ST23
Mika’s pov
MOY? My Only You? LUUUH… mabilis ang paglalakad ni Ara pero agad ko siyang nahabol. “ui hintay naman MOY…”malambing kong tawag sa kanya.
“feel na feel mo naman?hahaha”
OO KAYA. Feel na feel ko Ara. Sana totoo na nga e. hays. Sabay nga kaming naglalakad pero busy naman siya sa cp niya.
“sinong katext mo moy?”usisa ko.
“uhm wala… si rence lang… nangangamusta…”
Nagpanting ang tainga ko pagkarinig ng pangalang ng impostor na yun,”bakit ka niya kinakumusta?”
“ewan? Bawal ba kamustahin ang kaibigan ha?”
Hinablot ko ang phone niya.”bawal cellphone..”
Tumigil siya sa paglalakad at nameywang.”amin na..”she seriously said,
“e ititext mo lang yung rence e…kulang pa ba ako na kasama mo?”panunumbat ko sa kanya.
“lilinawn ko Mika ha? Kaibigan ko alng si Rence… nangangamusta lang yun tao…hindi naman bawal yun diba? “
Hindi ko pa rin pinapakinggan ang explanation niya.
“Moy… huwag mo akong sanaying ganyan ka… paano na pag may totoong partners na tayo? Alangan ilalayo mo ako sa kanya if ever?”
OO.ILALAYO KITA.KIKIDNAPIN PA NO. akala mo naman papayag ako na magkaroon ka ng ibang mamahalin bukod sa akin? psssh.
“amin na yung phone ko..irereply ko lang siya then ikaw na humawak gang uwian..”
“why do you have to text her? is she that important? Ano mo ba siya?”
Tinaasan niya ako ng kilay.”kung magsalita aka nalalapit na sa style ni Rence e..nakakainis… style mo Mika..angpossessive..bahala ka nga diyan…”
Iniwan nga niya ako at binilisan ang paglalakad. Bigla akong naguilty sa inakto ko. hindi ko nga siya gf pero kung umasta ako parang pagmamay-ari ko siya.
Binilisan ko ang paglalakad para maabutan ko siya.
“moy sorry na…”hingi ko ng tawad ng nasasabayan ko na siya sa paglalakad.
“ok.amin na yung phone ko…”
Inabot ko iyon sa kanya saktong tumatawag si Rence.
Sinagot niya ito. lalayo sana ako para makapag-usap sila nang maayos pero hinawakan niya ako sa kamay.
“hello… oo.ok lang ako… sensya na… busy ako e… kasama ako si Baks ngayon… bawal cellphone e..oo..bye…”pagkababa niya ng tawag ay ibinalik niya sa akin ang phone niya.
“bakit to?”
“naku..deny ka pa..gustong gusto mo naman na sinusurrender ko phone ko sayo…kunin ko maya…”
I hate you ara. Alam na alam mo ang magpapangiti sa akin. kahit nakabitaw na siya sa kamay ko ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa mukha ko.
Angsarap lang pakinggan yun sinabi niya kay Rence na kasama niya ako. Angbabaw kong tao. Tumitingin siya ng shades.
“bagay ko ba to?”humarap siya sa akin.
Umiling ako.
Nagtry ulit siya ng isa.
Umiling ulit ako.
“e ano bang bagay sa akin?”medyo naiinis na niyang ibinalik yung shades.
Kinuha ko yung may konting yellow ang frame.”this one moy..cute cute..bahay sa dami mo oh…”
Yun na nga ang binili niya. Bibilhin ko sana para sa kanya pero sigurado naman tatanggihan niya. Pride niya maapakan e. tsk tsk.
“saan na daw sina Kim?”
“kumakain na naman daw e… sa KFC…”hinigit ko siya sa braso.
“nakakarami ka na Mika ah…chansing poreber?”
“masama ha? Date to diba? Pwede sweet…”pagpapalusot ko.
“oo na lang Mika…”ngusu niya sa akin.
Nanlalamig naman ang kamay ko yata. Todo level na ng tense feeling to.
“moy..bakit nanlalamig yata ang kamay mo?”natatawang pansin niya sa akin.
“pasmado lang yan… bilisan mo na lang maglakad..”pagsusungit ko sa kanya.
“weeeh? Bibilisan ko? oh de hindi ka na kikiligin sa kakahawak sa akin?hahahah”
Binitawan ko siya. Nakakarami na to e. lagi na lang akong sapul sa mga banat niya. Binilisan ko ang paglalakad. Aba at hindi man lang ako hinabol? Kainis. Hindi ba siya affected kahit magtampo ako sa kanya?
