--7--
Mika’s pov
Yung mas pinagkaguluhan pa ang dala kong pagkain kesa sa akin? alam mo yung sa isang iglap nangalahati aagad yung mga pinamili ko? andito rin sina ate mich at ate cha e.
“angtagal mong dumating mika..nalulungkot na tong si Ara oh..hahaha”bungad ni Camille.
“namiss mo ko bansot?”I grinned.”sweet naman oh…”
“mukha mo Baks… gutom na kasi ako noh…sabik na ako sa pagkaing iuuwi mo…”kuha pa siya ulit ng chichiria sa plastic.”angdami mo namang binili? Anong meron?”
“wala… ayaw mo? De huwag kang hihingi..”pagdadamot ko.
Inirapan ba naman ako. Umupo siya sa tabi ni Cienne.”enge ako..madamot yung bakulaw e…”she pouted
Sinubuan siya ng piatos ni Cienne. Napapailing lang ang kakambal nito at si ate Cha.”naku Ara..baka lalong mainlab yan sayo…hahaha”biro ni Camille.
Nagpeace sign naman si Ara.”mamimiss mo ko cienneloo???”
Ginagap ni ciene ang magkabilang pisngi nito.”anglandi mo Ara..kainis kaaaa.”
Lakas trip rin to e. pero sulyap tingin rink ay Ate Kim. Parang nakakahalata rin yata siya na may gusto si ate Kim kay Cienne.
“Victonara..tulungan mo ko…”tawag ko sa kanya.
“eee???”
“basta lang… gawa tayo ng macaroni salad… “
“talaga????” nagningning ang mga mata niya. Parang angdaming stars. Angbabaw talaga ng kaligayahan nitong bansot na to e. hehe. “e kaso… tinatamad akong magluto…”
“tulungan kita Ara???”alok ni Ciene.
“okei…”
We headed to the kitchen. Inihanda na nina Ara at Ciene yung mga ingredients. Isinalang ko naman na yung tubig para sa mac.
“may maitutulong ba ako?”said ate Kim. Angboring na rin dun e. usapang boys kasi sila.
“ah OO…meron…”akbay ko sa kanya. "Pabukas nga yung mga gatas at creams. Tapos pag malambot na yung macaroni pakisalin na rin sa palangga na? idrain mo a rin."
“e mukhang siya na lahat ang gagawa ah..anong gagawin mo?”tanong ni Ara.
“e sasamahan mo ako… may bibilhin tayo…”
“ha?”
Sinenyasan ko na siya na hihintayin ko na siya sa labas. Naiinip akong naghihintay sa may kalsada. Sisipol-sipol at nagmumusic lang. lumapad ang ngisi ko ng lumabas na siya ng dorm.
“anong meron sa masamang ngiti na yan ha?”ewan pero natatawa rin kasi siya.
“e ikaw bakit ka natatawa?”
“e ikaw e… ayaw magpaiwan ni Cienne dun..”
“pero hindi mo matiis ang best bakulaw fren mo??”
“kapal lang e noh?”naglalakad na rin kami papunta sa pinakamalapit na store.
Wala naman kasi talaga kaming bibilhin e. gusto ko lang maglakad-lakad saka para makapagsolo yung dalawa dun bago umuwi si Kim bukas. “saan ka galing kanina?”biglang tanong ni Ara.
“naggrocery…”
“ah ok.”
“why?”
“wala lang… pag nauwi tayo sa bulacan bawal magreklamo sa bahay namin ah..papauwiin kita ng wala sa oras kung sakali…”
Umakbay ako sa kanya.”lam mo bansot..wala sa bahay yan e…”
“tsumatsansing ka na naman bakulaw…”
“ganun ha?!”makaganti nga sa kanya. Nagpapasan ako sa bansot na to.”piggy back ride mo ako bansot..hahahahah”
Hindi na siya nakaiwas. Pinasan niya ako hindi pa man din kami nakakalayo ay hinihingal na siya. Bumaba na nga ako nakakaawa naman e.
“shet lang Mika..angbigat mo..grabe..”inistretch niya yung bisig niya.”pinilay mo yata ako..kakaloka kang bakulaw ka…”
“hahaha… now you know how I feel when you do that to me…”
“blah blah blag… arte mo…”irap niya sa akin.”ui bili tayo ng banana cue…”
“ha?walang nagtitinda ditto nun…”
“meron..dun sa kabilang kanto…”
“lalakarin natin??”
“subukan momg magpagulong-gulong?”taas niya ng kilay.
Lakas manabla ni victonara ngayon. TT^TT. Nilakad nga naming hanggang sa may nakita kaming nagtitinda ng banana cue. Parang takam na takam si Ara sa mga nakadisplay na Banana cue.
“may salad na nga sa dorm..tapos kakain ka pa nito..”pansin ko sa kanya.
“e bakit ba? Bawal busugin ang sarili?”
“bakit ba lagi mo akong tinatabla?!”
“paki mo ba ha!”
“ah..mga miss..bibili ba kayo?”biglang sabat nung ale.
