ST 24
MIKA’s POV
Pagbukas ko ng phone ko ay marami na akong natanggap na messages galing kena tito Jan. Lagot ako nito pati si Papa nagtext na rin busy pa naman yun sa mga meetings niya.
“saan ba kasi kayo galing?”pag-aalala ni ate Cha.
“Vega M…pssh. Ano bang nangyari?”
“hindi ko alam… kaka-on ko lang rin kasi ng phone ko nang tumawag si Ate Zai e… urgent daw sa jimenez general hospital.”
Halos gusto ko nang paliparin ni Manong yung taxi e para makating kami agad sa hospital. Nag-aalala rin si Kim kung ano ang nangyari. Traffic pa. s**t lang.
Bzzt bzzt bzzt…
>>>hello….
(where on earth are you?!)si jmichael yung sigaw kung sigaw.damn. am I in big trouble?
>>>papunta na pong hospital…kuya anong nangyari???
(I’ll explain it later… bilisan niyo.)
pagdating sa hospital ay nakaabang sa amin ang dalawang naka-black suit at black mask.mata lang nila ang nakikita naming.
“weird talaga”said ate Cha.
“it could be something really important… damn… anong gulo ba to.”
Tinawagan ko si Kim. Habang iginigiya kami ng mga bodyguards.
>>>hello kim..kumusta diyan?
(ok lang… nasa kwarto sila… nagkukulitan…)
Habang kausap ko si Kim ay panay lang ang pagyuko ng mga nakakasalubong namin ni Ate Cha. Angdaming guards dito. Itinuro nung isa yung vip room 15. Pinatayan ko na ng tawag si Kim at pumasok na kami sa kwarto.
“angtagal mo…”may pang-uusig na bungad sa akin ni kuya jmichael.”nag-alala kami sa inyo…”
Nag-alala? Anong nag-alala? Pagbaling ko sa nakahiga sa kama ay si JM at sa kabila naman ay si ate Jai.angadami nilang sugat sa buong katawan. Naklabenda ang ulo ni Ate Jai.
Naka-exygen si ate JM. Hilam naman sa luha ang mga mata ni ate Liam sa kalagayan ng pinsan ko.
“what happen?”
“tinambangan daw sila kaninang umaga nang papunta silang airport…”paglalahad ni Kuya Jmichael.
“e yung mga tumambang? Buhay pa sila?”sarkastiko kong tanong.
Natawa na lang si kuya jmichael.”sa kanila ka pa talaga concern ah?”
Nilapitan ko si ate Liam.”ok lang yan ate… masamang d**o yang si JM e…”
Dinagukan ako ni ate Cha.”kahit kalian Mika hindi ka marunong magcomfort..nakita mo na ngang masama ang lagay nila e…”
“alam moa ate Cha..hindi mo pa talaga kilala ang mga ito.siguradong hanggang sa panaginip ay nakikipagbugbugan pa ang mga yan…baka nga patay na yung mga tumambang sa kanila e.haha”
Pagtingin ko nga sa kamao ni ate JM ay nakakuyumos ito at parang galit na galit.
“MQ naman e…”uttered ate liam.
“hoy yhubby…gumising ka jan..gago ka..hindi pa man rin tayo kinakasal iiwan mo na ako?!”pagmamaktol ni ate Zai.
Napapailing na lang si Kuya jmichael.”maiwan ko muna kayo ditto okei? Puntahan ko lang si maam xerelyn…”saka ito lumabas.”ah by the way… dagdag ingat lang… “
So pinatawag lang kami para magbantay ditto? Akala ko pa naman kung anong emergency na ito e. “May hinala ba kayo kung sino ang may kagagawan nito?”tanong ni ate Cha.
Umiling lang si ate Zai.
“damn them…. Kung may masamang mangyari kay Jm ako ang hahunting sa kanila..matitikman nila kung paano magalit ang gangster princess..”galit na galit na sabi ni ate Liam.
