Chapter 14 Valerio Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari sa kitchen nila Ashely, nagpapasalamat na lang ako at wala ang ni isang nagawi sa loob ng bahay kung hindi ay tiyak na huli kaming dalawa ni Theo. He didn't want to let go of me kahit pa nang malakas ko nang naririnig ang paghahanap sa akin ni Ashely. He said he doesn't care kahit pa mahuli kaming dalawa na magkasama I remember what he said to me at hindi ko talaga maiwasang hindi mapangiti dahil doon. "Are you ashamed? Nahihiya ka ba at natatakot na makita nila na kasama ako?" Sino ang mahihiya na makitang kasama siya? His physical features scream so loud at kahit na hindi siya magsalita o magpapansin ay kapansin-pansin naman siya. He is like a God in greek mythology and I am just one of his servants. "

