--4--
ARA’s pov
GIIISSSSSIIIIIIIIINNNNNNGGGGG
GIIISSSSSIIIIIIIIINNNNNNGGGGG
GIIISSSSSIIIIIIIIINNNNNNGGGGG
Napaupo ako bigla nang sunod sunod ang pagtunog ng phone ko. LUminga-linga ako sa paligid. Shet bakit wala akong Makita. Puro puti. “whoaaaaahhhhhhhh!”
“luuuhh…bakit? Anong nagyari? May magnanakaw ba?”biglang narinig ko si Mika na nagdive sa kama ko.
SHIT.nakakumot pa pala ako hanggang ulo. Tinanggal koi to at nahihiyang nag-peace sign kay Mika.”sorry?nagising ba kita baks?”
“damn..i thought something happened…”she sighed. Sabay punas sa mukha niya. Antok na antok kasi yung itsura niya e.”madapa-dapa pa ako Ara ha..tapos naalimpungatan ka lang pala…”
Niyakap ko si Baks. Ahy Mika pala. Mahirap na pag kulang sa tulog to e tapos nagising ko pa.”sorry na baks…kasi akala ko bulag na ako e…”
Tumayo siya at naiinis na nagtungo sa kama niya.”napaka mo Ara..napaka..”sabay talikod at bumalik sa pagtulog niya.
E teka. Paano ako napunta ditto? Ang naalala ko kasi kagabi gumagawa kami ng reports sa ibaba tapos…tapos..wala na akong maalala e (=__=)
Lumipat ako sa kama ni Mika.at niyugyog yugyog siya.”baks…anyare kagabi?”
“wag ka ngang magulo…”saway niya sa akin gamit ang kamay niya.
Hindi ako mapakali e.”uuuyyy baks… wala akong maalala e…ang naalala ko lang nasa baba tayo tapos la na..”
Nairita na siya at nilingon ako.”fine..you fell asleep…then I brought you here..happy?”
Halla..galit to. Ganito ito pag naiinis e. napapa-ingles ng tuloy tuloy. Nosebleed na ako.”e Baks…”yugyog ko ulit sa kanya.
“ano?!”she eyed me.
“wala…galit ka na naman e…magluto na lang ako ha? Gusto mo ng bacon?”e dapat makabawi ako sa bakulaw na to nagising ko siya malay ko ba kung sa panaginip niya kasama niya yung crush niya diba? Hihi.
“bahala ka diyan…”nagkumot na ulit siya.
NIligpit ko lang ang higaan ko saka ako nagpunta sa kusina. Naratnan ko na si Arte Kim na nagsasaing. “morning ate…”
“oh morning..bakit ka sumigaw?”
“ha? Narinig mo rin ba? Sorry…”
“ok lang… bakit bumangon ka na? wala namang pasok ngayon diba?”
“e kasi ipagluluto ko si Bakulaw e… nagising ko kasi… hehe”
Napailiing ito. “hindi na nagbago si Mika.siguradong sinigaw-sigawan ka na naman…”
“sinabi mo pa… parang may regla lagi e… “
Lumabas na muna si ate Kim para magjogging. Ako na ang nagvolunteer na ipagpatuloy ang pagluluto niya. Bacon on the go at sunny side up egg lang ang iluluto ko. Aba kahit may allowance kaming natatanggap e kailangan pa rin maging matipid hindi naming alam kung kailan magkakaroon ng emergency no.
Sanay na rin ako sa ganitong routine every morning. Ganito sa bahay e. hindi pwede ang prinsesa dun makakarinig ka lang ng morning homily sa nanay ko. kulang na lang minsan irecord ko na at iplay e para hindi na siya mahirapan. Hahaha.
“wow..angbango naman nun…”sabay hikab ni Cienne.”goodmorning ara mylabs…”
“morning rin…”
Naupo na siya at nagpangalumbaba.”musta ang tulog mo?”
“ok lang… napahaba yata…”
“ganun… saan si Kim? Parang narinig ko na siya kanina e..”
“uuuyyyyyyyyy..hinahanap niya si Ate Kim…”
“hala…tigil ka nga..may utang kasi sa akin yun..sukat ba naman ako pagbayadin sa 7eleven kagabi…”naiinis na sagot nito.