“luuh… ipaubaya mo na kasi sa mga agents to ate Liam..sasali ka pa sa gulo e..mamaya ikaw pa ang mapahamak…”saway ko sa kanya.”baka kasi mga nakaway nila dati noh…”
Matalim na tingin ang ibinigay sa akin ni ate Liam,”if you don’t have any thing good to say…you better shut up…pasalamat ka at hindi ikaw ang tinambangan..hindi mo pa naman kayang ipagtanggol ang sarili mo..”
“ate… huwag kang mag-alala… kayang-kaya ko ang sarili ko noh…ako pa..reyes yata to…”pagmamalaki ko.
Nakatanggap ulit ng tawag si Ate Zai. Nagitla ito at napautingin kay ate Liam. “nasa presinto na si Rhyck at Ate May… natrace nila yung isa sa mga tumambang kena Jai…”
Napatigil lang siya nang humigpit ang hawak ni ate JM sa kamay niya.
“huwag ka na daw kasi makialam ate Liam..”komento ko.”bahala na sila dun…tingnan mo oh..kahit hindi makakilos pinipigilan ka ni JM.”
“hoy MQ… gumising ka na diyan…walang mag-aalala kena lhan at jhel..”mangiyak-ngiyak nitong sumbat kay Jm.
Baliwan lang ba ang mga to? Madalas ko naman silang makasama noon pero nawiwierduhan pa rin ako sa kanila.
Warfreak-sweet tas warfreak ulit.
Gumalaw si Ate Jai. Nagmulat ito ng mga mata.
“yhubby… musta pakiramdam mo?”hinaplos ni ate zai ang pisngi nito.
”sampu sila…”Mahina at pautal-utal ang pagsagot ni ate jai,”nakaganti naman kami..”dagdag nito,”pero parang kinuryente ang tagiliran ko…”ngumisi pa siya.”si JM… muntik mapatay yun isa…”
“sssh…huwag ka munang magsalita Jai…”saway ni Ate Zai sa kanya.
“limang sipa… limang suntok ang tumama sa mukha ko oh… nasikmuraan ako…”
Napatingin sa akin si Ate Cha. Yung tipong anong pinagsasasabi ni Jai look?
I smirked,”see? Memoryado niya ang bilang ng tumama sa kanya…”
Isang oras ng gising si ate Jai pero itong si Jm tulog pa rin. Ako ang inatasang magbantay sa kanilang dalawa habang bumibili nang makakain si Ate Cha at kausap ng doctor sina ate Liam.
“Mika…”tawag sa akin ni ate Jai.
“po?”
“musta ang mga pinsan ko? Are you taking care of them?”
Tumango ako.”Kim and I are taking care of them..dont worry…”
Ngumiti ito.”thankyou… sa ganitong pagkakataon tayo-tayo na lang ang pwedeng magtiwala sa isa’t-isa…”medyo hirap pa nitong sagot sa akin.”kayo lang ni Kim ang maasahan ko…hindi malinaw kung sino ang nasa likod nito…”
“ate… angdaming pwedeng dahilan..sa negosyo... oh baka may babae ka.hahahah”nakuha ko pa talagang magbiro.
Weak smile ang itinugon niya sa akin.”puro ka biro…hindi lang ito simpleng sitwasyon Mika…”
“lagi niyong sinasabing mag-ingat kami,,pero saan? Kanino kami mag-iingat? Ne hindi nga namin alam ang buong kwento e… hindi kami manghuhula ate na malalaman na lang naming kung kalaban ang kaharap namin oh hindi…”
“kung sa amin man nagsimula ang gulong ito..sisiguraduhin naming kami rin ang tatapos..”
Ah ewan ko sa kanila.OO na lang ako. Masekreto ang mga kaibigan ni ate JM. Sa kagustuhan nilang walang madadamay ay dumadating sa punto na sila na ang napapahamak tulad nito.
Maya-maya ay dumating si Maam xerelyn kasama and dalawang naka-black mask at hoodie jacket.
Napatigil ang mga ito nang Makita ako.
“how are you feeling Jaifer?”tanong ni maam.
“better,,,”tugon nito.”sina papa?”
