Chapter 39 “Cena, ayos ka lang ba?” Ngumiti ako kay Ashley, nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Narito kami ngayon sa kitchen at naghahanda ng mga pagkain para kina Kuya Arthur. Sinabi ko din kay Ashley kanina na gusto kong ipagluto si Theo ng lugaw para makakain naman ito dahil tiyak na bawal pa dito ang mga solid foods. “Okay lang ako. Mas okay na ako ngayon kumpara sa kagabi. Mas nakakatakot iyong kagabi dahil akala ko ay kung napaano na si Theo.” Tumango siya sa akin pagkatapos ay muli niyang hinarap ang piniprito niya. “Kasi tinanong ko din si Miguel kung ano ba talaga ang nangyari katy Kuya Theo pero ang sinabi niya lang sa akin ay huwag na rin akong mag-alala dahil mabuti na ang kalagayan nito. Nang subukin ko ulit na itanong ay iniba naman ni Miguel ang usapan. Para ba

