St 25
ARA’s POV
Tulog na tulog pa si Mika paggising ko. buti naunahan kong nagising ang kambal kung hindi isyu na naman kay cienne na nakayakap ako kay Mika.
Tulog pa rin si Kim sa may sala. Niyugyog ko ito para lumipat na sa kwarto niya.
Sunod-sunod ang katok sa pinto.
“ako na…”agad nagtungo sa may pintuan si Kim.
So dapat dahan-dahan ang pagbukas ng pinto?
“oh Cha..ikaw pala..”bati niya.
Dali-daling pumasok si ate Cha.”morning… si Mika?”
“relasyon?haha”kantyaw ni Kim.
Muntik na siyang dagukan ni ate Cha.”isa ka pa kim…yung kambal?”
“nasa kwarto..tulog pa e…”sagot ko sa kanya.
Tinulungan niya akong magluto ng breakfast.” huwag mong sanayin si Mika na lagging ikaw ang nagluluto… mananaba yun.hahaha”
“ok lang po… hilig ko naman magluto e…”
“hay naku… deny mo pa victonara..sinong tanga ang mag-eeffort na magluto araw araw? Gusto mo siya noh?”
“gusto agad?hindi pwedeng hobby ko magluto?”pagtatanggol ko sa sarili ko.
Sumubo ito ng tinapay.”Ara… huwag kang defensive..hahaha”
Tumahimik na lang ako. Ito pa si ate cha ang patatalo? Pssh. baka iaanounce niya sa buong mundo na may gusto ako kay Mika noh.
Tinurn-on ni Kim yung tv at nagtune in siya sa morning news program. Mula sa kusina ay rinig ko ang pinapanood niya.
“diba pinsan ni Rence yan?’komento ni Cienne na pababa na rin.
Agad akong pumunta sa sala at nakinood.
[ayon sa imbestigasyon papunta na sana ang dalawa sa airport ng tinamabangan sila ng mga masasamang loob. Nahuli na ang tatlo sa mga salarin samantalang ang iba ay kasalukuyan paring pinaghahanap.
Nasa mabuting kalagayan na ang dalawa at nagpapagaling sa isang pribadong hospital…]
“halla… grabe naman yun…”komento ko.
“si Rence kaya?”saad ni Cienne.
“sana ok lang rin siya…”I softly said.
Nakatutok lang sina ate Cha at Kim habang iniinteview yung Jan Michael Reyes ng media. Maunti lang naman yung news tungkol sa nangyari. Hindi na daw kailangan pang palawigin sabi ng nakakatatandang kapatid ni Rence.
“grabe no..pag ako kaya nakidnap ate magpapapresscon rin si mama?hahaha”said Cienne.
“tigil mo nga yan cienne .hindi nakakatawa..”seryoson saway ni ate Cha sa kanya.
“halla..joke lang naman yun ate… Ikaw nga nung namatay si papa kasama ka sa presscon e… so ibig sabihin kalevel din natin sila… parang astig yung buhay nila oh..angsaya siguro nun..pwede nating bilhin yung mga gusto natin”pagmamalaki ni Cienne.
Tumayo si ate Cha.”be careful what you wish for cienne…”dumeretso ito sa kwarto at mukhang binulabog si Mika dahil magkasunod rin silang lumabas.
Chinechek ko yung phone ko na nakacharge nang bumaba si Mika.
“morning Mika…”bati ng lahat sa kanya.
Imbes na batiin sila ay sa akin siya lumapit at niyakap ako ng pagkatamad-tamad. Nakasandal lang siya sa akin mula sa likuran. Angbigat niya. Eee? Bakit mika? Tulog ka pa ba.angdaming mata na nakatingin sa atin.
“hoy..anyare sayo?”saway ko sa kanya.
“sleepy…”tugon lang niya.
“HOOOOOOY….KAYONG DALAWA… KAAGA-AGANG LANDIAN YAN AH…”pang-aasar ni Cienne sa amin.
