Chapter 6

2440 Words
Chapter 6 Valerio "Cena! C-Cena.. wake up!" Nang idilat ko ang mga mata ko ay ang mukha ni Ashley ang una kong nakita. Mukhang nawalan ako ng malay sa lakas ng tama sa akin. "C-Cena hindi ko sinasadya.." Napabangon ako mula sa kandungan ni Ashley at napaigik nang makaramdam ng kirot sa ulo ko. Andito pa din kami sa likod ng building sa south at mukhang natakot ang mga kasama ni Dion dahil tatlo nalang kaming andito. "We need to go to the D-Doctor dumudugo ang ulo mo.." Kinapa ko ang ulo ko at tama nga si Ashley dumudugo nga, masakit ang likod ko at halos hindi ako makagalaw. "Gaano katagal na akong walang malay?" "nasa sampung minuto palang, kailangan nating humingi ng tulong kila Kuya." Nakita kong inilabas ni Ashley ang cellphone niya at nagdial. Nang akma akong tatayo ay pinigilan niya ako. "Wag ka munang gumalaw please? Masama ang tama mo Cena.. ang daming dugo, I can't even look at you-.. K-Kuya?" Natahimik ako ng marinig si Ashley, hindi na ako nagpumilit pa at sumunod na lang sa kanya sa itsura nya ay mukhang pinag-alala ko siya ng sobra ng mawalan ako ng malay. Tiningnan ko naman si Dion at nang magtama ang tingin namin ay kaagad siyang umiwas. Alam ko na hindi niya sinasadya ang nangyari sa akin dahil hindi niya alam na haharangan ko ang lalake pero mali padin ang ginawa niyang pambubugbog. "Sino y-yong lalake kanina Dion?" Napatingin siya sa akin at nang mahuli ko ang mga mata niya ay napayuko siya. "Alfred." Nanlaki ang mga mata ko sa binaggit niyang pangalan. Si Alfred? But why? Anong ginawa ni Alfred para bugbugin niya ng ganoon? Kaya pala hindi kaagad nakabalik si Alfred kanina sa meeting. Ano ang ginawa ni Alfred bakit nila ito binubugbog? "B-Bakit anong ginawa ni Alfred?" Marahas na tumingin sa akin si Dion at nakikita ko ang galit sa mga mata niya ngayon. "Ilang beses ko na siyang pinagbawalan na lumapit sayo at ngayon malalaman ko pa na tinanggap mo ang binigay ng lalakeng iyon he deserves that- Ashley slapped him. "You are sick." May galit na sabi niya kay Dion, nakaawang naman ang bibig ni Dion na mukhang hindi inaasahan ang ginawa ni Ashley. "You can't cage Cena because you like her! You can't beat every man who wants to court her because you like her! be fair to every man who admires her Dion, hindi ka na high school student! grow up!" Natakot ako ng galit na galit na tumingin si Dion kay Ashley at mukhang handa na itong makipag-away. Pinilit kong tumayo upang mapagitnaan sila at nang mapansin nilang dalawa iyon ay agad na lumapit sa akin si Dion. Pinalis ko ang kamay niya na umaalalay sa akin. "Where's Alfred?" I asked to divert the attention. "Dinala nila King sa clinic. Cena I'm sorry I didn't know na haharang ka. Ano bang ginagawa niyo kasi dito?" He said at sinamaan ng tingin si Ashley. I can't believe na lumalabas ang mga ganoong salita sa kanya pagkatapos ng ginawa niya kay Alfred ay parang siya pa itong galit. Hanggang kailan siya magiging ganito? Since high school ay nangbubully na siya hanggang ngayon pa din ay ginagawa niya ito. Kapag nalaman nanaman ni Konsehal ang nangyaring ito ay tiyak na mananagot kaming dalawa. "Ano ang pumasok sa isip mo at nanakit ka nanaman Dion?" Inilayo niya ang tingin sa akin, kahit ano pang dahilan niya ay hindi tama ang ginawa niya. Nanakit siya at hindi lang kami ang nakakaalam nito tiyak na makakarating ito sa itaas. "C-Cena Kuya Arthur is on the way, I asked for help." "What? I can bring her to the hospital." This time ay hindi na siguro