Chapter 8 W-What? "Hello Brat. Yes, She doesn't want to go with me.. no, you want to talk to her? Okay.." Iniabot sa akin ni Kuya Nnyx ang cellphone niya hindi ko kaagad ito kinuha, itinuro ko pa ang sarili ko para kumpirmahin na ako ba ang gustong makausap ng tinawagan niya. "It's Ashley, the brat." Nang marinig ko ang pangalan ni Ashley ay maiangat kong kinuha ang cellphone at itinapat sa tainga ko. "Cena!!" Inilayo ko rin nang halos mabingi na ako sa lakas ng boses niya. Nang tingnan ko si Kuya Nnyx ay nagkbit balikat lang siya. "Sumabay kana kay Kuya Nnyx, pag may ginawang hindi maganda sabihin mo agad sa akin ha? Nasa school na ako maaga ako dahil sinabay na ako nila Mama." Wala na akong nagawa kung hindi sumang-ayon kaya isinauli ko na ang cellphone kay Kuya Nnyx nang makapa