Nilingon ko siya at ngumiti lang ito nang nakakaloko hanggang nakalapit siya sa akin.
“yung isa diyan akala niya hahabulim ko siya.hahaha”
Wala kaming imikan. Pagkarating sa KFC ay nagtataka si Kim dahil walang umiimik sa aming dalawa.
Naupo ako sa tapat ni Fiona. Natatawa lang si Ara na kinakain yung inorder ni Kim para sa kanya.
“anong meron?”tanong ni Kim.
“yung isa kasi diyan…nagtatampo…may walk out walk out pang nalalaman…e hindi ko hinabol.hayan…”pang-aasar pa ni ara.
“what?walked out?”bulalas ni Fiona.”hahaha… naks Mika..drama mo ah.haahah. girlfriend lang?wowalk out?”
Oo na. huwag niyo na lang akong pagkaisahan okei? Kung gusto ko magwalk out may magagawa ba kayo?
“huwag mo nang asarin Ara..alam mo namang damign sumpong niyan e…”pagtatangol ni Kim sa akin.”mamaya magwalk out na naman yan.”
“naku..hindi na niya magagawa yun ate..bantay sarado ko na oh…”pagyayabang ni Ara.
Hindi nga naman kasi ako agad-agad makakalis sa kinaaupuan ko dahi nasa gilid ako.
“gusto mo?”tanong ni Ara. “subuan kita oh..hehehe”hinimay niya yung chicken.
“yoko… “simangot ko dito.
“moy oh..sige na…arte nito…”
“ayoko na kasi…”pagsusungit ko na naman.
“kayong dalawa ha? Ingat ingat rin baka isang araw hanap-hanapin niyo na lang ang isa’t-isa…”saway sa amin ni Kim.
“oo nga…”sang-ayon ni Fiona.
Tumingin lang sa akin si Ara.”yang mukhang yan? Hahapin ko?”nakakainsulto pa yung tingin niya. Pero ngumiti ito.”hindi ko hahanapin yan noh…”
“kasi hindi kita iiwan..”sabay banat ko.
“yun oh… palakpakan si Mika.hahaha”pumalakapan naman itong si Fiona.
Did Ara really blush? Napayuko kasi ito at itinuloy ang pagkain.
“whew… minsan minsan na lang babanat sapul pa..”pasimpleng komento ni Kim.”ui Fiona… banat ka rin..inggit ako e.haahaha”
Sandaling nag-isip si Fiona.”sorry CC ha… naubusan na ako e… hehe…”
ARA’s pov
Psssh. Nakabawi naman agad tong si Baks e. hindi daw ako iiwan. Hmpf. Sana nga po. Hindi mo ako iiwan moy.
Kumakain na rin si Mika. Nasa ilalim ng mesa ang kaliwang kamay ko. halla. Oh de siya na ang biglang hinawakan ito. natingin ako sa kanya.
Ngumiti itom”kain pa moy…”
Sinusubukan kong huminga nang maayos. Nakakasophocate yung feeling na hawak-hawak niya ang kamay ko.
Ordinary date lang ba talaga to? Bakit ganito siya umarte? Parang girlfriend na e. bumitawa ako sa pagkakahawak niya.
Mahirap na kasi. OO MAHIRAP NA. DAHIL KINIKILIG NA NAMAN AKO.
Nagpangalumbaba si Fiona. Ah nga pala.hindi na ako nagseselos sa kanya. Sabi kasi ng instinct ko wala siyang gusto kay Mika e.
So for now… sa akin lang siya.
BOSGH. LAKAS NG IMAGINATION.
Nabobored na yata ito at nilalaro laro lang niya yung straw sa softdrinks.“Yi . Er . San . Si . Wu . Liu . Qi . Ba . Jiu . Shi …”
Wait lang.saan ko ba yung narinig? Sounds familiar.
Inulit ulit lang niya iyon.
“anong ginagawa mo?”hindi ko na mapigilan ang sarili kong nagtanong.
“marunong ka palang mag-chinese Fiona…?”pansin ni Mika sa kanya.
“chinese yun?”ulit ko naman,
Tumango si Kim.”it’s a chinese way of counting… ganun kami magbilang sa martial arts class noon…”saka ito bumaling kay Fiona.”marunong ka talaga magchinese?”
Umiling ito.”may kaibigan lang ako noon na nagturo sa akin panu magbilang sa chinese…”
“wow… asan na siya?”
