Ashley Kahit ilang beses kong sabihin kay Miguel na hindi ko alam kung sino ang nagpadala ng bulaklak ayaw niya pa rin sa akin na maniwala. Ngayon ay nandito kami sa likod ng bahay sa may kubo dahil nais na naman niya itong pag-usapan. Naiinis na ako at hindi siya naniniwala. Akala ba niya nagsisinungaling ako? Kainis. Hindi ko rin naman inaasahan yung pagpapadala ng bulaklak, 'no? Saka isa pa wala talaga akong kaide-ideya kung sino ang nagpadala non. Like, hello? Ito nga ang unang beses na makatanggap ako ng bulaklak sa iba na sinasahing secret admirer ko sila. "Hindi ako mangungulit, Ashley ng ganito kung-- Sinamaan ko siya ng tingin kaya napatigil siya sa pagsasalita. Napabuntong hininga siya at pagkatapos ay naglakas palapit sa akin pero tumalikod ako at lumayo sa kaniya. Ang n

