Chapter 37 “He’s okay now, Cena. Nagpapahinga na siya, maaari mo siyang makausap bukas.” Mahigpit ang naging pagtaban ko sa cellphone ko habang kausap ko si Kuya Arthur. Sinabihan na nila ako na maayos na ang kalagayan ni Theo at wala na akong dapat pang ikapangamba. Nagpapasalamat ako dahil nariyan sila para tumulong. “Salamat naman, Kuya Arthur. Hindi biro ang pagdurugo ng kaniyang tagliran. Alam ninyo ba kung ano ang nangyari sa kaniya, kuya?” tanong ko. Hindi kaagad nakasagot si Kuya Arthur sa kabilang linya, hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging tahimik. Nang may marinig akong boses sa kabilang linya ay mukhang ipinasa niya iyon sa iba. “Si Miguel ito, Cena, huwag kang mag-alala, paggising ni Theo ay siya na ang magsasabi sa iyo. Sa ngayon kasi ay wala kami sa posisyon