Nagkibit balikat na lang ako at itinuloy ang paghahanda ng breakfast. Lumabas na rin si Camille at tinulungan ako.”tawagin kaya natin si ate cha para gumanda ang araw ni Mika?”suhestyon ko naman.
“ngek..pati ikaw Ara nagpapaniwala na may gusto si Mika sa ate namin?”napatigil sa paglalagay ng kobyertos si Camille.
“eeh???”
Natawa silang dalawa.”deceiving talaga pag magkasama sila noh sis no? si ate cha kasi ang nag-alok kay Mika na mag-try out sa team noon… tapos nun akala nung mga seniors natin type niya si Mika.. hanggang naki-ride on na rin sila ni Ate…”
“ah ok..”
“bakit ara mylabs?”
“ah wala..kasi cute silang tingnan e…”
Infairness naman kasi kapag magkasama sila parang kahit walang nagsasalita between them parang may something. May spark. Lalo yung tingin ni Mika kay ate cha. Well anyways siguro I am just being so judgmental. Hihi.
Dumating na rin si Ate Kim na may dala-dalang taho.”hello kambal..gusto niyo ng taho?”
Matalim ang tingin sa kanya ni Cienne.”hoy ikaw unggoy ka…hindi ko pa nakakalimutan yung utang mo sa akin ha…”
Iniabot ni ate Kim yung taho kay Camille.”bati mo ako Camille noh? Gusto mo pa?”hindi niya pinansin si Cienne.
“hoy panu ako?”pagmamaktol nito.
“e ang-ingay mo kaya… di kita bati noh… “
Padabog itong naupo.”pssh..ewan ko sayo..favoritism…”
Itong dalawang to parang mga ewan lang e. nakakagulo ng tuktok. “kain na tayo oh…”sabi ko para tumigil sa sila.
“yehey…kakain na… sarap nito sigurado…”bulalas ni Cienne.
“mauna na kayo gisingin ko lang yung bakulaw.. baka mag-alburuto na naman pag hindi kasabay kumain e…”
Nakadapa si Mika nang pasukin ko sa kwarto. Naupo ako sa tabi niya at marahan siyang niyugyog.”Mika..gising na..breakfast na tayo…”
“yoko pa… kayo na lang…”
“bago yun ah..ayaw mo kaming kasabay?”
“antok pa ako kasi..mauna na kayo…”
“sige ka bakulaw..aalis kasi kami after e..maiiwan ka ditto…gabi na kami uuwi…”
Umayos siya ng pagkakahiga at nakaharap na siya sa akin ngayon.”where are you going?”
“diyan lang… wala namang pasok e… “
“sana kanina mo pa ako ginising no nang nakapag-warm up na rin ako..”mabilis siyang tumayo at deretso sa baba.
OH DE SIYA NA ANG HINDI MAHILIG GUMALA?
---
Bihis na ang lahat. Shorts, tshirts and slippers. Wohoho. Ganito ang gala. Yung kambal pareho ang suot at pati style ng hati ng buhok nila. Peo kakabilib lang tong si Kim dahil alam niya kung paano kikilalanin ang sino sa kanilang dalawa.
“Bansot…suot mo rin yung tshirt na pareho tayo…”said Mika.
“bakit? Sasayaw tayo baks?”
“e kasi naman para cute..look at cams at cienne same sila ng shirt…”
“e malamang kambal yan no? saka pag tayo nagsuot ng parehong shirt mumukha tayong ano…”pinigil ko na nga ang sarili ko.
“ano?”ulit niya.
Sumabat si ate Kim mula sa pinto.”mumukha kayong magshota Mika…hahahaha.”
Namula tuloy si Bakulaw. Ganyan yan e pag inaasar kaming magsyota daw. Hindi na nasanay ang higante OK lang naman sa akin yung ganung pang-aasar ng mga to. Ang pikon talo.
“fine..lesgo…”e dismayado pa ang mika marcaliñas oh. Parang bata talaga. Cute cute asarin pero nakakatakot yan minsan. Anyways nevermind.
Pagbaba naming at nakatitig sa reflection niya sa malaking salamin si Cienne.”angganda ko talaga oh..”
“alam mo Cienne… GGSS ka talaga noh?”komento ni Kim.
“anong GGSS?” usisa ko naman.
Akalain mong sabay sumagot sina Kim at Mika.”GANDANG GANDA SA SARILI…”sabay pang tumawa.