nakapagpigil si Ashley, sinampal ni niya si Dion at sa lakas non ay napaatras ang huli. Nagulat ako sa ginawa niya ang mga mata ay galit na galit na nakatingin kay Dion. "Ang kapal ng mukha mong sabihin yan! Edi sana kanina ka pa kumilos hindi yung kung kailan gising na si Cena ay saka ka kikilos, ang sabihin mo naduwag ka! duwag ka!" "You b***h!" Humakbang si Dion at akmang gaganti kay Ashley. Naglakad ako at haharang sana nang makaramdam ako ng hilo nakita kong umangat na ang kamay ni Dion sa ere. "N-No! Dion!" Ngunit bago pa man lumapat ang kamao niya kay Ashley ay ang galit na mukha ni Miguel ang nakita ko. Taban-taban niya ang kamao ni Dion sa ere na handa na sanang tumama kay Ashley. "Try to hurt her and you'll die." May banta sa boses ni Miguel. Ngayon ko lang nakita ang galit niyang itsura dahil sa tuwing makikita ko siya ay inaasar niya si Ashley at palagi siyang nakangiti. "Bitawan mo ko!" Nakita ko patulak na binitawan ni Miguel si Dion kaya bagsak ito sa lupa. Agad namang nilapitan ni Miguel si Ashley na umiiyak pa rin. "Hurry, we need to bring Cena in the hospital please help us.." Napatingin sa akin si Miguel at nakikita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha, tatabanan na sana niya ako ng itulak siya ni Dion at humarang sa pagitan namin. "What the fck? Can't you see how bad her condition?" Galit na sigaw ni Miguel kay Dion. Sasagot palang sana ako ng bigla kong maramdaman na umangat ako sa ere. Napaawang ang labi ko at napakapit sa taong bumuhat sa akin. "A-Anong.." Sa isang iglap ay nasa sahig na si Dion at taban-taban ang panga na tinamaan. "Wake up. Baka natutulog ka pa." Kuya Arthur punched him, nang mag-angat ako ng tingin sa taong bumuhat sa akin ay nakita ko ang blangko nitong mukha. "T-Theo..." sabi ko habang nakatingin sa kaniya. "Let's go Arthur." He said habang buhat ako, wala na akong narinig pa kay Dion na pagpoprotesta. Naririnig ko pa rin ang iyak ni Ashley at ang pagpapatahan ni Miguel dito si Kuya Arthur naman ay may kinakausap na lalakeng hindi pamilyar sa akin. Umangat ang tingin ko kay Theo at napanguso ako dahil walang ka emoemosyon ang mukha niya. "S-Sa clinic ba tayo?" Nang hindi siya kumibo sa tanong ko ay mas nangamba ako. Nakikita ko ang paggalaw-galaw ng panga niya na parang may pinipigilan siyang sabihin. "Anong nangyari kay Cena?" "Bakit siya buhat-buhat ni Altheo?" Nagtago ako sa dibdib ni Theo nang marinig ko ang sinasabi ng mga estudyante na nadadaanan namin. Tiyak na issue nanaman ito lalo na at maraming nagkakagustong babae kay Theo. "C-Cena don't sleep ha? Please.." Nakalabas na kami ng school at nasa parking lot na kami, Nagpaiwan si Kuya Arthur sa school para ireport ang nangyari. Hindi ko na sana gustong maireport pa pero gusto ni Kuya Arthur na managot ang mga amy kagagawan na ito. Ngayon ay katabi ko sa Ashley sa likod habang si Miguel naman ang nagdadrive. "What exactly happpened Ash?" May galit sa tanong ni Miguel. Gumawi ang tingin ko kay Theo at kahit hindi ko nakikita ang muka niya ay alam kong hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon doon. "We just heard that may binubugbog naanaman ang step brother ni Cena that's why we got there to stop sana but.. this.. happened" Nanginginig ang kamay ni Ashley kaya't hinawakan ko iyon at nginitian ko siya. I mouthed "I'm okay" pinunasan niya ang mga luha niya at maiangat akong pinahiga sa kandungan niya napapikit ako dahil sa antok na nararamdaman ko. "We are in a meeting when you called Ashley." Ang