Chapter 7
Valerio
"Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan!"
Napapikit ako ng suntukin si Dion ng kanyang ama, galit na galit ito sa nangyari. Agad na
nakarating dito ang balita ng ginawa ng kanyang anak sa paaralan. Hindi kasi ito ang unang beses na ipinatawag si Dion dahil sa may binugbog siya.
"And you, Cena! Why did you let this happen? Hindi ba at sinabi ko sa iyo na bantayan mo itong si Dion? That's why I enrolled you in the same school but what happened?!"
Nakayuko ako at kahit na gusto kong sabihin na sinubukan kong pigilan ay nanatili nalang akong tahimik. Nang maihatid ako dito sa bahay kanina ay nandito na din pala si Dion at si Konsehal, Hindi maalis sa aking isipan ang tanong ni Miguel lalo pa at nandoon si Theo. Kahit na binabawal ni Ashley ay panay pa din ang pagtatanong.
Nanatili lamang akong tahimik sa mga tanong ni Miguel at nang makuha niyang hindi ako magsasalita ay tumawa na lang siya at sinabing biro lamang iyon. Nang makapagpaalam ako sa kanila kanina ay ito ang nadatnan ko sa sala. Ang galit na mukha ni Konsehal at si Dion na nasa harap nito.
"Dad, kasalanan ko. Hindi ko napigilan ang galit ko. I will not let this happen again. Walang kasalanan si Cena, she got into accident at kasalanan ko din 'yon"
Tiningnan ako saglit ni Konsehal at napansin niya ang gasa sa ulo ko. Hindi ko na din maintindihan pa si Dion siguro ay dapat ko na siyang kausapin na huwag na niyang pakialaman ang mga taong lumalapit sa akin dahil hindi ko naman ito papansinin, ang kanina lang ay hindi naiwasan dahil sa si Alfred ang vice president at kailangan kong makisalamuha sa kanya.
"Mabuti na lamang at kaibigan ko ang Ama ni Alfred at naiintindihan niya na away bata lamang ang nangyari sa pagitan niyo. Huwag na itong mauulit Dion. I am warning you."
Ang hindi ko pagkibo ay pagsang-ayon sa lahat ng sinasabi ni Konsehal. Nang umalis ay napaupo ako a sofa na katapat ni Dion. Pagod akong tumingin sa kanya.
"I'm sorry Cena.. I was just protecting you from men who wants to-
I cut him from talking.
"Who wants to? ano Dion? Please, just let them do what they want. Kailan mo ba ako hinayaang magdesisyon para sa sarili ko sa mga ganitong bagay? I'm old enough to decide on my own."
Nakita ko ang pagiigting ng kanyang mga panga at ang talas ng kanyang mga mata. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Tumayo siya at lumapit sa akin ako naman ay napaatras mula sa pagkakaupo.
"Old enough? Celestina Natalia! you.are.just 19!"
I am 19 but he is doing something against my will. He always hurts me, siya palagi ang nasusunod sa aming dalawa.
May galit sa tono ng boses niya nang sabihin niya iyon. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya at hindi ako nagpatalo. Siguro ngayon kailangan kong maging matapang para sa sarili ko at sa mga taong nadamay na wala namang naging kasalanan.
"They didn't do anything wrong Dion! James, Mark, Dustin, Marcus and Alfred!"
Binanggit ko ang pangalan ng mga taong binugbog niya dahil sa gusto ng mga ito na mapalapit sa akin. Ganito siya kabayolente sa mga taong gustong makipagkilala o makausap ako.
"They will break your heart and I am just saving you from pain!"
Hindi ako makapaniwala na tumingin sa kanya. He is always like this everytime na kukumprontahin ko siya. He will tell that those man will just break my heart and leave me kapag nakuha na ng mga ito ang nais sa akin. Hindi niya namamalayan na ganon ang ginagawa niya.
"I don't care."
Napatuwid siya sa isinagot ko sa kanya. Nawala ang galit sa mukha niya at napalitan ng blangkong ekpresyon. Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao at natakot ako ng tingnan niya ako ng diretso sa mga mata.
"You want every boys attention huh? Cena?"
Napatayo ako upang iwasan siya nang tabanan niya ako sa braso ng mahigpit. Napaigik ako ng makaramdam ng sakit mula roon.
"B-Bitawan mo ako Dion. Nasasaktan ako!"
Hindi lumuwag ang hawak niya kundi mas humigpit pa. Nagpumiglas ako pero mas inilapit lang niya ako sa kanya.
"D-Dion please.."
Nararamdaman ko na ang hininga niya sa aking tenga kahit anong pagtulak ko sa kanya ay hindi siya natitinag. His other hand snake on my waist at dikit na dikit na ngayon ang katawan ko sa kanya.
"Fine Cena... you want all the boys attention? I will let you.. but in one condition."
Mas humigpit lalo ang yakap niya, at nang idiin niya pa ako lalo sa kanya at nang maramdaman ko ang bagay na iyon sa ibaba ay nagtubig na ang mga mata ko. I will die first before he claim me. Hindi ko hahayaan na sa mga kamay niya ako bumagsak.