“pasunod na…”sagot ni maam.bumaling ito sa akin..”mahal mo pa rin pala ang pinsan mo…”ngisi niya..
“napipilitan lang ako no…”biro ko ditto.
“jaifer..you need to stay here for a couple of days…hindi pa ba nagigising yan?”nguso ni maam kay ate JM.
Umiling ako.”baka paggising niyan may amnesia na.haha”
“that’s impossible… ihainan mo ng isang platong shanghai okay na yan agad…”tatawa-tawa niyang nilapitan si JM. Sinipat nito ang mga sigat at pasa niya,”malayo sa bituka JM…nag-iinarte ka na naman diyan…”
“maam…. Buhay pa ba yung mga suspects?”tanong ko.
“bakit? Makikisuntok ka rin?”
Umiling ako,”ikocongrats ko siya dahil nabugbog nila ng ganito kalala ang pinsan ko… pero malas pa rin nila dahil nagkamali silang buhayin pa siya…”
Hinampas ako ng marahan ni Maam sa balikat,”kahit hindi mo sabihing nararamdaman kong nag-aalala ka kay Jm at gusto mo rin sapakin yung mga yun…”
I sighed. OO. KUNG ALAM LANG NG PINSANG KONG GANGSTER NA TO. GUSTONG GUSTO KO NANG MAKAHARAP ANG MGA NANAKIT SA KANYA. ABA MATAGAL-TAGAL NA RIN AKONG HINDI NAKAKAPAGBANAT NG BUTO NOH?
“sinong kasama ni rhyck at may?”tanong ni Jai.
“nandun sina Xenia at Shi Wu… pansamantala sina Shi Liu at Shi Qi muna ang maiiwan ditto kasama niyo...”pagpapaliwanag ni maam.”mika…you need to go home… tumawag ang papa mo… huwag ka daw muna uuwi sa dorm..”
“ayoko..sa dorm ako uuwi…”pagmamatigas ko.
“pwedeng kahit ngayon lang makinig ka sa mga magulang mo?”
Umiling ako.”I am a low profile person maam… hindi ako kilala na pinsan ni JM unless iaanounce niyo sa buong mundo… hindi ko sasapitin to…”
“let it be maam…”said ate Jai.”reyes yan… lam mo naman kung gaano katigas ang ulo ng mga yan…just make it a point na nababantayan niyo sila sa univ..”
“ate Jai… huwag kang masyadong mag-alala okei? Kayang kaya namin ang mga sarili namin…kami pa…reyes-gomez-villanueva kami…”pagmamalaki ko.
“oo nga…tingnan mo rin…reyes Gomez nasa hospital…”pananabla sa akin ni maam.
Ano ba yan maam. Bumibida na nga e tatablahin mo pa.kainis ah. Napunta sa dalawang hiphoppy bodyguards ang pansin ko. “you can remove your mask..tayo tayo na lang ditto e…”
Lumapit ako at akmang tatanggalin yung hoodie nung isa nang pinigilan ako ni maam at hinawakan ang wrist ko.”their identities are need to be kept mika… huwag kang tsismosa diyan..”
“luuh…sa atin sila nagtatrabaho diba? Kailangan ko pa ring malaman kung sino sila…”
Umiling ito.”angtigas ng ulo mo ah..gusto mong makatikim nito?”inambaan niya ako ng kamao niya.
^_^v hinawi ko yung kamao niya sa mukha ko.”fine..im just joking okei?”
Tinitigan ko sa mga mata yung isa. Nginitian ko siya. At pi-nat sa balikat.”galingan mo ang pagbabantay ha?”
Hindi ito tumango or kung ano. May pagkabastos naman tong bosyguard na to samantalang yung isa yumuko pa.
Nevermind. Dumating na rin sina ate Cha at nagulat rin nang Makita tong dalawang ninja cosplayers na to.hahaha.
“wow?saan ang cosplay?”pagbibiro niya.
“hahaha..sabi ko na e..”tawa ko dito.”angkorni naman kasi ng mga outfits niyo guys…”baling ko sa dalawa. Wala pa rin silang reaksyon.