“landian agad? Pwedeng naglalambing lang?”dagdag ni Kim.sabay tawa.”kung makayakap si Mika oh…asawa lang mika?”
Bumitaw sa yakap si Mika at hinarap sila.”just shut up..will you!”pagtataray nito.”kung gusto niyo kayo magyakapan rin.”
Padabog itong naupo at isinubson ang ulo sa may mesa.
“yaan mo yan Ara..iinarte lang yan..”sabi ni ate Cha nung lalapitan ko na si Mika.
“sure ka ate? Hindi naman ganyan yan dati e…”pag-aalala ko.
Tumango lang siya.
“puyat at pagod lang siya Ara…”dagdag ni Kim.
Tahimik ang lahat habang kumakain. Lahat ay pinapakiramdaman ang mood ni Mika. Hindi kasi siya nagsasalita. Isang tanong isang sagot lang siya ngayon. Ne hindi sumasakay sa biro ni Cienne. Napikon nga yata siya ng sobra.
Matapos niyang kumain ay bumalik siya sa kwarto. Nagvolunteer na ang kambal na maglilgpit ng pinagkainan. Sinundan ko naman si Mika. Nakatalukbong pa ito ng kumot.
“moy..hindi ka ba papasok?”pilit kong tinanggal yung kumot sa ulo niya. Pero mahigpit ang pagkakahawak niya dito.”baks ano ba? Hindi ka ba papasok? Malilate ka na oh.”
“hapon ako papasok..antok an antok pa ako..”sabay talikod niya.
“e huwag mo na kasing pansinin sina Cienne… inaasar ka lang e..”
“ok lang..sanay na ako..”malamig niyang tugon sa akin.
Hindi na ako nakapagpigil sa pag-iinarte niya ngayon.“ako ang hindi sanay sa kakasigaw mo Mika…para kang si Rence… maya’t-maya nagagalit…sumisigaw…”
Umupo siya at pagalit na rin ang tingin sa akin.”don’t compare me to that damn ass.. sa tuwing ikinukumpara mo ako sa kanya naiinis ako…”
“ano bang problema Mika? Pati sa akin nagsusungit ka na… kulang ka ba sa tulog?”tumayo ako. Oo mahal…ang ibig kong sabihin mahalaga si Mika sa akin pro yung ganitong pag-iinarte niya minsan nakakapikon na rin e.”yan…matulog ka maghapon..kausapin mo na lang ako pag nasa mood ka na…”
---
Papasok na kaming lahat at maiiwan si Mika. Chineck ko muna siya bago ako umalis. Titiisin ko muna ang bakulaw baka umabuso e. yun rin payo sa akin ni ate Cha. Konting espasyo lang daw baka kasi stress lang talaga si Mika at kailangan niya ng pahinga.
“nanood ka ng news kanina?”tanong sa akin ng seatmate ko.
Tumango ako.”bakit?”
“papasok kaya si Rence? Diba nabugbog yung pinsan niya?”
Oo nga pala. Agad ko siyang tinext.
Me: papasok ka ba? Musta ang pinsan mo?
Hindi ko na nagawang icheck kung nagreply na siya dahil dumating na ang professor naming. Kinig kinig rin at kunwareng pagtitake note. Inaalala ko kasi si Mika sa dorm. Baka mabaliw na yun kasi hindi ako nakikita.haha.joke lang.
Halos trenta minutos na ang lumipas ng dumatin si Rence. Humingi ito ng tawad sa professor at pumunta sa upuan niya. Isang upuan lang naman ang pagitan namin.
Nilingon ko siya.”rence… kumusta ang pinsan mo?”
“she’s ok.”tipid na sagot nito. Gaya ni Mika sa dorm ay ipinatong niya ang kanyang mga braso sa armchair at walang pakundangan itong natulog.
Napailing ang katabi ko.”pag mayaman talaga kahit hindi mag=aral ok lang e…”
“hayaan mo na..baka puyat lan talaga”pagtatanggol ko dito.