Nagsimangot tuloy si Cienne. Adik talaga tong dalawang to e.
“cienne…araw ka ba?” tanong ko sa kanya. Weeh para naman hindi na to magsimangot no.
“bakit na naman? Aasarin mo rin ako?”
Lumapit ako sa kanya.”tingin ka ulit sa salamin oh..di mo napapansin? YOU ARE SO HOOOTTT…”
HAYAN.ngumiti rin siya. Nag-bleh siya kena Kim at Mika.”buti pa tong si Ara e…hindi ako inaaway…”
“lah lah lah lah…”pang-aasar ni ate Kim.. naka-earphone silang pareho ni Mika. Mga pang-asar talaga tong mga to e.
Commute mode. Siksikan naman much. “stay beside me…”utoseran si Mika yan.
“bakit?”
“basta… baka mamaya may mangharass pa say o e…”
Weh?seryoso?”baks…ilang beses na tayong gumagala ng ganito hanggang ngayon ang-OA mo…”
“pssh…”hindi na niya ako pinansin. Binalik na lang niya ulit yung earphone niya. Nasa tatluhang upuan yung kambal at si ate Kim.”siguraduhin mo lang na kaya mong ipagtanggol ang sarili mo at hindi ka iiyak iyak pag may nanghipo sayo..”
“ui she cares for me… lab lab ako ni bakulaw oh…”
“ewan ko sayo victonara…”naiinis na naman siya.
Hahaha. Nakakatuwa rin tong bakulaw e masama ang gising pero sinusubukang maging ok. Kampante talaga ko pag siya ang kasama ko. siguradong walang aapi sa akin kasi matatakot na sila Makita lang ang higanteng bakulaw na to. Hoho.
Here at JMR Mall.
I hate the owner pero kasi magaganda rin ang mga stuffs ditto. “oh Ara..baka manira ka ditto a?”pang-aasar ni Ate Kim sa akin.
“halla… ate naman… sa tao lang ako galit hindi sa buong mall no…hahahaha”
Angtahimik naman nitong si Mika.nagsuot pa ng bonnet tapos naka-shades pa. pareho pala sila ni ate Kim.
“anong meron sa bonnet ui?”tanong ni Cienne.
“porma lang…”nag-pogi sign pa ito.
“yikes…”react naman tong si Cienne.
Hinila nan i camile si cienne. Bibili daw sila ng mga pangporma nila. Nahigit na rin ako ni Ciene kaya no choice but to join the twins. May mga shirts na itinapat sa akin si Cienne.
“anong gusto mo ara mylabs?green or blue?”
“bakit?”
“basta…”
“ayoko…”sabay talikod.”punta lang ako dun ha… kita kita na lang mamaya…”
Naglibot-libot lang ako. Hindi ko naman na rin alam kung saan nagsususuot sina Mika at Ate kim e. mamaya ko na nga lang sila itetext. Susulitin ko muna yung oras na hindi nakikita ang bakulaw. Hahaha.
Whoah? Jaifer Toy World and sports aparrel sa JMR? Naks. Sa bagay maayos rin to nang marami ang maka-avail sa magagandang products nila.
Nagtingin-tingin ako ng mga shoes. Luma na yung sapatos ko pala. Gusto ko na ng bago. Pero e kulang pa yung pera ko kasi. Ampf. Bale makakabili rin ako. Hintayin ko lang yugn allowance from the univ.
“yes maam? Gusto niyo po ba yung ibang design?”asked the saleslady.
“ah hindi..saka na lang…”
Saka ako nagtangkang umalis.
“maam… you wanna try this one?”ipinakita sa akin nung saleslady yung white shoes na may guhit-guhit na green. Whoah. Anggondo. Accel pa yata yung brand nito. Nakakatempt bilhin e.
“magkano yan miss?”
Tiningnan niya yung tagprice.”Php1,500 po maam…”
O_O—WTH? Angmahal nun. 500 lang ang keri ng budget ko e.
Biglang nalungkot ang soul ko.”ah saka na po…”nahihiya kong tanggi sa alok niya.
Then may lumapit sa akin na anggandang babae. Oo maganda siya. Her face is so angelic at yung ngiti niya she could capture anybody’s eyes and heart. Mahaba rin ang buhok niya siguro hanggang kalahati ng likod niya. Napatingin siya sa baller id ko. all players have this kind from the univ. mhei zhou kasi ang tatak nito saka sports na kinabibilangan ko.
