26

2196 Words
  St 26 Mika’s pov Deretso kami sa dorm. Hindi naman ako pwedeng pumasok na ganito ang itsura ko. anggusgusin ko kasi.  “sa susunod mas marami pa ha?”seryoso niyang sinabi sabay diin ng bulak na may alcohol. “ARAY! Grabe ka naman!”sigaw ko sa kanya. “ano? Rerekla-reklamo…habang kanina halos magpakamatay ka dun…”kumuha ulit siya ng bulak at nilagyan ito ng alcohol.”saan pa sugat mo?” Tinuro ko ang puso ko.”dito oh..” She eyed me again. Yung tingin na “ANONG KALOKOHAN NA NAMAN YAN?” “ikaw kasi…parang sasama ka pa kay Rence kanina...” “halla… drama nito…” Sinundo niyang nilinisan ang gasgas ko sa braso. “ANO KA BA! HINDI KA DAPAT NAKIPAGBUGBUGAN DUN E..HINDI KA NAMAN MARUNONG…”paninigaw ni Cienne kay Kim habang nilinisan nito ang sugat niya sa tuhod. Paano kasi napasubsob kanina. “kung sisigawan mo lang ako…ako na lang ang maglilinis..”hinablot ni Kim yung bulak kay Cienne. “ako na..”kinuha ito ulit ni Cienne. At itinuloy ang paglilinis sa sugat niya. Siniko ako ni Ara. Nagets ko naman ang ibig niyang sabihin. Ito kasing si cienne pasimple pa e nag-aalala rin naman siya. “may training pa mamaya…. Bawal umabsent…”pagreremind ni Ara. “training muna bago ang lahat…”sabay  taas ko pa ng kanang kamay ko.”ouch s**t…”napatigil ako dahil nakaramdam ako ng sakit sa balikat ko. “oh napano ka?”pag-aalala niya. Para kasi akong na-freeze na nakataas ang kamay e. “de joke lang.hahaha” Inirapan niya ako at pinalo ng malakas ang balikat ko.”kainis ka..angdami-dami mong alam!” humiga ako at umunan sa lap niya.”tulog tulog rin pag may time…hehehe”niyakap ko yung throw pillow at pumikit. “hala sige nakuha mo pang matulog…”saway niya sa akin. “shut up..im tired…” --- CIENNE’s pov Agad kaming umuwi ni Camille nang tumawag si Ara. Angdaming gasgas at angsungis ni Mika. Si Kim naman napapangiwi sa laki ng gasgas niya sa tuhod. Kasi hindi naman marunong makipag-away nakikijoin pa napala mo. “masakit pa?”tanong ko sa kanya. “malamang…anglaki kaya niyan…” Naku. Sige tablahin mo ako ngayon pagbibigyan kita sa laki ng sugat mo e. pero hindi rin. Ayokong palampasin tong kimi na to. Hinipan ko yung sugat yan. “yan…. Better… “ngiti nito. Better pala ha? Binuhusan ko ito ng alcohol yung tuhod niya. Napasigaw ito sa hapdi. “ARAAY KO NAMAN CIENNE… MAY GALIT KA BA SA AKIN HA?!”pero napapangiwi pa rin ito. Napabalikwas ng bangon si Mika.”anyare Kim?” “sorry… hindi ko sinasadya e… nabuhos..”sarkastikong sagot ko sa kanya. Panay lang ang ihip ni Kim sa sugat niya nang may kumatok sa pinto. Si Camille ang nagbukas nito.”oh kim…may bisita ka oh..”nangingiting sabi ni Camille. Iniluwa ng pinto si Fiona. Suki ng mga pageant sa univ. beauty and brains kung idescribe nga mga kaklase naming lalaki. Agad itong lumapit kay kim.”sorry cc busy kanina e… ngayon ko lang nabasa yung text mo…” “whew that one…”pasimpleng sabi ni Camille. “ok lang…”ngiti pa ni Kim. CC? carbon copy. Sila na PDA. Kumuha ng cotton si Fiona at nilagyan ito ng betadine.”mas maigi to kesa alcohol..” NALINIS KO NA YAN. ANO KA UNLIMITED? PAULIT-ULIT LANG?SABIHIN MO KAYA KIM NA NALINIS KO NA? SAYANG YUNG COTTON NOH. “thank you ha… nag-abala ka pang pumunta dito…”pagpapacute pang sinabi ni Kim. “wala yun..kaw pa.” “three points!”biglang sabi ni Mika. “ha?”nagtatakang baling ni Fiona sa kanya. “ah wala….ito kasing si Ara naka-three points e…”depensa niya. Mukhang enjoy na enjoy tong si Kim sa presensya ni Fiona. “kambal…labas tayo…gugutom ako e…”yaya sa akin ni Camille. Sumama na nga lang ako nakaka-asthma ang view e. nakakasuka ang pagmumukha ni kim na nagpapacute. Urrghhh. Naglalakad-lakad lang kami ni Camille. “uso