"I will tell Theo that you are a whore."
Napailing ako. Magsisinungaling siya nang ganoon?
"N-Nasisiraan ka na ba? You are caging me, Dion. tapos sasabihin mong w***e ako?! are you out of your mind?" I said to him.
Hindi ko alam kung ano ang mga nais ni Dion. Hindi ko na siya maintindihan.
"Siguro nga, I am out of my mind, Cena!" Dion shouted at me.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para maitulak siya pero hindi iyon sapat para makawala ako. Nang bigla niya akong sampalin ay natumba ako. Nahilo ako sa lakas ng sampal niya at parang namanhid ang aking buong mukha.
"You are mine Celestina Natalia. Mine. tandaan mo yan."
Iyon ang mga salitang sinabi niya at iniwan na niya ako sa sala. Ang mga luha ko ay masaganang umagos, inyos ko ang aking sarili at pumanhik na sa kwarto. Ganito kahirap ang buhay ko sa mansion na ito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin at hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang tiisin si Dion at ang mga taong nagpapahirap sa akin.
Si Mama na lang ang iniintay ko para makaalis na ako dito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising kaya't hindi ko alam kung kakayanin ko pa sa mga susunod na araw.
...
Kinabukasan hindi ko naabutan si Dion dahil ang sabi ng mga katulong ay maaga daw itong pumasok sa school. Ang pagkakaalam ko ay walang klase ngayon pero kailangang makipagcooperate sa mga officers ng classroom para sa even na gaganapin next week.
"Cena ganda, nakita ko kung paano ka pagbuhatan ng kamay ni senorito kahapon."
Napatingin ko kay manang cecil nang magsalita siya. Siya ang tumayong ikalawang magulang ko dito sa mansion. Hindi siya madalas na nandirito dahil sa madalas ay sa isang bahay ni Konsehal siya namamalagi.
"Natatakot na ako para sa kaligtasan mo sa bahay na ito. Wala tayong boses hija at humihingi ako ng pasensya dahil maski ako ay hindi kita matulungan."
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-iyak. Tumayo ako at niyakap si Manang Cecil.
"Matatapos din Hija, Magigising din si Senyora Celebes mapapabuti din ang kalagayan mo."
Alam kong ang kailangan sa ngayon ay pagtitiis sa mga nangyayari at para kay Mama ay gagawin ko iyon kahit pa sobrang nahihirapan na ako.
"Salamat po Manang. Lahat naman po kakayanin ko para kay Mama dahil naniniwala po ako na magigising na siya at magiging maayos na po ang pamilya namin."
Hindi alam ni Manang Cecil ang iba pang ginagawa ni Dion at ni Mayor sa akin. Ang alam lang niya ay pinagbubuhatan ako ng kamay ng mga ito. Dati na niyang nasaksihan kung paano ako lumupagi sa sahig dahil sa sampal na inabot ko sa Mayor.
"Sige hija mag-iingat ka sa pagpasok ha? Sumaglit lamang ako dito dahil nakiusap si Antonio na ipagluto ko kayo ng agahan at ipaglinis dahil nakabakasyon ang ibang mga katulong."
Nagpasalamat ako kay Manang at agad ding tinungo ang labas. Hindi ko na sinabi sa kanya ang nangyari sa akin kahapon dahil tiyak na mag-aalala pa siya. Isa pa hindi narin na man nagdugo ang sugat ko kagabi kaya't hind ko na pinagkaabalahang lagyan ng gasa ang aking ulo.
Akala ko nung una ay kakailanganing ahitan ang parte na may sugat para malagyan ng gamot, kinabahan pa ako pero mabuti na lamang at hindi na. Isa kasi ang buhok ko sa iniingatan ko dahil gustong-gusto itong sinusuklayan ni Mama. Ma.. miss na miss na kita gumising ka na please..
Habang naglalakad ako palabas ng village ay may biglang bumusina na sasakyan sa aking likuran. Napahinto ako sa paglalakad nang huminto ang sasakyan sa tapat ko.
Bumukas ang bintana ng sasakyan at napakunot ang noo ko sa lalakeng nakashades at nakatingin sa akin.
"Good Morning Doll!"
Iyong lalake na nakabangga ko kahapon! Anong ginagawa niya dito bakit nandito siya sa village na ito?
"K-Kuya Nnyx?"
Bumaba siya sa sasakyan at nagulat ako nang humalik siya sa pisngi ko. Ang bilis! Ni hindi manlang ako nakaiwas!
"Hatid na kita sa school? Doon din ang punta ko bago ako dumiretso sa office."
Umiling ako ng sunod-sunod at napanguso naman siya. Hindi ko pa siya gaanong kilala para sumama ako sa kanya, kahit naman kilala siya ni Ashley at nila Kuya Arthur ay hindi pa rin dapat na sumama ako.
"M-Mag ji-jeep nalang po ako k-kuya."
Sabi ko at bigla naman niyang inilabas ang cellphone niya at mukhang may tinawagan siya.
"Stop calling me Kuya, Doll. I am just 5 years older than you and age doesn't matter."