“are you from Mhei Zhou University?”
Tumango ako.
Ngumiti siya then ipinakita niya yung baller id niya. Whoah. Yun yung unang labas ng baller id sa univ. Green white green yung layers of clors nito so epic kasi iilan lang ang binigyan nun.. Yung mga nakakapagbigay ng three year championships sa school. E samantalang kami parang naging tradition na lang na lahat ng varsity players bibigyan ng ganito e. plain green pa. pssh.
Yung baller id niya may tatak ng badminton15. Whoah? Si she the known smasher? Wait. Na-stunned ako. Kasi minsan nang nagkaroon ng game sa SMA parang exhibition game lang tapos..whoaaah..siya nga yung magandang babae dun. Yung anglakas mag-smash.
“are you okay?”
“yeah yeah… ah opo… na-starstruck lang po ako kasi nakita ko kayo…”
Ngumiti lang ito.”ano naman nakakastarstruck dun?”
“e kasi fan niyo po ako… kaya lang hindi naman nahilig sa akin ang badminton hehehe.”
“ah okei.. so do you like the shoes?”
“e saka na lang po… kulang ang budget ko e..”nahihiya kong sagot sa kanya.
“uihm we have this promo… actually exlusive for Mhei Zhou varsity players only… you can have 50% discount..”
“talaga po???”ako na ang may nagniningning na mga mata.
Tumango ito.”dala mo ba id mo? Kailangan mo yun para ma-verify na estudyante ka talaga dun….”
Binuklat ko yung bag ko. whoah. Gosh. Bakit wala ditto. Anong gagawin ko ngayon? Ah shems. Alam ko na. “babalikan ko po yan ha? Tatawagin ko lang po yung kaibigan ko…”
Tinawagan ko si Mika. Buti sinagot niya agad.
(hello???)
>>>baks…I need your help..punta ka ditto sa JTW please…
(ha? Bakit? Anong atraso mo jan?”
>>>e basta punta ka ditto..bilis ha…
Binabaan ko na siya ng tawag. Maya-maya at dumating na siya with ate Kim. Hinila ko siya agad dun sa kinatatayuan nung magandang babae.
“ui bakit? Anong nangyari?”
Parang nagulat rin yung babae nung Makita na siya ang kasama ko.
“e kasi naiwan ko ID ko..gusto ko bilhin yung shoes.. 50% discount daw pag varsity ng Mhei zhou e..”
“magkaibigan kayo?”tanong nung babae.
Ewan ko kung kanino tinanong. Basta sumagot na lang ako.”ah opo..pwede bang ID na lang niya ang gamitin ko?”
Alanganing tumingin yung babae sa kanya.
“pwede ko bang makita ang ID mo?”baling niya kay Mika.
Siniko ko pa ito para ipakita yung ID niya. Iniabot naman niya ito kay Miss maganda. Pumasok ito sa office then maya-maya ay lumabas na rin.
“okei..you can avail of the discount…”
YES…sabi ng isip ko. tuwang tuwa ako. Ililibre ko tong si Mika ng buko shake mamaya. Hihi. Yumuko yung si miss maganda at nagpasalamat sa amin. E ako nga dapat magpasalamt sa kanya e.
“hope to see you again…”
Halla..sinabi niya talaga yun?ah kebir lang basta HIGH ako ngayon dahil sa new shoes ko noh. Papalabas na kami ng JTW nang napalingon si Mika.
“bakit?”tanong ko sa kanya.
“ah wala…”
“nagandahan lang yan dun kay miss smasher…”sagot ni Ate Kim.
“paano mo siya kilala ate Kim?”
“like duuddh??? Sikat kaya sila… ah basta..huwag ka nang matanong.. enjoyin mo na lang yang sapatos mo..”
MIKA’s pov
Nagulat ako ng tumawag si Ara at pinapunta ako sa JTW. All I thought she’s in trouble. Mas lumakas pa ang kaba ko ng Makita ko kung sino yung incharge sa branck ditto. Pssh.
Kinuha paniya yung ID ko. sinisiko ako ni Kim pero it was too late. Nakapasok na siya sa office. Nang papalabas na kami nilingon ko siya.
She eyed me. Actually it was like “YOU’RE IN BIG TROUBLE”look.