Sa loob ng isang oras na klase ay hindi man lang nagising si Rence. Hinayaan na lagn siya ng professor na matulog. Siguro napanood niya ang balita tungkol sa pinsan nito.
Nagdismiss na kami at nagsilabasan na ang mga kaklase namin.
Pupungay-pungay ang mga mata ni rence ng ginising ko siya.
“is it already lunchbreak?”
“hindi..may isa pa tayong klase…”sagot ko.”umuwi ka na lang kaya?tingnan mo yang itsura mo oh..”anglaki kasi ng eyebags niya parang zombie na.
Tumayo siya at binitbit yung bag ko.
“ako na yan…”saway ko sa kanya.
“its okei… para magising na rin ako…”ngiti nito.”may pagkain ka ba dito? Nagugutom na ako e…”
“wala e… hindi kasi pumasok si Baks kaya hindi ako nagdala ng extra food.”e kasi ang bakulaw na yun basta basta na lang rin nagbubukas ng bag at nag-eexpect na may ala akong pagkain lagi. Basta malapit ang classroom nung sa amin mang-iistorbo para lang humingi ng pagkain.
“ouch.”
“huh?”
“nothing… anglayo pala ang lamang sa akin ni Mika..”pilit na ngiti nito.
“Rence naman…”saway ko sa kanya.
“ooopss.sorry… ipaparamdam ko lang pala sayo kung paano ako magmahal..pero hindi ako humingi ng kapalit…”pagpapalala niya sa sarili niya.
“hindi mo naman kailangang gawin yun Rence e…”ayoko kasing mag-effort pa siya e lam ko naman hindi ko siya kayang mahalin.
“no more buts..miss galang… buhay ko to..ako ang masusunod…”
Oo na lang rence.nakakapagod makipagdiskusyon sa mga MIKA. Parehong may saltik? Baka kambal sila. Weeh? Hindi siguro. Mas maganda si Moy. Ito kasi gwapo. Ha? Anong sinasabi ng isip ko?
Hinatid lang ako ni Rence sa klase dahil tinawagan daw siya sa hospital.
“wala na bang ibang magbabantay dun? Mamimiss mo na naman ang klase oh.”
“you gonna miss me don’t yah?”ngisi nito.
“ikaw na mafeeling Rence…abot kabilang mundo ang hangin mo…”
Tumawa lang ito,”sige na….i’ll see you in an hour… saglit lang naman to e…”
Tumango lang ako. So makikisabay siyang maglunch sa amin? Pero babalikan ko si Mika sa dorm e. sina Cienne na lang bahala sa kanya. Close naman sila e.
--
Lunchbreak.
Nagmadali akong lumabas ng classroom para lang maharang ng isang pagkasakit sakit sa matang tao. Joke lang po. Nasa harapn ko kasi si Baks na may dalang lunch namin.
“peace offering sa pagsusungit ko nung umaga..”
“ah so nadadaan ako sa pagkain ganun bay un?”
Ngumiti ito.”ewan… e bakit nagmamadali kang lumabas? Babalikan mo ako sa dorm no?”kantyaw niya sabay ngiti na halos naniningkit na siya.
“hindi ah..lakas ng bilib mo sa sarili mo…”pagtatanggol ko sa sarili ko.
Nagyaya na ito sa may canteen. “angdami namang tao dito…”reklamo niya.
“asan ang IQ Baks? Canteen to…malamang maraming tao? Try mo kumain sa kwarto natin baka dun konti lang tao…”pananabla ko sa kanya.
“luuh..gusto mo ako masolo? Huwag mo akong pagsamantalahan moy…”pang-aasar pa niya.
“hindi ko gagawin yun noh..kasi bibigay ka naman agad.hahaha”
Yan natahimik. Hahaha. Tumingin kami ng bakanteng upuan. “uhm..yoko na kumain dito.”simangot niya.
“eee? Bakante na yun oh… dun na tayo.”turo ko dun sa may mesa malapit sa pinto.
“yoko nga e…”hinigit niya ako sa braso.lumabas kami ng canteen”hanap tayo ng tahimik na lugar..”
“tara sa sementeryo tayo..tahimik dun.”
“grabe ka Ara…angsaya mo ba pag tinatabla mo ako?”
^_^V—ako.
Umirap lang ito. binabagtas naming ang patungo sa octagon. Isa itong shed na hugis octagon ang bubong. Inilapag ni Mika yung bag niya at luncboxes sa may mesa.
“yan…oh de medyo tahimik…”pagmamalaki niya.
“san ang upuan?paano ako makakain ng maayos nito?”medyo tinetest ko lang naman siya kung ano ang gagawin niya.
Sumampa ito sa sementong mesa at nag-indian squat.”oh game na… huwag ka nang maghanap ng upuan… e makita mo lang ako busog ka na e..hahaha”
“utot mo…”
“BILOG???HAHAHAAHHA”
“HINDI GREEN!”ganting asar ko sa kanya.
Hindi pa man rin kami nakakaumpisang kumain ay nagring ang phone ko.
“sagutin mo na baka importante…”
Unregistered number kasi kaya sinagot ko naman.
>>> hello po?
(hello Ara..rence here…tara kain na tayo…)
>>>eh..ano…kasabay ko na si Mika e… dito kami octagon…san ba sina Cienne?
(ah ganun? I don’t know… bale tawagan ko na lang sina Vio.)
>>ok sensya na ah..bye bye…
(np..bye)
Ibunulsa ko na ulit ang cp ko. pagtingin ko kay Mika abot tainga ang ngiti nito.
“bakit?”
Umiling siya pero hindi mawala yung ngiti sa mga labi niya.
“ikaw na baliw…”sumampa ulit ako sa mesa at nag-squat.
Kumpleto ang kombyertos ah. Yun nga lang yung lunch naming pang-almulsa. Hot and egg. Parang hinintay niya akong tikman yung sunny side up egg. Kailanga nakatitig?
“masarap ba?”ngiting tanong niya.
“may dala kang toyo Moy?”kunwareng hindi kong reklamo.
“ahy matabang ba?”simangot niya.”amin na lang..ibibilhan na lang kita ng ulam sa canteen.”
“sus… huwag na..effort mo ang pinapahalagahan ko dito noh…”sabay subo ulit. Para hindi na magsimangot ang bakulaw ko. ngumiti na naman siya. Huwag na kasing panay ang ngiti. Nakakatuwan kaya. Bawi na siya sa pagsusungit niya nung umaga.
“sorry ulit ha? Puyat lang kasi ako.”
“oo na nga e…ok na yun baks…”
Ineenjoy ko pa ang pagkain ko nang dumating ang mga fratty boys ng univ. sila lang naman ang naghahari-harian sa univ na to. Mga galing rin kasi sa may kayang pamilya e. hindi na naman kasing yaman nina rence pero sapat na para katakutan ng ilang estudyante dito.
“nagkamali yata kayo ng tinambayan.”pag-uusig sa amin nung leader nila.
“hindi niyo ba alam na exclusive para sa amin to?”dagdag pa nung isa.
Bumaba si Mika sa mesa. Luminga-linga sa paligid.”wala namang nakasulat na exclusive for whatever fratty dito ah?”sarkastiko niyang sagot sa mga ito
“aba kakasa yata to master e…”tatawa-tawang sabi nung naka-jersey shirt.
Ngumisi lang yung tinatawag nilang master.”alis…”utos niya sa amin.
Para wala ng gulo kinuha ko yung bag ko.
“walang aalis…”pagmamatigas ni Mika. Muli siyang umupo at itinuloy ang pagkain. “hmmm..sarap oh..kain ka pa Ara…”
Papalit-palit ang tingin ko kay Mika at dun sa master na halantang naiinis na sa ginagawa ni mika.
Nagsmirked si Mika dun sa master.
“wanna die?!”sigaw nung master kay Mika.
