--5--
Ara’s pov
Aral-pahinga-aral-aral. Yun lang nging routine namin these past few days. Final exams na kaya tapos SEMBREAK na.YIEEEEEEEEEEH.
Pag ganitong exam walang kakikitaan ng ngiti sa Dorm. Parang lahat kami abala sa pagcomplete ng mga requirements.
“ara mylabs… ok na ba lahat ng reqs Mo?”
Tinanguan ko lang si Cienne.”kaw ba?”
“tapos na rin… rebyu rebyu na rin pag may time..”
“buti kung ganun… pasok na tayo?”
“hindi mo na ba hihintayin si Mika?”
Umiling ako.”tulog pa e… saka masasanay yan na lagi akong kasama baka pag sembreak mamiss ako agad hahahaha”
Napailing lang si Cienne.”lam mo kayong dalawa daig niyo pa ang magshota..”
“shota? SHORT TIME? Hehe”dinampot ko lang yung bagpack ko.”cieneloo… judgmental ka rin e… siguro kasi minsan siya lang yun nakakaintindi sa ugali ko..kaya ganito kasundo kami…”
“so ayaw sa girl to girl rel?”
Sandal akong napaisip.”ang alam ko lang hindi sarado ang utak ko sa mga ganung sitwasyon…”
“talaga???yiiiiiiiiiieeeeeee…”saka niya ako niyakap.”may pag-asa pa ako sayo…”
LUUUHHH..ano daw? Open naman siya na crush niya ako e. pero wala akong ganung feelings for her.
“higpitan mo pa yang yakap Cienne… para mamatay yang si Ara…”biglang sabat ni ate Kim nakalalabas lang rin ng kwarto nila.”SM ka talaga…”
“eeee?”ako yan.
“simpleng malandi hahahaha.”
“kahit kailan ka kim..bueset!”pang-iirap ni Cienne sa kanya.
Nauna na kaming tatlong pumasok. Nakakailang panalo na rin kami sa league kaya medyo sumikat kami sa campus. Mga baguhan pa lang daw kami pero napakita na namin ang galing ng abilidan naming.
Yun nga lang… nakakairita rin yung titig mula ulo hanggang paa noo. Sila kayang titigan ko mula ulo MUKHANG PAA? Haha.
“hawag kang ngingiti mag-isa Ara parang kang ewan…”said Kim.
“ahy sorry…”
Hinatid pa namin si cienne sa room niya. Mapilit lang kasi itong si ate Kim kasi may gusto daw Makita dun. Ewan ko ditto. Baka gusto lang ihatid tong si Cienne. Hahaha.ako ulit ang judgmental. Assumera na naman ako.
“saan mo balak magbakasyon Ara?”tanong ni ate Kim.
“e uuwi po sa bulacan…miss ko na family ko e…kaw ba?”
“uhm pag ganitong break kapag trip ni tito sa Singapore…pero ngayon siguro sa Bacolod ako”
“whoah? Mayaman ka pala ate Kim? Naks…”
“hindi ako ang mayaman… tito ko ang mayaman… parang sabit lang ako…hahahaha…favorite pamangkin ako nun e”
“halla… ganun na rin yun noh… may benefits…”
Ngumiti ito.”yeah… huwag na muna daw ako mangialam sa flower farm…kaya itinapon ako ditto…peo pag kinasal na yung pinsan ko tutulong na rin ako paunti-unti”
“grabe naman? So basurahan n nag Mhei zhou ngayon?”
Tumawa na naman siya.”hindi sa ganun…gusto ko rin sana makasama yung mga kababata ko dun…pero nasanay na ako ditto…andiyan rin kasi yung kambal…kahit makukulit sila e nararamdaman kong may family ako ditto.”