“tsss…”irap ni Ara sa akin.”huwag kang kakain nito ha? Ikaw umubos ng salad na yun…”itinuro niya sa ale yung banana cue na napili niya. Pagkaabot nito sa kanya ay nagbayad na rin siya at wlang anu-anong umalis.
LUUH.anong nakain naman nito.”hey wait up…”
“wait up yang mukha mo Mika…”walang lingon-lingon na sagot niya sa akin.
Para akong anino sa kasunod lang niya. Hindi siya umiimik. “hoy victonara..may buwanang dalaw ka ba at parang ang-init ng ulo mo?”
Bahagya siyang lumingon pero irap lang ang itinugon niya sa akin. saka ulit siya nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang makarating kami sa dorm ay para pa ring akong hangin sa kanya.
“oh ate banana cue oh..huwag na huwag niyong bibigyan tong si Mika ha?”simangot ni Ara.
Natatawa na lang sina ate Mich na sinundan ng tingin si Ara patungong kusina.
They gave me a “WHAT HAPPENED LOOK?
I just shrugged my shoulders kasi hindi ko naman talaga alam kong anong nangyayari kay Ara e. tinamaan ng kung anong masamang espiritu siguro. Nakijoin na lang ako kena ate MICh na naglalaro ng scrabble.
“Sali ako…”
“kanina pa nagstart..huwag ka na…”siko ni ate Cha sa akin.”iniwan niyo yung dalawa sa kusina muntik nang magbatuhan ng planggana..hahaha”
“weh?talaga… hahaha..that’s good…”
“anong good dun?”sabat ni Camille.
“hindi niyo inawat?” tanong ko ulit.
Umiling silang tatlo.
“mukhang nag-eenjoy naman silang dalawa kahit hindi nila aminin e…hahahah”said ate Mich.
“gosh? Magkakabayaw..ah o mean hipag na ba tayo ate???”nag-aalalang baling ni Camille kay ate Cha.
Tinampal ni ate Cha sa noo si Camille.”OA lang??? angparanoid mo naman.. hayaan mo nga siya… kung saan siya masaya suportahan na lang natin..kung gusto niya si ara ipakidnap natin..mwahahahaha.”
(=___=)-kaming tatlo.
Isa pang weird to e. kidnap kidnap. As if naman magpapakidnap si Ara e mukhang sasama pa yun e. tsss.
“Natahimik na rin diyan Mika?”asked Cha.”naku binabalaan kita… kung hahadlang ka sa mga plano ko..ipapasalvage kita…mwahahaha.”
“EEE? Nakakatakot ka ate..ok ka lang???”
“ah oo..ok lang yan..hehehe”sabat ni ate Mich.”kulang lang sa love life yan.hehe”
Ewan ko? lahat ng tao sa paligid ko parang may mga saltik. Itong si ate cha parang gangster naman oh. Pero angganda naman niya para maging isang gangster noh.
---
After dinner ay nagmovie marathon muna kami. walang patawad kay Kim na may flight bukas. Bale hapon naman yun.haha. trip nilang manood ng GREY’s Anatomy.
Ganito ang arrangement namin. Sa sofa nakaupo sina ate mich, ate cha at Camille. Sa sahig naman kami nina ARa, cienne, kim at ako.
Love triangle lang silang tatlo.
“kunin ko lang yung salad..malamig na yun siguro..”sabay tayo no ate Kim.
Sinundan ko na rin siya. Parang wala rin kasi sa mood e. nangmakarating sa kusina ay agad ko na siyang ininterogate.”may mga dalaw ba kayo at pare-pareho kayong badtrip?”
“wala…nalulungkot lang siguro…”
“ngek..bakit?”
“ewan ko… uuwi na akong Bacolod..ne hindi ko pa nasabi kay CIenne na mahal ko siya…”
“kailangan ba lagging apurado ka?”
She smirked.”ewan ko..hindi ko na kasi kaya tong nararamdaman ko e..parang sasabog na…”
TT_TT “angkorni mo ate Kim…”
“palibahasa kasi hindi mo pa nasubukang magmahal kaya ganyan ka…”sabay kuha ng salad sa ref.”balik na nga tayo dun..saka pwede bang tabihan mo si Ara nang magkaroon kami ng quality time ni cienne…”
Hahaha.okei fine. As you wish ate Kim.malakas ka sa akin e kaya itutulak ko sayo si cienne mamaya. Haha. Dala-dala ko yung mga platito at kutsara.
“ui bansot..usog…”nakatayo ako sa tapat niya.
“ano ba..hindi ko Makita oh..”irritable niyang sagot.
“e usok nga kasi…diyan ako sa gitna niyo…”
she eyed me.”kung makapag-utos ka naman Mika ha..pagmamay-ari mo ba ako ha?”