lamig ng boses ni Theo ang nagpadilat sa akin. Galit siya. Masasabi kong galit siya. "Arthur called Miguel because he's near, you know that there was trouble why did you get yourselves into?" He is mad. "H-Hindi namin ine-expect na hahantong sa ganito. We go there to stop Dion b-but.." Bumangon ako mula sa kandungan ni Ashley. Ako ang may kasalanan, nagpadalos-dalos ako at hindi ko inisip ang ginawa ko. "K-Kasalanan ko po. S-Sorry." Wala nang nagsalita pa at naging tahimik ang byahe namin hanggang sa makarating kami sa hospital. "Altheo? What happened?" Yung babae kaninang umaga.. Siya 'yon. "Hi Kris, she need to be treated nagkaroon ng aksidente sa school." Si Miguel ang sumagot. Napayuko ako at biglang nanliit sa aking sarili. Model na Doctor pa? Bagay na bagay sila ni Theo. "Oh, hurry ako na ang titingin sa kanya." Tinabanan ako nito sa siko at naglakad na kami. Nakasunod naman sa amin sina Miguel Ashley at si Theo na blangko pa rin ang mukha. Nakaramdam ako ng hiya dahil naabala ko pa sila. At mukhang umalis pa sila sa meeting dahil nabanggit niya na nasa kalagitanaan sila ng meeting ng tumawag sa Ashley. Nang matapos akong gawan ng mga test at malinis ang mga sugat ko ay umalis si Miguel at Ashley para ayusin ang bill ko. Si Doktora naman ay kinuha ang x-ray ko kaya't kami nalang ni Theo ang naiwan dito sa kwarto. Nakahalukipkip siya at nakatingin sa malayo, nakakunot ang kanyang noo at makikita mong wala siya sa mood. Kahit kanina pa kami magkakasama ay hindi ko pa nakikitang tiningnan niya ako, parang ayaw niya akong tingnan. "S-Sorry. Hindi k-ko gustong maabala kayo." Lakas loob kong sinabi. Nakayuko ako at handa na sanang mapagalitan niya ng bigla siyang tumayo. Napaangat ako ng tingin sa kanya na ngayon ay nasa harap ko na pala. Kagat-kagat niya ang labi at taas baba ang kanyang dibdib habang nakatingin sa akin. Hindi ko inaasahan ang sunod niya ginawa. Maingat niya akong itinayo at niyakap. "I am worried. We are in the middle of our meeting when Ashley called and said you got into accident and that you were unconcious." Mas humigpit ang yakap niya sa akin. ako naman ay hindi ko alam ang gagawin dahil sa gulat. "Can you be more careful next time? Please?" Ang  bawat salita niya sa akin ngayon ay maingat at para bang isang maling salita mula sa kanya ay hindi mapapalagpas. Napalunok ako ng maramdaman kong may bagay na dumampi sa aking sintido.. "Don't scare me like that.." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nang bitawan niya ako ay nakatingin lang ako sa kanya na para bang may kakaiba sa kanya. Talaga bang niyakap niya ako? "H-Hindi ba girlfriend mo si D-Doktora?" Shit, Bakit iyon ang nasabi ko? Hindi na talaga ako nakakapag-isip ng maayos kapag nakakaharap ko siya. "Baby, where did you get that?" May amusement sa tono ng boses niya, sasagot palang sana ako ng bigla nang dumating si Doktora, kasunod niya na din sila Ashley. "Pwede na din siyang makauwi para magpahinga, she needs to take pain relievers for her back dahil nagkaroon siya doon ng mga pasa." "Be careful next time okay?" Ang bait niya. Bagay na bagay talaga sila ni Theo. "S-Salamat po, Doktora." Sabi ko, hindi ko mapigilang hindi humanga sa kanya dahil sa mas maganda siya sa malapitan at ang kinis niya. "Thank you Kris." Theo said. Napaatraas ako ng humakbang si Doktora palapit kay Theo, tumingkayad ito at hinalikan ang huli sa labi. Narinig ko ang pagsinghap ni Ashley at nakita ko ang pag-iling ni Miguel. Ako man ay nagulat din, bahagyang