“ok ka lang ba baks?”tanong ni Ara habang kumakain kami. kasama na rin pala namin yung kambal.
“YEAH…im just sleepy..”
Katahimikan na naman ang bumalot sa amin. Pssh. Im not sleepy im nervous. “cienne si JM oh..look…”turo ni Camille sa may entrance.
Naglalakad ditto sina Jm at Liam karga karga ang mga anak nila. Napapaligiran sila ng mga bodyguards.
“tssss…”hindi ito pinansin ni Ara bagkus ay itinuloy lang ang pagkain.
Yumuko naman ako at muling isinuot yung shades ko. ganun rin ang ginawa ni Kim. Thank God nakatalikod kami e.
“anong problema?mataas ang araw?”said Cienne.
“porma lang..”sagot ulit ni Kim.
“pagbigyan mo na nga sila… trip nila yan e…”pagtatanggol ni Ara sa amin.
Nung makalampas sila nagkomento na naman tong si Ara.”bilib na ako dun sa partner niya..natitiis ang ugali ni JM?”
“angbitter mo naman Ara… kung alam mo lang ang pinagdaanan nung dalawa noh…”sagot ni Kim sa kanya.(TO NEW READERS. HIHI.SIGWAY. CONFUSION KADA-MODE jm-LIAM FOR MORE DETAILS HAHAHA)
“wala akong pakialam…”pasungit niyang sagot.
Puro na ako buntong hininga sa utak ko. I wanna go home. Nagyaya pa ang mga to na bumili ng tshirts na pare-pareho daw kami. mukha naman kaming sasayaw nun.
Si Camille at cienne ang pumili ng designs. Super hero na lang daw ang bibilhin e. yung shirt ko batman ang design, kim spiderman, yung kambal flash and green arrow si Ara naman superman.
Nakuha pa nilang magpapicture bago pumila sa counter e.”ui wala na akong extra money…”dismayadong sabi ni Ara.
“gamitin mo to..”binigay ni ate Kim yung VIP card niya.
“ano to?”
“huwag ka nang magtanong basta ibigay mo sa cashier mamaya…”
“okei…”
“uiiiiiiyyyyy gagamitin mo yung card mo Kim?”tuwang tuwang tanong ni Cienne.”padagdag nito ha? Saka ito pa..ito rin..”isa-isa niyang inilagay sa basket yung mga shirts na gusto niya.
“baka gusto mong ilagay na rin ang kaluluwa mo diyan Cienne…”pang-aasar ni Kim. Pero ok lang naman sa kanya e. si Kim pa galante yan.
Inirapan lang siya ni Cienne. “Samahan na kitang pumila ara…”
Lumabas na kami ni Kim. Hihintayin na lang naming sila sa may harap ng Magnolia icecream shop.
“may sekreto kayo?”biglang tanong ni Camilled.
“wala noh…”tanggi ni ate Kim.
“yeah right… ikaw Mika..care to share?”
“wala akong sasabihin cams..”
Ngumisi ito.”hoy kayong dalawa…pare-pareho lang tayong tumatakas sa magulong buhay ha..kanina nung nakita niyo sina ate JM..halos magpalamon na kayo sa lupa…what’s going on?”
“wala…”tugon ko ulit.
“Mika… you can trust me naman e…ano ba kasing nangyayari ditto? “
“huwag kang mag-alala Cams… walang problema… “pag-aassure ni Kim sa kanya.
“sigurado kayo ha? Ayoko na ulit yung mapapatawag for presscons..nakakastress…”
Natawa kami pareho ni Kim. Presscon? adik to e. pi-nat ni Kim si cam sa balikat.”the more you worry bout those things the more na mangyayari ang kinakatakutan mo cams…chill down..kami bahala sayo…”
Saka lang ito nagkalma. Siya ring pagdating nina cienne at Ara.”LUUH…babayaran na lang kita ate Kim pagdating ng allowance ha?”
“yaan mo na... magluto ka na lang ulit mamaya bawing bawi ka na…”
Nagyaya na ang mga itong umuwi. Papalabas na kami ng Mall nang mahagip ng tingin ko ang si Jmay. Wth? Ano bang araw ngayon at naglipana ang mga to ditto. Pssh..
“Kim…anong date ngayon?”tanong ko sa kanya.
“October 16.bakit?”