Gusto ko na siyang hilain papalayo. Walo itong nakapaligod sa amin tapos makikipag-away siya> kababae niyang tao noh? Walang-wala to sa mga goons looking na to.
Tumayo na si Mika at nagpagpag ng pantalon niya. Hinigit niya ang bag. Hinawakan niya ako sa kamay ay inakala kong aalis na kami. tumigil siya sa tapat nung master. “mayabang ka lang kasi marami kang kasama… “
Halla naman Mika. Anong pumasok sa kukute mo at sinabi mo pa yun. Mas nagalit pa tuloy yung master nila. Namumula na ang muka nito.
“aba… kahit babae ka papatulan ka..”pagpipigil nung lalaki.
“game on…”matapang na paghahamon ni Mika.”its lunch break anyway… go find a place…and you gonna eat some dust…”
SAAN NATUTO NG TRASHTALKING TONG BAKULAW NA TO? NASASAPIAN BA SIYA? s**t lang ah. Tanghaling tapat masasangkot kami sa gusto. Paano na yung scholarship ko? Alangang sabihin ko na hindi ako sangkot at si Mika lang ang mapapahamak?
“sumunod kayo sa amin…”utos nung master.
Hinila ko sa braso si Mika bilang pagpigil sa kanya.
Ngumiti lang ito. parang sinasabi niyang alam niya ang ginagawa niya. Sa isang bakanteng lote malasayo sa univ kami napadpad. Ibinigay sa akin ni Mika yung bag niya.”takpan mo ang mga mata mo…”utos niya.
“Umalis na kasi tayo baks…”
“ayoko… angtagal ko nang nagtitimpi sa mga to… “hinarap niya yung master.” Now here’s the deal… pag natalo ka… hinding hindi na kayo manggugulo sa campus or kahit saang univ within the city… siguro naman malinaw sayo? I am just simply telling you to abolish your non sense gang..“
Tumawa ito ng malakas. “so sa tingin mo kaya mo ako? isang volleyball player? Anong laban mo? hindi ka ba natatakot na ma-expell?”
Napakamot sa ulo si Mika.”BAKA IKAW ANG NATATAKOT..NE HINDI KO NGA NAISIP NA MAE-EXPELL AKO E…”
Shet lang mika. Patong patong na ang galit nung lalaki sayo. Aktong susugod yung ibang fratties pero sinenyasan sila nung master na umatras.
Pumalakpak si Mika,”nice one there…”
“magpaalam ka nasa volleyball career mo Mika..”
Sumugod yung master ng suntok. Madali alng itong naiwasan ni Mika. Marunong pala talaga siya sa ganitong away? Hindi pa nakakatama yung master sa kanya. Pero maging siya ay hindi naman sumusugod. Pinagmumukha lang niyang tanga yung lalaki.
nahuli ni Mika sa braso yung master. Pinihit niya ito patalikod at napasigaw sa sakit yung master.
“ngayon ko napatunayan na puro ka lang salita… how come takot na takot sayo ang mga estudyante e kababae kong tao hindi mo ako matamaan?”
Hawak-hawak pa rin ni mika ang braso nito nan aka-twist patalikod ang itinulak niya ito patungo sa pader.
“Masakit ba ha?”
Nangingiwi na sa sakit yung master at napapasigaw na rin. “s**t… sino ka ba…!”
MIKA’s pov
Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng lalaking to. Siya yung walan awang bumugbog sa isang nerdy na estudyante ng PANPACIFIC University.
Naging saksi ang inosente kong mata sa pagdanak ng dugo at pagmamakaawa nung estudyante sa kanila pero hindi man lang sila naawa. Pinagtulungan pa rin nila ito.
Iniwan nilang halos patay na yung lalaki saka ko ito nalapitan. Agad kong tinawagan si Ate jane para humingi ng tulong. Ilang araw na nasa kritikal na kondisyon yung lalaki hanggang sa nawalan na ito ng buhay.