kumirot ang nasa loob ng aking dibdib. "Thank you kanina Mikhail, nabalitaan kong na-late ka sa first subject dahil sa pagsama sa akin." M-Mikhail? Eto nanaman yung kabog ng dibdib ko. Ang lakas nanaman. Pero itong nararamdaman ko may kasamang kirot. Di ba pwedeng kapag silang dalawa na lang saka niya ginawa 'yon? "Okay, okay. Cena needs to take a rest. Mauna na kami Kris ha, thank you." Pag interrupt ni Miguel. Tiningnan naman ako ni Doktora at nginitian. Kung kanina ay nagagandahan pa ako sa kanya pero ngayon ay iba na ang tingin ko. "Mag-iingat kayo." Nang makalabas kami sa ospital ay bubulong-bulong si Ashley. "Ang bulgar bulgar naman niya! Akala ko ay modelo lang doktor din pala! mukhang siya ang karibal mo Cena!" Binawal ko siya dahil baka may makarinig sa kanya. Kahit naman na ginawa niya iyon sa harap namin ay wala naman atang.. problema hindi rin naman siya binawal ni Theo, Nang tingnan ko ang huli ay wala namang naging reasksyon sa nangyari. "Totoo naman!" "Baka nililigawan siya ni Theo." Bulong ko kay Ashley. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at akala ko ay sasalungatin niya iyon pero iba ang sinabi niya. "Theo? hindi Kuya Theo?" Kinurot ko sa tagliran si Ashley kaya napahagikgik siya. Buti nalang at nauna na sa amin si Miguel at Theo kaya hindi kami naririnig ng mga ito. "Diretso na ba tayo sa bahay niyo Cena?" Miguel asked at tumango lang ako sa kanya. "What if andon na din si Dion?" May pag-aalala sa boses ni Ashley nang itanong iyon. Hindi naman ako sasaktan ni Dion. Ang kanina ay aksidente at alam kong wala siyang gagawing hindi maganda ngayon.  "Cena.." "S-Sa bahay na lang. Ayos lang ako. H-Hindi naman ako sasaktan ni Dion." Nakita kong umiwas ng tingin si Theo nauna siyang sumakay sa sasakyan kaya sumunod nadin kami. Habang nasa daan ay walang nagsasalita ng basagin ni Miguel ang katahimikan. "Your step brother was so overprotective huh? Cena?" Napalunok ako sa klase ng tanong niya sa akin. Alam kong maraming nakakapansin non at nagtatanong lalo na ang mga kaklase kong babae, they find it cute because they thought Dion was being a sweet brother who wants to protect his sister from men.  Hindi ako kumikibo sa tuwing magsisimula silang magtanong kay Dion, wala din akong lakas ng loob na sagutin iyon dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin sa kanila. "But you're not related by blood.. right?" Parang alam ko na ang nasa isip ni Miguel sa klase ng mga tanong niya. Hindi napapansin ng iba dahil ang nasa isip nila ay mahigpit si Dion dahil ayaw nitong masaktan ako sa kamay ng lalakeng magugustuhan ko, hindi ganoon, Hindi mahigpit sa akin si Dion because he cares for me as his step sister, mahigpit siya sa isa pang dahilan. Ashley knows that. She's my bestfriend since high school and she knows everything. Wala akong inililihim sa kanya. Kahit ang nararanasan ko sa mansion ay sinasabi ko sa kanya. "I also heard that your Mother was in coma for a year, at hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Sa bahay ka ng mga De Vera nakatira right? with that bastard." Napalunok ako at kinabahan, kinakabahan sa susunod niya pang sasabihin.  "M-Miguel." Pag-awat ni Ashley. Huminto ang sasakyan at nang mapatingin ako sa labas ay nasa tapat na kami ng mansion ng mga De Vera. Bumalik ang tingin ko kay Miguel nang muli siyang magsalita. "Tell me Cena..." "Miguel stop!" "Does your step brother like you? not just a sister... but as a woman?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD