-- 8--
Xerelyn’s pov
MONDAY it is. Simula na ng sembreak.
Thank God dumating rin ang araw na to. Makakapagpahinga rin sa wakas. Nandito pa ako sa univ may mga kailangan lang akong daanan bago ko enjoyin ang maikling bakasyon.
Papunta na ako sa opisina ko ng may familiar na pigura akong nakitang naghihintay sa tapat ng pinto. Nakasandal ito at nakapamulsa. Hindi na nagbago tong batang to. Nang Makita niya ako ay nag-wave high siya. Yabang lang ng bata talaga.
I smirked as I approached her. “now what Jaifer? May phone naman… is it that important na pinuntahan mo pa ako ditto?”
Umayos siya ng pagkakatayo and handed me an envelope.”tito Brandon wanted to talk to you…”
“and so are you right? Anong problema?”
Ngumiti siya.”kilalang kilala mo na talaga ako maam…”
Ginulo ko ang buhok niya.”you may be 24 years old now Jai..but you still have childish brat in you…na isang kibot mo lang alam ko na kung may problema o wala…im your body guard right?”
“yeah right..just stop mentioning about my age…”
“hahaha… don’t worry… you don’t look like one though..so tell me? What’s bothering you bebe girl?hahaha”
“tsss… bebe girl…”inis niyang ulit sa sinabi ko.”let’s talk about this over a cup of coffee…”
Kinuha ko lang yung mga kailangan kong dokumento then I followed her to a coffee shop near the univ.
“anong gusto mo maam?”tanong niya.
“white coffee… and a cake maybe?”
Tumango lang siya. Umorder siya ng dalawang cakes at isang serving ng white coffee.
“hindi ka pa rin nagkakape?”
Ngumiti ito. But I know it’s a fake one.”hindi naman talaga ako nagkakape diba?”
I sighed.”huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa… anong gumugulo sa isip mo?”
Sumandal siya at nilaro-laro ang phone na hawak niya.”may nanliligaw kay Zairah…”
“and???”
“uhm im jealous…”
“hahaha… my god Jai… anong bago? You are always jealous when someone tries to be close to her…”
“I think she likes him too…”
“how do you say do?”
She shrugged her shoulders.”I don’t know… ramdam ko lang…”
“kumusta ba kayo?”
“the usual… pero ngayon parang mas marami pa ang oras sa trabaho kesa sa isa’t-isa. Pakiramdam ko nga mas may time pa si Shandrei sa akin e…parang kahapon… bumisita siya sa JTW…tinulungan niya ako sa presentation ko sa meeting..” Dumating na yung order naming at nilaro-laro lang niya yung cake.
“and you think mas masayang kasama si Shandrei that her?” humigop ako ng kape.”I believe this isn’t about the Zai… you are bothered with your own feelings..am I right Jaifer Accel?”
“ewan ko…”nagpangalumbaba siya.
“weigh the situation Jai… isipin mo para san ba ang pagsisikap ni Zai? Noon pa man she tries her best to please your family…”
“pero hindi naman niya kailangang gawin yun maam e..tanggap siya nina mama at papa…”pag-iinsist niya.
“nandun na ako Jai… pero tingnan mo to ha… si Shandrei lumaki sa buhay na katulad ng pamumuhay mo… sa tulong na rin ng pamilya ng mga Vergara pero si Zai hindi… siguro gusto niyang maipakita ang worth niya..hindi lang sa pamilya mo pero sa lahat ng mga nakapaligid sa inyo… hindi mo naman kasi nararamdaman ang mga pang-iinsultong natanggap niya nung naging laman ng news ang relasyon niyo e…”paliwanag ko sa kanya.
Natahimik naman siya.
“hindi madali ang makipagrelasyon sa kapwa babae Jai… pero she took the risks… idagdag mo pa na isa kayo sa mga kilalang pamilya sa lipunan… mas kailangan mo ngang ipakita ang suporta mo sa kanya e..hindi yung sarili mo lang ang iniisip mo…sure Shandrei can give you time… pero ikaw ba? Kaya mong magtaksil kay Zai? Baka lang kasi pag kasama mo Si shandrei…you are wishing that she is Zairah…”
Nabalot na ulit kami ng katahimikan. Tumunog ang phone niya. She checks on it at nag-aalalang napatingin sa akin.
“is it shandrei?”
She nodded.
Inilahad ko ang kamay ko and she handed me her phone. I immediately click on the the cancel button. Then I called Zai.
(hello yhubby?..)
>>>hi..this is miss xerelyn…meet jaifer LOUXURIANT RESTO…I have a lunch reservation for you Two… don’t be late okey? Bye,,,
Agad kong ibinaba ang tawag. Hindi naman yung kokontra..she knows magagalit ako if hindi siya sumipot.
(“-_-)—jai
“bumili ka ng favorite flowers niya… dagdagan niyo na yung baby bear niyo…shet lang Jai… kung hindi mo pa maayos yan sasapakin na talaga kita…”
---
Naghiwalay na nga kami ni Jai. I wento to the house of Brandon Gomez. Kapatid sa ama ng papa ni Jai. lumaki sa hirap itong si sir Brandon kasama ng kanyang kakambal na si Bradley.
Pagpasok ko pa lang sa residence nila ay marami ng nakapalibot na nga men in black ditto. Nakakatuwa lang minsan rin akong nagsuot ng ganyan pero I prefer my black suit.
