahe ditto. Idagidag mo yung mula Manila to Pampanga.
“malapit na po miss…”nakakalokong ngiti niya sa akin. “yan nasa Mandili na tayo oh…”bulalas niya.”malapit na tayo…”
Tumigil ang tricyle sa tapat ng isang bungalow na bahay.”ditto na ba baks?”
Tumango siya.”yeap…ngiti nito.” Bumaba siya at dinala ang ilang mga gamit namin. Itinaas pa ang dalawang kamay.”welcome to Mandili, Candaba Pampanga!”
Napailing na lang ako sa pagiging OA ni Mika. parang pinaghandaan talaga nila ang pagdating namin dahil sa maraming pagkain na nakahain sa hapag kainan nilang nasa ilalim ng mga halaman na parang sinadyang gawing lilim sa maliit nilang harden.
“wow fiesta ba to?hahaha”tuwang-tuwa kong tanong sa kanya.
Sinalubong kami ng dalawang may edad na babae at lalaki.siguro ay mga nasa edad kwarinta ang mga ito. Nagmano si Mika sa kanila. Ginaya ko rin siya siyempre.Ipinakilala niya ako at ramdam ko ang pagtanggap nila sa akin. mukha silang mababait.
“Ara…meet my parents…tatay Miguel and nanay Alicia…”ngiti ni Mika.
“good morning po…”
“goodmorning rin..kumusta ang byahe??”
“ok lang po..nakakapagod rin…”
No dull moments.haha. kwela rin kasi itong si tatay Miguel e. yung mga kwento niya kung paano niya niligawan ang asawa nila. Debest yung nagsisibak sila ng kahoy e. so sweet lang.
Samantalang si Mika tahimik lang sa tabi ko. giliw na giliw rin sa mga kwento nila as if ngayong lang niya narinig e sigurado namang ilang libong beses na itong naikwento sa kanya.haha.
Matapos kumain ay hiniram ni Mika yung motor ng pinsan niya at nagjoyride kami. “grabe baks..angsaya naman kausap nina tatay…”
“Uy nakikitatay ka na rin ah.hahaha”
“haha. Adik e ganun naman talaga diba? E de gumaya ka rin pag nakilala mo ang mga magulang ko…”
“haha…tapos mapagkakamalan na naman tayong magshota..tinanong kaya ako kanina kung girlfriend daw kita…”
“oh ano sabi mo?huwag mong sabihing nag-yes ka naman…”tugon ko sa kanya ng pasigaw dahil sa bilis ng takbo naming ay baka hindi niya marinig.
“asa ka naman victonara noh…hindi kita type…hahahah”
Gusto ko siyang itulak lang e. kung makapang-asar tong bakulaw na to.”naku buti na lang…kasi kinikilabutan ako pag sakaling sinabi mong shota mo ko noh…”
Saka mahirap na. haha.kahit joke yun baka kung anong isipin ng mga magulang niya.
Kinagabihan ay walang katapusang kwentuhan ulit. Hinarana naman ni tatay Miguel ang nanay ni Mika. so sweet naman talaga oh. Kasama namin ang isa sa mga pinsan niya na kasa-kasama nila ditto sa bahay dahil nasa trabaho daw ang panganay na kapatid ni Mika samantalang yung bunso ay nagbabakasyon sa bahay ng lola nila.
“naks naman oh… sweet niyo po ah…”kinikilig kong pang-aasar kay tatay Miguel.
“naman..kahit nakadalawang debu na tong asawa ko e panay pa rin ang panliligaw ko sa kanya…”tugon nila.
“nakanangs… so much love…ahahaha..”puri ulit ni Mika.”e isa pa po…”
Ibinigay ni tatay Miguel yung gitara sa kanya.”ikaw maggitara tapos kakantahan ko ulit ang aking reyna”
“eee? Marunong ka?”alanganin kong tanong kay Mika.
Nagmayabang pa itong sumenyas ng “WATCH AND LEARN E.”hahah.sige nga mika kung kaya mo.
“bigyan mo ako ng isang bagsak ng UNCHAINED MELODY..”pagyayabang ni tatay Miguel.