“ah…drama mo te…”pang-aaras ko sa kanya,
Pi-nat niya ang ulo ko.”ikaw kasi… inumpisahan mo… pero tandaan mo Ara… pantay pantay pa rin tayo… hindi basehan ang pera sa pakikipagkaibigan… “
Tinabig ko yun kamay niya.”drama mo kahit kailan ate Kim e… pag si Cienne ang kasama mo lagi mong pinipikon…baka umiyak ka na niyan…”pang-aasar ko sa kanya.
“naku…ah saglit….”may hinugot siya sa bulsa niya.”oh ito… whenever you go to JMR or JTW…pag gipit ka na sa pera ipakita mo lang yan…”
Tiningnan ko yung card na binigay niya.Ara Galang MHU.”VIP card to ah? Bakit mo ako binibigyan nito?”
Ipinakita niya yung VIP card niya.”meron rin ako oh…”
“KHYMBHRLY V. FAJARDO? Ikaw yan? E bakit iba ang name na nandiyan?jonojoke mo naman ako ate e…”
Ngumiti lang ito.”ganun talaga…parang alter ego..superhero...regalo sa akin ng tito nung 18th bday ko..sabi naman niya pwede pa ako mag-avail ng isa e… basta isipin mo na lang thank you gift ko yan kasi naging mabuti kang kaibigan sa akin…”
(=___=)hindi ko siya gets e. hindi ko magets yung mga sinasabi niya. “eeee???superhero kita? hahaha”
“basta…”she winked at me.”walang expiration yan Ara… kasi kahit anong mangyari… si Ara Galang ay kaibigan pa rin ni KIM…”
Siya na ang madrama. The otherside of ate Kim ito? How cute naman oh. May kaibigan pala akong superyaman. Hihi.parang superhro pa.
---
Tinitigan ko lang yung VIP card na binigay niya sa akin. weird naman niya. Baka milyonarya talaga siya. Milyonaryang hindi matapobre? Hihi. Gagamitin ko lang to pag sobrang gipit na ako. Dapat ipagluto ko ulit si ate Kim before the break parang thank you sa VIP card na binigay niya.
“ARa..ok ka lang diyan?”tanong ng seatmate ko.”tulog ka ba na dilat ang mga mata?”
“Eeee?”
“e kasi kanina pa kita tinatawag di ka sumasagot…”
“ha? Bakit?”
Ngumuso siya sa may pintuan.
(?__?) anong ginagawa ng bakulaw ditto. Kinawayan niya ako.
“excuse me maam..May I go out?”
Tumango lang si miss Manalastas.
“bakit? Anong ginagawa mo ditto?”
“vacant ko… kain tayo?”
“nakita mo ng may klase ako baks…”
“anglayo ng nilakad ko…thir floor pa tong klase mo tapos tatanggihan mo lang ako…”she pouted.
LUUUUH> drama naman nito. Wala sigurong kasama sa dorm paggising. “uhm…hintayin mo na lang ako sa canteen… may klase pa kasi ako oh..”
“sunod ka dun ha?”
Tinanguan ko lang siya tapos tinulak ko papalayo.
---
Naabutan ko na lang si Mika sa canteen na nakapangalumbaba at nakatitig sa pagkain. LUUH..hihintayin ba talaga ako nito?
“hoy tunaw na yang ice cream..bakit di mo pa kinain?”
“angtagal mo… natunaw na tuloy ayoko na yan…”sabay tulak ng tray papalayo.
Naupo ako sa tapat niya.”angdami mong arte Mika..may LQ kayo ng GF mo? Yung totoo?”
She eyed me.”gf? tingin mo kung may gf ako hindi ko sasabihin sayo!”
Natahimik ako kasi ngayon lang niya ako sinigawan ng ganito. Nagulat rin yata siya sa nagawa niya at agad humingi ng tawad.”sorry Ara… hindi ko sinasadya…”malumanay niyang pagkakasabi.
“may problema ba?”
Umiling ito.”hindi lang maganda ang gising ko…wala kasi akong kasama sa dorm..pumasok na kayong lahat…”
“yun lang?tapos sisigaw sigaw ka??? “susubukan ko lang tong bakulaw na to. Ako naman mag-iinarte.hmpf. pahiya kasi ako dun no. napatingin sa amin yung nasa kabilang table.