ang maglabas ng sama ng loob kambal…” “ha?” Umakbay ito sa akin.”wow lang? kung itaboy mo si kim noon wagas e…tapos ngayong hindi ka niya kinukulit namimiss mo naman…” “hindi ko siya namimiss…lagi ko naman siya nakikita ah…” “hindi naman yung tao ang namimiss mo e… yung paraan ng pakikitungo niya sayo… oo nakakasama mo siya palagi pero ramdam mong nagbago siya… you’re not her priority anymore…” Sinipa-sipa ko lang yung plastic cap na nadaanan namin. Hindi ko naman siya tinaboy ah? Sinasakyan ko lang naman yung mga pananabla niya. Pagtataboy na ba yun? “sweet sila ni pageant girl no?” Hindi ko siya inimik. Bigla siyang kumanta.. “Jealous of the one who's arms are around you…If she's keeping you satisfied” “hindi ako nagseselos…” “bawal kumanta ha?”pang-aasar niya sa akin. Tumambay lang naman kami ng kapatid ko sa may tapat gym. May mga benches kasi dito. “hindi ba tayo papasok?”tanong niya. “hindi na…nakakatamad e… “ “sige…so sa tingin mo magtetext si Kim para iremind kang papasok ha?” Inirapan ko lang siya ulit. Lagi niyang pinapaalala ang mga dating ginagawa ni Kim sa akin.paano kasi para siyang nanay lagging nereremind ang oras ng klase ko. tapos magtatanong kung bakit hindi ako papasok. Hmpf. I hate her.sinanay niya akong may bantay. Nabalot kami ng katahimikan ni Camille. Bzzt bzzt bzzt… Agad kong tiningnan ang phone ko. at nadisapoint ako sa message na nag-flash. Kim: cant contact cams. Kindly buy some foods. Thanks. Mas nadagdagan ang inis ko sa huli kong nabasa. “yung piatos na lang. yung gusto ni Fiona e.” Binigay ko kay Camille yun phone ko.”oh may text ka.uli=uli wag mong ioof yung phone mo.” Natawa na lang to nung nabasa niya yung message. --- Nasa labas sila ng dorm nang makauwi kami. “e hindi na naming kayo nahintay..ginutom na kami e..”bungad ni Kim sa amin.”punta kami 7eleven.sama kayo?” “ah ok.”tugon ko lang.”kita na lang tayo sa practice mamaya.” Saka ko pumasok ng dorm at dumeretso sa kwarto. Bumili pa naman kami tapos ganun lang? aalis rin sila? Mapatid sana siya ulit at madoble-doble yung sugat niya. Naglalaro ako sa phone ko ng pumasok si ate cha. “ui san yung mga kasama mo dito? Nakipagsuntukan daw sina Mika ah?” Naupo ako sa kama.”ewan gumala..kasama si pageant girl..” “pageant girl?” “yung fiona.”naiinis kong sagot sa kanya.”papansin..” Natawa ito.”ilong mo umuusok.hahaha.kasama si Camille?” Tumango ako. “ah okei… mauna na lang tayo sa court..text mo na lang sila.” Hinintay niya ako sa baba. Tinext ko si Ara. Siya na lang bahalang magsabi dun sa iba. --- At the court. Same routines lang kami. “wow may bantay si Kimikimi ah…”kantyaw ni ate mich.”gondo lang te…” “halla…wag kayo ganyan.. nahihiya na yung tao e..”depensa ni Kim. Hindi siya nahihiya. MAHIHIYA BA YAN E KANINA PA NAKABANTAY DITO? Siya na number 1 fan mo. sabi ko sa isip ko. Sumisipol-sipol si Camille. “selos ako…mamuch….” Hindi ko na nga pinansin ang pang-aasar niya.  Nagpatuloy lang ang training na panay lang ang pagpapapansin ni Kim kay Fiona everytime na kakagawa siya ng puntos. Sa kabilang team nga pala siya.sila nina Mika at Ara. Kami naman nina ate ang magkakampi with cams and ate mich. Katuwaan lang naman. Sinabihan ko si Camille na i-set ang next play para sa akin. sinabayan ako sa pagtalon ni Mika pero sinadya kong inispike yung bola sa direksyon ng kinauupuan ni Fiona. Hindi na ito nakaiwas at natamaan ito sa may mukha. Agad siyang nilapitan ni Kim. “saglit lang coach…”sigaw niya habang chinecheck ang kalagayan ni Fiona na nakahawak lang sa mukha niya. Kinuyob ito ng ibang teammates. “bull’s eye.”I softly said. Naupo ako sa may bench at uminom ng