Alam kong hindi ko sila kaya noon dahil angbata ko pa. Hindi ko ito sinabi kay JM dahil gusto ko ako mismo ang gaganti sa mga ito.
“s**t…”napamura siya.
“two years ago… someone died because of you… naalala mo na?”inginudngod ko siya sa may pader.”hinintay ko ang pagkakataong to Arden Aquino… you and your damnshit friends… “
Nagawa niyang kumawala sa grip ko at naitulak ako. Sumugod ulit siya at natsambahan ako sa panga. Pero hindi ko pa ramdam ang sakit ngayon. Hindi ako nagpatalo. Memoryado ko ang bawat suntok at sipa na natanggap nung lalaki noon. Talent na yata naming sa pamilya yun.
Parang nawala ako sa sarili ko at panay na lang ang suntok at sipa ko sa kanya. Bawat suntok niya at sinasangga ko at bumabawi ako ng suntok. napahiga na siya sa dami ng bugbog at natamo niya.
“kulang pa…”I coldly said.
I stamp on his stomach as strong as I can. Napabaluktot ito sa sakit.
“ngayon alam mo na ang pakiramdam?”
Nilapitan si arden ng mga kasama niya. Paglingon ko sa kinaroroonan ni Ara ay para itong tulala sa lahat ng nasaksihan. Ngayon lang niya ako nakitang makipag-away. Lalapitan ko na sana siya pero hinarang ako ng tatlong ka-frat ni Arden.
“not too fast..”sabi nung isa at may hawak-hawak itong baseball bat.
“PSSSTT!”pareho-pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng sutsot.
Sina Kim, Rence, Vio at Den. Kumaway pa si Den sa mga fratties. Isa-isa niya itong itinuro.
“ Yi, Er, San, Si, Wu, Liu, Qi…”ngumiti ito.”tamang warm up..”
Magpapaka-hero pa ba ako? Siyempre hindi na anoh. Hindi ako ganung kagaling lumabas. Isa lang ang kaya ko. pag susugurin ako ng pitong natitira siguradong tiklop ako at baka hospital rin ang abot ko.
“just on time…”said Vio. She brushed her hair with her fingers.”let’s get it on..malilate ako sa klase e…”
Hindi ko na namalayang nakikipagsuntukan na rin kami. agad akong tumakbo patungo kay Ara na napapaatras na sa takot. Nang malapit na ako sa kanya ay may humawak sa balikat ko at hinatak ako paharap.
I saw his punch coming kaya naiwasan ko ito at sinipa siya sa sikmura. Potek. Malapit na ako prinsesa ko eepal pa siya?
Nahawakan ko si Aras a kaliwang kamay at hihilain ko na papalayo nang may humatak sa kanya sa kabilang direksyon. Pagtingin ko ay si Rence na mukhang nag-aalala rin.
“let go..”I coldy said.
Binitawan niya si Ara.
“tumakbo na kayo..siguradong may mga resbak to… kami na bahala… isama niyo na si Kim.”utos nung Rence.”Vio… call up Shiba Shijiu and Ershi…”
Sumunod kami sa sinabi niya. Tumakbo kami nang halos hindi na lumilingon. Nagtago kami sa gilid ng isang bakery. Hingal kabayo kaming tatlo.
“mika..utang na loob..huwag mo nang uulitin yung ginawa mo…”hinihingal na sabi ni Kim. Nakasandal kami ngayon sa pader.
“grabe… sumakit ang kamao ko.hahaha”tugon ko sa kanya.
Tahimik naman si Ara. Umupo kami at napatingala na lang. “sorry Moy..hindi na ako uulit…”
Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko. she just check on my wounds.”bili tayo ng gamot mamaya…”
“hindi ka galit?”
Umiling ito.”ipaliwanag mo na lang ang lahat pag kaya mo na…”
Hindi ko lang basta ipapaliwanag Ara. Sasabihin ko na ang lahat sayo. Ngayon pang may napatunayan akong isang mahalagang bagay. It is about time na malaman mo na ang totoo.
---