“sorry na nga po… anong gusto mong kainin? Ako na bibili para sayo… “
Sandali akong napaisip.”ikaw bibili ha? Sige.eggpie…spaghetti…softdrinks…piatos..tapos yung pizza…”abot tenga kong ngiti sa kanya.
O__O---her face
“ano na?tayo ka na diyan..pila ka na oh…”
“mauubos mo lahat yun?”
“wala kang bilib?”pagmamalaki ko ditto.”dalawang order yun ha…”pahabok ko ditto.
---
Siguro nakailang palit na ng costumers sa kabilang mesa hindi pa kami tapos kumain.hahaha.may nalalaman pa siyang nahihiyang kumain e yung pizza ko siya rin lang ng umubos.
“mabulunan ka baks oh…”iniabot ko yung softdrinks sa kanya.
Uminom muna siya nito sabay lunok nung nginunguya niya”lam mo bansot? Kahit iniwan mo ako sa dorm labs pa rin kita… kasi kwan..”
“kasi???”
Ngumisi ito.”kasi kanina pa nagstart yung klase mo pero nandito ka pa rin oh..”
Nanlaki ang mga mata ko.”s**t! DI MO MAN LANG SINABI…PATAY NA…GEN MATH PA NAMAN YUN…”nagmadali akong hinigit yung bag ko at hindi ko na siya pinatapos kumain.”baks kita na lang tayo sa dorm ha?”
Tumango lang siya.
Psssh. Kung bakit kasi hindi man lang niya sinabing klase ko na. napaka niyang tao talaga. Takbo lakad takbo ako papunta sa klase ko.
Hinihingal akong napahawak sa may gilid ng pintuan.
Napatigil sa paglelecture si Maam Henandez.”you’r late Miss Galang…”
Alam ko naman yun. Kasalanan ng Bakulaw e. kainis.”sorry maam… “
“you may take your seat…”
Napasandal ako at nagpahinahon muna. Sighed. Yung Mika na yun. Naku. Makakatikim siya sa akin kung napagalitan ako ng sobra e. buti na lang medyo good mood tong si maam ngayon.
Bzzt bzzt bzzt,,, hinintay ko pang tumalikod si maam para basahin yung text.
Baks: late ka bansot? Bale busog ka naman, :p
Tsss. Kahit kailan talaga. Hindi ko na nga irereply nang matauhan namang hindi maganda yung ginawa niya.
Bzzt bzzt bzzt…
Baks: kita tayo sa socce field l8r :))
Si Mika MArcaliñas ang taong walang magawa sa mga araw na nagcacramming ang lahat ng estudyante sa Mhei Zhou.
Matapos kong ipasa lahat ng requirements ko sa mga instructors naming ay pinuntahan ko na rin siya. Nakaindian squat siya at nakatanaw lang sa mga naglalaro sa field. Parang practicum nila yun sa isang subjest nila for completion rin.
“uy…”kalabit ko sa kanya. Sabay laglag ng bag at tinabihan ko siyang umupo.”emo ka yata baks? Broken hearted lang?”
Hindi ito umimik.
“naku… anong gusto ng bakulaw ko? anglungkot mo naman..gusto mo lollipop?”
Tumingin siya sa akin at nabaling sa lollipop na subo-subo ko yung pansin niya.
Tinanggal ko iyon sa pagkakasubo.”eee?”
Ngumiti ito at ibinuka ang bibig.
(=__=)that’s mika the childish one.
Isinubo ko na nga sa kanya yung lollipop baka kasi magtransform to bigla e. “LUUUH…lasang laway ko na yan…”
“hehe..para na rin tayong nagkiss bansot…”pero nakatanaw pa rin siya sa mga naglalaro.