WTH? October 16???(mr and Ms. Snub chapter 27^_^v) Kaya pala pssh. “kim…bilisan mong maglakad..dadaan ako sa likuran..”bulong ko ditto.
Tumango lang siya.
“guys…mag-cr lang ako ha? Kita na lang tayo sa sakayan…”
“ui sama ako…nawiwiwi na ako e..”said ara.
Halla..hindi pwede ahy.
“uhm samahan na lang kita Ara…”said Kim.”Mika pakibilhan naman ako ng Bleaching soap oh… alam mo na kung saan…”
Sa lahat ng pwedeng excuse bleaching soap pa. saan ko bibili nun. OO na lang ako. Habang hindi pa kami nakikita ni Jmay ay nag-evaporate na ako. Suot suot ang shades. iwas iwas rin. Parang tangang nagtatago at nakikisabay kung kani-kaninong naglalakad.
May mga nakita pa akong hindi ako dapat makasalubong ditto. Tinaggal ko ang shades ko at sinundan siya ng tingin. Pssh. Pumasok ito sa chowking. (=__=) aatras na sana ako pero nahagip ulit ng tingin ko sina ate Kath na paparating na rin. This is hell. Inayos ko yung bonnet ko. ginulo-gulo ko yung nakalabas na buhok ko and put my shades back.
Nung akman papasok ako sa RRJ ay may sumigaw ng pangalan ko.”ate mikaaa…”
OH MY GOD. It’s her. yung batang makulit. Hindi ko siya pinansin. Pumasok ako sa RRJ. Nagtago ako sa display ng mga shirts.
Whew. Wala na siya. Pero maya-maya may kumalabit sa beywang ko.”what are you doing tita?”
(=__=)may sa kabote tong batang to talaga.
“mom has been calling you…sabi niya kasi parang nakita ka daw niya e…”
“uhm..hindi ko dala yung phone ko..”sagot ko sa kanya.
..kung ako ba siya..mamahalin mo…kung ako ba siya…
Shit talaga tong kamalasang to.
“you’re lying tita…”nagcross arms siya at nagsmirked.”tara na..sama ka na dun…manglilibre daw sina tita JM e…tapos yung mga babies they can talk a little na…”wala na akong magawa hinila na niya ako papalabas ng Mall.
ARA’s POV
Angtagal naman mag-cr nun. Tinawagan ko na nga pero hindi naman niya sinasagot. “ate Kim saan mundo ba bumibili ng sabon yun? Nauuwi na ako e…”
Hinugot niya ang Phone niya at binasa yung texts.”uhm sabi niya may emergency daw… mauna na lang kayo… .”
“huh? Puntahan natin baka kung ano nang nangyari dun…”
“ok lang yun…”sagot ni ate Kim.
“are you sure Kim? Ok lang si Mika?”pag-aasure ni Camille.
Tumango ito.”wala siyang hindi kayang ihandle cams…trust me…”
---
Hinintay ko si Mika sa may sala. Tulog na yung tatlo. Past 7 na kasi wala pa siya. Nakakaworry rin yung bakulaw na yun noh. Mula kasi nung humiwalay siya sa amin hindi ko na makontak ang phone niya.
May kumakatok at sana siya na to. Sa pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang isang bucket ng chicken joy at si Mika na nagpuppy eyes.
LUUH..anong nakain at nagpapacute?
“oh alam mo pa pala ang daan pauwi ah?”kunwareng galit ko sa kanya.
“sorry…na-stock lang sa mga dating kaibigan…”sabay offer nung chicken joy.”peace offering?”
Inirapan ko nga.”di mo ako GF para mag-ganyan-ganyan ka bakulaw…”
Ngumiti na ito. Saka pumasok at umakbay sa akin.”naks… di nga GF pero hinihintay mo naman akong makauwi…lab lab ako ni bansot…”
“e malamang..hinihintay kong pumunta ditto yung guard tapos sabihin may bakulaw na na-r**e at natagpuan patay sa kung saan..”pang-aasar ko sa kanya.
Hinila niya ako sa may kusina at inilapag yung dala niyang pasalubong. Patakbo siya sa kwarto nung tatlo. At kinalampag sila ng gising. Nakakatuwa tong higanteng to e. alam nang kagagalitan kaya nauna na ang peace offering. Pasalamat siya hindi pa ako nagdidinner e.