“basta,.,,usod na…”nung hindi siya gumagala ipinilit ko ang aking saril at pumagitna sa kanila ni CIenne.umakbay ako kay cienne.”sorry cienneloo..”pacute ko sa kanya.”namiss ko tong bansot e…”umabresiete ako sa braso ni Ara.”angtaba mo na bansot..magdiet ka…”
Iwinaksi niya ang kamay ko.”kung puro panlalait naman ang sasabihin mo tumahimik ka na nga lang diyan…”
“huwag nga kayong maingay… nakakairita kayo e… dun kayo sa kwarto mag-away…”iritableng pansin ni ate Mich sa amin. Saka ito tumayo.”pahangin na nga muna tayo Cha..sakit sa ulo tong mga to e…sama ka narin Camille…”
Tumayo ako at hinigit si Ara.”dun nga tayo mag-usap sa kwarto..nakakarami ka na e!!”hindi ko na siya hinintay na sumagot basta kinaladkad ko na lang siya.
“ano ba kayo. diba manonood pa tayo?”pag-aalala ni Cienne.
“don’t you dare follow us…!”I eyed her.
Saka ako nagpatuloy sa paghila kay Ara sa kwarto. Nang makapasok kami ay padabog kong isinara ang pinto at ni-lock ito. Tinulak ko siya sa kama niya.
Nanlaki ang mga mata niya ay hinihimas ang braso niya na hinatak ko kanina.”bueset ka kahit kailan… hindi mo kailangang totohanin ang paghatak sa akin ah…”
“hindi ka marunong umakting kaya dapat totohanin ko..”kinuha ko yung laptop ko at naupo sa kama niya.”mag-sss na nga lang tayo…”
“sa tingin mo makakapag-usap yung dalawa?” kalmadong tanong ni ara.
Tumango ako.”sasabog na daw ang puso ni ate Kim if hindi niya masabi bago siya umalis bukas e…” I check on her arm.”masakit pa ba?”
Umiling naman siya.”loko ka…pipilayin mo talaga ako noh?”
I massage her arm.”sorry… ikiss ko gusto mo?” I grinned.
“subukan mo ng ma-spike ko yang mukha mo…”pagtataray niya.”e baks..yung salad..iniwan mo e..gutom na ako…” reklamo na naman niya.
Tumayo ako at kiniha yung bagpack ko.”ang alam ko may chichiria pa ako ditto e…” ibinato ko sa kanya yung malaking Nova.”e pwede na yan…”
“tubig ?”puppy eyes lang ulit Ara?
“tsss…”kailangan ko pa talagang bumaba para kumuha ng tubig. Wala ng choice e.”di mo na lang kasi lunukin yang laway mo…”
^_^v—Ara
Bumaba na ako at kumuha ng isang bote ng tubig pati salad na rin. Nang pabalik na ako sa kwarto ay pinansin ako ni Cienne.”mika..ok na ba siya?”
Hindi ko siya sinagot. Magkalayo sila ng kinauupuan ni ate kim.”e kung kayo kaya ang mag-ayos diyan kesa problemahin niyo kami ni Ara?”I bluntly said. Sorry cienne kasi kung hindi ko to gagawin hindi mo kakausapin si ate Kim nang matino e. padabog ko ulit na sinara ang pinto.
“e nag-usap na sila?”
“ewan… yaan mo sila..problemahin mo yang tiyan mo..kanina ko pa naririnig e..hahaha”inilapag ko sa study table yung isang ice cream container na salad at tubig. Ngek..nakalimutan ko ang platito.”hmmm..nakalimutan ko yung platito…”
“di na problema yun noh..”kinuha niya yung dalawang upuan. She set up the laptop on the study table.”nood tayo ng anime..hahahah..gusto ko yung hunter x hunter…”meron ako nun sa files ko siya na bahalang naghanap.
We ended up having anime marathon. Kandong kandong niya yung container ng salad at nakiki-scoop na lang ako. Habang tutok na tutok kami sa pinapanood naming.
Then my phone rang…ate mich calling.
>>>hello ate mich???
(uhm ditto na kami matutulog sa dorm namin ha? Kumusta yung dalawa?)
>>>ewan ko lang po e..parang ok naman…
(HOY MIKA SIGURADUHIN MONG HINDI KIKIDNAPIN NI KIM SI CIENNE KUNG HINDI MALALAGOT KAYONG DALAWA AKIN…)rinig kong sigaw ni ate cha.
>>>oo na po..everything is undercontrol…(pagmamalaki ko pa.)
Ibinaba nan i ate mich yung call.”worried ang mga nakatatanda.hahahaha”
pero itong si ara tutok sa pinapanood e. adik sa anime lang?>
“uhm..Bansot..sabi ni ate Cha pag ikaw daw talaga ang gusto ni cienne ipapakidnap ka daw…”
Tumango lang ito.
“hindi ka nag-aalala? Baka totohanin nun..sige ka..”
Ngumiti lang ito.”hindi naman ako yung dapat mag-alala diba?tanungin mo nga yang sarili mo kung papayag kang kidnapin ang pinaka-cute mong kaibigan sa lahat?”harap niya sa akin sabay kindat..
Siya na ang mataas ng level of self confidence.
“lam mo? Kahi ako pa mag-empake ng mga gamit mo e..tapos ako pa maghatid sayo sa mga kidnapers”
She just chukled.”yeah right…”sabay kumpas ng kutsara.
---