Wait lang ha. Kanina lang ok ang pakiramdam ko pero bakit ngayon upon hearing those words parang nagblush yata ako. Shet tong bakulaw na to. “yuck mo naman baks..pinagnanasaan mo ako noh?”tulak ko sa kanya.
“hindi ah…”dryness na sagot niya.”uhm Ara…san ka ngayong bakasyon?”
“sa bulacan..san pa kaya noh?”tugon ko sa kanya.”ikaw baks? Saan ka?”
“uhm ewan ko pa e… pwedeng sa inyo?”she seriously asked,
“eee???”
“oo nga..gusto ko ma-meet ang family mo e…”
“bakit? Mamamanhikan ka? Hahahahaha… adik mo Mika..wala ka bang bahay ha? Spend time ka kaya sa family mo?”
“mamamanhikan??FEELING MO NAMANG NEGRA KA… e gusto ko lang… “
“sige… “tugon ko na lang sa kanya.
“talaga?”yung ngiti ng bakulaw lalagpas na sa tainga niya e.
“oo…pero dapat rin uuwi rin muna tayo sa inyo… para ma-meet ko rin parents ng lalab kong best bakulaw friend..”puppy eyes na naman para hindi siya tatanggi..
“huh?”
“oh? Anong huh? Dapat ma-meet ko rin sila ah… para fair diba?”
“e kasi ano….”
“e kasi??? Kung ayaw mo de huwag…huwag ka ring sasama sa amin…”irap ko sa kanya.
Unfair naman diba? Sa team kasi yung family lang niya ang hindi ko pa namemeet. Ah pati si Ate Kim pala. Pero naintindihan ko na yung sitwasyon ni ate Kim. Layo naman kasi ng Bacolod ditto noh. She then stood.
“sige… mauna tayo sa bahay naming… dun tayo ng dalawang araw…then uuwi tayo sa inyo magpapalipas muna ako dun ng sembreak.”
“ok lang sa mga magulang mo? Yun na nga yung time na magkakasama kayo e…”
Inilahad niya ang kanang kamay niya sa akin.”oo naman… ok lang yun…”ngiti niya sa akin.
MIKA’s POV
OK naman siyempre sa kanila. Sighed. “gusto mo ba ulit ng pizza?”alok ko sa kanya.
“bili na lang tayo ng ingredients.magluluto ako.”
“anong iluluto mo?”
“hmm…anong favorite ni ate Kim?”
“ha? Bakit favorite ni ate Kim? Hindi favorite ko bansot?”pagtatampo ko pa.
“nagsawa na akong ipagluto ka no. pwede bang iba rin ipagluto ko ha?”
“bahala ka nga… gusto niya ng carbonara..tapos ng menudo..tapos yung maraming gulay…”
“fiesta lang baks?isang potahe lang…”
Bumili kami ng pang-menudo for dinner na lang daw yung iluluto niya para damay-damay na lahat makakatipid pa. kuripot talaga tong Ara na to e no? pero infairness to her sulit naman sa sarap ang luto niya.
“oh baks..naglalaway ka na diyan,,,”
“feeling nito…”akbay ko sa kanya.
Tinanggal naman niya ito.”ano ba yan Baks..natitibo ka na naman…baka hindi na ako maligawan pag nakikitang umaakbay-akbay sa akin e…”
Pssh OO na lang ako. Naratnan naming ang kambal, ate mich, at ate cha sa dorm. Pareho-pareho silang nakatutok sa mga ipod, cp or Laptop nila.
“guys? Anong meron ditto? Bakit parang panay ang singhot niyo?”tanong ko sa kanila.
Pinunasan ni Cienne yung luha niya.”nagbabasa kami e… gusto mo rin magbasa? Sakit sa puso…”
“eee?”komento na naman ni Ara.
Then came ate Kim mula sa kusina. Naluluha-luha rin.”LUUH…ate Kim? Nakikisama ka rin sa trip ng mga to? Umiiyak ka rin dahil sa story?angbading naman nun…”
“anong story? Pinaghiwa ako ng sibuyas ng mga yan… kaya ito… kainis… “sisinghot singhot pa siya habang pinupunasan ang mga luha niya.
“tamang tama… magluluto ako… “masiglang sabi ni Ara.
Napaangat ang ulo ng mga nagbabasa.”talaga? ditto na lang kami kakain…”bulalas ni ate MIch.
---
Natapos na ang dinner at nagkayayaan na maglakad-lakad muna. Kahit na exam bukas pakiramdam namin alam na naming lahat e. lols. Walang basagan ng trip no.
Kambal-kim-ara at ako.
Busy si Kim sa phone niya. It must be urgent. “Kim… may prob?”tanong ko sa kanya.
Umiling lang ito.”ok na..naayos na yung date ng flight… sa Sunday uwi muna akong Bacolod…”
“ahy… madaya ka naman Kim…sabi mo walang uwian ngayon… sabi pa naman ni mommy mag-three days tayo sa tagaytay…”sabat ni Camille.
“weee?mamamanhikan ka na ate Kim???”pang-aasar ni Ara.
Hindi ito sumagot. Sumeseryoso lang naman to kung tungkol sa pamilya niya ang issue e. siniko ko si Ara/”hayaan mo muna siya…”
Tamang pahangin lang ang ginawa namin, wala masyadong asaran. Kasi yung kambal parang may pinagdadaanan rin e. itong si ciene naman naka-abre siete lang sa braso ni Ara. Naku Ciene baka tuluyang matibo yang si Ara sa ginagawa mo e.
“bansot…!”
“oh?”
“piggy back ride..gusto mo?”alok ko sa kanya.
“huwag ka ngang epel jan Mika… momoment kami e…”simangot ni Ciene.
Ngumiti lang rin si Ara.”oo nga baks… maya ka na sa kwarto…hahahaha..”
“LUUUH…feeling mo naman bansot ka…”
Tinawanan lang nila ako. Tampulan talaga ako ng pang-aasar ng mga to. Sumakay pa si Ara imbes na ipagtanggol ako.
---
At dorm. Sa kwarto naming ni Ara. Nagbabasa na ako ng notes ko when she jumped into my bed.”baks… huwag ka nang magrebyu… wala rin naman mababago sa result ng exam mo e..hehehehe”
Inirapan ko lang siya.
“wow..sungit ni Baks…”hinawi niya yung notebook ko.”baks…may sasabihin ako…”she said seriously.
Naupo ako ng maayos.”game..spill it out…”
“e kasi baks…”
‘what? Time is ticking ara…”
Ngumuso ito.”huwag mo nga akong paandaran ng ganyan ganyan mo Mika.kakainis e…”
“fine..game na…”
“uhm ano kasi… diba sasama ka sa bahay namin???”
“oo..bakit?”
“uhmm…baks… hindi kami mayaman ha… baka hindi ka sanay sa ganung buhay… papag lang ang higaan dun…tapos hindi pangmayaman ang pagkain dun…tapos mainit rin… walang aircon…”
Tinakpan ko ang bibig niya.”know what?just tell me if you don’t wanna spend the break with me Ara..madali naman akong kausap e…”
She forcedly removed my hand off her lips.”hindi naman yun e…im worried… kainis ka..napaka mo…”pagmamaktol niya.
“ara… sanay ako sa ganun ok? Kaya huwag kang mag-alala ha? Kahit ano pa yang kakainin ko…basta hindi nakakamatay…”ngiti ko sa kanya.
“ok…”tipid niyang tugon.
“oh ok na?pwde na akong magbasa?”inangat ko ulit yung notebook ko.
“may isa pa…”
“ano na naman yun?”irritable kong tanong.
“uhm..si Cienne… sa tingin mo seryoso siyang gusto niya ako?”yung ekspresyon ng mukha niya confused na confused.”kasi Baks… minsan naiilang ako e…baka kasi isipin niyang gusto ko rin siya kasi hindi ko siya pinagbabawalan sa mga ginagawa niyang paglalambing…”
“habang maaga pa sabihin mo na..para hindi na umasa yung tao…”payo ko sa kanya.