tubig. “grabe ka cienne ah..”pansin sa akin ni Camille.”nandamay ka pa..” “anong ginawa ko?”painosente kong tanong sa kanya. Biglang nagpanic ang lahat at nakita ko na lang na karga-karga ni coach si Fiona. Dumugo daw ang ilong nito at dadalhin sa clinic. Agad rin akong lumapit sa kanila. “anong nangyari?”I worriedly asked. Mataling na tingin lang ang ibinigay ni Kim sa akin. saka ito sumunod kena coach. Damn.hindi ko naman ginustong dumugo ang ilong niya. Kasalanan ko pa ba kung malambot ang buto nito sa ilong? Na-cancel na ng tuluyan ang training at umuwi na rin kami. kinakabahan rin naman ako sa nangyari kayu Fiona. “ate cha….” “don’t worry… hindi yun mamamatay…”tawa nito. “eee hindi naman yun e…” Ngumiti lang siya.”sis… ok lang magselos..pero yung ginawa mo kanina? Sa tingin ko hindi palalampasin ni coach yun…” Ibinagsak ko na lang ang katawan ko sa may sofa. “hindi ko nga sinadya e…”pagmamaktol ko. “just don’t exaggerate things Cienne…things will be just fine…”pagpapagaan ni ate ng loob ko. Bandang 6 nang dumating sina Kim. Tuloy-tuloy lang ito sa kwarto. Si Mika at Ara naman napapailing at napatingin sa akin. “kumusta siya?’lakas loob kong tanong. “ok na…nabali lang ilong niya… pero mild lang naman.huwag kang mag-alala…”sagot ni Mika sa akin. “bakit ganun si Kim?”usisa ko.”parang anglaki ng kasalanan ko?” Tinabihan ako ni Ara.”cienneloo… si Kim..concern sa nangyari kay Fiona… mahalaga yung tao sa kanya… alangan palakpakan ka niya sa ginawa mo no…” “hindi ko naman sinadya ah…”dependa ko ulit. Umiling si Mika.”magsorry ka na lang sa kanya bukas,,,” “ayoko.”pagmamatigas ko. Wala akong dapat ipag-sorry aksidente yung nangyari at pangangatawanan ko yun. Lumabas ng kwarto si kim na may dala-dalang bagpack. “kena rhyck muna ako ngayon guys ha? Kita na lang tayo bukas,,,”paalam niya saka ito lumabas. “boom…”banat ni Camille.”she’s really upset…” Sumenas pa ito sa akin na lagot daw ako. Pati si Ate Cha ay napailing na rin. “kesa naman mapanis ang laway niya dito…buti na rin yung umalis muna siya at magpalamig…”   MIKA’s pov Umiiwas lang si Kim sa tension kaya nagpasya siyang magpalipas muna ng gabi kena Rhyck. Kahit sino naman magagalit sa ginawa ni Cienne e. halata naman hindi eksidente yun. Angsakit ng buong katawan ko. pati mga gasgas ko mahapdi pa. tinapos lang naming ang mga assignments naming at nagyaya nang matulog si Ara. “Moy…tulog tulog din kaya tayo pag may time?”sabi niya sa akin habang nag-eencode ng repost niya. “mauna ka na…may inaayos pa ako e…”tinuloy ko lang ang paggawa ng powerpoint presentation. Lumapit siya nilipat ko sa kabilang window yung ginagawa ko. “ano ba kasi yan? Kanina ka pa diyan e…” “ah ano..wala lang to… sige na ligpit ka na tapos tutulog na tayo…” “damot.”irap niya sa akin saka inumpisahang magligpit. Nawiwindang ako sa ginagawa ko kasi. Panu ba naman… rush kong tumawag yung kuya kong magaling at gawan ko raw ng powerpoint presentation para sa conference niya bukas. Pinagtimpla ako ng kape ni Ara. “mukhang matagal ka pa diyan e… ikaw na superman…” “hindi ako nagkakape moy… saka napaka-old school ng superman mo noh?hahaha”pang-aasar ko pa. “oh?ano na bang uso ngayon ha?” Nagpangalumbaba ako. .”superman? LAOS NA YUN…” at tumitig sa kanya habang nainom ito kape..”uso ngayon? TAYO-NA-MAN.” Nasamid siya sa sinabi ko at nailabas niya pa sa ilong niya yung kape. “angkorni mo.shet..”pinunasan niya yung nabuhos na kape sa mesa.”grabe.lakas trip.” “hahaha..kung makareact to..type mo ko noh?hahaha…you’re going gay ara.hahaha..” “hays..ewan ko sayo baks…”tumayo siya at inilagay sa lababo yung tasa.”sunod ka na dun kung matutulog ka