Pagbaba ko ng kotse ay sinalubong ako ng isa sa mga lalaking ito. Yumuko siya at nagbigay galang.”kanina pa po kayo hinihintay miss…”
Dumeretso ako sa opisina ni Brandon. Sikat rin itong si Brandon pero hindi sa larangan ng business. Miyembro siya noon ng isang secret society na masasabi nating illegal. Nang malaman ito ng papa ni Zai ay matindi ang kanilang pagkontra sa mga ginagawa nito.
Maging ang kakambal nitong si Bradley ay hindi sang-ayon sa kanyang mga Gawain. Si Bradley ay naging isang mahusay na nesosyante katulog ng papa ni Jai. Hanggang sa naging maayos na ang pamumuhay nito.
Pagpasok ko sa opisina ay nagkakape ito at tinititigan ang larawan sa kanyang mesa.
“morning sir...”
“take your seat miss…”napupo ako sa sofa.
IIka-ika siyang tumayo at lumipat sa tapat ko. “salamat at nakarating ka Xerelyn…”
“trabaho ko po ito sir…”I humbly said.
“it’s his death anniversary this Thursday…”garalgal niyang sambit.”sa tingin mo napatawad na ako ni Bradley?”nangingilid ang mga luha ng matanda habang inaalala ang nakaraan.
Seven years ako. Namatay si Bradley sa isang Ambush nang ito ay papuntang Tagaytay para bisitahin ang kanyang mga mag-iina. Hindi mawari ng mga kaanak nito kung paanong ang isang mabuting tao ay pagtatangkaan ng ganun na lamang.maging ang papa ni Jai ay inutusan lahat ng agents na kasamahan ko para alamin ang katotohanan sa likod ng pamamaril. Malaki itong palaisipan hanggang sa natuklasan ng mga kaalyado ni Brandon na siya dapat ang target ng mga tumambang kay Bradley.
Sinisi ni Brandon ang kanyang sarili sa nangyari at isinumpa niyang titiwalag na sa secret society at susubukang mamuhay ng normal. Hindi na rin ito nagbalak na magkaroon ng pamilya at itutuon na lang daw ang kanyang buhay sa pag-aalaga ng lihim sa mag-anak ni Bradley.
“sa tingin ko naman matagal na niya kayong napatawad…”
“sana nga… kumusta ang mga bata Xerelyn?”
“maayos naman… hindi ba kayo magpapakilala sa kanila?”
Umiling ito.”itinigil ko na ang mga illegal na gawain ko Xerelyn pero tuloy pa rin ang mga deathreats na natatanggap ko hanggang ngayon…”
“seven years had passed Sir…”
Umayos siya ng pagkakaupo at seryosong tumingin sa akin.”kahit kailan ang mga kasamaang ginawa ko noon ay patuloy akong hahuntingin… they who I stepped on… lahat sila alam kong humahanap lang ng magandang tiyempo para itumba ako.”
“kaya ba nagkalat ang mga bodyguards sa labas?”
Tumango siya.”gugustuhin ko ng paniwalaan ng mga bata na patay na ako… kaysa sila ang malagay sa panganib…” saad nito.
“si Jai…alam rin niya ang katotohanan?”
Tumango ito.”sang-ayon rin siyang hindi muna ipaalam sa mga bata ang tunay nilang pagkatao…”
Yung envelope na binigay sa akin ni Jai naglalaman iyon ng mga profiles ng mga body guards mula sa agency. Kailangan kong i-look over ang mga ito para na rin masigurado ang kredibilidad ng mga iyon.
---
Pauwi na ako sa unit namin ni Xenia nang makatanggap ako ng tawag mula kay JM. I put her in loudspeaker.
>>>hello…xerelyn here..
(care to explain what’s happening maam?)
>>>what about?
(my dear cousin?where is she?)
>>> I don’t know… try to call her…
(unattended…)
>>>sa condo niya… baka nandun…
(galing na ako dun… wala siya… uuwi na ang mga magulang niya at siguradong sa akin hahanapin ang batang yun…ako na naman ang malalagot kung may kalokohan siyang gagawin…”
>>>hahaha..may kinakatakutan ka rin pala JM…
(yeah right… ibang magalit si tito Miguel maam… at ayoko ring ma-badshot sa akin si tita Alicia)
>>>alam kong malulusutan mo yan JM..ikaw pa… pero lam mo? Parehong pareho kayo… kung gusto may paraan… pakiramdam ko nga babae rin ang gusto nun e..hahahah
(dumaan ditto si Khym at Rhyck kahapon bago sila umuwi ng Bacolod…)
>>> I guess alam mo na rin?
(anong alam ko na rin?)
>>>JM kung ano man ang ginagawa niya ngayong pagpapanggap dapat alam mong may kinalaman ka ditto… ang barkada mo… maraming buhay ang naapektuhan ng mga pinaggagawa niyo noong pagpapaexpel ng mga estudyante… ang paggamit niyo sa mga koneksyon niyo dati ay naging bangungot sa pamilya ng mga ito…
(they deserve it anyway) nagpapatigas na naman ito. Psssh. Kahit kailan talaga.
>>>bahala ka nga… but I will make it a point makakarating to kay Liam… at alam mo naman kung ano ang sasabihin niya diba?
Saka ko siya binabaan ng tawag. Kahit ganun kapasaway Si Jm suko pa rin yung pag si Liam na ang nagsalita. Smirked.
---