(“-__-)---Mika
(?_?)—me
“e hindi ko alam yung..angluma naman nun….”reklamo ni Mika.
“naku..amin na nga yan..hala..lumabas ka at kumuha ng tatlong bulaklak ng gumamela…”
Hahaha..alam mo yung parang mga PBB teens ang kaharap naming.
“naku..tigilan niyo na nga ako…”saway ni nanay Alicia…”halika nga muna Ara at magtimpla tayo ng kape…”
Sumunod ako sa may kusina. Nakakatuwa talaga sila e. nagpainit kami ng tubig at nagpalaman sila ng tinapay. “Anong gusto mong palaman Ara?”
“uhm…kahit ano na po..hindi naman ako mapili e..”
“ah..itong margarine lang ang meron ditto pala.haha..ito kasi ang peboreyt ng asawa ko e…”
“sige po…”
Habang tinitimpla naming ang kape at biglang may nagstrum ng gitara.
NP: UNCHAINED MELODY (if trip niyong pakinggan click lang yung play sa gilid-àhehe)
Nagigitara si Mika. Hawak-hawak naman ni tatay yung mga bungkos ng gumamela.haha.angcute nilang pagmasdan. Habang kumakanta ay napapwink pa si Mika. Papansin e. siya na fastlearner sa paggitara.
Habang papalapit si tatay Miguel kay nanay Alicia ay parang gusto na siyang patigilin nito sa kahihiyan.haha.paano naman kasi napasok na rin yung ibang pinsan ni Mika.
Full support talaga? Hahaha. Kinikilig na rin tuloy ako. “ayiiiieeeeeee…”
Tinanggap ni nanay yung bulaklak at inilahad ni tatay Miguel ang kamay niya. Nagsayaw sila habang sinolo na ni Mika ang pagkanta.
Whoah lang. she sings well rin. Palakpakan naman ang mga nakanood sa PBB scene nina tatay Miguel.kasama ako diyan ah.hahaha.
“galing ko no?”pagyayabang ni Mika.
Angyabang kahit kailan pero pinagbigyan ko ng isang papuri naman. Para hindi sumama ang loob ng bakulaw.haha
Hindi kami agad nakatulog dahil parang hindi naubusan ng kwento sina tatay Miguel. Kung hindi pa sunod sunod na paghikab ni Mika ay hindi sila magyayayang matulog na.
Bago matulog ay nagkwentuhan pa kami ni Mika. “bansot… hindi ako makatulog…,”
“ngek? Bahay mo naman to… para kang ewan…”
“e nasanay ako sa dorm e…hehe…”reklamo niya.
“adik mo..,dami na ngang kwentuhan kanina di ka pa makatulog…”i softly said.nakapikit na rin kasi ako pinipilit ko lang siyang sagutin para hindi magtampo.
“haha..grabe nga e..sorry ha??kulit rin kasi nila…sorry ha..”
“ano ka ba..angsaya nga e..sweet ng tatay mo…e baks.. gusto ko rin pag may manligaw sa akin haharanahin ako..hehe”
“baka ikaw pa ang mangharana noh…”tumalikod na siya at siguro ay nakatulog na rin.
Kung manabla naman to. Never akong manghaharana no.ako ang haharanahin.devil smiles.haha
---end of flashback—
I check on my time. 7:30 na pala. Hindi na ako makatulog. Niyugyog ko si Mika.”baks..gising na…”
“10 minutes…”she uttered.
“eee? Baks… nahihiya akong bumaba… bangon ka na rin.. hindi na ako makatulog oh…”
Napaupo siya at tumingin sa akin.(>__>)
“baks??? Bakit??”
Hindi siya sumagot. Bagkus ay iniyakap niya ang kanang braso niya sa akin ay inihiga ako ulit. Then she snores. The heck? Tulog pa pala siya? Gosh lang ha. Angbigat ng braso ng bakulaw. Maingat kong tinanggal iyon.
Hinintay ko na lang yung 10 minutes niya pero lagpas na e. niyugyog ko na lang ulit ito.