na…” After ilang minuto ay natapos ko rin ang walang hiyang presentation na to. Ka-chat ko si Kuya para magreport. Me: finish.just sent you the file. Kuya: thank sis. Uhm…ifefeature pala ang family natin sa isang lifestyle mag on January…be ready..sabi ni papa ipapakilala ka na daw officially… Me: ha? Pwede namang hindi diba? Kuya: sorry sis… ginawa ko naman lahat para kumbinsihin siya e..pero its about time na daw… Me: kuya…ano kasi… Kuya: bakit? May problema ba? Me: wala..sige… update mo na lang ako sa schedule ng interviews… Sakit sa ulo naman yun. I hate interviews. and I hate it when people starts asking about my personal life. Naratnan ko pa si Ara na naglalaro sa phone niya. Adik sa candy crash lang e. “gang 2 am ba ang duty mo jan?”tanong ko sa kanya. Kahit kasi nahihikab na to tuloy pa rin sa laro e. “ee moy tabi tayo matulog….” “chachansing ka na naman noh?” “feeling mo naman… game na..dito na lang sa kama ko…yung mga gamit natin sa kama mo na lang…” Hayun.kasi yung mga gamit niya nauna na sa kama ko. at tamad na siyang magligpit. Akala ko pa man rin oh. Magkatabi na kami at pinapanood ko lang siyang maglaro. “uhmm moy…” “bakit?”sagot niya pero nakatuon pa rin ang pansin niya sa paglalaro. “paano pag kunware may kaibigan ka…tapos nagsinungaling pala siya sayo?anong gagawin mo?” “anong klaseng pagsisinungaling?” “yung tipong hindi pala siya yung taong kilala mo..yung gumamit siya ng ibang pagkatao?” Sandali siyang natahimik. “moy… ano na?” “magagalit ako.” “ha? Paano pag ginawa lang niya yun dahil gusto ka niyang maging kaibigan?” Inilapag niya yung phone niya at humarap sa akin.”Moy… kung gusto mong maging kaibigan ang isang tao diba dapat maging totoo ka sa kanya? Tingnan mo si Rence… magkaibigan naman na kami ngayon kahit anong galit ko sa pinsan niya diba? Dahil naging totoo siya sa akin…”pagpapaliwanag niya.”bakit mo ba natanong? Sino bang kaibigan mo yan?” “e wala… si Kim kasi… nakwento niya yung bestfriend niya sa Bacolod na nagsinungaling sa kanya…”pagpapalusot ko. “hay naku Moy…huwag ka nang makialam sa problema na iba…”niyakap niya yung unan niya.”sabihin mo na lang kay Kim..hanap-hanap rin ng ibang bestfriend pag may time siya…yung hindi magsisinungalin sa kanya…” ‘ok.”matamlay kong tugon dito. Pumikit na siya.”nyt moy…” I kissed her forehead in return. “sumesimple ka na naman.”she softlysaid then smiled. TT^TT ano ba?sasabihin ko ba? E magagalit daw siya e. damn MIKA..ito napapala mo e. bakit kasi umentra pa yung si Rence. Kung kailang magtatapat na ako noon sa  tunay kong pagkatao. Hindi ako makatulog. Angsarap lang sa pakiramdan yung nangyari kaninang engkwentro. Ganun rin kaya ang pakiramdam nina Ate Jm noon? Psh. Naalala ko nung bata pa ako at naiinis sa tuwing nagwawarm up exercise kami dahil hindi ko maipronounce ng maayos yung pagbibilang sa chinese. “. Yi . Er . San . Si . Wu . Liu . Qi . Ba . Jiu . Shi “ naalala ko yung mga pangalan na sinabi ni maam xere sa hospital “Shi Wu, Shi Liu , Shi Qi,”at yung nasambit ni Rence kanina sa bakanteng lote.” Shiba  Shijiu  Ershi”. Parang nag-snap sa utak ko at napagtagpi-tagpi ko na ang ilang bagay-bagay. Damn. Anghenyo ko? nung una naisip ko mga pangalan nila yun pero ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Pero ang gumugulo pa sa isip ko ay bakit kailangang magpanggap ni rence na ako? Kung ang purpose lang naman nila ay protektahan kami? Psssh…not unless… DAMN…. SIYA NGA… parang kumulo na naman ang dugo ko sa aking nabuong theory. I can’t wait to have a talk with her. makikita niya. Hinding hindi ko to palalampasin.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD