Chapter 31 Valerio Hindi ko alam kung ano ang aking iisipin. Ang sakit sa aking dibdib pagkatapos kong makita ang larawan na ipinakita sa akin ni Clayton ay hindi ko na maialis sa aking isipan ang itsura ni Theo at ni Dra. Kris habang magkasama ang mga ito. Niloloko lang ba ako ni Theo? Ang lahat ba ng sinabi niya sa akin ay hindi totoo? Hindi ko na alam. Ang nais ko alam ngayon ay makita siya at malaman mismo sa kaniya kung bakit silang magkasamang dalawa. Hanggang ngayon rin ay hindi niya pa ako binabati. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. “Cena, hintayin natin ang sasabihin ni Kuya Theo ha? Alam kong may dahilan siya. Kailangan nating malaman ang dahilan kung bakit magkasama sila ni Kris. Huwag ka munang mag-isip ng kung ano diyan, ha?” sabi ni Ashley sa aki