“ano ba Victonara…ang-aga pa oh…”reklamo niya.
“e gusto ko ng bumangon tayo…nahihiya akong bumaba nga e..saka sige na…bangon ka na..angtangkad mo na..tama na yang tangkad sagad tulog mo…”tinulak-tulak ko siya para bumaba nan g higaan.
YEEEEIIIIIIII…WALA SIYANG NAGAWA.bantulot siyang bumaba kasama ko. hoho. Sabay-sabay kaming nagbreakfast. Matapos nun ay sumama ako sa palengke para tulungan si nanay Alicia.
Nakakatuwa lang e pinilit kong sumama si Mika pero masakit daw ulo niya. Oh de pagbigyan?
Pagdating namin ay tulog ulit siya. Hinayaan ko na nga lang. nag-eenjoy ako sa company ng nanay niya e. ditto lang kami nagtanghalian bago kami uuwi sa bulacan. My place.^^v
Nagpaalam na kami ni Mika at naghihintay na yung trycicle sa may kalsada. Nung nakasakay na kami ay bigla namang bumaba si Mika at bumalik kena tatay Miguel.
Tanaw kong yumuko ito. parang hapon naman to. Pero cute rin naman. Nakita kong pi-nat ni tatay Miguel ang Ulo niya. Marami sigurong bilin ang mga ito sa higante nilang anak.haha.
MIKA”S POV
Bilib na ako sa energy ni Ara. Napuyat na nga at lahat ay maaga pa ring nagising at sumama pa sa palengke. Nung paalis na kami ay bumaba muna ako at binalikan sina manong.
Yumuko ako at humingi ng despensa sa kanila.
“sorry po…”
Pi-nat ni manong ang ulo ko at ngumiti ito.”naintindihan kita Mika… nag-enjoy rin naman kaming napasyal kayo ditto e…”
“sorry po ulit… at salamat na rin po…”
Hinaplon naman ng asawa nila ang pisngi ko.”tandaan mo Mika..ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat…”
Tipid na ngiti ang naging tugon ko sa kanila.”salamat po ulit…”
Saka ako nagtungo sa tricycle kung saan anghihintay si Ara. “angdaming bilin naman yata nun?”biro niya sa akin.
“ganun talaga noh..”
TERMINAL NA KAMI PAPUNTA SA BULACAN. While waiting for passengers ay naalala naman niya sina Cienne.
“baks…kumusta kaya yung kambal? Hindi man lang nagtetext…”
“e namimis mo si ciennelo noh?”pang-aasar ko naman sa kanya.
Umirap ito.”adik ka…namimiss ko sila noh… miss ko agad yung bonding.haha… e musta na kaya sila…”
“ahm…sabi ni ate Cha… sa tagaytay nga daw sila this break… death anniversary daw ng papa nila e..”paglalahad niya.
“ahy ganun..patay na pala ang papa nila…”
Tumango si Mika.”hindi naman makwento yung kambal e… pero si Ate Cha nung minsang nakapagkwentuhan kami nasabi niya na yun nga… namatay daw sa isang ambush ang papa nila seven years ago… “
Hindi ko alam yung buong kwento ng nangyari kasi naiyak na si ate cha noon e.kaya hindi ko na inusisa.
Nabalot na ulit kami ng katahimikan. Habang nasa byahe ay nakuha niyang maidlip. Ngayon lang siguro tinablan ng pagod tong si Ara.
Naalala ko si ate shandrei. I got my phone and texted her.
Me: ate shands..papunta na kaming bulacan. Salamat ha :’))
Napasandal sa balikat ko si Ara. Baka tumulo pa ang laway nito. Haha. Angbestfriend kong tulo laway lang e.
Bzzt bzzt bzzt…
Ate shands: OK… pro sna wla ng nxt tym mika. Anyways.. your cousin is kinda mad. You myt wanna talk to her?
Me: pagbalik ko na lang. don’t tell her anything kei? I trust you.
Hindi na siya nagreply. Napahawak ako sa ulo ko. kaya ko tong lusutan. Ako si Mika. Kung gugustuhin ko makakahanap ako ng paraan.