Valerio Sinundan ko ng tingin si Theo, pinilit kong pigilin ang luha na nagbabadya nang mahulog. Hindi ko akalain na hindi pa nakakalipas ang isang araw pero ganito na pala kahirap yung gagawin ko. "Cena, hindi ko alam na pupunta sila dito." Bulong sa akin ni Ashley, Nginitian ko lamang siya. Alam ko naman dahil magkasama kami buong araw, hindi rin nabanggit ni Tita Asha na ang mga kabarkada pala ni Kuya Arthur ang bisita nila. "San pupunta yun? bakit biglang umalis?" Narinig kong tanong ni Miguel kay Kuya Arthur, nagkibit balikat lamang ang huli. Nang dumiretso kami sa buffet ay nilapitan ako ni Kuya Nnyx. "Doll! Nandito ka pala." Isang tipid na ngiti ang isinagot ko kay Kuya Nnyx. Iginala kong muli ang mata ko para hanapin si Theo pero wala na siya. Ito naman ang gusto ko di ba?

