Chapter 38 Kinabukasan maaga akong nagising, ilang oras lang ang naging tulog kakaisip sa kalagayan ni Theo. Hindi na rin ako nakatanggap pa ng tawag kay Kuya Arthur noong nakausap ko si Theo. Saglita ko lang din siyang nakausap dahil pinagbigyan lamang siya ni Kuya Arthur na tawagan ako upang sabihin na maayos na ang kalagayan niya. Kahit naman na narinig ko mismo kay Theo na mabuti na ang lagay niya ay hindi pa rin ako mapakali. “Labas tayo ngayon?” tanong sa akin ni Ashley. Sabado at narito lang kami sa kwarto niya. Kakabangon lang niya sa higaan at gulo-gulo pa ang kaniyang buhok. Kumakamot pa siya sa kaniyang pisngi. “Saan tayo pupunta?” Hindi kaagad siya nakasagot, kinuha lang niya ang cellphone niya. Naupo naman ako sa sofa sa kwarto ni Ashley at tiningnan ko rin ang ce

