Chapter 9 Valerio "Bakit ang tagal mo? Tinawagan ko pa si Kuya Nnyx para itanong kung nasaan ka." Akala ko nga mas magtatagal pa ako kanina. Nagtext sa akin si Ashley na sa canteen kami magkita dahil wala pa namang dumadating sa mga officers. Wala naman kasing klase ngayon, alibi ko lang iyong kanina kay Theo para makaalis na ako pero hindi pa rin niya ako pinayagan, nang makita niyang tinatawagan na ako ni Ashley ay saka lang niya ako hinayaan nang umalis. "Sorry, may dinaanan lang ako." Sabi ko pero tiningnan niya lang ako ng masama. Alam kong hindi siya naniniwala kaya nginitian ko nalang siya ng pilit. Hindi rin naman ako nakakapaglihim sa kanya dahil halos lahat sa akin ay alam niya. Sa kanya ko nasasabi lahat. "May dinaanan o may pinuntahan?" Napabuntong hininga ako bilang

