Chapter 32 Hindi nawalan ng pag-asa si Cena nang gabing iyon kahit na patapos ang ang kanilang graudation ball. Para sa kaniya ay darating pa rin si Theo at babatiin siya ngayong espesyal na kaarawan niya. Darating pa rin ito upang batiin siya ng maligayang kaarawan ito ang isa sa mga taong inaasahan niya na babati sa kaniya sa espesyal na raw ng buhay niya. Darating siya. Babatiin niya ako. Hindi niya ako bibiguin. Theo... Patingin-tingin si Cena sa paligid. Lahat ng mga nagdaraan ay kaniyang tinitingnan umaasa siya na makikita niya ang lalakeng minamahal niya. Isa rin ito sa araw na inaabangan niya. Nais niya na maisayaw siya ni Theo ngunit hindi niya inaasahan na sa ganito mauuwi ang lahat. Sa ganitong pangyayari matatapos ang kaniyang kaarawan. Theo, dumating ka na please. “Cen