“Mika… shut up.”maam xere firmly said.
Ok fine.titigil na. nilaro-laro ko lang yung phone ko habang hinihintay sina ate Liam. nakatulog na ulit si Ate Jai. LUmabas sina maam at yung dalawang weirdo.
Naupo sa tabi ko si Ate Cha.
“sanay ka na sa ganitong kagulong buhay?”tanong niya.
I lazily lean my back on the sofa.”hindi..kasi hindi naman ganito ang buhay naming dati ate e… I mean..oo sina ate JM? Takaw gulo sila… pero mula nung nagkaroon na ng kanya-kanyang pamilya at naging abala sa negosyo umiwas na sila sa mga ganung gawain… angtagal na nung huling nasangkot sa gulo sina JM..”
Tumango-tango lang ito.”natatakot ako Mika… “
“don’t worry… kami bahala sa inyong tatlo..”pag-aasure ko sa kanya.
---
Mag-aalas tres na nang hinatid kami ni maam xere sa dorm. Hindi naman daw rin siya mapapalagay kung hindi niya kami maihahatid at masiguradong ligtas.
“Charleen… sana hindi na malaman ng mga kapatid mo kung sino at ano kami Ni xen sa pamilya niyo…”
“makakaasa po kayo maam..”tugon ni ate Cha.
“mag-iingat kayo Mika…”ulit ni maam.
“maam xere…kung ako yung kontrabida sa buhay nina ate JM..papalamigin ko muna ang sitwasyon bago ako gagawa ulit ng gulo… tingin mo ngayong may mga natrace kayong suspects itutuloy ko pa ang plano ko?magtatago muna ako noh…”pagyayabang ko dito.
“criminal mind ka talaga Mika…”ngisi ni maam.”but still be extra careful..”
“OO NA INAY…”pang-aasar ko dito.
“and one more thing… if you really care for Ara? Huwag kang masyadong maging close sa kanya…”dagdag nito.
“dahil kung gusto mong gumanti sa isang tao.. unahin mong saktan ang mga taong malapit sa kanya.”dugtong ko.”pero maam bakit si JM at JAI? Kung may galit sa kanila yung may pakana nito hindi ba dapat sina ate Liam ang puntiryahin nila?”
“si Liam sana ang pupunta sa Bacolod..pero nagpumilit si JM na siya na lang ang magcheck ng JMR hotel dun… nagpresenta naman si Jai na ihatid si JM sa airport… kaya yun.”
Sighed. Ipinikit ko ang aking mga mata. How I wish everything will be alright in just a snap of a finger.
“sinabi mo na ba kay Ara ang totoo?”tanong ni Ate Cha.
Umiling ako.”sa tingin ko mas maiging hindi na muna niya malaman… kailangan ko munang alamin kung sino si Rence…”
Tumango lang ito.
---
Sa kama ko natulog ang kambal. Si kim naman sa sala na nakatulog. Kukuha lang ako ng extrang unan at dun na rin ako sa sala matutulog.Himbing na rin ang tulog ni Ara. Inayos ko ang kumot niya.
“Moy… ikaw na ba yan?”unti-unting nagmulat ang mga mata niya.
“oo… tulog ka na ulit moy… “
“tabi tayo...”she softly said. Umusog siya para bigyan ako ng konting space.
Humiga na rin ako at tumagilid patalikod sa kanya. “tulog na Bansot…”utos ko sa kanya.
Niyakap niya ako mula sa likuran.”goodnight moy… andito naman ako… walang mang-aapi sayo.. naks… kinilig na naman yan…”nakuha pa niyang magbiro kahit antok na antok na ang boses niya.
“adik ka..tulog ka na…”
Ganun mo na ba ako kakilala Ara at kahit wala akong sinasabi nararamdaman mo na ang lungkot at takot ko ngayon?
Konting panahon muna Ara aaminin ko na sayo ang lahat. Sana mapatawad mo rin ako. I held on her hand as I close my eyes to sleep.