Chapter 16

1801 Words
Chapter 16 Dead "Damn!, nasan ang doctor dito?" sigaw ko habang patakbong tinutulak ang stretcher kung saan nakahiga si Ethan, marami ng dugo ang nawala sa kanya. Bigla namang may lumapit na babaeng doctor at agad niyang inasikaso si Ethan, pinasok na nila si Ethan sa loob ng OR, pagod akong umupo sa waiting area, hindi ko alam kong ano ang gagawin ko kung sakaling mawala si Ethan. "Giza, tama na ang kakaiyak, kawawa ang bata." Tumingala ako kay Fire. Kita kong nahihirapan din siya sa sitwasyon namin. "Ano ba ang nangyari kanina? Bat nag ka ganun?" "Isa yun sa mga kalaban niya, Giza, at hindi namin inaasahan na tatambangan nila kayo, pero wag kang mag alala, magiging maayos din ang lagay niya." Tumango ako sa sinabi niya, pero gusto ko rin namang makasiguro na magiging ayos si Ethan, kaya naman nag paalam ako sa kanila na pupunta lang sa chapel na nadaanan namin kanina. Hindi pwedeng umasa lang ako sa mga doctor na umaasikaso sa kanya, kailangan kong humingi ng tulong ng puong may kapal para sa maayos na operasiyon. "Please, save my Ethan." Lumuhod ako at pinagsiklop ko ang mga daliri ko. " Alam ko na may mga kasalanan siyang nagawa, pero sana iligtas niyo po siya, may reason naman yung mga ginagawa niya, pero sana bigyan niyo pa siya ng pagkakataon na makasama namin siya, please Lord, God." Tinitigan ko ang harap ng chapel at hinayaan ang sarili na manatili dun. Ilang oras akong nanatili dun, hanggang sa sinundo na ako ni Callie, agad akong lumapit sa kanya at natanong. "Ano? Ano ang lagay niya Callie? Maayos lang ba siya?" Isang iling lang ang natanggap ko mula sa kanya, kita ko ang mga luhang lumandas sa kanyang mata. "NO! NO! NO! CALLIE! Di-diba, nag j-j-j-j-joke ka lang? Hindi siya pwedeng mamatay Callie." Pero iling at mahigpit na yakap ang natanggap ko sa kanya. Mabilis akong kumawala sa yakap niya at tinakbo ko ang pagitan ng OR sa posisyon ko. Naabutan ko na lamang silang tulala at umiiyak, kausap ng doctor si Ice kaya naman agad akong lumapit sa doctor at mahigpit siyang hinawakan sa balikat. "Hindi ba, buhay pa siya? Hindi ba nag kamali ka lang? O baka naman di mo ginawa ang lahat para lang maligtas si Ethan!?" Pilit akong nilalayo nila Fire sa doctor pero nag pupumiglas lang ako. "I'm sorry, Ms, Miller, pero wala na--------". "Tangina! PANO SIYA MAMATAY? HUH? DOCTOR KABA TALAGA?" sigaw ko sa kanya, "TABI!" hinabig ko silang lahat at akmang papasok ako sa loob para tingnan kong totoo ba ang lahat ng maramdaman kong may tinurok sa akin. Nanghina ang mga tuhod ko at nanlabo ang mga mata ko, hanggang sa nawalan na ako ng malay. "I'm sorry, Giza." TWO WEEKS LATER "Giza, pakiusap kumain kana. Kahapon pa walang laman yang tiyan mo." Huminga ako ng malalim at tiningnan si Ice na nag dala sa akin ng pagkain. "I-I don't want to e-eat." Mahina kong sabi. Hanggang ngayun di ko pa rin matanggap na wala na siya. Wala na ang taong mahal na mahal ko. Wala na yung taong nag bibigay ngite sa akin. Hindi ko mapigilan ang mga luhang nag landas nanaman sa pisnge ko. Kailan ba mauubos tong luhang to? Kailan ko ba matatanggap na wala na ang taong mahal ko? Sana, sana di ko na lang siya sinunod, sana kung marunong lang ako makipag laban sana hindi siya nawala, kung sana di lang ako pabigat sa kanya. Nilapag naman ni Ice ang try na may lamang pag kain sa Side table