“uhm okei ”she then smirked.”uhm baks… ikaw?paano pag nagkagusto ko sayo…tapos ayaw mo sa akin..paano mo ako ituturn down???”
LOADING> processing. ERROR??? RESTART??? Anong klaseng tanong yun naman Ara? Hindi ko alam ang isasagot ko tuloy.
“hindi ka nakasagot noh?”tawa nito.”ui si Mika Aereen Marcaliñas… parang natitibo sa akin..hahahahah…”then he went to her bed.
“ewan ko sayo Bansot… masyado kang assuming!!”sigaw ko sa kanya saka ako lumabas.pssh..kung makatawa kasi tong ara na to nakakapikon e. pssh.
---
Dining area. Nakapangalumbaba si ate Kim at titig lang sa phone niya.
“ui…bakit?”
“ha? Ano yun?”
“bakit ka tulala diyan?”
“tulog na ba sila?”she asked.
Umiling ako.”dun tayo sa labas?”
So we went outside. Naupo kami sa may gilid ng pinto.
“game?”I started.”kanina ka pa balisa e..”
Sumandal siya. She sighed.”wala naman… miss ko na yung mga kaibigan ko dun…”
“e diba uuwi ka naman?”
Tumango ito.”mamimiss ko rin si Cienne…”
LUUUH…alam na.. Natawa ako bigla.”shet…si KHYMBHRLY! Nadali sa kakulitan ni Cieneloo…hahaha”
“geh pa…tawa ka pa…nakapangako kasi ako sa kanila na sasama ako sa tagaytay…tapos biglang tumawag si tito na kailangan ko daw umuwi dun..”
“angbabaw ng problema mo ate… pero teka …type niya si Ara diba? Hindi ka ba nagseselos?”
Umiling ito.”ramdam ko naman kasi na walang gusto si Ara kay Ciene kaya hindi ako apektado…”
“ah…”
“ikaw ba? Diba every sem break may family gathering kayo?”
Tumango ako.
”saan kayo ngayon? Last year out of the country kayo diba?”
“hindi ko alam..saka hindi naman ako sasama e…”
“ha? Adik ka ba?gusto mong masipa ng pinsan mo? Nakakatakot pa man rin yun pag nagalit…”
“e kasi ipapakilala ko si Ara sa mga parents ko e…”tugon ko sa kanya/
“talaga?”
Tumango ako.
“buti kung ganun mika..its about time…”
May sasabihin pa sana ako pero biglang lumitaw si Ara sa may pintuan.”wow bonding…pajoin rin ako…”saka siya sumiksik sa pagitan naming ni ate Kim.”baks… namiss kita oh…”umabresiete siya sa braso ko saka sumandal sa balikat ko.”excited na ako sa sembreak…”
Nagkwento siya ng mga gagawin namin sa bulacan. Pati yung mga gagawin namin pag nameet niya ang pamilya ko. tapos tuturuan daw niya akong magluto para pag second sem hindi na puro siya ang kawawa sa kusina.
panay rin ang daldal ko Pero biglang nabalot kami ng katahimikan.
“Ara…”
Walang nasagot.
“hala..tulog na yang kausap mo Mika..”tatawa-tawang sabi ni ate Kim.
Maingat kong tinanggal ang pagkakasandal niya sa balikat ko. patay tulog talaga to e. tinulungan ako ni ate Kim na i-piggy back ride sa likod ko si Ara.”naparami siya ng kain kanina..gosh..she’s heavy…”
Ne hindi siya nagising ahy. Grabe lang tong matulog. Nung naihiga ko na siya saka siya parang naalimpungatan.”sorry baks..nakatulugan ulit kita…”
“ok lang…tulog ka na…”
“excited na talaga akong makilala ang parents mo baks…”
“sila rin Ara..gusto ka rin nila makilala..”
----