Nagshrugged lang ito ng balikat niya.”I really don’t know “
“eee?”reaksyon ko na naman.
“uhm… nung inampon siya hindi ko na siya ulit nakita… nagpromise siya na hahanapin ako pero hindi naman niya ginawa.. nakalimutan ko na nga ang itsura niya e…”
“ah okei..hanapin kaya natin?”suhestyon ko.
“hayan ka na naman sa pagiging pakialamera mo e…”saway ni Mika sa akin.
“e malay mo diba? Makita niya ulit ng kaibigan niya..diba ganda nun?reunited..cute…”pagmamalaki ko pa at parang inimagine ko yung meet up nilang dalawa.
“angpositive mo naman oh…”said fiona.
“oo naman..walang imposible noh..tingnan mo ako..i really hate someone,sobra sobra pa nga e… pero ngayong friends na kami…”
“ah… uhm… sana nga mameet ko siya ulit…”ngiti ni Fiona.
“paano na si CC?”biro ni Mika.
Ngumiti ulit si Fiona.”CC ko pa rin siya…”
Abot tainga na naman ang ngiti ni Kim. “ahy sus… kinikiig.hahaha”kantyaw ko dito.
--
Bandang 6 pm na kami nakauwi sa dorm. Si Cienne ang nagbukas ng pinto para sa amin.
“oh akala ko hindi na kayo uuwi…”
Tampo mode lang ba ito? tinapunan lang niya ng tingin si Kim saka bumalik sa panonood.
“grabe Cienne…angsaya ng date nila…”naupo ako sa tabi niya. Humiga ako at umunan sa lap niya.”itong si Kimikimi e… kung maka-CUPCAKE wagas lang..”
“ah ok…”tugon lang nito sa akin.
“naku Ara… huwag mo ng kwentuhan yan…nabored maghapon e…”saway sa akin ni Camille.”iinggitin mo lang…”
“e san ba yung tatlong bugok?”walang pakundangang pagtatanong ni Mika.
Si Camille ulit ang sumagot.”maghapon ring wala… may emergency daw e… ewan dun…”
MIKA’s pov
Bored o selos lang cienne? Hahaha.angsama ko. oh yan clingy na naman ni Ara Kay cienne. Malambing talaga si Moy. Sana sa akin lang e. ano ba yan. Tsk tsk.
Nasa kusina ako kasama si Kim.
“kayo ba talaga ni Fiona?”
Umiling lang siya.
“bakit angsweet niyo?”
“e kayo ba ni Ara?”
“hindi no..”
“e bakit angsweet niyo rin?”naggrinned siya.
“kim… yung totoo naman… you like Fiona? Hindi mo ba ramdam ang pagseselos ni Cienne?”
Kumuha ito ng tubig sa ref at naupo.”hindi e…saka kung kay VIo siya masaya de dun siya…wala sa bokabularyo ko ang ipilit ang sarili mika..alam mo yan…”
“whatever…”
Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin ay biglang pumasok si Cha at deresto sa kusina.
“mika…asan ang phone mo?”hingal nitong tanogn sa akin.
“sa bag..bakit?”
“kanina pa kita tinatawagan… we need to go… tumawag na ako ng taxi…”
Agad ring chineck ni Kim ang phone niya.then it rang. Konting sandali lang silang nag-usap.
“Mika… kayo na lang ang pumunta..maiwan ako dito…”
“sigurado ka?”tanong ni ate Cha.
Tumango lang si Kim.
Patakbo akong umakyat sa kwarto para kunin yung jacket at bag ko.
“uy baks..bakit? bakit kayo nagpapanic?”sinundan pala ako ni Ara.
“e wala… yung kaibigan ni ate cha..may kailangan sa amin…”
“e bakit tense na tense ka?may problema ba?”
Umiling ako.”balik nama kami agad pag okei na e..huwag kayong lalabas ng dorm okei? Dito lang kayo ng mga kambal?”
“mika…alam kong may mali e… pero sige… pag ayos na lahat sabihin mo sa akin ha? Ingat kayo…”
Pi-nat ko siya sa balikat. At pinisil sa pisngi.”opo… lock the doors…si Kim na bahala sa inyo dito…”then kiss her right cheek
Anglakas ng kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maintindihan. Nagawa ko pa siyang mahawakan sa kaliwang kamay.”moy… “
Ngiti lang ang tugon niya sa akin,”ok lang ang lahat moy…. Broken hearted lang yung kaibigan ni ate Cha..iinom lang kami…”
---