ng kwarto namin ni Ethan at maharan siyang umupo. Kaya naman mag kaharap kaming dalawa. "Giza, kailangan mong kumain ok? Bukas na ang pag Crimate ng katawan ni Ethan." Marahan niyang sabi ngunit nandun pa rin ang malamig niyang boses. Tradition na ng pamilya Blackfox ang mag crimate ng katawan, kung ako sana ang masusunod? Ayaw kong icremate ng katawan niya. Pero wala akong choice dahil yun talaga ang tradition. "H-hindi ko pa kaya, Ice. Ayuko pang tanggapin na nawala na siya." "Tanggapin mo lang, tanggapin mong wala na siya. Sayo rin yun eh, anu namang magagawa ng pag kukulong mo dito? Kahit kami rin naman ay nasasaktan sa pag kawala niya at isa pa malaking kawalan yun sa buong organization." Bumuntong hinga siya at marahas na ginulo ang kanyang buhok. "Gusto namin, siyang ipag higanti, pero wala kaming lead kung sino o anung organization sila. At isa pa, kailangan mo pa kami." Napayuko ako dahil sa sinabi niya, isa nga akong pabigat sa kanila, imbes na pinag hihigante na nila ang Boss nila pero heto sila, inaalagaan ako. Hindi ko alam kung tama ba ang disisyon ko? Di ko alam kung gusto ko bang pasukin ang mundo nila. Kailangan ko na ng matinding insayo at pag plano kung panu ko papabagsakin ang mga taong nasa likod ng pag patay sa taong mahal ko. I want to take my revenge. "I want to handle the whole organization." Matapang kung sabi. "No. You can't. Hindi mo pwedeng gawin yan, buntis ka at wala kang alam sa mundo namin." Umiling ako sa sinabi niya, time can wait. And I want to take my f*****g revenge to them. "They can wait, and isa pa, manganganak naman ako, at pwede niyo akong itrain ng dalawang taon." Gusto ko ng pumasok sa mundong ginagalawan niya. At gusto kong ako mismo ang papatay sa taong pumatay sa kanya. I will going to kill them. ONE BY ONE. Naka suot ako ng puting bestida at flat shoe, sa dalawang linggo ko dito sa kwarto ngayun lang ako lalabas dito. Hindi ko kayang tingnan lahat ng taong umaasa sa kanya, at alam kong ako ang sinisisi nila sa pag kawala ng boss nila. Wag silang mag aalala, ako mismo ang mag hihigante para sa kanya. Hindi lang kayo ang nawalan pati na rin ako at ang batang nasa sinapupunan ko. Marahan kong hinawakan ang tiyan ko, at pinakiramdam ang anak naming dalawa. Baby, dyan ka lang kay mommy ok? wag kang maalala. We will going to drag them down. One by ONE! Unahin natin ang Organization na meron sila. Tumingin ako sa salamin, namamaga pa rin ang mata ko, at meron pa ring benta ang ulo ko. Kinuha ko ang red lipstick at nilagyan ang labi kong namumutla, this day? New Gizashea Miller is born! Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko naman sila Callie at iba pa, ngayun kasi ang pag crimate ng katawan ni Ethan. Sinuot ko ang shade ko at nauna ng lumabas ng mansiyon. Sumakay na ako sa limousine na nakaparada sa labas ng mansiyon, pinag bukasan naman ako ng pinto ni Cloud. Pumasok na ako ganun din ang iba pa. "Sigurado kana sa desisyon mo? Huh? Giza?" Napatingin ako kay Callie ng mag salita siya, nasabi na rin siguro ni Ice yung pinag usapan namin. Bumuntong hininga ako at tumango. "I want to take my revenge to them, Pero hindi pa sa ngayun, pero sa tamang panahon." Hindi ko hinayaan na makitaan nila ako takot o Pangamba, gusto kong makita nila na determinado ako, gusto kong makita nila na hindi dapat imamaliit ang isang tulad ko. "Ok, then, Pag katapos mong manganak, I tretrain ka namin at pag katapos nun, we will going to introduce you as the New Queen of the whole Empire of BlackFox Organization." Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Pero this is it, wala ng atrasan to. Huminto ang sinasakyan namin sa di pamilyar na lugar. Lumabas na kami ng sasakyan at bumungad sa akin ang karagatan, hindi ko to napansin dahil sa kabila ako nakatingin. Hindi ko alam kung saan ang lugar na to. "Ito ang lugar kung saan Tinapon ang abo ng katawan ng magulang niya. Ito rin ang lugar na gustong-gusto ng magulang niya, kaya naman nag patayo siya ng resthouse dito." Napatingin ako sa isang puting bahay na nakatayo di kalayuan sa amin. "At yan? Wala pwedeng pumasok dyan, hanggat walang pahintulot niya at ang bahay na yan ay may code, walang pakakapasok diyan kahit isa, dahil siya lang ata ang may alam ng code sa bahay na yan." Code? "Ipanu yan? wala na siya? Sino ang mag lilinis niyan?" Takang tanung ko, kung may code ang bahay na yan, sino ang papasok para mag linis diyan? Nag kibit balikat na lamang siya. "Let's go?" Napatingin ako kay Cloud ng mag salita siya. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya, habang palalayo sa lugar na yun ay may humahatak sa akin na lumingon dun, kaya naman linigon ko yun. Naningkit ang mata ko ng may makita akong anino sa bahay. "Callie nay tao sa loob ng bahay!" Nilingon ko silang lahat at tumingin ulit sa bahay pero wala na ang anino dun. "Huh? Wala naman ah?" Takang tanung ni Callie, pero umiling ako, nakita ko, merong anino dun. Nakita ng dalawang mata ko! "Meron, Callie, at nakita yun ng dalawang mata ko." "Baka nag iimagine ka lang, walang pwedeng pumasok dyan dahil may code ang bahay na yan at isa pa si bossing lang ang may alam ng code ng bahay na yan." Tumango ako sa sinabi niya, pero di pa rin ako naniniwala sa kanya, dahil nakita ng dalawang mata ko na may anino dun, at kapag may anino ng tao? Syempre may tao sa loob. Sumunod na lang ako sa kanila papunta sa Yatch na naka tambay sa dalampasigan. Tinanggal ko ang flat shoes na suot ko ganun din ang ginawa ng iba. Hindi ko na kailangan itaas ang dress ko dahil above the knee lang naman yun, ay hindi naman umabot sa tuhod ang tubig dagat. Inalalayan ako ni Callie na makaakyat sa yatch. Ng maka upo ako ay nakita ko ang puting marmol kung saan nakalagay ang abong katawan ni Ethan, kinuha ko ito ay hinaplos. Baby, I hope your ok now. Pinilit ko ang sarili kong wag umiyak pero hindi nag papigil ang mga luhang nag landas sa pisnge ko. Hindi naman ako pinakialaman ng iba dahil alam naman siguro nilang nasasaktan ako. Tumigil ang yatch sa gitna ng dagat, lahat kami ay bumama sa Lower deck kung saan isasaboy namin ang abo. Kami at iba pang mahahalagang tauhan lang ang nandito dahil hindi daw pwedeng malaman ng ibang organization na nawalan sila ng boss dahil malaking kawalan yun sa buong empire kaya naman pumayag din ako. Ayuko kasing makita yung galit nila sa akin, at alam ko sa sarili kong ako, ako ang may kasalanan. Ng matapos ang seremonya ay binuksan ko na ang marmol na lalagyan at kumuha ng abo dun. "Ethan, I love you, and I will make them suffer, I will going to drag them down One by One! And that's a promise to you baby, Remeber this, I love you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD